Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Gwapo sana kaso halatang bogus! Hindi na talaga nahiya, inisip siguro nito na ubod siya ng yaman kung kaya’t pinagmemekaniko ang mga presyo nang sa gayon ay mas makahugot ng malaking pera.
“Why are you so agitated?” takang tanong ni Kattie nang bakas ang lamig sa ekspresyon ni Agatha.
“Dahil ang dami kong problema, Kattie. Hindi na natatapos!” saad ni Agatha Ruth.
Inimbitahan niya ang dalawang kaibigan sa kanilang villa. Para naman kahit papaano ay makapag-relax dahil pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang ulo kung hindi ito lalamig sa lalong madaling panahon.
“You were quiet when you had a problem with Tito Fred, pero ngayon ay parang lagi kang galit sa mundo. Where did you even go last time? Hindi ka sumama sa party ni Dominic!” saad ni Shane nagsa-sunbathing.
Nagpahanda si Agatha Ruth ng malamig na juice at makakain nila, habang tatlo silang nagpapaaraw ngayon sa pool. The sun hates to see Agatha coming, paano ba naman ay mas mainit pa ang kaniyang ulo kaysa sa araw.
“Right! It was lit,” sabi ni Kattie na tila marami siyang na-miss.
That’s the last thing of Agatha’s concern. Gusto niya lang muna ng katahimikan sa kaniyang buhay dahil baka tuluyang mapigtas ang kaniyang pasensya at baka kung ano pa ang kaniyang magawa.
She was never violent. In fact, may pagkamaldita man at masungit ay hindi naman siya ang tipo na palaging galit. Nagsimula ito nang dahil sa mga pinaggagawa ng kaniyang ama, since her dad decided to ruin their family, at lalo pa nang i-date nito ang impaktang si Rosalina, not to mention the wicked daughter Jasmine, too.
“Oo nga, Agatha. Saan ka ba pumunta at bakit parang hindi maganda ang nangyari?” tanong ni Shane na naroon ang concern.
Huminga nang malalim si Agatha at pinagmasdan ang dumaang ibon sa langit habang suot ang floppy hat, hinahayaan ang makikinis na mga binting nakalantad. Unlike Shane and Kattie who are both wearing bikinis, ang kaniyang suot ay isang matingkad na pulang one-piece swimsuit.
People, especially those who believe Rosalina and Jasmine, have been calling Agatha Ruth a she-devil. Ang tingin sa kaniya ng mga iyon ay isang malditang babae na kahit mga maid na nakita siyang lumaki ay nangingilag. Kaya bakit hindi niya na lamang patunayan tutal ay iyon ang ipinipinta ng lahat?
Now she wears fierceness like a wardrobe, and a sharp tongue like armor.
“Hindi talaga maganda. Ang nakuha ko lang ay sakit ng ulo at kumukulong dugo,” saad ni Agatha habang sumimsim sa orange juice.
“Let me guess, it’s a man? The kind that makes your blood boil,” ani Shane sabay kibit-balikat.
Good guess. It was a man… a handsome and hunk man!
Kinuwento ni Agatha ang nangyaring insidente, nang muntik na nila itong ‘mabangga’ ayon sa antipatiko na iyon. Pagtapos ngayon ay sinisingil siya nito sa damage na tingin niya ay imaginary lang naman talaga.
“So you went to his talyer?” sabi ni Kattie na biglang na-excite.
“Gosh, Kattie. Tigilan mo nga ‘yang pagiging attracted sa mga rugged guys!” sabi ni Shane.
“Well, he’s not really rugged. Antipatiko na mayabang na akala mo kung sino! Baka iyon pa,” iritadong sabi ni Agatha Ruth. Palangiti ang scammer na ‘yon. May scammer ba naman kasing hindi marunong gumamit ng charm?
“Oh… a silly boy,” ani Kattie sabay kagat sa hintuturo na hinampas ni Shane. Karaniwang biruan na iyon sa dalawa. Both girls are pretty, at kung hindi lang talaga mahal ni Agatha ang mga kaibigang matagal nang kasama mula pa nang mga dalagita sila ay baka pinag-untog niya ang mga ito dahil sa kanilang type sa lalaki.
“I like silly and cute boys… someone I can tie on my bed,” saad pa ni Kattie habang prenteng humilata sa sun lounger.
Kumunot ang noo ni Agatha. May ganoon bang lalaki na nagpapatali sa kama?
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya si Mr. Scammer. He wasn’t so rugged-looking, sa halip ay naalibadbaran pa siya sa mapanudyong ngisi nito.
Right, he was a silly boy.
But there was also something else in his smile and those eyes that sparkle everytime he speaks.
Pero pakiwari niya’y may tinatago rin ang lalaki na iyon. Just like everyone else. Or maybe… maybe she’s an overthinker. Puro pera lang yata ang inaatupag niyon kaya nga hindi na nahiya na singilin siya ng fifty thousand over a headlight damage, na kagagawan din naman nito.
At bakit nga naman ito ang kaniyang iniisip?
Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan. Hindi rin maiwasan ni Agatha ang matawa sa kakulitan ng mga kaibigan, nang biglang mayroon lumapit sa kanilang kinaroroonan sa gilid ng pool. Hindi pa tuluyang nakakalapit si Jasmine at palabas pa lang mula sa loob ng bahay ay tila naamoy niya na ang kasangsangan nito.
Tumigil sa tawanan sina Shane at Kattie. Nagkatinginan ang mga ito at tumikhim. Kattie sipped on her juice. Lumipad ang tingin ni Agatha Ruth sa impaktang si Jasmine na ngayon ay magkakrus ang mga braso sa dibdib habang nagmartsa palabas ng entrada at nakaangat ang baba nito. Behind her were two of the maids.
Hindi tulad ng mapangmataas na tingin ni Jasmine suot ang mamahaling damit na nagmumukhang mura habang suot nito, nakayuko ang kanilang dalawang kasambahay at nakasunod lang dito.
Agatha Ruth knows very well that if Rosalina gets married to her dad, papalitan nito ang mga kasambahay na siyang nakasama niya sa paglaki at kilalang mabuti ng kaniyang mommy. Rosalina is the type who will do everything to get what she wants without looking like the bad one. At ang kaniyang ama naman ay nagpapabilog sa babaeng iyon. But not her. Hindi siya maloloko nito at ng kahit na sino.
Umismid si Agatha at sumimsim din sa juice upang mabawasan ang init ng ulo. Pumait agad ang kaniyang ekspresyon at nasisira ang araw.
“Hindi ka talaga marunong sumunod sa utos, Agatha Ruth… pati ang utos ni Tito ay hindi mo kayang sundin?” tanong ni Jasmine na nagdala pa talaga ng mga kasambahay.
Nagkatinginan lang sina Shane at Kattie.
“Cut this bullsh*t, Jasmine. Wala akong panahon para makipag-usap sa katulad mo. You better get out of my sight,” mahinahon pang sabi ni Agatha at inabot ang watermelon slices. Tumingala siya sa araw.
Sa halip na sumunod ay lalo pang nag-angat ng ulo si Jasmine na nag-a-ala doña. She’s really getting into her nerves.
“Hindi mo narinig ang utos ni Tito Frederick, Agatha? You are banned from having the automatic pass in this villa, na kung kailan mo gustong pumunta ay pwede mong gawin. Hindi na ganoon ngayon, so I am reminding you nicely…” sabi ni Jasmine at lalong binibida ang blonde nitong buhok at bulaklaking dress.
Agatha smiled sarcastically. Halos umikot ang kaniyang mga mata.
“Hindi mo rin ba narinig? I said get out of my sight!” puno ng inis na saad ni Agatha at binalingan ang impakta ngunit sa halip ay humakbang pa ito palapit sa sun loungers.
Oh, damn, she’s really trying to paint her bad. Sa harapan pa mismo ng kaniyang mga kaibigan. Iyon ang gustong ipalabas ni Jasmine.
“Pinapaalala ko lang ang utos ni Tito. You don’t want to make him more mad, Agatha Ruth, don’t you?” Ang matinis nitong boses na kahit piliting maging kalmado at bait-baitan ay halatang nang-uuyam.
Hindi sumagot si Agatha. Nagpatuloy si Jasmine.
“Umalis na kayo. Paalisin mo na ang mga kaibigan mo, Agatha. Bago pa dumating si Tito! You know what? Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin. I am just saving you, mabuti nga at may pakialam pa ako sa ‘yo nang sa gano’n ay hindi na mas magalit pa sa ‘yo si Tito—”
“But, Jasmine… this is Agatha’s house,” saad ni Kattie na tila hindi ma-gets ang point nito.
Agatha remained calm and composed.
“That’s right. Bahay ng pamilya namin ito. Pinundar din ito ng mommy ko, so who do you think you are para utusan ako at mga bisita ko na umalis? Huwag mo akong pikunin, Jasmine… baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko.”
Umahon ang galit sa dibdib ni Jasmine at dahil sila-sila ang naroon ay halatang hindi nito mapigilang lumabas ang tunay nitong pag-uugali.
“Umalis na kayo, Agatha! Besides, you’re laughing out loud. Nadi-distract ako mula sa room ko!” sabi ni Jasmine na tila sila pa ang nakakaabala when in fact, it’s her and her wicked mother. Silang dalawa ang sagabal sa buhay ni Agatha.
“The rooms are sound proof. Don’t get too invested in my life, Jasmine, para silip-silipin mo kami sa bintana mo.”
“Excuse me?! Hindi ko kayo sinisilip. Nakaka-distract ang ginagawa n’yong pagtatambay rito sa villa habang nag-aaral ako. Bakit kasi hindi ka rin mag-aral, Agatha? Baka mas maging proud pa si Tito kaysa ang magsaya ka—”
Bago pa iyon matapos ni Jasmine ay tuluyang inalis ni Agatha ang kaniyang floppy hat. Tumayo siya mula sa sun lounger hawak ang orange juice na iyon. Rumehistro ang kaba sa mukha ni Jasmine ngunit pinipigilan nito at sa halip ay mas nagmataas pa.
“Ginagalit mo ba talaga ako?” tanong ni Agatha.
Tumingin si Jasmine sa dalawang mga kaibigan. Nagkibit-balikat lang naman ang mga ito at hinahayaan na lamang si Agatha Ruth. They know their friend. She doesn’t need backup when it comes to roasting those who need a reality check.
“Umalis na kayo bago pa ako magsabi kay Tito sa ginagawa mong paglabag sa utos niya! Malalaman niya ang—oh, my god, Agatha Ruth!” Napatili si Jasmine nang tuluyang binuhos ni Agatha ang juice sa pagmumukha nito. Malakas na napasinghap si Jasmine.
Tahimik na lamang na nanlaki ang mata ng mga kaibigan. Sumimsim muli si Kattie sa juice nito habang hindi makapaniwala si Jasmine na ngayon ay naliligo sa malagkit na juice.
“Don’t be such an attention-seeker, Jasmine. Huwag mo na ring subukan na siraan ako sa harapan ng mga kaibigan ko dahil hindi tulad ng mga cheap followers mo, hindi sila uto-uto. Don’t even try to shoo them away!”
Nag-iinit na naman ang ulo ni Agatha. Idinamay pa talaga nito ang mga kaibigan na inimbita niya mismo sa sarili nilang pamamahay. She’s so entitled, porket nabibilog nilang mag-ina ang kaniyang kaniyang daddy, akala ng mga ito ay pati ibang tao kaya nilang paikutin sa mga kamay.
“You really are so mean, Agatha! A-Alam mo bang mahal ito?! This is Tito’s gift for me and you ruined it!” naluluhang sabi ni Jasmine habang tinitingnan ang dress na narumihan. “I can’t believe you, Agatha! Ang sama talaga ng ugali mo, nagmamalasakit lang naman—”
“Itigil mo ang pagpapanggap kung ayaw mong asido ang ipaligo ko sa ‘yo sa susunod. Naiintindihan mo ba?” mariing tanong ni Agatha na ikinasinghap lamang nito at nag-iiyak pa rin sa dress.
“Stop na, Jasmine…” sabi ni Shane at medyo may pandidiri.
Pahiya man sa harapan ng mga ito ay pilit pa ring nagmamatapang si Jasmine. Agatha Ruth is even getting a secondhand embarassment from Rosalina’s daughter, who is an exact copy of her.
“How dare you and your friends! Makakarating ‘to kay Gov… makakarating ‘to sa kaniya, Agatha!” sabi ni Jasmine at saka tumalikod upang magmartsa palayo.
Naiwan pa ang walang laman na baso sa kamay ni Agatha. Her blood is boiling with the sight of that wench she’ll never wish to be her step-sister. Napailing-iling na lang ang kaniyang mga kaibigan.
“Ma’am Jasmine, malalabhan pa naman po ‘yan—” dinig nilang konsuwelo ng kasambahay rito.
“Shut up, Manang!” giit ni Jasmine.
“She’s really annoying,” naiiling na komento ni Shane.
Huminga na lang nang malalim si Agatha. Binuga niya ang hangin at kahit nagtatagumpay si Jasmine na pakuluin ang kaniyang dugo, ayaw niyang ipaalam kung gaano siya kaapektado.
“WHAT HAPPENED EARLIER, AGATHA?”
Napaangat ang tingin ni Agatha mula sa seryosong tanong ng kaniyang ama. Nasa dining table na sila at tanging tunog ng kubyertos ang maririnig hanggang nagsalita ang kaniyang daddy.
Sa gilid ng mga mata ni Agatha ay batid niyang nagkatinginan sina Rosalina at Jasmine na parehong may kalmadong ekspresyon, itinatago ang tila tagumpay roon. Pinunasan ni Rosalina ang bibig nito habang straight na straight ang pagkakaupo na akala mo’y nasa isang trono.
“What? Tell me what Jasmine said I did,” may pagka-bored na saad ni Agatha at nanatiling kalmado.
Si Jasmine na tahimik na naghihiwa ng steak ay natigilan at napaangat ng tingin.
“You brought your friends here to have fun, while your sister is studying,” saad ng ama na tila ikinapanting ng kaniyang tainga.
What damn sister?
Umangat nang husto ang kilay ni Agatha.
“I didn’t know Mommy gave birth to another child,” sabay kibit-balikat ni Agatha Ruth at marahang kinain ang steak. Her innocent eyes made Jasmine’s blood boil quietly.
Huminga nang malalim ang kaniyang ama. Tumikhim ito. “You are no longer allowed to bring friends over here, especially when they’re distracting to others,” saad pa ng kaniyang daddy.
Napatingin siya kay Jasmine. Ang tingin nito sa kaniya ay tila nagtatagumpay.
“Hindi ko alam na ang pag-uusap sa pool ay nakaka-distract na pala. Unless she keeps peeking at her windows to see what I’m up to,” dagdag ni Agatha.
“Napag-usapan na natin ito, hindi ba, Agatha Ruth? Baka akala mo’y nakalimutan ko na ang ginawa mo kina Rosalina at Jasmine,” may diin na sabi ng kaniyang daddy.
“Right, Tito… hanggang ngayon ay masakit pa rin ang anit ni Mommy,” segunda ni Jasmine.
Agatha just smiled. “Oh, really? I’m glad you still remember… that’s the purpose.”
“Hindi ka ba talaga makikipag-usap nang maayos?” kunot-noong tanong nito at istrikto.
“Right… oh, honey, huwag mo na sigurong masiyadong i-pressure si Agatha Ruth. I’m sure she’s still adjusting sa bagong set-up ng ating pamilya. Hindi magtatagal ay masasanay rin siya,” mahinahon at may ngiting sabi ni Rosalina saka hinaplos ang balikat ng kaniyang ama.
Dumiin ang hawak ni Agatha Ruth sa tinidor. Nagpatuloy siya sa tahimik na paghihiwa ng steak.
Hindi niya alam na mas matindi pala talagang kalaban ang mga taong mapagpanggap na tulad ni Rosalina. Now she knows… and no one can fool her the way Rosalina fools her dad!
“Dapat ay magkasundo na kayo ni Jasmine dahil hindi magtatagal ay magpapakasal na kami ni Rosalina at dito na sila titira,” saad ng kaniyang amana tila pinal nitong desisyon.
Napatingin dito si Agatha Ruth, hoping to remind her dad how much he loved her mother, pero sa halip ay nag-iwas lamang ito ng tingin at dinismiss ang usapan.
Kumirot nang husto ang puso ni Agatha. Tila nagdidiwang naman ang loob ni Jasmine sa sinabi nito.
“At sa araw ng kaarawan ni Jasmine ay kailangang nandito ka. Magpapakilala tayo bilang isang pamilya, kung hindi mo iyon susundin ay malaya kang umalis sa pamamahay na ito, Agatha Ruth.”
Tila nais mahulog ng kaniyang tinidor sa narinig mula sa sariling ama. Did she hear it right? Binibigyan siya nito mismo ng ultimatum!
Nanginig ang kalamnan ni Agatha sa galit at sakit na kaniyang nararamdaman. Ngunit sa huli ay pinili niyang pumikit at binitawan ang tinidor.
“I’ll be in my room. I’ve lost my appetite,” may pait at walang kagana-gana niyang saad at tuluyang iniwan ang hapag na iyon. Narinig niya pa ang pakonsuwelo ni Rosalina sa kaniyang ama dala ng tensyon.
Tama ba ang kaniyang narinig? Ayos lang sa daddy niya na umalis na siya sa villa? Ayos lang dito kung tuluyan silang magkalayo. Hindi siya makapaniwala! Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para lamang muling mabawi ang pagmamahal ng ama na tila nabulag na at nalason ng ibang tao?