Chapter 8

3181 Words
HINDI MAWALA ang ngisi ni Trenton habang nabasa ang huling mensahe ni Agatha Ruth. Sinasabi niya na nga ba at imposibleng talagang hindi tatalaban ang babaeng iyon sa pangungulit niya. “I told you, Niko. Walang kahirap-hirap ko ‘tong magagawa,” saad ni Trenton habang sumandal sa swivel chair. It was late night at sinadya niya talaga na ganitong oras niya bwisitin si Agatha at kailangan ay consistent iyon. He won’t stop pestering her until he gets exactly where he needs to be. “Ang galing mo rin talaga, dude. Kaya bilib ako sa ‘yong hayop ka. Isipin mo ‘yon makikipagkita na sa ‘yo ang anak ni Figueroa?” tatawa-tawang tanong ni Nikolas. “Kayo lang naman ‘tong walang bilib sa ‘kin. This is just a piece of cake,” tila nakaupo sa tronong saad niya. He exactly knows how to get women, sa iba-ibang paraan man. Some women needs taming, some needs it rough. Parang pagluluto lang na kailangan alamin ang tamang timpla sa bawat putahe. Each dish differs, some needs more sugar… some needs more spice. And this game with Agatha is just like the rest he did before. Walang bago. Gagawin niya pa rin kung ano ang madalas ginagawa at tiyak na magtatagumpay siya. Kumbaga ay trabaho lang at walang personalan. He smirked while he stared at Agatha’s photos on the monitor. Talagang intensyonal niya itong ini-stalk. He even liked her posts. Sinagad niya na talaga ang pangbubwisit kay Agatha. Hindi bale nang isipin nitong wala siyang kamuwang-muwang na lalaki at sa halip ay pera lang ang gusto, basta ba makipagkita ito sa kaniya. He will need that for his next plan. “Baka matunaw na iyan, Montellano.” Ang seryosong boses ni Blade Contreras nang mahuli siyang tinitigan ang larawan ni Agatha Ruth. “Pre, huwag mong sabihing nadadali ka na sa ganda ng anak ni Figueroa,” side comment ni Zamir na tatawa-tawa. Hindi na siya sumagot. Tinapik niya na lang ang balikat ni Blade na lumabas sa opisina nito at mukhang may ipapagawa sa mga asungot, saka kinuha ang leather jacket sa swivel chair. Wala na siyang trabaho para sa araw na iyon at maaga pa siya bukas. “Anyway, dude, I saw the admiral’s daughter! You sure you haven’t been f*cking her these days?” halakhak ni Niko bago siya tuluyang lumabas. Inangat lang ni Trenton ang kamay at umalis na. He doesn’t care about that. Besides, he’s not really into bedding the same woman twice. Tutal din kung may mukha lang siguro ang libog, siguradong kamukha ‘yon ni Niko. He’s the most playboy, hindi lang noon hilig na ikama ang mga babae. Hilig niya ring paibigin at paglaruan. Trenton, on the other hand, is more detached from romance. Tutal ay mas napapadali rin naman ang kaniyang trabaho sa ganoon, and he’s just enjoying each trip with the girl he works with. Iyon lang at wala nang hihigit pa. When the job is that, it’s done. Nothing more will follow. Iyon ang kaniyang batas. May araw pa kinabukasan nang muli siyang nakatanggap ng mensahe mula kay Agatha Ruth. Hindi niya maiwasang mapangisi nang makita na ito mismo ang nagpadala ng mensahe sa kaniya sa katanghaliang tapat. Agatha Ruth: 4 PM sharp. If you’re one minute late, this conversation is done. Don’t ever contact me again! Napangiwi lang siya sa mensahe ni Miss Greenminded. Sa mensahe pa lang ‘yon pero rinig na rinig niya nga ang kasungitan nitong tumatagos yata sa screen. “Saan ka pupunta?” pagtatanong ni Manong Juan, ang may-ari ng talyer, nang makiligo siya roon at kahit paano ay nagbihis nang maayos. He’s pretending to be poor and a man who doesn’t care about anything but money. Iyong tipong iisipin ni Agatha na ganid siya sa pera at gagawin niya ang anumang bagay basta may kapalit na pera. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay dapat siyang maging gusgusin sa unang date nila ni Miss Greenminded dahil tiyak matu-turn off ‘yon. He will damn blow his own mission. Kaya kailangan niyang magpagwapo at magpasarap sa paningin ni Agatha Ruth, iyong tipong hindi na ito titingin sa iba at siya na ang pag-iinteresan. “May date ka ba, Trenton, hijo?” pagtatanong ng may-ari ng talyer habang naglilinis ng mga tool. “Kaya kailangan kong magpagwapo at magpabango, Manong,” saad niya at ngumisi. Tumutulo pa ang buhok niya at kakalabas ng banyo. Naupo siya sa kahoy na upuan at sinuot ang medyo may kalumaan ngunit nailalakad pa namang brown leather boots. Hiniram niya pa iyon. Tapos ay isang itim na t-shirt na babagayan ng leather jacket. Natawa na lamang si Manong Juan. “Ganiyan din ako nang aking kabataan. Hindi magtatagal ay may makikilala ka na ring babae na magpapabihag sa iyong puso, hijo.” Umangat lang ang kilay ni Trenton at gustong palipasin ‘yon palabas sa kabilang tenga. “Sige, Manong Juan, mauna na ako at ubod ng sungit ang date ko,” saad niya at dinampot na ang t-shirt upang doon na isuot sa labas, at baka pa tablan siya ng sinasabi ni Manong Juan. Mahirap na. Malapit nang mag-alas kwatro at naalala niya ang banta ni Agatha Ruth na kung mahuli siya kahit isang minuto ay tapos na ang usapan nila at huwag na siyang magpapakita rito. Hindi siya makakapayag kaya kung kinakailangan niyang lumipad ay gagawin niya. Nagwisik pa siya ng pabango para lang kay Agatha Ruth. For his next move, he will have to change Agatha’s perspective of him. Kung noong una ay isa siyang kaskasero at scammer, kailangan ngayon ay makuha niya na talaga ang kiliti ng amazona na iyon. Hindi pa naayos ang motor kaya wala siyang choice kundi ang sumakay ng pampublikong sasakyan. Mabuti na lang at sanay na siya roon. “Saan ba iyon dito?” tanong niyang hinahagilap ang lugar kung saan sila magkikita ni Agatha. If he had set the place, for sure Agatha will hesitate to come. He doesn’t want that to happen cause it will end his mission and make his plan crumble down. And second, he doesn’t want her to feel unsafe. That will be the least of an impression he’d like to make. Pero anak ng tokwa, bakit ba ganito ang mga anak-mayaman? Gusto palagi sa isang specific na lugar, eh, ang dami-daming kainan diyan! Hinahanap niya ang eksaktong restaurant at malapit nang mag-alas kwatro. Napamura na lang siya sa pagmamadali at bago pa pumatak mismo ang alas-kwatro ay natanaw niya na si Agatha Ruth. Nakaupo sa isa sa mga reserved table at panay ang tingin sa cellphone nito, kaunting sundot sa tagiliran at sasabog na! Kinapa ni Trenton ang bulsa, at nang makitang kaya pala hindi iyon tumutunog ay dahil lowbatt. Tang ina, kung minamalas nga naman talaga. BURYO NA BURYO si Agatha Ruth habang naghihintay sa loob ng restaurant kung saan siya nagpa-reserve. Of course, she can’t just let a stranger take care of their meeting place. Mahirap na at baka saan pa siya nito dalhin! Kung magkaproblema pa, tiyak na magagalit na naman sa kaniya ang daddy niya. Nakailang sulyap na siya sa glass door ng restaurant. Mauubos niya na rin ang in-order na inumin pero hindi pa rin nagpapakita ang anino ni Mr. Scammer. Nananadya yata ‘yon at pinapainit ang kaniyang ulo. Nasa mukha niya ang pagkabusangot. Hindi pa nagre-reply. Ang lakas din naman talaga ng loob. Nang sinulyapan niya ang oras ay nakita niyang isang minuto na lamang at alas-kwatro na. Sumandal siya at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Hindi ba nga ay dapat matuwa pa siya na hindi ito sumipot at baka pinagti-trip-an lang siya? At least she won’t pay ten thousand! Hindi na rin mura na halaga iyon. She needs to learn to appreciate the value of money, gaano man ‘yon kaliit sa kaniyang nakasanayan lalo na’t ngayon ay mukhang nanganganib na ang kinabukasan niya dahil sa pakikihati ng mag-inang sampid sa villa. Agatha Ruth: What now? Wala ka palang isang salita! Agatha Ruth: Forget this thing. Bahala ka na sa buhay mo, Mr. Scammer na hindi marunong tumupad sa usapan! I’m blocking you. Don’t text me again. At diretso blocked. Binaba niya ang cellphone ngunit kasabay niyon ay ang paglapit ng kung sino sa kinaroroonan niyang table. Isang panlalaking pabango ang nanuot sa kaniyang amoy. Medyo matapang ngunit hindi masakit sa ilong. In fact… it smelled incredibly good. Isang pares ng sapatos ang kaniyang nakita. Hinila nito ang upuan sa kaniyang harapan at nang tuluyan niyang ipadaan ang mga mata at inangat hanggang sa mukha nito, nakita niya ang seryoso ngunit medyo may panunudyong mga mata ng lalaki. Gustong matigilan ni Agatha sa panandalian. For a minute, naisip niyang nagkakamali ito at naligaw ng table. “Hindi pa ako late pero grabe ka nang sumimangot. Loosen up, Miss Greenminded…” saad nito habang inayos pa ang leather jacket na suot nang tuluyang maupo at magkaharap sila. Hindi agad nakapagsalita si Agatha Ruth at sa halip ay natutop sa kinauupuan. Tinitigan niya ito. She… doesn’t remember Mr. Scammer to be that… Suminghap siyang mahina, inaalala kung ito ba talaga ang lalaking ‘yon. Pumunta naman siya sa talyer at nagkita sila roon. Tinarantado pa nga siya nito, but still she doesn’t remember him to be this devilishly handsome! Tunay ngang gwapo ang antipatiko. Iyong kahit hindi ngumiti ay para bang kumikinang ang mga mata at kayang makipag-usap gamit lang ‘yon. A subtle smirk was written on his lips, yet it was so successful in making her blood boil with just a stretch. Ang ilong nito ay matangos. Ang mga kilay ay saktong makakapal at malalim ang mga matang binagayan din ng mga pilikmata nito. Lalaking-lalaki kung tumitig. His jaw is perfectly sculpted to mirror the sharpness of his features, but for some reason, she noticed the slight softness in his eyes. Agatha has seen many men in her life but she doesn’t remember anyone exuding this kind of charisma. Oh, right, the hunk man isn’t just handsome… if her friends would quote it, it’s called ‘s*x appeal.’ He carried himself with such a confidence, iyong tipong lalo na lamang maiinis ang kahit sino dahil naiintindihan kung saan galing ang pinagmamayabang nito. “Huwag mong sabihing nandito lang tayo para titigan mo ang kagwapuhan ko…” ngisi nito habang namungay ang mga matang pinagmasdan din siya. Ginaya siya nito at sumandal din sa kinauupuan. Agatha sighed sharply. Handa na siyang bugahan ito, kaso nang sinulyapan ang oras ay wala pang 4:01 at nakaupo na ito sa mismong harapan niya. Hindi late si Mr. Scammer! “Talagang sinakto mo pa sa 4:00 PM, huh? Are you messing with me?” Agatha asked through gritted teeth. FYI, ten minutes na siya rito pero hindi naman kasalanan ni Mr. Scammer kung sadyang punctual siya! Mga babae talaga… laging may dahilan para magsimula ng away. Lihim na laman ng isip ni Trenton ngunit siyempre ay hindi niya iyon sasabihin. That would literally get him kicked off right from the chair. Tingin niya ay si Agatha ang tipo na literal siyang itatapon palabas kung sakali. “Hindi naman ako late, Miss Greenminded… at huwag kang mag-alala, hindi ko sasayangin ang oras mo,” tila pagkalma lang nito sa kaniya. Pinigilan ni Agatha Ruth ang sarili na mapairap habang uminom ng naka-serve na drink. Parang nanuyo ang kaniyang lalamunan, at para na rin hindi na siya ma-high blood pa! Isa pa ay hindi na naman maganda ang kaniyang araw lalo pa’t nagtalo na naman sila ng kaniyang daddy kaninang tanghalian tungkol kay Jasmine, lalo pa’t mukhang sinisiraan na mana siya nito, kaya nga pinili niyang hindi mag-lunch sa villa sa sama ng loob. At ang totoo niyan ay hindi pa siya kumakain. Wala siyang gana. “Hindi ko alam na rich kid ka pala,” komento ni Mr. Scammer habang inabutan ng menu ng waitress. “Sorry, Miss, pero wala akong pambayad…” sabi nito sa kaniya habang sumandal sa kinauupuan. Sumimangot lang siya at tiningnan ang menu. “I know. Because if you had money, I’m sure you won’t try to scam me. I will pay for this.” Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kaniya. She felt it through her bones kaya inangatan niya ulit ito ng tingin at nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Nagugutom na si Agatha. Ngayon lang siya ulit magkakagana kumain, at hindi naman siya ganoon kasama para paupuin lang ito rito at painumin ng free water, iabot ang bayad, at paalisin na. “Sabi mo ‘yan, ah?” Umirap siya. Hindi talaga nahihiya! Oh, she doesn’t really care. “Sige nga, Miss, ito tapos ‘yan din.” Hinayaan niya itong pumili habang maingat naman niyang pinasadahan ang menu. She’s on a diet so she has to choose carefully. “I’ll have the grilled salmon, sauce on the side, and asparagus instead of potatoes. And sparkling water, please,” she asked the waitress. Tumango naman ito at umalis na pagtapos kunin ang order. Wala naman siyang pakialam kung anong binili ni Mr. Scammer. In no time, she’ll kick him out. For now, lalamanan muna niya ang tiyan dahil baka sumabog siya sa iritasyon kung hindi pa siya kakain. “What?” she asked coldly. “Hindi ko alam na may tinatago ka palang bait sa sungit mong ‘yan.” He smirked. Sinuklay nito ang buhok palikod. Suot ang isang itim na leather jacket, mukha talaga itong astigin. Iyong tipo na wala nga talagang aatrasan at halata ring loko-loko kausap. “Nagugutom lang ako. Don’t take this too personal,” giit ni Agatha Ruth. Nilabas niya ang cash para ibigay na rito nang sa gayon ay tantanan na rin siya. Sa halip na tingnan ang pera ay nakatingin pa sa mukha niya si Mr. Scammer. Nangingiti pa ito kaya hindi alam ni Agatha kung maiinis ba siya o iisipin kung anong nginingiti-ngiti at titig nito. Cause if he’s also a pervert, Agatha Ruth might really lose her damn mind. Walang duda, masisipa niya ito papalabas ng restaurant. “Eyes on the money, Mr. Scammer. Hindi ba ‘yan naman ang gusto mo? You have it,” aniya at nilabas na rin ang isang papel na nagsasabing tapos na ang komosyon sa pagitan nila at ayos na iyon. Mahirap na at baka maloko pa siya! “Naks, girl scout.” Mahina itong natawa at amused. “Handang-handa ka, ah. Sige, dahil diyan ay magkakasundo tayo.” Umirap lang si Agatha Ruth at pinagmasdan itong pirmahan iyon, sinasabing tapos na at bayad niya na ang damage sa motor nito. “After this, don’t ever bother texting me again. You’re ruining my night, do you know that?” inis na sabi ni Agatha sapagkat nag-e-emote siya tapos bigla na lang itong magte-text at naniningil! “Sorry na, Miss Greenminded. Ikaw nga, buong linggo ko ang sinira. Pero at least ngayon ay ayos na tayo. Dahil diyan once a day na lang kitang kukulitin at tuwing umaga lang.” Nalukot agad ang ekspresyon ni Agatha. “What the hell? Ano pa bang kailangan mo sa akin? Here, I am paying you already, okay! Wala na akong utang sa ‘yo!” sabi niya rito at tinulak pa ang sampung libo. Kung pwede lang ay isasaksak niya pa ‘yon sa baga nito. “Gusto kang makita ng lolo ko… sinabi ko na kasi na babayaran mo na ako ngayong araw. Natuwa siya at sinabing sana ay mapasalamatan ka niya nang personal. Nag-alala iyon nang husto sa motor, hindi makakain at makatulog, dahil pamana pa ‘yon sa kaniya ng tatay niya, ang great grandfather ko.” Umangat ang sulok ng labi ni Agatha Ruth, hindi alam kung nagbibiro ba ang lalaking kaharap. Seryoso kasi ang mukha nito kahit pakiramdam niya ay nanggagago ang salita. What the hell? Lolo nito? Is he serious?! “What the hell were you thinking?! Sinabi mo pa talaga sa lolo mo ‘yon?!” inis niyang tanong. Tumango naman si Mr. Scammer matapos lagukin ang tubig. “Sinabi ko na sa ‘yo, Miss, mahalaga talaga ‘yon sa lolo ko…” “Ugh, I think you’re lying! Hindi naman mukhang panahon ng dinosaur ‘yong motor mo!” inis na sabi ni Agatha kahit hindi na rin sigurado kung biro lang ba talaga ‘yon o ano! Natigilan ang kaniyang kaharap at sumeryoso. Kahit nakaupo ay mas matangkad pa rin talaga itong tingnan. He’s got a masculine built, tipong natatakpan ang view niya kung titingin mula sa likod nito dahil sa pagkaiba ng katawan at height nila. “Miss… sinasabi mo bang panahon pa ng dinosaur ang lolo ko?” seryoso nitong tanong dahilan para natigilan nang kaunti si Agatha Ruth. Napailing ito nang kaunti. “Mabuti na lang at hindi ko siya sinama. Tiyak masasaktan si Lolo dahil pinakilala kitang sobrang bait...” Agatha sighed sharply. This guy must be nuts! Mabuti na lang at dumating na rin ang pagkain dahil wala na siyang masabi. Hindi bale at pagkarating na pagkarating ng pagkain sa sikmura ng lalaking ito ay tiyak na papatalsikin niya na ito. Kaso sikmura ni Agatha ang hindi pa halos nadadapuan ng masarap na pagkain, napatingin naman siya sa glass door ng restaurant nang makita ang pamilyar na babaeng nandoon. Nangunot ang noo ni Agatha Ruth nang makita kung sino ang naroon, walang iba kundi si Jasmine! At hindi ito mag-isa, may kasamang dalawang kaibigan nito, na dahilan para manliit ang mga mata ni Agatha Ruth at humigpit ang hawak sa babasaging baso. What the hell is that social climber’s problem? At nagsama pa talaga ng alipores. Hindi nakangiti si Jasmine habang palapit sa kaniyang pwesto. Halos umakyat ang lahat ng dugo ni Agatha sa ulo ngunit nagtaas lamang siya ng kilay. “Oo nga pala, Miss Greenminded. Dinelete ko na iyong pictures at caption. Baka sabihin mong ipo-post ko,” ngisi ng lalaking kaharap. “At hindi ako stalker. Lilinawin ko lang. Ginawa ko lang ‘yon dahil baka hindi mo ako bayaran. Huwag kang mag-alaala, buburahin ko ang lahat—” Naputol lang ang pagsasalita nito nang napatingin sa kaniyang tinitingnan, walang iba kundi ang papalapit na papalapit na si Jasmine. Gustong magulumihanan ni Agatha lalo na’t hindi plastik ang ngiti ni Jasmine. Instead, galit na galit ang ekspresyon nito at sa gulat niya nga, nang makalapit ito ay basta na lang nitong dinampot ang baso ng tubig at binuhos sa kaniya. Tahimik na napahinga si Agatha. The water got splashed on her face! Nabasa agad ang kaniyang damit at kahit tila sasabog ang pintig ng puso niya sa pangangahas na iyon ni Jasmine, hindi siya agad nakagalaw! “W-Walang hiya ka talaga, Agatha! S-Siniraan mo ako kay Tito Fred! Napakasalbahe mo! Napakasama ng ugali mo!” pag-eeskandalo ni Jasmine habang nagngingit ito sa galit at akmang hahablutin din ang kaniyang buhok. Oh, dear! Ano na naman bang demonyo ang sumapi sa utak ni Jasmine? Dito pa talaga sa harapan ng kaniyang kausap! Humanda talaga ito sa kaniya dahil hinding-hindi niya ito aatrasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD