Kung may una mang naramdaman si Agatha Ruth, iyon ay kahihiyan para kay Jasmine. She was getting a second hand embarassment because she’s trying so hard to be a drama queen!
Tahimik siyang kumuha ng tissue para ipunas sa bandang mga mata, habang patuloy pa rin si Jasmine na kitang-kita niya ang panggagalaiti at gusto na siyang haklitin.
Sa likod nito ay ang dalawang alipores, probably two other idiots. Or maybe social climbers, too. Tutal ay magiging parte na pamilyang Figueroa si Jasmine, dinidikitan na rin ito ng mga so-called friends.
“Siniraan mo ako kay Tito Fred! Anong sinasabi mong ako ang naninira sa ‘yo sa mga friends mo, huh? You are so fake! If I know, hindi mo lang kaya ang selos mo dahil unti-unti ka nang tinatakwil ni Tito Fred!”
May paluha effect pa itong nalalaman. Sa totoo lang ay napapahiya naman talaga ngayon si Agatha lalo pa’t siya ang nakaupo at basang-basa, at ang katotohanan na ‘yon ay lalo lang pinapag-init ang kaniyang ulo.
“Are you on drugs, Jasmine?” mariin niyang tanong sa mahina pang boses.
“And now you’re trying to accuse me of using drugs! Just how dare you, Agatha! Ang lakas ng loob mong siraan ako kay Tito Fred, pero ikaw pala ‘tong may ginagawang kalokohan!” saad nito.
Lalong nandiri si Agatha sa kadramahan ni Jasmine. Manang-mana talaga sa ina. Baka nakakalimutan nitong wala sila sa teleserye.
Nang mapunasan ang kaniyang mukhang naligo sa tubig, humakbang pa nang isa si Jasmine. Hindi niya alam kung paano ba nito tine-train ang sarili dahil talaga ngang may luha ang mga mata nito at tila ba aping-api.
“Tapos ka na ba?” malamig niyang tanong dito.
Her blood is boiling. Nagambala ang ibang customer sa nananahimik na restaurant. Dito pa talaga napili ni Jasmine na pairalin ang pagkaluwag ng turnilyo sa utak nito. And damn life for having no intention of giving her even a peaceful afternoon!
Hindi na nga siya kumain ng lunch doon sa villa, and instead sat with this guy who also makes her blood boil, ito pa ang gagawin ni Jasmine. Just great.
“P-Paano mo naaatim na siraan ako, Agatha? I’m your sister! Halos magkapatid na tayo—”
Doon tuluyang nagpanting ang tenga ni Agatha Ruth. Kahit si Mr. Scammer na nasa harapan lang niya ay hindi niya na napigilang isawalang-bahala.
Anong sinabi ni Jasmine? Ulitin nga nito nang masubsob niya ito sa mesa!
“Wala akong kapatid na gold digger, Jasmine. And please, you’re embarassing yourself! Mabuti pa ay umalis ka na bago kita ipakaladkad sa security. You really have no shame,” giit ni Agatha rito.
Wala siyang pakialam kung marinig iyon ng iba. Oh, she really doesn’t care! Not a single bit.
“Kung ako sa ‘yo, dadalhin ko ang mga kalat ko at lalabas sa pintuan na ‘yon. Baka hindi ako makapagtimpi at patulan kita rito, Jasmine… but since I have some shame unlike you, I wouldn’t stoop so low,” nagngingit niya ring sinabi.
“Agatha Ruth, Jasmine is just—”
“Shut up, huwag ka ngang makisali kung sino ka man!” inis niyang baling sa alipores ni Jasmine. She’s even trying to copy her by having these two friends, huh? It’s annoying the hell out of Agatha!
Napaatras ito. Magsasalita pa sana iyong isa ngunit nadala na rin sa tingin ni Agatha Ruth kahit hindi pa siya magsalita. Ngunit hindi pa rin umatras si Jasmine.
Lumapit na ang ibang staff para ayusin ang komosyon lalo pa’t nakakaabala sa ibang customer. God, nakakahiya talaga ang anak ni Rosalina.
“You better get out, Jasmine. Get out of my face,” ani Agatha Ruth.
Hindi pa rin nais magpatalo sa hiya, muling dinampot ni Jasmine ang baso ng tubig. Ibubuhos sana muli nito iyon kay Agatha ngunit bago niya pa magawa ay may pumigil na roon. A hand held her wrist so tightly na tila napako si Jasmine sa kinatatayuan at hindi maituloy ang binabalak.
“Miss, mabuti pa umalis ka na…” seryosong saad ng lalaking kaharap ni Agatha Ruth.
Pinigil ni Mr. Scammer ang pulsuhan nito kaya hindi tuluyang naligo sa tubig si Agatha sa ikalawang pagkakataon. Nagtaas-baba ang dibdib ni Jasmine sa pagkapahiya at pagpupuyos na hindi masunod ang gusto nito.
Kinuha ng lalaki ang babasaging baso at nilapag sa mesa. Jasmine’s breathing was frantic. Nagpalipat-lipat na lamang ang tingin nito sa kaniya at sa lalaki. At hindi alam ni Agatha Ruth kung bakit tila mas lalo lang umapoy ang kaniyang ulo sa init.
“Ang galing mo talaga, Agatha. Sinusuway mo si Tito Fred at nakuha mo pa talagang makipagtagpo sa lalaki!”
Oh, please. She has to be checked up by professionals at this point!
“Simpleng malandi ka rin talaga, Agatha. You’re pretending to be a man hater but you’re secretly meeting a man! That’s so hypocrite!” ani Jasmine.
Kumuyom ang palad ni Agatha Ruth. Tumayo siya nang tuluyan at akmang papatulan na talaga si Jasmine dahil sumusobra na ito, ngunit bago niya pa iyon magawa ay pinigilan na siya ng lalaking kaharap.
Sa isang iglap din naman ay dumating ang staff ng restaurant at pinalabas ang nag-eeskandalong si Jasmine.
“Ano ba, bitawan n’yo nga ako! I can walk!” ani Jasmine na galit pa sa mga ito. Pilit pa nitong winawaksi ang mga kamay nitong inaakay siya palabas dahil ayaw sumama ng kusa.
May parte kay Agatha na gustong bitawan siya ng lalaking pumigil sa kaniya.
“Why are you stopping me?! Uubusin ko ang buhok ng babae na iyo—”
“Huwag mo na iyong patulan. Sino ba kasi ‘yon at bakit ka—”
“Get off me!” giit niya rito dahil hinarangan pa talaga siya at hinawakan ang kaniyang mga braso dahil sa kagustuhan niyang sundan na iyon si Jasmine. Kakalbuhin niya iyon. Nangangati ang palad niya and the only thing that will remove that itch is when she gets to drag her again at the pool! “Bitawan mo ako—”
Hindi pa rin siya nito binitawan lalo pa’t naririnig niya pa ang mga histerikal na sigaw ni Jasmine habang pinalabas ito ng restaurant. The man held both of her shoulders, at nang tuluyan siya nitong pinigil ay roon natigilan si Agatha at napaangat ang tingin dito habang nagtaas-baba pa ang paghinga niya dahil sa galit na nais sumiklab.
Nagtama ang paningin nilang dalawa at may kaseryosohan sa mga mata nito, tila ba inaawat talaga siya sa tingin pa lang nito!
Dahil sa galit at labis na iritasyon, at pinigilan pa siya ng lalaking ito kaya hindi niya mailabas ang galit at gantihan si Jasmine, nag-init ang sulok ng mga mata ni Agatha. Ang ibang customer ay nakatingin pa rin.
Dinampot ni Agatha ang kaniyang bag at lumabas na rin ng restaurant sa labis na pagpipigil na sumabog sa matinding galit.
Trenton sighed heavily and with sharpness. Anak ng… nailabas niya nga si Agatha Ruth pero ganito naman ang nangyari!
He just turned to the waitress, mabilis na sinettle ang bill gamit ang card niya, at pagtapos ay sumunod na rin kay Agatha Ruth palabas!
He cannot damn lose her! Mabuti na lang at naabutan niya ito agad na patungo sa sasakyan nito. Seryoso talaga si Miss Greenminded na uuwi na! Sino ba kasing babae iyon at bigla na lang sumugod? Kahit siya ay medyo naalibadbaran, ang ganda na ng mood ni Agatha Ruth at kahit papaano ay nakikipag-usap na sa kaniya na parang tao at hindi dragona!
“Uy, Miss Greenminded… uuwi ka na ba talaga? Hindi pa natin nababayaran iyong bill,” saad ni Trenton para lang mapigilan si Agatha Ruth.
Damn. Damn it, he cannot lose her! Kailangan pa nilang mag-usap. Kailangan niya pa itong makausap!
“Ano ba, Mr. Scammer?! Are you really messing with me?” ani Agatha Ruth at mukhang sa kaniya pa yata mabubuga ang galit nito. Hindi bale na, basta siya. Tatanggapin na lang ni Trenton. He can’t f*ck up his plan.
“Um-order ako kasi sabi mo babayaran mo. Tapos iiwan mo na lang—”
“Here, pay it! Don’t show your face again, okay!” ani Agatha matapos kumuha ng ilang libong cash sa clutch bag nito at inabot sa kaniya. Kung hindi niya pa ‘yon nasalo sa dibdib ay nagsiliparan pa ‘yon sa parking lot!
“Anak ng…” bulong ni Trenton. “Sino ba kasi ‘yong umaaway sa ‘yo? Reresbakan natin. Huwag ka munang umalis.”
“Get out of my way,” giit pa nito na hinawi siya sa pintuan ng driver’s seat.
Hinawakan niya ang pinto nito nang umupo si Agatha sa loob. Ewan niya kung susundan ba nito iyong babae. Napamura siya at hindi kasama sa bingo card niya ngayong araw na makaka-witness ng away sa pagitan ng dalawang babae.
“Agatha Ruth,” saad niya habang nakahawak pa sa bubong ng kotse nito.
“I said get out of my way! Kundi ay babanggain kita,” banta nito at namumula ang mga mata. Imbes na mainis at patulan ito, hindi alam ni Trenton kung bakit lumambot ang kaniyang tingin.
Napaatras lang siya nang tuluyang isara ni Agatha ang pinto ng kotse nito mula sa loob at malakas ‘yong kumalabog.
Agatha Ruth ignited the engine. Handa na siyang paharurutin iyon ngunit hindi niya alam kung bakit biglang ayaw umandar ng kotse.
She tried again, but there was still no sign of the car starting. Pagkalaon ay napagtanto niyang paubos na nga pala ang gas niya kanina. Mula pa lang sa villa pero dahil sa kagustuhang makaalis na roon dahil sa panibagong naging pagtatalo niya at ng ama, pinilit niya ang gas na makarating dito sa restaurant.
Pumikit si Agatha nang mariin. Napahampas na lang siya sa manibela sa inis. She wanted to scream her lungs out, pero parang nanghina na lang siya sa sunod-sunod na kamalasan!
Halos tatlong minuto siyang nandoon lang sa loob ng kotse na ayaw umandar. The enginer cranks but it wouldn’t catch. At nang mapalingon siya sa labas ng bintana ay nakita niyang nandoon pa rin ang napapailing na si Mr. Scammer.
Nalukot ang ekspresyon ni Agatha Ruth at hindi alam kung ano na lang bang mararamdaman.
Muli niyang binuksan ang pinto at lumabas doon. May kaunting ngisi sa labi ng lalaki ngunit hindi na ‘yon pinansin pa ni Agatha Ruth at sa halip ay sinara ang pinto ng kotse at naglakad palayo!
“Anong nangyari?” pahabol nitong tanong na nagtataka kung bakit hindi siya umalis.
Inis man kay Jasmine, parang hindi niya maiwasang makadama rin ng hiya. Baka pagtawanan pa nito ang kamalasan niya kapag sinabi niyang naubusan siya ng gas!
“Pakialam mo? Maglalakad ako! Kaya pwede ba ay tigilan mo na ako? Ano pa bang kailangan mo kung binayaran na kita?” pagalit niya na lang na sinabi.
Hindi talaga siya nito tinigilan at sinundan pa siya. Ang mabibilis niyang lakad ay katumbas lang ng iilan nitong kalmadong hakbang dahil sa mahahaba nitong binti.
“Concerned lang ako. Didilim na kung maglalakad ka lang,” saad nito at lumabi.
Wala siyang pakialam! Kahit ngayon pa mismo dumilim ang paligid ay maglalakad pa rin siya!
Pinigilan nito ang kaniyang braso para tanungin kung ano ba ang problema roon sa kotse. Hindi na napigilan ni Agatha dala ng halo-halong nararamdaman dahil sa kamalasan.
“Ano ba kasing problema, Agatha? Baka matulungan kita—”
“Who the hell do you think you are? You’re just a stranger, kaya pwede ba ay bitiwan mo ako at tigilan mo na ako!” saad niya nang nagtama ang kanilang paningin na bahagya nitong ikinatigil…