Hindi maintindihan ni Agatha Ruth kung bakit nga ba hindi pwedeng maging perpekto ang buhay. Bakit laging kailangan na may isang parte ang kulang, at iyon pa ang hinahangad-hangad nang sobra.
She’s got an almost perfect life. Hindi namomroblema sa pera, nakakapag-aral sa magagandang paaralan, nabibili ang lahat ng gusto mula pagkabata niya. She’s beautiful and sexy. She’s blessed in those aspects. But now… now that her family is gone and apart, none of these things mattered anymore.
Wala na ang kaniyang pinakamamahal na mommy. May gold digger na kabit ang kaniyang ama at may isinama pang impakta sa katauhan ng anak nitong si Jasmine na isa ring naghahabol sa kayamanan ng kanilang pamilya. At ang kaniyang ama naman ay paniwalang-paniwala sa dalawang iyon.
“What’s your plan now?” ani Shane habang umiinom ng milk shake.
Nalingunan ni Agatha Ruth ang kaibigang tinitingnan ang mga fake nails nito na bagong kabit. Huminga siya nang malalim habang nagsusulat sa pahina ng notepad at narito sila sa bench sa lilim ng puno.
“I know what to do! Hindi ba’t magkakaroon ng engrandeng birthday party si Jasmine? Let’s crash that party! Maybe we should pull her hair… or smash her birthday cake on her face!” suhestiyon ni Kattie.
Shane rolled her eyes. Lalong nasisira ang araw ni Agatha habang naiisip ang pagmumukha ni Jasmine at ng ina nito. She’ll love to do that, really!
“That’s so gross, Kattie. Ayaw kong marumihan ang kamay ko!” ani Shane at tinakpan ang mga kuko nito.
Hindi pa rin binibitawan ni Kattie ang suhestiyon nitong sirain ang birthday party ni Jasmine na in-announce pa nito sa social media at pinapangalandakan kung gaano kaengrande iyon. Iniisip pa lang ni Agatha ang mangyayaring magarbong party sa kanilang bahay para lang sa ingrata na iyon ay kumukulo na ang kaniyang dugo.
“Magagalit nang husto si Daddy,” ani Agatha Ruth at nabuburyong nilipat ang mga pahina. “At ayaw kong isapubliko na apektado ako sa Jasmine na iyon.”
“Oh, right…” react ni Kattie.
“Iisipin ng lahat na tama si Jasmine na mas mabait siya kaysa sa ‘yo. It will favor her!” ani Shane na ikinakibit-balikat lang ni Kattie dahil sa naiisip na ideya na sabunutan si Jasmine sa mismong birthday nito at durugin ang cake sa mukha nito. That will be so epic.
“I really don’t care about that. Kahit pa isipin ng lahat na mas mabait siya. Magsama-sama sila sa impyerno.”
“Alright, Cinderella!” tukso ng dalawa na halos ikairap niya.
Oh, hell no, she will never be Cinderella! Kung nagkataon ay siya mismo ang aapi sa dalawang impakta na iyon. She will be the cruel step-daughter and step-sister. Makikita iyon nina Rosalina at Jasmine, pati na rin ng kaniyang ama.
“Anyway, we’re going to Dominic’s house later! I’m thinking about what to wear,” problemadong saad ni Shane. Nasa mukha rin ni Kattie ang excitement at agad nang nilarawan sa kanila ang isusuot naman nito.
Shane and Kattie are her closest friends, at iyon ay dahil magkakasama na silang tatlo mula pa lamang highschool. Bukod sa dalawa ay wala na siyang naging ibang kaibigan dahil mahirap para sa kaniya ang magtiwala.
People don’t like her, anyway. Kahit ang mga classmate ay ilag sa kaniya dahil tahimik at hindi ngumingiti. Madalas na first impression kay Agatha Ruth ang pagiging maldita. She wasn’t so sure if she really was, but maybe because of people always labeling her that, baka isinakatawan niya na iyon at tuluyan siyang naging ubod ng sungit at katarayan.
“Who’s Dominic?” takang tanong ni Agatha.
Nagkatinginan pa sina Shane at Kattie bago sabay na nagsalita. “Dominic! That handsome man from Financial Management!”
Umangat lang ang kilay ni Agatha. She knows that Shane is really interested with men. She’s always dating around at wala naman siyang pakialam doon basta’t hindi nananapak ng relasyon ang kaibigan at safe ito. Matigas din kasi ang ulo ng kaibigan at kahit sabihin niyang masasaktan lang ito sa tuwing may nagugustuhang lalaki ay hindi naman nakikinig.
Agatha gave up a long time ago trying to convince her to stop loving assh*les. She can sense one from a mile away, kaya kung may mabibiktima man ang mga babaero at walang bayag na lalaki ay hinding-hindi siya iyon.
“Silly! Tinuro na namin siya sa ‘yo just yesterday! Oh, gosh, Agatha, I thought you saw him dahil tumingin ka sa direksyon niya,” nai-stress na sabi ni Shane.
Tumango-tango lang si Kattie na abala sa pagkain at may ka-textmate.
When it comes to men, Agatha is the brain of the group. Hindi niya ba alam kung bakit lagi na lang nagogoyo ng mga lalaki ang mga kaibigan niya, at kung bakit na lang laging nabibigo. Her friends are way nicer than her. Si Shane ay anak ng isang doktor. Si Kattie naman ay anak ng isang abogado. Parehong mayayaman at komportable ang buhay. So maybe, it’s true. You really can’t have it all.
Hindi alam ni Agatha Ruth ang sinasabi ng dalawa. Who is Dominic? Sure, she heard that name once or twice from the students, pero ano ba ang pakialam niya sa random guys na pinagpipyestahan ng mga estudyante sa university. She has so many problems to deal with!
“You saw him yesterday! Iyong nandoon sa gilid ng gate kahapon,” sabi pa ni Shane.
Napaisip si Agatha at binalikan ang tagpo na iyon. Naalala niya ang lalaking nakaitim at nakasakay sa motorsiklo nito, at nakatingin sa kanila nang dumaan. Iyon ba si Dominic?
Maybe. That’s why he was looking. Baka ito ang bagong nagugustuhan ni Shane.
“He’s so handsome!” pahayag din ni Kattie at ngumisi. “I heard he doesn’t have a girlfriend now.”
“Of course, men don’t want girlfriends now. They want temporary chics, one-night stands, o mga babae na gusto nilang tawagan kapag may kailangan sila!” mariing pahayag ni Agatha.
Napaismid na lang si Shane at napahigop sa milkshake. Pati si Kattie ay tumikhim na lang at nilinga ang tingin sa paligid.
Agatha shook her head. Magugunaw talaga muna ang mundo bago siya maloko ng mga lalaking ganoon! Sinusumpa niya iyon.
“Really, Agatha? Bakit hindi ka sasama sa party?”
Panay ang tanong ng kaniyang dalawang kaibigan kung bakit hindi siya sasama sa party sa bahay ni Dominic, whoever that is. Ang tanging dahilan lang naman kaya siya sumasama sa mga ganoon ay dahil wala siyang tiwala sa mga lalaking didikit kina Shane at Kattie.
Sumasama siya upang bantayan ang dalawa. Her eyes turning into a sniper. Isang nakamamatay na tingin lamang sa mga lalaking alam niyang may maitim na budhi, kakaripas na ng takbo ang mga iyon palayo sa kaniyang mga kaibigan.
Her friends are used to it, at may tiwala rin sila kay Agatha kaya madalas ay ipinagkikibit-balikat na lamang iyon. So now they don’t understand! Bakit hindi sasama si Agatha?
“I have something else to settle this late afternoon,” sabi ni Agatha sa dalawa na panay pa rin ang tanong.
Right. Agatha Ruth has something else to deal with. Hindi niya rin ba kasi alam kung bakit din nagkakalat ang mga poncio pilatong scammer sa mundong ito at malas niya dahil nakadaupang palad niya ito.
Kagabi pa text nang text ang lalaking nabunggo raw ng kanilang sasakyan. Nasaan na raw ang bayad niyang sampung libo para sa headlight nito. Siya raw yata ang scammer at hindi ang gwapong tulad nito!
Ang kapal din talaga ng apog ng lalaking ‘yon, kaya magtutuos silang dalawa dahil nireserba niya lahat ng galit at sama ng loob para sa mundo, only for him.
“Where are you really going, Agatha?” hinayang na tanong ni Kattie dahil pupunta sila ni Shane sa party na iyon at gusto naman nilang makasama ang kaibigan ngunit may iba itong plano.
Bakas sa mukha ni Agatha na hindi maganda ang planong iyon. So they don’t know if they should just let her!
“I will be fine, girls. Mag-ingat kayo sa party at sabihan n’yo agad ako kung may mangahas sa inyo roon. I will make them see stars!” matabang na sabi ni Agatha at tinapon ang bag sa loob ng sasakyan. Ngayon ay wala siyang driver kaya kung may scammer ulit na susubok sa kaniya ngayong araw ay siguradong mapupuksa niya ito.
“What? You’re driving?!” singhap ni Shane nang sumakay si Agatha sa kotse nito.
“I have to go somewhere,” sagot niya at nagpaalam na sa dalawa na nagkatinginan na lamang kung ano na naman ang tumatakbo sa isip ng kaibigan. She’s really smart, but also really lethal! Tahimik lang ito pero kapag nagsalita ay talagang hinding-hindi ito magpapaawat. Anyone, especially men, will wish they didn’t have ears.
Nagpaalam na si Agatha at pinaandar ang kotse palayo. Habang nagmamaneho ay laman ng isip niya ang mga nangyayari sa kaniyang buhay na lalong nagpapainit sa kaniyang ulo. There is too much in her mind. Para siyang hindi makakahinga kung nandoon siya sa kanilang villa. This is new to her, lalo pa at hindi siya mahilig lumisan sa kanilang bahay at harapin ang mundo o makipag-usap sa mga tao. But things have to change sometimes.
She wished that the scammer rider would magically show up in front of her car, dahil ngayon, hinding-hindi siya magdadalawang-isip na banggain ito mismo.
Baka sakaling mabawasan ang kayabangan sa katawan.
Nagde-demand ito sa text at tawag na magkita sila nang personal at bayaran niya ang damage. He has also called her a scammer. Magandang scammer nga lang daw! Pero para bang insulto ‘yon. Akala siguro ng scammer na lalaking iyon ay masisindak siya o aatras at palalagpasin niya ang kayabangan nito na kailangang turuan ng leksyon.
Oh, well, he’s so wrong for that. Dahil papunta na siya sa talyer ng poncio pilato na iyon at magtutuos silang dalawa.