Sinundan ng tingin ni Trenton ang umalis na sasakyan. Nilagpasan siya nito sa gilid ng daan. Nangingisi siya ngunit sa kabila niyon ay tila gustong magsalubong ng kaniyang mga kilay. Kung hindi lang talaga nagtagumpay ang unang hakbang sa plano niya.
He smirked as he glanced at the calling card. Hawak niya iyon sa kamay. Pangalan at numero ni Miss Greenminded. Hindi niya na ipinilit pa ang lisensya ng driver dahil iyon lang naman talaga ang sadya niya. Hindi na rin siya magagalit sa pagtawag nito sa kaniya na scammer.
When you’re undercover, you have to deal with things like that and far worse.
Pwede siyang maging pulubi anumang oras. Driver, construction worker, vendor, pwede ring math tutor, o ‘di kaya’y magpanggap na electrician, anything that would make a mission possible.
“Nice,” he whispered habang tinitigan ang calling card ni Agatha Ruth Figueroa at ngumisi.
It’s a good work, pero may bahagi kay Trenton na tila ba hindi satisfied. Parang gusto niyang pabalikin ang kotse rito o ‘di kaya’y ipapresinto niya na agad si Agatha. Siguro dapat ay mas nilakasan niya pa ang pagpapabangga roon sa kotse nang dalhin siya nito sa hospital.
Alam niya nang maldita at reyna ng kasupladahan ang nag-iisang anak ni Frederick Figueroa, pero hindi niya naman alam na matabas pala ang dila niyon kapag nagsalita. He was almost speechless for a second noong bumaba ito sasakyan at halos mamaywang sa kaniyang harapan.
Mabuti na lang at nakasuot siya ng helmet noong hinarap siya nito, dahil hindi niya naiwasang titigan nang matagal si Miss Greenminded habang para itong dragona at baka nangiti siya sa ilalim ng helmet.
He had seen many beautiful women in his life, from different countries and ethnicities. Lalo nang ma-assign siya sa Europa. Beautiful, sexy women were everywhere he turned. He didn’t need to exert any effort to catch their interest.
Walang pagkakataon sa buhay niya na kailangan niyang mapawisan para lang makakuha ng babae. Agatha Ruth is no exception. And even if he doesn’t remember a time in his life na namangha siya nang ganito sa kagandahan ng isang babae, he knows it will all be the same.
But damn it, her beauty is extraordinary. Marami na siyang nakitang maganda babae, but she held the record for being the woman he couldn’t easily take his eyes off.
Para itong anghel sa kagandahan at ka-sexy-han. Matangkad, maputi, at makinis ang anak ni Frederick Figueroa, at kahit galit ay parang ang hirap seryosohin dahil sa maganda nitong mukha. Her eyes seemed to hold a lot of mysteries that no one seemed to know about, bagay na hindi pa nakita ni Trenton sa mata ng mga babaeng nakilala niya.
Her pointed nose and reddish lips complemented her rosy cheeks na mukhang kahit walang makeup ay talagang mamula-mula. Ang itim at mahaba nitong buhok ay bumagay sa balingkinitan nitong katawan. Her waist is so small, and he wants to describe her breasts and butt, but he stops himself there.
Damn, maganda talaga. Huwag na lang sana magsalita pa.
“Toothpick pala, huh,” may panggigil niyang bulong habang nanliit ang mga mata.
Makikita talaga nito ang sinasabi nitong toothpick.
Pagtapos niyang pahirapan ang sarili na ibiyahe ang motor ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Trenton ang nangyari. Pangisi-ngisi siya dahil nakita niya rin kung paano natigilan si Agatha Ruth noong nagtanggal siya ng helment. He knew it. Wala talagang hindi papansin sa karisma niya.
“Tang ina, Trent! Ano naman ang naisip mo?” tawang-tawa na tanong ni Nikolas noong makita nito ang basag niyang headlight.
Ngumisi lamang si Trent dahil pinakamamahal niya ang superbike na iyon pero kinailangan niya munang hingan ng pabor. He even kisses it goodnight, ang tanging girlfriend na sinasakyan niya araw-gabi.
“It’s part of the job. Ipapaayos ko iyan mismo at isasama si Figueroa,” saad niya habang tinapik ang motor at papasok sila sa headquarter. Nakuha niya na ang calling card ni Agatha at ang sunod na hakbang doon ay kung paano sila magkikitang muli.
“Bagong paraan ‘yan, ah? Shouldn’t you just kiss and bed her?” tanong ni Clayton Saenz, the nerdy genius of Phoenix Division na magaling sa surveillance at hacking.
Binato ni Niko ang sigarilyo kay Clayton. Sinalo naman nito iyon habang abala sa monitor nito.
Dumiretso si Trenton sa kaniyang desk habang inaalis ang leather jacket. Their elite-floor workspace has limited access, kaya sila-sila lang talaga ng naroon.
“I told you, dude! Humihina na ang karisma mo! Kumukupas na,” sabay halakhak ni Nikolas na ikinangisi na lang din ni Clayton.
“Maybe you should get some seminar.”
Seminar his ass! Sila dapat ang umupo at siya ang magse-seminar.
“No one can resist me, Saenz,” confident na sabi ni Trenton at seryosong hinanap ang mga impormasyon kakailanganin niya.
“Sure ka, dude? Alam mong nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong!” pang-aasar pa lalo ni Niko na walang tiwalang makukuha niya rin si Agatha Ruth.
“I don’t need your help, Gallego.”
There wasn’t much information about her. Pribado ang buhay nito. The public information is very limited.
But lately, they found out that the Figueroas have been receiving death threats. Isa iyon sa tinitingnan nila sa imbestigasyong ito kung bakit may tuma-target kay Frederick Figueroa na kasalukuyang nasa pribadong imbestigasyon dahil sa pagkakaugnay nito sa korupsyon, ilegal na droga, at election manipulation sa kakatapos lang na halalan.
“What did she say?” tanong ni Clayton kaya bumalik sa isip ni Trenton ang pagtawag nito sa pinagmamalaki niya bilang toothpick.
Parang nag-iinit ang kaniyang ulo. Gusto niyang makita ulit ang Agatha na ‘yon at talagang malalagot ito sa kaniya sa false assumption nito! Um-echo ang halakhak nina Nikolas nang sabihin niya ang tungkol doon.
“Tang inang toothpick. Kasya ka sa pagitan ng ngipin ko, dude!” sabay hagalpak.
Natawa na rin sina Zamir at Clayton. Kahit si Race Saavedra ay nangingisi at ginagago rin siya.
“Ilalabas ko at tingnan mo kung toothpick,” ani Trenton sabay hagilap sa sinturon ng pantalon.
“Tang ina, pre, sa ‘yo na ‘yan! Baka masilaw kami sa nipis niyan!” tawa ni Niko.
Tumawa sila at nailing na lamang. Trenton smirked, bago binagsak ang likod sa swivel chair at pinakatitigan ang impormasyon ni Agatha Ruth na hindi niya inalisan ng tingin. Parang sinisilaban ang bawat selyula sa katawan niya at ngayon pa lang ay iniisip niya na ang muli nilang paghaharap.
He’ll have her for this mission. Kakailanganin niya si Agatha Ruth para mapasok ang kampo ng mga Figueroa at magawa ang trabahong nauugnay sa gobernor, so he’ll get her in no time. Natitiyak niya iyon.
“Toothpick, huh?” may diin niyang sambit at pinapangako sa sariling hinding-hindi mabibigo sa simpleng trabaho na iyon.
He won’t let her crush his ego, alright. Walang makakatanggi sa kaniya. Imposible. At simula pa lang iyon. The real game hasn’t begun yet.
Makikita talaga nito ang sinasabi nitong toothpick kapag nagkita ulit sila. Itataga niya iyon sa bato.
“WHERE IS THAT WITCH?” tanong ni Agatha matapos marahas na isinarado ang pinto ng kotse. Maging si Kuya Dante ay walang nagawa.
Lumipad agad ang mariin na tingin ni Agatha sa entrada ng bahay. Though they had bigger mansions, her father decided na tumira sa isang exclusive villa na ayon sa sinabi ng ama ay para mas masigurado ang kanilang seguridad.
“Ma’am Agatha, sabi po ng daddy n’yo—”
“Alam ko na dinala siya rito ni Daddy kaya magpakita siya sa akin. Huwag siyang duwag!” halos umuusok ang ilong na sabi ni Agatha na kahit ang katulong ay hindi nakaligtas sa buga ng kamalditahan niya.
Oh, right, maldita talaga siya lalo na kung ganitong may humahamon sa kaniya.
She learned that life is better when you’re a b*tch rather than an understanding victim, anyway.
Dire-diretso siyang pumasok sa loob dala-dala pa ang inis sa nangyari sa kalsada. Hindi niya ba alam kung bakit napupuno ng mga tanga, antipatiko, at mga makakapal na mukha ang mundong ito.
Sinusubukan pa siyang pigilan ng maid ngunit dire-diretso siyang pumanhik sa hagdan ng kanilang bahay. Tunog ng heels niya ang um-echo roon habang hindi nagpapigil sa mga maid. Pagtapos ay buong lakas na tinulak ang pinto ng kwarto at bumungad nga sa kaniya ang mangkukulam na kanina niya pa gustong hablutin ang buhok sa isipan niya.
“Oh, my—Agatha Ruth!” tili nito noong dali-daling tinakpan ang sarili ng puting kumot.
Nasa kama pa ito habang nakalatag doon ang isang kahon kung nasaan ang mga mamahaling alahas at mukhang nginingitian nito.
Mukhang nasa banyo na ang daddy niya at gustong mag-init ng sulok ng mga mata ni Agatha habang naiisip ang mommy niyang kakamatay lang two months ago at heto ang kaniyang daddy, dinala na sa bahay nila si Rosalina.
Ilang araw pa lang pagkamatay ng kaniyang ina ay saka niya nakilala si Rosalina, the woman her dad insisted na bago lang daw nito nakilala. Ngunit ngayong mayroong kumalat na article sa social media tungkol dito na pinatulan din ng komento ng anak nitong si Jasmine ay tuluyang napigtas ang pasensya ni Agatha.
Nalaman niyang matagal nang magkarelasyon ang daddy niya at si Rosalina.
That means, her father cheated on her mother and Rosalina is the mistress, at ang anak nitong si Jasmine ay nagbabalak na ring tumira dito sa kanilang bahay sa oras na makasal ang kaniyang ama kay Rosalina.
Hindi iyon matanggap ni Agatha. Tila gustong mag-init ng kaniyang dibdib at mga mata tuwing naiisip ang lahat.
Two months ago, her mother died in an accident.
She was the best woman in the world. A loving mother. She was the one who taught her all the good in the world, pero bakit sa huli, bakit sa huli ay tila ina niya pa rin ang lugi’t naagrabiyado?
Maybe because kindness isn’t always the key. Kung sino pa ang mabait, sila pa ang paulit-ulit na ginagago ng mundo. Life is a f*cker anyway, so she might as well become a b*tch.
Bago pa siya masaktan ng kung sinong mga poncio pilato ay makikita na nito ang sungay niya.
“Saan mo ba nakukuha ang kapal ng mukha mo? How dare you cling to my dad’s money, you gold digger witch!”
Binagsak niya ang bag at tuluyang hinila ang buhok ng malanding babae.
Alam niyang kasalanan din ito ng daddy niya, at hindi rin niya lubusang matanggap na nagawa nito ang bagay na iyon. She couldn’t accept it. At ngayong wala na ang mommy niya, siya ang labis na nasasaktan para dito. Hindi niya matanggap at ngayon ay puno siya ng pagkamuhi para sa ama.
She can’t imagine losing her ‘perfect’ life. Kung pinakasalan ng ama niya si Rosalina at tumira dito ang bruhildang si Jasmine ay siguradong mawawalan na siya ng pwesto. Hindi siya makakapayag na gawin ito sa kaniya ng ama.
“Ouchhh! Agatha!” sigaw nito habang kinaladkad niya iyon palabas ng kwarto. Lalong nag-init ang kaniyang ulo nang nakitang suot-suot pa nito alahas ng kaniyang late mother.
Tuloy-tuloy siyang bumaba ng hagdan habang nakaladlad doon si Rosalina na panay ang kalmot sa kaniyang braso, pero mababalatan muna siya bago niya ‘yon pakawalan.
She felt numb. It didn’t even hurt a bit.
“Halika ritong babae ka na mas makati pa sa higad at mas makapal pa sa encyclopedia ang pagmumukha!” Halos mahubaran si Rosalina na ikinasinghap ng mga maid. Lahat sila ay gulat na gulat at napapatakip na lang sa bibig dahil walang magawa kay Agatha.
“Walang hiya ka, Agatha! Aray! Tawagan n’yo si Jasmine! Ouch!” sigaw nito sa mga katulong habang kinaladlad ni Agatha patungong bermuda grass.
“Sige, tawagin n’yo ang gold digger din na babaeng ‘yon! Call her nang silang dalawa ang makaladkad ko!” saad ni Agatha sa mga nagsisiatras na katulong. Kunwari na lang ay inaawat nila si Agatha dahil malilintikan sila kay Rosalina, pero ‘di hamak na mas nakakatakot ang anak ni Gobernor Figueroa.
“Ma’am Rosalina!” kunwaring tawag ng mga maid habang kunwari ay binabawi ang buhok nito sa nagngangalit na palad ni Agatha.
“Gold digger! Ikaw pa talaga ang nagyayang pakasalan ng daddy ko para makuha mo ang yaman niya!” galit na galit at naluluha sa labis na puot na saad ni Agatha.
Nabawasan ang followers niya matapos magpabida ng Jasmine na iyon sa social media at idikit ang pangalan sa kanilang pamilya. Siniraan din siya nito sa social media at nagpapaka-santa roon kaya nakumbinsi naman ang mga tao na mas ‘mabait’ ito kaysa sa kaniya, resulting to the decrease of her followers.
She didn’t care about the followers. What hurt her was how easy it was for people to believe things. Hindi bale, magsama-sama silang lahat sa impyerno.
“Mommy!” ang tili ni Jasmine na mukhang kakarating lang din. Magdi-dinner ang mga ito at inimbitahan siya ng kaniyang daddy sa pag-asa na tanggapin niya na ang mag-ina.
Pero saka niya na iyon gagawin kapag sumikat na sa kanluran ang araw.
“Bitawan mo si Mommy! You’re such a b*tch, Agatha!” sigaw rin sa kaniya ni Jasmine pagtapos nitong subukan na iligtas ang ina, pero mabilis ang kamay ni Agatha. Sa kabilang kamay ay hinila niya rin ang buhok nito at kinadkad ang dalawa patungo sa pool.
Oh, yes, she’s really a b*tch, at ipapakita niya iyon sa dalawang ito.
“Kailangan n’yong maligong dalawa dahil napupuno na kayo ng delusyon!” nagngingit niyang sabi at tuluyang hinulog sa pool ang mag-ina. Pareho pang napatili ang mga ‘yon nang muntik na silang magkaumpugan pagkatulak ni Agatha sa pool.
Kasabay niyon ay ang malakas na sigaw mula sa entrada.
“Agatha Ruth!” ang tila kulog na tawag ng kaniyang ama. Mukhang nagmadali pa itong magbihis nang malaman ang kaniyang ginawang pagkaladkad kay Rosalina.
Saka lamang natigilan si Agatha. Ganoon din ang mga maid na pinamutlaan sa takot at gumilid habang tuloy-tuloy ang galit na mga hakbang ni Gobernor Figueroa habang ang mag-inang nanginginig sa lamig at pagkabasa ay tinulungan agad ng ilang maid na makaahon.
Umiiyak agad si Jasmine. Taas-noong hinarap ni Agatha ang ama noong makalapit ito.
“What is wrong with you, Agatha Ruth?!” galit na tanong ng kaniyang ama at hindi makapaniwala.
“Gov… sinabunutan po ni Agatha si Mommy!” iyak na sumbong ni Jasmine.
Agatha lets out a sarcastic and a satisfied smirk.
“Yes, kadiri nga ang buhok ng mommy mo. Ang lagkit! Anong shampoo mo? Mantika ng mga tira-tirang pagkain ng ibang tao?” nakangisi niyang tanong sa malanding si Rosalina na umiiyak at kunwari’y aping-api.
“Frederick, hindi ko alam kung bakit ginagawa ‘to ni Agatha. Bigla niya na lang akong—”
“Right, Tito, pagdating ko ay sinasabunutan niya na si Mommy—” segunda rin ni Jasmine.
“Shut up!” bulyaw niya sa dalawang natahimik.
“Enough, Agatha! Simula ngayon ay hindi ka na basta-bastang makakapasok dito sa bahay!” sigaw sa kaniya ng sariling ama.
Gustong matigilan ni Agatha. Sumagitsit ang sakit sa kaniyang dibdib, ngunit pinigilan niya iyon at pinanatili ang nakataas niyang noo.
“Fine, Daddy! I don’t need this house, anyway! Pero kung pakasalan mo ang babaeng iyan, ipinapangako ko sa ‘yong hinding-hindi mo na ako makikita. Wala akong sasaluhin ni isa sa negosyo mo. Kapag nagkasakit ka, hinding-hindi mo makikita ni anino ko, Dad! Tingnan ko lang kung alagaan ka ng higad na ‘yan at ng gold digger na ‘yan na akala mo kung sinong santa!” She sarcastically smiled. “I’m sure, Daddy, the business will go down kung hinawakan ng bobitang babae na ‘yan.”
She’s not a snob, actually. But for Rosalina and Jasmine, she will be.
“I said enough, Agatha! Hindi ka marunong rumespeto sa ibang tao! Hindi ko na alam ang gagawin sa ‘yo!” sabi ng kaniyang daddy.
Hindi sumagot ang mag-ina at mukhang kaawa-awa ngayon. Of course, siya na naman ang masama. Bilib din siya sa acting skills ng mag-ina.
Dinaan ni Agatha ang lahat sa isang ngisi. Magugunaw muna ang mundo bago makita ng lahat ang kahinaan niya. She’ll bow down to no one.
No. One.
“Tao pala sila? Sorry, ha, akala ko mga impakto!” irap niya at nagmartsa na patungo sa loob ng bahay. At kahit nagawa niya iyon sa harapan ng ama, parang may kirot sa kaniyang puso. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at sumandal sa pinto niyon, habang tahimik na tumulo ang kaniyang luha…