“What in the f*cking world?” Halakhak ni Zamir ang pumaibabaw sa talyer habang bumaba sa motorsiklo nito at naglakad palapit. Bago pa pumailanlang ang nakakaloko niyang tawa ay nauna na si Niko na may inaayos sa ilalim ng sasakyan at nakasungaw ang kalahating katawan nito.
Nanatiling nakakunot ang noo ni Trenton at hinipan ang isang sensor plug para alisin ang alikabok doon saka pinunasan. He wiped it with a rag, habang kumalat sa likod ng kamay ang grasa. Kung hindi lang mahangin dahil open area ay tiyak na tumatagaktak na rin ang kaniyang pawis.
“Ganap na ganap, amputa!” pambubuska ni Niko na ngayon ay napupuno rin ng grasa at mukhang isang ekspertong mekaniko.
That’s the point. Kinuntsaba niya si Niko para magpanggap silang mekaniko, in a humble auto repair shop just in the outskirt of town. Pag-aari iyon ng isang kakilala ni Trenton na kilala rin ng mga kaibigan sa Phoenix. This isn’t the first time they spent time here, especially him, dahil kahit papaano’y maalam naman talaga siya sa mga sasakyan at libangan iyon kapag walang magawa.
Nagpapatugtog si Nikolas. Hapon iyon at tahimik ang paligid, habang natutulog sa loob ang may-ari at kasalukuyan nilang tine-terrorize ang talyer habang nagkakape. He got access of this place for as long as he need, for as long as Agatha Ruth needs to be tamed.
“Nakuha mo ba ang numero ng anak ni Figueroa? At paano ka naman nakakasiguro na pupunta iyon dito?” nangingising tanong ni Zamir at nilapitan na rin ang kaniyang kotse na pinagti-trip-an na yata ni Niko kung kaya’t sinipa niya ang binti nito.
“Aray! Puta, dude!” ungol ni Niko saka binato ng wrench si Zamir na agad nitong nasalo bago tumama sa dibdib.
Trenton just smirked. Bukas ang hood ng kotse at inaabala ang sarili roon. Tanging kupas na pantalon ang suot at isang pares ng lumang steel toe boots na lalo siyang pinagmukhang scammer na hinuhuthutan ng pera si Agatha Ruth.
“Kailangan niyang pumunta kundi…” Ngumisi siya ngunit may parte sa kaniya kung saan sumibol ang iritasyon kung sakaling hindi magpakita ang amazona na iyon.
He’s confident, anyway. Pupunta si Agatha. Tiyak niya iyon.
“Kundi ano?” tawa nila Niko. “Dude, ipapaalala ko lang sa ‘yo. Toothpick lang daw ‘yang sa ‘yo kaya panigurado, hindi ka type no’n!”
“She’s also not my type, patas lang kami,” matabang na ani Trenton na ikinabunghalit ng tawa ni Niko.
“You mean, she’s not bruising your ego?” Zamir teased.
She is. Damn it. Gustong isatinig iyon ni Trenton ngunit pinigilan na lang ang sarili. Hindi siya dapat maapektuhan dahil hindi naman totoo. Damn, it’s a no basis assumption that can’t taint his ego, alright.
Agatha Ruth will pay for damage before this mission ends and she can’t get away that easily.
“Malay mo naman, toothpick ang iniisip niya pero isang daang piraso. Don’t lose hope, bro! Hangga’t humihinga, may pag-asa. Hahaba at lalaki pa ‘yan, wala ka pang trenta!” ani Nikolas na binato niya nang basahan sa pagmumukha nito at nasapol.
It earned another complain from the bastard. Kung hindi lang talaga niya mapapakinabangan si Niko para mas magmukhang makatotohanan ang lahat ng ito, he’ll kick him out right at the moment.
“Puta! Tumutulong na nga, dinudumihan pa ang pagmumukha ko. Threatened ka ba, dude? Baka mas magwapuhan sa ‘kin kaya tinatapalan mo ng grasa ‘tong mukha ko!” reklamo ni Niko.
“Shut up before I kick your ass, Gallego,” pikong sabi ni Trenton at ilang sandali lamang, natigilan na sila nang marinig ang paparating na sasakyan. Mabilis pa ang patakbo niyon kahit nang huminto sa tapat ng talyer na animo’y bubungguin pa silang tatlo.
Napalingon doon si Trenton at nanliit ang mga mata sa tirik na araw. A small, mischievous smirk hid beneath his lips when he saw Agatha Ruth’s car approaching.
Nilingon niya ang dalawa para ipakita kung paanong walang makakatanggi sa kaniya. His methods will always work. Napangisi na lang ang dalawa at hinayaan si Trenton.
Nang bumukas ang pinto ng kakarating na kotse ay binalik doon ni Trenton ang tingin. Isang hampas ng panghapong hangin ay naamoy niya ang mabangong amoy ng babaeng bumaba sa mamahalin nitong sedan.
There the she-devil is, smelling like flowers, those that never go unnoticed from his sense of smell. Huminga nang malalim si Trenton. Damn. He was never a fan of fruity scents, but now he finds himself entangled with that smell!
Hinarap niya ang hood ng kotse at baka sakaling maibalik ng amoy ng grasa ang katinuan niya. Napailing siya roon.
Kakatigil pa lang ng kotse ni Agatha Ruth ay alam na agad nito na walang matinong pag-uusap ang mamamagitan sa kanila ng scammer na ito. First, she smelled his savage scent of confidence from a damn mile away. Pangalawa, ilang gabi na siyang naiirita sa lalaking ito!
Pagkahinto sa kotse ay dinampot niya lang ang purse at saka bumaba na. Napatingin pa siya sa karatulang naka-display sa bungad. Talyer Ni Juan. Halos napangiwi siya.
Baka ‘yon ang pangalan nito? Juan? Pag-aari ba talaga nito ang talyer?
Napatingin si Agatha Ruth sa lalaking magaling mang-scam. Alam niya namang narinig nito ang pagdating ng kaniyang kotse, kaya ngayon na patuloy ito sa pag-aayos ng hood ng kotse ay halos mapaangat na lamang ang kaniyang kilay.
May tinitingnan ito sa mga linya roon sa hood. Agatha Ruth doesn’t know anything about car mechanics. May inihipan ito roon saka muling kinabit habang hawak ang isang pamunas. He looks like a busy man who cannot be easily disturbed. Kunot pa ang noo nito sa pagko-concentrate.
Napataas ang kaniyang kilay nang tuluyang mapatingin sa ayos ng lalaki. Wala itong suot na pang-itaas at lantad ang matipunong katawan. Saktong moreno. Makinis ang balat nito at pawisan sa pagtatrabaho, na kung tinamaan ng sinag ng araw ay tila mangingislap ang maganda nitong balat sa tirik na araw.
Hindi agad nakapagsalita si Agatha nang bumagsak ang tingin sa katawan nito. She was internally embarrassed for laying her eyes on this savage man who kept boiling her blood, but it couldn’t be helped.
She has seen many gorgeous men, but not as intense as this one. Para itong isang bidang lalaki na karakter na lumabas mula sa nobela.
Alright, she’s a man hater but not blind! Aaminin niyang gwapo talaga ang scammer na ito at may dating. Kaya nga ang lakas ng loob nito na magmayabang at para bang handang hamunin ang kahit sino at hindi nito aatrasan.
Gwapo, matangkad, matipuno ang katawan, kahit simple lang ang suot nito ay mukhang pwedeng ilinya sa mga professional models. Kahit ang kupas nitong pantalon at lumang sapatos ay hindi kabawasan sa dating nito. Napatikhim na lang siya bago pa magtagal ang mga mata sa matitigas nitong mga braso at malapad na likod!
The word handsome is an insult at this point. He was beyond just that.
Akalain mo ‘yon? Magaling siguro itong mang-scam. Mukhang may pang-membership sa gym at naaalagaan ang sarili.
Kung may kulang sa lalaking ito, baka pera lang… kaya siguro walang habas makapang-scam.
“Tapos ka na bang titigan ako, Miss Greenminded? Baka pwedeng bayaran mo na ako,” pagsasalita nito habang pinupunasan ang kung anong mga parte doon sa hood ng kotse.
Nahigit ni Agatha ang paghinga sa sinabi nito. Napalingon siyang muli sa paligid nang marinig ang isang tawa mula sa kapwa mekaniko ng lalaki.
Simpleng talyer lang iyon at mukhang luma na. Baka hindi pa siya pinapanganak ay nakatayo na ito rito. But somehow, the place made her calm. Siguro’y dahil hapon at tahimik. May mga puno sa paligid at tila masarap maupo at pagmasdan ang malawak na lupain kung saan ito nakatirik banda.
Napatingin siya sa tumawang mekaniko na nasa ilalim ng kotse. Mas mabuti na ring hindi sila mag-isa ni Mr. Scammer. Malay niya ba kung ano pang pwedeng gawin ng mga scammer. Naroon din ang tingin niya’y isang customer.
“Boss, matatapos na ba ‘yan?” tanong ng customer sabay sulyap sa relo nito.
“Malapit na ‘to, boss! Kaunting hintay na lang! Kape ka muna,” may bakas ng tawa na sagot ng kapwa mekaniko.
Dahil ayaw niya namang magtagal at makaabala sa ibang mekaniko at customer, lumapit na siya sa lalaking scammer na seryoso pa rin at naka-focus sa pag-aayos ng kotse.
“So this is where you work, Mr. Scammer?” Tumaas ang kaniyang kilay at namaywang.
Nilibot niya ulit ang tingin sa talyer at nakita ang mga kotseng inaayos. Mayroon ding mga motor doon at sa isang gilid ay nasulyapan niya ang pamilyar na motor na basag ang headlight.
Open area iyon kaya mahangin, at kahit sensitive siya sa mga amoy ay hindi sumakit ang sikmura niya sa amoy ng gas. Or maybe she’s now immuned to such savage scents!
“Nice one, Miss Greenminded. Nahulaan mo,” loko-loko nitong sagot na halos ikairap niya.
“Hindi ko alam kung bakit mo ako ginugulo sa text. I obviously don’t know anything about cars or motorcycles, kaya ‘di ko alam kung bakit mo kailangang pilit na ipaliwanag sa ‘kin kung anong aayusin diyan. Ikaw naman pala ‘tong mekaniko!”
“Ayaw mong maniwala sa presyong hinihingi ko, hindi ba? Kaya ipapakita ko sa ‘yo ang listahan nang magkaalaman tayo,” saad nitong sumeryoso.
Hinarap siya nito habang pinupunasan ang mga kamay nitong may grasa. Umarko ang kaniyang kilay nang makaharap ang matipunong mga balikat nito, malapad na dibdib, at matigas na tiyan, tila may nakahilerang mga pandesal doon!
Nilagpasan siya nito at lumapit doon sa counter. Sumunod si Agatha habang nililibot ng tingin ang talyer.
“Go, show me! Nang malaman ko kung anong mahika ang pinaggagawa mo para mapalaki ang babayaran ko,” ani Agatha saka humalukipkip at pinagkrus ang kaniyang mga braso sa tapat ng dibdib.
Binaba ng lalaki ang pamunas saka siya hinarap muli pagtapos nitong kunin ang isang log book kung saan mukhang may mga nakalista.
Nahulog ang tingin ng poncio pilatong scammer sa kaniyang dibdib nang pinagkrus niya iyon. Nalimutang ang kaniyang suot na medyo hapit na blouse ay lalong hinulma ang kaniyang dibdib. Dumaloy ang inis sa kaniyang ulo at agad na inalis ang mga kamay.
He just passed by. Pagtapos ay binuklat nito ang log book kaya pinalagpas ‘yon ni Agatha.
“Ayan, tingnan mong maigi, Miss Greenminded. Huwag kang madi-distract sa kgwapuhan at ka-sexy-han ko, mahirap na, baka ibang singil ang gustuhin ko…” nangingisi nitong sinabi.
Sa iritasyon ay padarag na inagaw ni Agatha ang log book. Tatawa-tawa pa ito habang namaywang at mayabang na hinihintay siyang basahin ang log book na sigurado niyang gawa ng literal na isang mekaniko na minemekaniko rin iyong presyo.
Tiningnan ni Agatha nang maigi ang listahan, at sa una pa lang ay halos lumuwa na ang kaniyang mga mata sa kakapalan ng mukha.
Scratched left fairing – ₱8,500
Cracked side mirror – ₱2,200
Bent clutch lever – ₱1,800
Misaligned handlebars - ₱4,500
Warped front brake disc - ₱9,000
Leaking fork seal – ₱6,800
Scratched exhaust pipe – ₱5,300
Labor cost – ₱12,000
Total Damage: ₱50,100 Note: Kasama na buntonghininga ko riyan, stress, panghuhusga na natanggap mula sa ‘yo, at kape ko.
Literal na nahulog ang panga ni Agatha. Ang kapal ng mukha at naglagay pa talaga ng dagdag na singil ayon sa note nito. Gwapo ang hayop pero mukhang pera! Nang nag-angat siya ng tingin dito ay umangat-angat pa ang mga kilay nito habang may mayabang na ngisi sa mga labi at nakaharap sa kaniya.
Sa iritasyon, naisip niyang paano kung pinalipad niya ang log book sa mukha nito? May magagamit pa itong pang-scam sa iba?
“Are you nuts? This is literally a modus! Scammer ka ngang talaga!” saad ni Agatha na tila tumaas ang presyon.
“Miss, hindi ako mani. At hindi ‘yan modus. Nagpapakatotoo lang ako,” sagot nito sabay tinuro ang log book.
“Fifty thousand para sa motor mo? You must be kidding me! Ang sabi mo ay headlight lang ang sira diyan. Bakit ngayon, ang dami na?! Binangga mo nang paulit-ulit sa poste n’yo para dumami ang sira? Scammer!”
Hindi siya magbabayad nang ganoon kalaking halaga. Baka pa sagasaan niya ulit ang motor nito nang mayupi nang tuluyan, saka niya babayaran ang ganiyang halaga para naman makatotohanan.
“And really? Handlebars, 4,500 pesos?! Are you kidding me?!”
“Ayaw nang kumaliwa ng motor ko dahil diyan. Kahit saan ako lumiko, gusto niya sa kanan,” salubong ang kilay nitong paliwanag at tinuro pa ang pakanan sa kamay nito.
Halos mapasapo si Agatha sa sentido. God forbid, this man is a menace to society.
Tatalikod na sana siya dahil wala siyang oras para sa panloloko nito. Walang patutunguhan ang usapan na ito, ngunit agad siyang pinigilan ni Mr. Scammer.
“Oops, saan ka pupunta? Aba, aba, tatakbuhan mo ako, ah. Miss, bawal ‘yan… respeto sa sugatan kong motorsiklo. Pamana pa sa ‘kin ‘yan ng lolo ko,” reklamo nito saka siya pinabalik.
Kinuha nito ang log book at nilipat ang pahina saka hinarap ulit sa kaniya. Amoy grasa ang scammer at nabubwisit siya rito kaya lumayo siya lalo.
“Grasa lang ‘yan, Miss Greenminded, hindi pawis,” panunukso nito nang hinampas niya ito sa purse palayo nang humakbang ito palapit at narumihan nang kaunti ang kaniyang bag. Pati ang katawan nito ay may grasa rin, may kaunti rin sa bandang noo pero hindi naman nakabawas sa kagwapuhan nito—talagang scammer nga.
“Huwag mo nga akong kausapin na para bang hindi ka nangmomodus!” irita niyang pahayag dito.
“Tsk, ayaw mo talagang maniwala, ah? Niko, halika nga rito!” sabay senyas nito sa kasamang mekaniko.
Lumapit agad iyon na kapwa puno rin ng grasa.
“Ano ‘yon, boss?” masigla nitong tanong.
“Ayaw maniwala na ito ang presyo ng motor,” saad ng lalaking scammer at pahagis na binigay rito ang log book na sinalo nito sa dibdib.
Napatingin naman doon ang kapwa mekaniko habang pinasadahan ng tingin ang listahan kaya tumikhim si Agatha. Kalaunan ay tumango-tango ito.
“Tamang-tama ‘to, boss. Saktong-sakto sa mga presyo! Sabi ko na nga ba at nakakabisado mo na ang market natin,” sagot nito sabay lipat pa sa pahina at nasa mukha na tila mangha. “Boss, kulang ang sa clutch lever, iyon lang naman ang nakikita kong mali rito. Hindi na ‘yan 1,800 ngayon. 2,500 na, dumaan na ang Martial Law.”
What?!
Halos sumigaw ang isip ni Agatha. Baka isa ring scammer tutal magkasama ang dalawa!
“Narinig mo ‘yon, Miss?” saad ni Mr. Scammer sabay mayabang siyang tiningnan. Sumandal ito sa sirang motor, para lalong masira at baka magdagdag pa ito ng babayaran ora mismo.
Nagpaalam na rin iyong mekaniko at umalis kaya naiwan silang muli.
“Hindi pa rin ako—”
Inangat nito ang kamay para tila patigilin siya. Umarko ang kilay ni Agatha sa iritasyon at gustong hawiin iyon. Tumayo ito nang tuwid saka naglipat muli ng pahina na tila nagbabasa roon.
“Iyon ang kabuuang presyo ng damage, pero dahil mabait ako at may awa sa ‘yo, headlight na lang ang sisingilin ko,” sabi nito sa isang boses na tila Samaritano.
Pinakita nito ang log book ngunit hindi niya agad maalis ang gigil na tingin sa pagmumukha nitong nagsusumigaw ng kalokohan. She snatched it again from his hand, kahit alam niya namang mabubwisit lang siya ulit!
Cracked headlight lens – ₱6,500
Broken headlight housing – ₱3,200
Damaged bulb – ₱4,800
Wiring check & alignment – ₱1,500
Labor - ₱2,500
Total Damage: ₱18,500 Note: Dito naman kasama ang bawat iling ko sa pagkadismaya. At meryenda na rin.
“Headlight housing, higit tatlong libo?!” tanong ni Agatha.
“Yes, Madam. Napagastos ako ng tape at kaunting pag-asa para ‘di tuluyang mabitak ‘yan,” sagot nito at tinuro pa ‘yon.
“And wiring check, 1,500?!”
Tumango ulit ang walang hiya. “Nakatutok na ang ilaw sa langit. Hindi ko makita daan.”
Agatha’s blood is boiling.
Sa pagkakataong ‘yon ay hindi na napigilan ni Agatha na ibato rito ang log book. Tumama ‘yon sa matigas nitong dibdib habang humalakhak ito nang malakas at ang magaspang na tawa ay tila musika sa pandinig. He’s got a rich laugh, nagpa-practice para kapag yumaman sa pang-i-scam nito!
“I hate you! Bahala ka sa buhay mo, hindi ko babayaran ‘yan!” mariin niyang giit. “Kung gusto mo, magkita na lang tayo sa presinto, Mr. Scammer!”
“Oh, teka, teka… ‘di pwede ‘yan! Magbayad ka, Miss! Hindi kita titigilan. Ipo-post kita sa social media. Ganda mo pa naman tapos bogus ka.” Ngumisi-ngisi ito.
“Eh, ‘di post mo! Gusto mo selfie pa! Kapal ng mukha mo.”
“Miss, lagot ka sa ‘kin kapag ‘di ka nagbayad,” banta pa nito sa kaniya habang hawak ang log book. Umirap si Agatha at nabubwisit sa lalaki.
Hindi siya magpapa-scam. She’ll have that stupid list checked, at kapag napatunayan niyang minekaniko ng lalaking ‘yon ang listahan ay tiyak ihihilamos niya iyon sa mukha nito.
“I don’t care! Tingin mo natatakot ako, Mr. Scammer na mas makapal pa sa hamog ang kayabangan?” saad niya habang nag-walk out at nilabas ang cellphone niya.
Sinundan siya nito hanggang makalabas sila sa talyer at marating ang kotse niya. Ngayon ay nakalanghap siya ng hangin sa wakas!
“May pangalan ako. Isa pang Mr. Scammer, lagot ka talaga sa ‘kin…” Nanliit ang mga mata nito at pinigilan siyang makasakay ng kotse. Sinara nito ang pinto matapos niyang buksan.
Inis na hinawi ni Agatha ang buhok at inangat ang tingin dito. He stood tall, firm, and consuming… almost taking her breath away.
“Wala akong pakialam, Mr. Scammer,” pagdiriinan niya. “May pangalan din ako. At higit sa lahat hindi ako greenminded!”
“Sige, hindi na. Basta magbayad ka,” sabi nito na ayaw pa rin siyang paalisin. “O magiging mag-textmate tayo. Ha-huntingin ko number mo kapag ‘di mo ako binayaran. Makikita mo ako kahit saan ka lumiko—”
Ngayon pa lang ay nananakit na ang ulo ni Agatha habang naiisip na kahit saan siya lumiko ay nandoon ang antipatikong scammer na ‘to.
“Ano ka, poste?” iritado niyang tanong.
“I can be.” He smirked playfully. “Baka ‘di mo ako bayaran para maging text mate tayo. Kunwari ka pa, alam ko namang tipo mo ako.”
Hinawi niya ang kamay nito sa kaniyang kotse at binuksan muli ang pinto. Hinagis niya ang bag doon.
“Kapal ng mukha mo. Ako mai-in love sa scammer? Over my dead body!” she hissed.
Tumiim ang tingin nito sa kaniya. Hindi rin talaga magpapatalo.
“Bumalik ka rito, Agatha Ruth. Kundi magkikita tayo sa—”
“Saan?” hamon niya rito. Nagtaas-baba ito ng mga kilay matapos kumindat sa kaniya.
“Siyempre sa presinto. Gusto mo sa altar?” Maloko itong ngumiti. Mukha itong anghel na bumagsak sa lupa. Hindi nabasag ang mukha, kaso naalog ang ulo.
“Get out of my sight, Mr. Juan. Bago pa ako tuluyang mainis at hindi kita bayaran kahit piso. Naiintindihan mo?” puno ng gigil at maldita niyang sinabi saka tuluyang sumakay sa loob.
“Hindi Juan ang pangalan ko, pero pwede na rin ‘yan. Sige, Miss Greeminded. Umuwi ka na bago pa ako tuluyang ma-in love sa ganda mo,” sabay kindat nito at sinara ang pinto para sa kaniya.
Bwisit na lalaki. Sana ay huwag niya na itong makita pa. Imbes na mabawasan ang galit niya, nadagdagan lang yata. He’s giving her a bad headache, her mind throbbing painfully, na parang gusto na nitong humiwalay sa katawan niya.