Chapter 13

1911 Words
Bored na napatingin na lang si Agatha kay Trenton at sa pamangkin daw nitong si Dominic, who turns out to be their schoolmate. Gusto niya mang pag-isipan ng masama ang pagtatagpo nilang muli ni Mr. Scammer sa isang munting ice cream shop ay mukhang totoo nga ang sinabi nitong maliit ang mundo. Dahil sa pagpasok ng grupo na iyon ay mas lalong naging maingay sa loob ng shop. Kadalasang tambayan talaga ito ng mga estudyante sa kanilang university dahil malapit lang. So for their vacant time, they usually stay here. Bumaling na lamang muli si Agatha sa kaniyang milkshake at dessert. Magkatabi sina Shane at Kattie sa kaniyang harapan kaya naman malayang natitingnan ng mga ito ang kung sinong nais tingnan. They like that spot cause it’s easier to look at whoever enters the shop. While Agatha prefers this seat nang sa gayon ay hindi makita ang pagmumukha ng mga tao. It’s just that, in case of shooting or robbery incident, she could be the first one to be shot. Hindi bale na lang. “Hindi ko alam na darating ka pala talaga ngayong araw,” dinig nilang sabi ni Dominic. Naupo ang mga ito sa mesa sa kanilang gilid lamang. Para namang hindi mapakali sina Shane at Kattie. Agatha can’t understand it, perhaps because she wasn’t there at the party. Gaya ng sabi ng dalawa ay marami siyang na-miss doon. Hindi maiwasan ni Agatha Ruth na tumingin sa gawi ng mga ito. Nagtatawanan ang tingin niya ay mga kaibigan ni Dominic, at kapag pinagtabi-tabi nga ang mga ito ay para lang silang magbabarkada. How old is Mr. Scammer, anyway? Para maging pamangkin nito si Dominic? May talas ang kaniyang mga mata nang tumingin doon lalo nang makitang tumingin din sa kanilang gawi si Mr. Scammer. Buong akala niya ay hindi na sila magtatagpo pa nito kahit kailan, kahit pa nga hindi natapos ang pangungulit nito sa texts! She hasn’t been replying really well. Pakialam niya ba naman kasi sa sinasabi nito tungkol sa lolo nito na mukha namang isang fabricated story. Mamaya ay totoo pala talagang scammer ang lalaki, eh, ‘di nalintikan na siya. “Ako pa ba, Dom? Sinabi ko na sa ‘yo, hindi ba? Ako ang bahala,” sabi ni Trenton at sumandal sa kinauupuan nito. Nasa tapat ito ni Kattie kaya mistula na rin silang magkaharap. Agatha rolled her eyes. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman na pagtapos ng ilang araw ay magkikita ulit silang dalawa. At bakit naman kailangan niyang magkaroon ng reaksyon patungkol doon? What now? It’s really a small world! “Really, Tito Trent, I owe you this one. Thanks,” ani Dominic at nakipag-apir pa rito. “I guess he’s called at the dean’s office again,” pabulong na sambit ni Shane upang ipaliwanag kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Umangat ang kilay ni Agatha Ruth. Hindi na siya magtataka kung magkamag-anak nga talaga ang dalawa. Tahimik niya na lamang na ipinagpatuloy ang pagkain kahit ramdam niya ang pamilyar na tingin sa kaniyang gawi. She wanted to roll her eyes again pero walang dahilan para doon dahil sa halip pa, tila may parte sa kaniya ang kuryoso rin at nais mapalingon doon! Pinigilan niya ang sarili. Nagpatuloy sa tahimik na pagkain hanggang sa narinig ang pagsasalita ni Dominic. “Hi, Kattie,” tila bati nito habang hinintay ang kanilang order. Sumagot naman agad si Kattie at kumaway pa rito. “Hey!” Ilang katahimikan pagtapos niyon kaya muling napaangat ng mga mata si Agatha para alamin kung bakit biglang natapos ang usapan, only to find that Dominic guy looking at her. Hindi naiwasan ni Agatha na medyo mapaangatan ng mga kilay. She’s busy eating in peace, nang narinig niya ang mahinang tawa mula sa lalaking nandoon. “Sungit talaga,” rinig niyang bulong nito na siya lang naman ang makakaintindi nang maayos dahil hindi naman alam ng mga ito ang insidente sa pagitan nila ni Mr. Scammer. “Hi, Agatha,” ang kalmado at nakangiting sabi ni Dominic. Shane and Kattie were surprisingly quieter. Hindi sumagot si Agatha. Sa halip ay pilit na lang siyang ngumiti. Ang katotohanan niyan ay mabilis madala ang mga lalaking bumabati sa kaniya kaya hindi na umuulit pa. They greet one time, barely get any response but bitterness, kaya hindi na umuulit. Bukod pa roon ay pakiramdam niya, tila laging may malisya ang mga bati nito sa kaniya. But Dominic’s smile is surprisingly refreshing. “You weren’t in my party?” nakuha nitong tanungin. Agatha just sighed. Magkaiba ang table nila pero dahil ito ang katapat niya sa gilid ay naririnig niya naman. “Busy,” she just answered and hoped he won’t talk again. Tumango rin naman ito at hindi na nangulit pa. Napatingin si Agatha Ruth sa kaharap ni Dominic who was then looking at her. Nakasandal ito sa kinauupuan habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Dominic. Hindi naman madalas mang-irap si Agatha, pero ngayon ay tila iyon ang perfect response kay Mr. Scammer. Lalong tumiim ang tingin nito at kung sila lang siguro ang nandoon ay siguradong kinausap na siya nito. Hmm, kakatwang isipin na hindi nito babanggitin na magkakilala sila! She didn’t predict that one. KUNG NAKAKATUNAW lang ang tingin, baka kanina pa naging sorbetes na nalusaw si Agatha Ruth sa paningin ni Trenton. Kapapasok niya pa lang sa ice cream shop na iyon ay wala naman doon sa mga sorbetes ang gusto niya. He knew where to look at, when to head at the counter, to stage this another perfect set-up between him and Agatha. Nakatalikod pa ito ay alam niya na kung saan nakaupo si Agatha. Totoo rin namang pinuntahan niya si Dominic sa university nito para sa isa na namang dean’s office report. Kung kailan naging kolehiyo ay saka pa nagkaroon ng serious offense, tungkol sa hazing. Trenton wasn’t really planning to self-appoint himself as his older brother, or uncle, ngunit may mga pagkakataong hindi niya rin maiwasang isipin ang mga seryosong ginagawa ni Dominic. Pumasok siya rito sa ice cream shop dahil nakita niya si Agatha. Hindi niya nga lang alam na patungo rin dito sina Dominic at mga kaibigan nito, so now Trenton has to actually sit down like a damn good boy. Ni hindi niya alam na magkakilala si Dominic at ang anak ni Frederick Figueroa. Kaya ngayon ay hindi niya mapigilan ang mapaangat ang mga kilay habang tiningnan ang reaksyon ni Agatha sa kaniyang pamangkin. Trenton licked his lower lip, hindi niya ba naman alam kung bakit niya iisipin kung si Dominic ba ang tipo ni Agatha Ruth sa mga lalaki. Cause if he ever was, then he should’ve played the uncle part instead. Pero ang isipin pa lang ‘yon ay parang nais nang lumagitik ng kaniyang panga. He had no business at the ice cream shop anymore. Ang sadya niya lang doon ay para guluhin ang isipan ni Agatha. Ilang araw din siyang nanahimik. Some people like that, cause the absent days make them wonder, make them think about you… and when you suddenly appear, they will not be able to help it but feel an excitement. To think that life is really weird sometimes. Or maybe, to think that fate really do wonders. But in their case, everything is planned. Everything is carefully made one after another. Trenton didn’t train and worked for years for nothing, at tulad ng sinabi ay expertise niya ang mga babae. And sooner than later, he’ll have her wrapped in his tricks. He has to be closer to Agatha Ruth Figueroa. Pagtapos niyon ay saka niya mapapasok ang kampo ng gobernor. Perhaps, get more information… and then blow his illegal transactions, na may kinalaman sa droga na tinutugis ng mga awtoridad, and political anomalies. And on top of that, a case of murder with political motive. Isang malaking misyon iyon at binigay ni Blade ang buong tiwala sa kaniya kaya hindi siya mabibigo. He worked on far worse missions, so this isn’t even a piece of cake… Agatha Ruth isn’t a piece of cake… she was just an icing in this sweet game. Lihim na lamang siyang napangisi nang lumabas sa ice cream shop na iyon. Nauna na siyang umalis at alam niyang sinundan siya ng tingin ni Agatha Ruth. Hindi rin nakatakas sa kaniyang paningin ang pag-angat ng kilay nito. For sure she wanted to think this was staged, pero mukhang umaayon ang lahat kay Trenton. Dominic will be helpful in his mission. Kahahakbang niya pa lang palabas sa ice cream shop na iyon at pasakay sa motor na hiniram niya lamang sa talyer, para mas dama ni Agatha ang motor damage incident nila, dalawang babae na ang sumalubong sa kaniya. Papasok ang mga iyon sa loob ng ice cream shop. Hindi pa niya tuluyang narating ang motor ay nakangiti nang huminto ang babae sa kaniyang gawi sa halip na tumuloy sa loob ng shop. “Oh, hi!” she greeted with a warm smile. Hindi niya na sana iyon papansinin lalo pa’t ramdam niya ang matalas na tingin ni Agatha Ruth na tumatagos yata mula sa glass wall ng ice cream shop. Nakng! Naiusal niya. Hindi pa yata siya makakapang-chics nang dahil sa misyon na ito. He doesn’t want to blow the mission just to prove how menacing he can be, as a man, especially because Agatha is a man hater. “I think you remember me… at the restaurant,” saad ng babae sa kaniyang harapan kaya binalik niya ang tingin doon. The girl with the blonde hair smiled warmly. Natatandaan niya ito, ang babaeng sumugod sa restaurant at dahilan ng matinding galit ni Agatha Ruth. She is, for sure, her step-sister. Bukod sa hindi naman mapagkakamalang magkapatid ang dalawa. “Sorry, Miss, ‘di ko matandaan, baka ‘yong girlfriend ko, matandaan niya. Matalas memory no’n,” tanging sagot niya na lamang habang binuhay ang motorsiklo. Tumikhim na lamang ito. “Hmm, hindi ko alam na may kinakatagpo na naman pala si Agatha na ibang lalaki. Hindi pa rin talaga siya nagbago,” tila pabulong nitong sinabi na medyo ikinatingin niya. Kalaunan ay muli itong ngumiti at hinawi ang buhok dahil mahangin. “Anyway, I’m Jasmine… what’s your name?” Hindi siya nito inalis sa paningin nito. Hindi rin naman alam ni Trenton kung bakit para siyang sisilaban at gusto nang paandarin ang motor papalayo. At nang muli siyang mapalingon sa loob ng ice cream shop, nakita niyang nakalingon si Agatha Ruth sa kanilang gawi suot ang pink headband nito. Trenton wanted to laugh for a bit. She looked like a lioness caged inside a glass enclosure, and the only thing that was stopping her was because she was locked in there. “Just a name,” he coldly answered this time. Natahimik sandali ang babaeng kaharap ngunit hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito. She even gave him small wave to say goodbye. HANGGANG MAKAALIS ang motorsiklo sakay si Trenton, hindi maiwasan ni Agatha na mapatingin sa kinaroroonan nito at lalo pang mapaangat ang kilay habang kausap nito si Jasmine na mukhang patungo rin sa loob ng ice cream shop. For sure, Jasmine remembered him from the restaurant. Hindi maiwasan ni Agatha Ruth na mapahinga na lamang nang malalim at mapailing, lalo nang manatiling nakatayo roon si Jasmine at pinagmasdan ang papalayong motorsiklo. Nakatalikod man ay batid ni Agatha ang ngiti na bitbit nito sa mga labi. She really cannot believe her. Something must be really wrong with Jasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD