Ayaw ni Agatha na ibuhos ang iritasyon sa isang estranghero kaya hangga’t maaari ay gusto niya nang paalisin ang lalaking ito. Besides, he has no business in her personal life, kaya pakialam ba nito kung anong nangyari?
Pero hindi lang yata scammer ang lalaking ito, tsismoso rin! Ayaw siya nitong tantanan kahit nang naglakad siya paalis sa parking lot.
Life really has its bad days, and maybe this is one of hers. Pero hindi lang ito basta bad day lalo na’t nagpapatong-patong na yata ang kaniyang mga kamalasan!
“Sinusundan mo ba ako?!” may diin niyang tanong sa lalaking kahit may distansya sa kanilang pagitan ay halata namang nakasunod sa kaniya.
Nang nilingon niya ito, agad itong napatingin sa langit, kunwari ay hindi siya nakikita. Pagtapos ay itinuro pa ang sarili.
“Ako ba?”
Naiinis lalo si Agatha kaya muli siyang pumihit at nagpatuloy sa paglalakad habang nakabusangot. Tuluyan niya nang iniwan ang kotse sa parking lot. Siguro naman ay may masasakyan siyang taxi tutal ay nakapunta nga rito ang bruhildang si Jasmine kaya tiyak na may mahahanap din siya nang sa gayon ay makauwi.
Tumayo siya sa gilid ng side walk at naghintay ng daraang taxi, nang marinig niya ang boses ng lalaking ayaw pa rin siyang iwan. Hindi niya ito pinansin at sa halip ay inangat ang kamay para pumara ng masasakyan.
“Mahirap sumakay ng taxi rito. Doon sa kabila dahil doon sila unang dumaraan. Pwede rin namang bus, Miss Greenminded, mas madali iyon at—”
“Will you shut up? Ayaw ko nga na sumama sa ‘yo roon!” saad niya agad saka lalong pumapara ng taxi, iyon nga lang ay puro may sakay na iyon.
Isa pa ay may mga nag-aabang din at nasa unahan kaya unang nakakasakay ang mga ito.
“Ikaw, Miss, ah? Wala akong sinabing sasama ka sa ‘kin. Sinasabi ko lang ang sakayan nang hindi mo pinapahirapan ang sarili mo diyan,” nangingisi nitong sinabi at puno ng panunudyo.
Agatha Ruth sighed sharply. Nilingon niya itong nakapamulsa pa sa pantalon nito. Bakit ba kasi hindi na lang siya iwan nito tutal ay nakapagbayad naman na siya? Ano pa ba ang gusto nito?
“No, thanks! I know what I’m doing. Tumabi ka nga,” mataray niyang sinabi nang humarang-harang pa ito.
Pinara niya ang isang taxi at nakita na wala iyong sakay, kaso bago pa ito huminto sa kaniyang tapat ay may lumapit na roon at inunahan siyang sumakay. Agatha’s mouth dropped open, hindi makapaniwala lalo nang irapan pa siya ng babaeng sumakay roon.
“I called the taxi first!” giit niya at hindi maintindihan kung bakit may ganoong mga tao. Sinundan niya na lang ng tingin iyong taxi na agad din namang umandar paalis. She couldn’t help but shout at it. “Hey, you, ma-late ka sana sa pupuntahan mo!”
She was in emotional turmoil. Lalo pa nang narinig niya ang tawa ng lalaki na dahilan para lingunin niya ito at sinamaan ng tingin. Humalakhak pa talaga ito sa kaniyang kamalasan kaya sa inis ay hinampas niya ng bag ang bandang dibdib nito at nilagpasan ito para makatawag ulit ng taxi at hindi na siya maunahan pa ng iba.
Natigil sa pagtawa si Trenton at napaubo nang kaunti. Amazona nga talaga ang anak ni Frederick Figueroa, walang duda!
Pinara ulit ni Agatha ang sunod na taxi ngunit ganoon ulit ang nangyari. May nakipag-unahan ulit ang diretso sumakay roon. Hindi makapaniwala si Agatha Ruth. Alright, she’s not really knowledgeable when it comes to public transport. May sarili siyang driver at simula nang nag-aral ay hindi niya naman kailangang makipagsapalaran sa ganito at matutong mag-commute.
“Hindi ka talaga makakasakay niyan kung hindi ka marunong makipag-unahan,” ngisi ng napapahalakhak na si Trenton. Hindi pa nadala sa hampas niya ng bag sa tiyan nito.
Alam ni Trenton na hindi naman parte ng misyon na tarantaduhin nang husto si Agatha Ruth, and to watch her struggle like this, but somehow, he found it amusing. There was something about it.
Ang sarap din talagang inisin ni Agatha Figueroa. Iyong tipong kahit galit na galit na ito at umuusok ang ilong ay ang hirap seryosohin. She looked like a goddess of fury every time her nose flared and her eyes sharpened… like that white dragon character. And he couldn’t take it seriously!
Usually, Trenton doesn’t prefer fiery women. Of course, bed is an exemption but still, he prefers them submissive. Kung may tipo siya sa babae ay natitiyak niyang hindi si Agatha iyon. Like what he had said, she wasn’t really his type. At alam niya namang ganoon din kay Agatha.
He wasn’t her type, because if he is, hindi na sana niya kailangang gumawa ng ganitong katauhan. Pinag-aralan niya na iyon kaya ngayon ay alam niya na. In no time, he will master what Agatha truly wants in a man and he will use that against her, and that will send his plan to the moon.
“Ano, Miss Greenminded? Suko ka na ba?” nanunudyong tanong ni Trenton na nandoon pa rin at hindi pa rin umaalis.
Hindi niya ito sinagot at sa halip ay kinuha ang kaniyang cellphone. Tatawagan niya na lang ang driver kaysa ang sumama rito sa lalaking ito!
Nilagay niya iyon sa bandang tenga at saktong may dumaang taxi na walang sakay. Ramdam niyang sa tapat niya ito hihinto kaya naman napausal na siya ng pasasalamat sa langit at sasakay na sana roon, pero hindi ba naman alam ni Agatha kung bakit bigla na lang umandar iyong taxi paalis kahit wala naman itong isinakay.
Nalukot ang ekspresyon ni Agatha. Just what’s wrong with people today?!
“What the hell? It was empty!” nagugulumihanan at parang sasabog niya nang saad. Napatingin siya sa lalaking nandoon pa rin at ni hindi man lang maging gentleman at tulungan siyang makasakay.
Little does she know, kapag tumatalikod siya ay sinenyasan ni Trenton ang taxi na huwag siyang isakay at dahil na rin sa galit na galit at nakasimangot na postura ni Agatha ay mukhang iniisip ng mga ito na ayaw mag-girlfriend at boyfriend ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Hindi mapigilan ni Trenton ang mangisi na lamang lalo nang sikmatan siya ni Agatha Ruth. He had to stop his own smirk at pinaseryoso ang mukha.
“Kasalanan ko na naman…” bulong niyang narinig pa rin nito.
Pakiramdam ni Agatha ay may kinalaman ang lalaking ‘to sa kaniyang mga kamalasan, she just can’t prove it.
Sinukuan niya na ang pagsakay ng taxi at naglakad na lamang. Naka-heels siya at kahit medyo sanay naman doon lalo na’t nagra-runway modelling din, nananakit pa rin ang kaniyang mga paa dahil kanina pa nakatayo.
“Ang tigas talaga ng ulo mo, ‘no, Miss Greenminded? Kung nakinig ka lang, sana kanina ka pa nakasakay sa kabila,” saad ni Mr. Scammer na sinusundan pa siya.
“What do you think I’m doing? Doon ako pupunta! Kaya pwede ba huwag mo na akong sundan?” giit ni Agatha.
“Hindi mo pagmamay-ari ‘tong daan, Miss Greenminded, ah. At doon ako sasakay. Hindi kita sinusundan,” may pang-aasar pa rin nitong sinabi.
Naglalakad siya at tinatawagan ang kaniyang driver para magpasundo na lamang. Ewan niya kung binayaran ba talaga ito ni Mr. Scammer ang bill nila roon sa restaurant. Kumukulo na naman ang kaniyang dugo habang naiisip kung paanong nagawang sirain na naman ni Jasmine ang isa sa mga araw niya.
Hindi pa tuluyang nasasagot ni Kuya Dante ang tawag, napaigik na si Agatha Ruth nang hinawakan nito ang palapulsuhan niya. Isang bus ang dumaan at bago pa niya matanto ay pasakay na sila roon!
Halos napatili pa siya. Oo nga’t nakasakay na siya ng bus, pero matagal na iyon. One of desperate moments in her life nang minsang naligaw sa isang group project kasama ang classmates, at talaga namang pinagalitan siya ng kaniyang daddy.
Kaya how dare this man take her to that bus?!
Huli na bago siya nakahuma. Nakasakay na sila roon dahil kung hindi siya hahakbang ay baka pa makaladkad sila. Bukod pa roon ay may ilan ding mga pasahero ang sumakay. Lalo pang kumabog ang dibdib ni Agatha sa kaba nang makitang halos punuan iyong bus!
“How dare you?!” pabulong niyang giit kay Mr. Scammer na tinulak niya sa dibdib nito. Kung hindi lang nagkasiksikan at maraming pasahero ang bus ay baka sinigawan niya na ito at pinaghahampas sa labis na matinding iritasyon at hindi makapaniwala rito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata upang ipaalam ang ginawa nito, ngunit sa halip ay nginisian lang siya ng antipatikong scammer. Sa tangkad nito ay mabilis at walang kahirap-hirap nitong naabot ang handle bar, habang siya ay heto nasisiksik ng mga pasaherong kasunod nilang sumakay.
“What the hell is your problem?! B-Bakit mo ‘yon ginawa?” inis na inis niyang tanong dito habang pasimpleng napapatingin sa paligid.
Halos punuan na at nahihilo agad siyang isipin na hindi siya makaupo. There were too many passengers and it’s making her panic! Lalo pa dahil hindi siya sanay sa bus at tila nadadala siya sa pag-andar nito.
She glared at the man. Hindi niya maabot iyong handle bar at mamamatay na siya sa pagkataranta lalo pa’t naghahalo-halo ang mga tao sa kaniyang paningin.
“I will literally k*ll you once we get off this bus, you assh*le!” giit niya muli na panggigil at hindi pinapahalata ang mga sinasabi sa ibang pasahero.
She’s not like Jasmine, alright. Ayaw niya na mag-eskandalo ngayon sa pampublikong lugar! Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi niya papatayin si Mr. Scammer pagbaba nila rito.
“Nauubos na ang pasensya ko kakatingin sa ‘yo na hindi makasakay sa taxi. Kaya ginawan ng kita ng pabor, Miss Greenminded.”
How did he even know kung saan siya uuwi? Kapag maligaw lang talaga sila ay tiyak na lalagutin niya ito!
Siksikan ang mga nandoon sa bandang unahan kaya natutulak siya. May kabilisan pa naman ang andar ng bus at dahil doon ay nawawala ang kaniyang balanse, hindi niya pa alam kung saan hahawak kaya noong sandaling bumagal ang bus ay muntik na siyang mawalan ng balanse at nasubsob sa lalaking kasama.
He’s tall and had firm muscles like that metal handle bars. Sa desperasyon ni Agatha Ruth na hindi tumalsik ay sa braso nito siya napahawak at muntik pa siyang mapasinghap!
“Nakng, Miss, ikaw, tiyansing ka, ah—”
“Shut up!” singhal niya nang ilang beses kamuntikang sumubsob dito. Sa sobrang dikit nila sa isa’t isa ay nanuot sa kaniyang pang-amoy ang pabango ng antipatikong lalaki.
His fragrance was her savior. Dahil naaamoy niya agad ang halo-halong amoy sa loob ng bus kahit pa naka-aircon! Dahil na rin siksikan at mainit pa kaya pawisan ang mga tao. Dumagdag pa iyong usok sa labas.
Ayaw man isipin ni Agatha ay parang gusto niya na lang singhutin ang damit ni Mr. Scammer dahil parang mahihimatay siya dahil sa sensitibong pang-amoy.
Nahihilo na siya at hindi na kayang manatiling nakatayo at baka roon na siya mismo uupo sa sahig! Ngunit hinawakan ni Mr. Scammer ang kaniyang pulsuhan at dinala siya sa bandang gitna kung saan may isang bakanteng upuan.
She sent him a death glare once again. Pangisi-ngisi lang ito at panay ang titig sa kaniya na tila naaaliw sa kaniyang kamalasan. Kaya bago siya maupo roon sa aisle seat ay binigyan niya ng pamatay na hampas sa dibdib ang lalaki.
It made him groan. She’s got a steel fist!
“Ganiyan po talaga ang misis ko, medyo istrikta pero mabait po ‘yan. Hindi niya po ‘yan ginagawa sa ‘kin sa bahay,” dinig niyang sabi ng lalaki sa matandang babae na nasa tabi niya at nakaupo sa window seat. Ganoon din sa mga nasa likod na napatingin dahil sa munting away nila.
Agatha Ruth glared at him. Kung ano-ano ang pinagsasabi nito. He was making stories as if he’s detached from reality.
Nang naupo siya ay naghanap siya ng seatbelt dahil sa kabog ng dibdib na baka ay tumilapon siya, ngunit bago pa niya mapagtanto na wala nga palang ganoon sa bus, narinig niya na ang magaspang na tawa ng lalaki.
“Sorry, Miss Greenminded, wala silang seatbelt tulad ng sasakyan n’yo. Kung gusto ay haharangan ko na lang ng kamay—”
“Napakabastos mo talaga!” saad niya at balak na naman itong hampasin sa kaniyang clutch bag. Kaso bago niya pa magawa at mapagtanto na hindi niya abot ang dibdib o tiyan nito dahil sa tangkad nito, nahuli na nito ang kaniyang kamay at umatras nang kaunti.
“Oops, teka, teka! Huwag diyan! Alam mo namang ‘yan ang kinabukasan nating dalawa—aw!”
Trenton lets out a relieved sigh. He tsked. Pareklamo itong huminga nang malalim at tila nabunutan ng napakalaking tinik dahil nahuli nito ang kaniyang pulsuhan. Kaso paa naman nito ang kaniyang inipit sa heels.
Ngunit sa totoo lamang ay pinamulahan siya ng mukha nang napagtantong nakatayo nga lang pala ito sa kaniyang gilid at wala nang bakanteng upuan! Mismong umbok sa pantalon pa nito ang kaniyang kaharap!
Magkaka-stiff neck pa yata siya kakaiwas ng tingin doon nang mapagtanto iyon. Muling humingi ng paumanhin ang lalaki sa ibang mga pasahero dahil sa kanilang pagtatalo. Sinamaan niya itong muli ng tingin dahil ayaw niyang maniwala ang mga tao na may relasyon silang dalawa!
She won’t, for Pete’s sake, ever fall in love with a scammer!
Nang mag-ring ang phone ni Agatha ay saka niya lang nakita ang call back ni Kuya Dante. Sinagot niya iyon. Hindi raw nito nasagot agad ang tawag dahil may inutos pa si Gobernor Figueroa, which is her dad!
“It’s alright, Kuya Dante. Pauwi na rin po ako. Don’t bother anymore,” saad niya na lang at hindi na binalita pa ang kamalasan na ito.
Napatingin na lang siya rito na umangat-angat ang mga kilay at may tinatagong ngiti. Inirapan niya ito at kung pwede lang ay tatanggalin niya ang mukha nito. It’s getting into her nerves!
Pasalamat na lang talaga si Mr. Scammer dahil nasa public transport sila, kundi ay kanina niya pa ito pinaliguan ng hampas sa kaniyang bag. Iyon nga lang ay parang hindi naman ito tinatablan at nang hinampas niya sa dibdib kanina ay kamay niya pa ang nasaktan sa tigas niyon.
She doesn’t know if he’s got a steel body. Perhaps. Parang wala itong sinasanto. Wala ring kapaki-pakialam. Basta na nga lang siya nitong sinakay sa bus at ang dahilan ay nauubos na ang pasensya nito na hindi siya makasakay ng taxi!
He doesn’t care about the world. He seems carefree and adventurous. Iyon ang natitiyak ni Agatha.