NAKASIMANGOT si Agatha habang nasa harapan ng kaniyang laptop. Nabuburyo na naman siya ngayong araw at gusto niya sanang imbitahan sina Shane at Kattie sa kanilang villa, pero alam niya namang magdudulot lang ‘yon ng argumento at napapagod na siya.
She wants some peace today.
Naiisip niya ring lumabas ngunit wala namang mapuntahan, kaya ngayon ay nililibang niya na lamang ang sarili sa pag-o-online shopping, at hindi niya ba naman alam kung bakit doon siya nagtitingin sa mga furnitures, mga dekorasyon sa condo unit, magandang mga kagamitan sa kusina, at kung ano-ano pa.
Tuwing naiisip niya ang sinabi ng kaniyang daddy na nakahanap na ito ng mapapangasawa niya, parang gusto niyang diinan ang bawat pag-add to cart sa mga iyon. Baka mauna pa siyang lumayas at mag-alsabalutan kaysa sundin ang gusto nito.
Ngunit sa kabilang banda, para siyang pinanghihinaan ng loob. Alam niya naman kasi ang ibig sabihin niyon, gusto na ng kaniyang daddy na lumagay sa tahimik ang villa, tulad ng iniisip nito, na mangyayari lamang kung mapaghihiwalay na sila nina Rosalina.
Kung mawawala na siya sa pamamahay na ito.
Hindi niya alam kung ano ang makakapigil sa kaniyang daddy sa desisyon nito. Pakiramdam niya kasi ay itutuloy pa rin nito iyon. May ugali rin kasi itong istrikto na ang sinabi nito ay gagawin. But she’s hoping that he’ll be able to think about it again.
Dahil kung hindi, kung ipipilit pa rin nito iyon, hindi niya na alam ang kaniyang gagawin. Ayaw niya rin namang umalis sa totoo lang, dahil alam niyang tatamasahin nina Rosalina ang mga pinundar ng mga magulang niya.
At wala rin siyang tiwala sa dalawang iyon. Hindi magtatagal, pagsisisihan ng daddy niya na pinili nito ang dalawa. Because in the end, those kind of people will instantly disappear the moment her father has no use anymore.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bigla na lamang umilaw ang kaniyang cellphone. Napaangat ang kaniyang kilay nang makita ang isang pamilyar na pangalan doon. It was a new text.
Hindi niya na sana iyon papansinin. Pinalipas niya ang ilang minuto habang nagpatuloy sa ginagawa, ngunit hindi niya rin alam kung bakit hindi niya matiis na hindi iyon tingnan. She sighed sharply bago muling dinampot ang cellphone at tiningnan iyon.
“What the hell does he need again?”
Binuksan niya ang message at hindi nga siya nagkamali.
Scammer Don’t Reply:
Inaayos ko na ang motor ko, kahit naisahan mo na naman ako.
Scammer Don’t Reply:
Binayaran ko ang bill natin. Hindi mo sinabing date pala nating dalawa ‘yon.
May smirk emoji na naman iyon sa dulo. Huminga nang malalim si Agatha. He’s still at it. Bakit ba hindi na lang siya nito tantanan?!
Agatha Ruth:
Well, thanks I guess?
Agatha Ruth:
Bakit ba kailangan mo pa iyang i-message? Can’t you leave me alone?
Tulad noong nakaraan ay mabilis ulit itong nag-reply. It was night then, ngayon ay mainit pa ang araw sa labas. Ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng lalaking iyon at napakarami nitong oras?
Scammer Don’t Reply:
Naks, walang exclamation point. Tsk. Harap ka muna sa salamin, baka nai-inlove ka na sa ‘kin, Miss Greenminded.
Agad dumiin ang pagtipa ni Agatha.
Agatha Ruth:
CAN’T YOU LEAVE ME ALONE?!!!
Capslock na iyon at maraming exclamation point para dama. Baka may maiisip na naman na pambubwisit ang lalaking iyon.
Scammer Don’t Reply:
Nice. Tatlong exclamation point. I love you ba ‘yan o I miss you? :)
Napabusangot na lamang siya, hindi nga nagkamali sa andar ng isipan nito. He’s really annoying. Feelingero ito porket gwapo, akala naman nito ay magugustuhan niya ito!
FYI, he’s not her type. Mukha naman type ito ni Jasmine. No wonder because that ugly witch has no taste, anyway. Naiinis na naman siya sa naiisip na iyon.
Agatha Ruth:
What did I say? I told you to stop bothering me already, right? So why do you still have my number?
Scammer Don’t Reply:
Sungit mo naman. Nag-text lang ako para sabihin ang pinapasabi ni Lolo. Thank you raw sa malasakit mo sa motor. Inaayos ko na ngayon sa talyer para makatipid.
Agatha Ruth:
Why did you really fix it yourself? You’re just giving yourself a hard time. Tss!
Scammer Don’t Reply:
Ayos lang basta napasaya kita sa date natin :)
Gustong mainis ni Agatha sa sinasabi nitong date, pero ewan niya ba… unti-unti rin naman siyang kumalma at sumimangot na lang. Technically, he paid for it. At least, hindi nito iyon iniwan at hinayaan siyang mag-walk out sa restaurant.
Naalala niya ang mga sandaling iyon na hindi niya na maatim na manatiling nakatayo sa loob ng restaurant pagtapos ng ginawa ni Jasmine, lalo pa’t nakatingin sa kaniya ang mga customer na naroroon.
Sumandal siya sa headboard ng kama at tinigil na muna ang pag-o-online shopping.
Agatha Ruth:
You know I didn’t care about your motorcycle. Tss.
Totoo ba talaga ang lolo nito? Nagsisinungaling lang yata ito. Para konsensyahin siya! At bakit naman din siya tatablan niyon?
Scammer Don’t Reply:
Didn’t. Ibig sabihin ngayon ay may pakialam ka na. Pwede na ‘yan.
Umirap na lamang si Agatha Ruth. She should just drop her phone and go back to shopping, kaya hindi niya rin alam kung bakit siya nagre-reply.
Agatha Ruth:
I know you don’t have a grandpa, you liar. Trenton Juan siguro ang pangalan mo. Don’t lie about it!
Scammer Don’t Reply:
Susmaryosep… mas marunong ka pa sa pangalan ko, Miss Greenminded. Iba ka talaga.
Scammer Don’t Reply:
May lolo ako, buhay na buhay at nakakapag-jogging pa ‘to tuwing 5 AM. Hindi pinanganak noong panahon ng dinosaur. Gusto mo mag-selfie pa kaming dalawa.
Hindi alam ni Agatha kung bakit napakagat na lang siya sa labi at napapailing. Baliw talaga ito! Baka utak ang kailangan nito ng turnilyo at hindi iyong motor.
Hindi nga talaga nagbibiro si Mr. Scammer dahil kalaunan may sinend itong selfie na mukhang nandoon ngayon sa talyer.. He’s wearing his shades, at nakaakbay pa sa ‘lolo’ raw nito.
Isang long cut sleeveless shirt ang suot nito na medyo may grasa pa. Mukhang busy doon sa talyer. Sa tabi ay ang matandang lalaki na nakangiti naman sa camera pero tantiya niya ay clueless.
Hindi alam ni Agatha kung mapapatitig na lang ba sa larawan na iyon lalo nang hindi sinasadyang mapatingin sa katawan ni Mr. Scammer. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang nag-init ang kaniyang pisngi at naalala ang tagpo nila sa bus, noong napakapit siya sa braso nito sa halip na sa handle bars cause she honestly could’ve mistaken his arms for that, dahil sa tigas niyon na tila batak sa pagtatrabaho at ehersisyo.
And his perfume that smells great. Hindi niya alam na kaya palang maging ganoon kabango ng isang mekaniko!
Umarko ang kaniyang kilay. Dahil sa damit nito ay litaw na litaw ang mga braso nito. He’s wearing his dogtag necklace. Pawisan at medyo magulo ang buhok. Medyo kagat nito ang labi roon sa picture at nangbubuwisit na naman yata. His hairy armpit is even exposed with that slutty shirt of his, pero pakiwari niya’y mabangong-mabango. And she doesn’t even know a man can be so damn attractive with such thing!
Medyo may light stubble din si Mr. Scammer ngayon. Hindi pa yata nag-ahit. And why the hell does she care about that?
Well, she shaves every damn part of her body. Kahit iyong sa kasingit-singitan niya pa!
Agatha Ruth:
Jokes on you. That’s edited.
Hindi ganoon katanda ang lalaki sa picture. Baka nga tatay lang nito iyon! But that would be counted as compliment, right?
Scammer Don’t Reply:
Nakng!
Scammer Don’t Reply:
Baka gusto mo magpa-video pa ako kay Lolo habang tumatambling ako pero kita rin siya? Ganoon ba?
Agatha Ruth:
Whatever!
Bakit ba naman kasi bothered pa ito na patunayan sa kaniya na lolo nito iyon? She’s just trying to mess with him, makaganti man lang kahit kaunti.
Scammer Don’t Reply:
Nandito kami sa talyer. Kung ayaw mo talagang maniwala, eh ‘di pumunta ka rito. Libre ka raw ni Lolo ng meryenda. Masarap magluto ‘yon :)
Huminga na lang nang malalim si Agatha, hindi alam kung bakit medyo may parte sa kaniya ang hindi naalibadbarad sa mensahe na iyon at sa halip ay pinagmasdan niya pa ito nang ilang segundo.
Kalaunan, huminga siya nang malalim.
Bakit ba naman napapaisip pa siya?
Agatha Ruth:
And what am I gonna do if I find out you’re lying? You better ask some random old man neighbors of yours.
Scammer Don’t Reply:
Hindi na kailangan. Last week pa ako nakahanap.
Agatha sighed heavily, hindi maiwasang manggigil dahil magaling na magaling talaga itong sumagot. Ngayon tuloy ay hindi niya na matukoy kung totoo bang nadulas ito o biro lang ‘yon para mas inisin siya.
Agatha Ruth:
What’s wrong with you?!
Scammer Don’t Reply:
Everything is wrong, baby. Unless you’re right here with me :)
Hindi alam ni Agatha kung bakit napatitig na lang siya roon, and instead of cringing so hard, like a normal woman, hindi niya alam kung bakit hindi niya maiwasan ang tila pagkatawa na nais umalpas sa kaniyang labi.
Really. What is wrong with him?
“DUDE, ANG CORNY MO! Tangina, tabi ako nga!” agaw ni Nikolas sa cellphone niya nang makita ang kaniyang reply sa sinabi ni Agatha Ruth na maghanap-hanap na siya ng matandang kapitbahay na magpapanggap bilang lolo niya dahil kapag napatunayan nitong nagsisinungaling siya ay tiyak malalagot siya.
“Kaya napipikon sa ‘yo ang anak ni Figueroa. Panggago ‘tong reply mo!” pambubuska pa ni Nikolas at buong pusong nagtitipa roon.
“Let me see,” ani Zamir habang inagaw rin ang cellphone.
Ngayon ay tatlo na silang nakaupo sa harapan ng isang sirang kotse at pinagtutulungan ang pagpapadala ng mensahe. Nasa loob na ulit si Manong Juan na hiningan niya ng selfie at sinabing para ‘yon sa promotion ng talyer, in Nikolas’ brilliant idea.
Hapon iyon at nagmemeryenda lamang sila, at nandito na naman ang dalawang asungot.
“Everything… is wrong, baby… Unless… you’re right here… with me,” saad ni Nikolas habang tinitipa iyon at huli na bago niya ito nasiko sa tiyan, nai-send na nito ang corny na reply.
Malakas na humagalpak si Niko, maging si Zamir ay tawang-tawa.
“Ayan, tang ina! ‘Di ko alam kung ‘di pa ‘yan ma-inlove sa ‘yo! Baka mukha mo na ang may problema no’n.”
“Damn you, Niko!” bagot niyang sabi.
Hindi na nag-reply si Agatha pagtapos niyon at baka blinock na siya. Tang ina rin talaga ni Niko, akala lahat ng babae ay pare-parehong approach ang kailangan! Humanda lang ito sa kaniya kapag hindi na siya kinausap pa ni Agatha kahit pa napupuno ng exclamation marks. Hahamunin niya talaga ito sa boxing ring at bubugbugin niya.
Naiwan siya sa talyer nang makaalis sina Niko at Zamir. Unti-unti ay natuto na rin naman siya kung paano talaga totoong mag-ayos ng sasakyan, and it’s becoming his new past time instead of looking for girls.
At isa pa ay totoo rin namang inaayos niya ang motor niya. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang pumihit paharap at nakita ang mabilis na pagdating ng isang kotse at pahinto sa tapat ng talyer. Nang una, akala niya ay customer lang ngunit agad niyang nakilala ang kotse nito.
He perfectly knows who owns a red car.
Dapat ay inaasahan niya na rin namang mapapaikot si Agatha sa kaniyang mga kamay kaya bakit ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon? Hindi niya mapigilan ang ngiti na nais umusli sa kaniyang mga labi.
No one can resist him.
Just perfectly like this.