Chapter 11

1815 Words
“Naku, Ma’am Agatha, pasensya na po! Huli ko na nakita iyong tawag ninyo!” agad na paumanhin ni Kuya Dante pagdating ni Agatha sa villa. Nasa mukha nito ang pagkakonsensya. Huminga na lamang nang malalim si Agatha. She’s had a long day, at hindi bale na dahil nakauwi naman siyang buong-buo. Iyon nga lang ay hindi pa rin talaga siya nakaligtas sa pambubwisit na lalaking iyon. “Don’t worry about it anymore, Kuya Dante. I just have to rest,” saad niyang nakahalukipkip na lamang at parang nahigop ang kaniyang lahat ng enerhiya. Tumango naman ito at inakay na rin siya sa loob. Hindi mawala sa isip ni Agatha ang nangyari sa araw na iyon. Magmula sa pagsunod ng impaktang Jasmine doon sa restaurant. Hindi niya alam kung paano siya nasundan nito o kung ano ba talaga ang tunay na pakay ni Jasmine sa ginawa nitong pag-eeskandalo. She doesn’t know if she’s really just screwed in the head, or she’s actually planning something! Huminga siya nang malalim habang nakalubog sa bathtub. Nilagay ang paboritong bath bomb na vanilla scent. Pinaglalaruan niya ang bula habang sinubukan pa ring alisin ang pagkakabusangot at hawak ang isang wine. Ini-imagine niyang hinihila niya sa buhok si Jasmine. Pagtapos ay kakaladkarin niya ito sa damuhan at susubsob doon ang pagmumukha nito. Pati na rin si Rosalina. Ngunit habang naisip niya rin ang magiging reaksyon na naman ng kaniyang daddy ay parang lalong pumapait ang kaniyang pakiramdam. Why is she concerned, anyway? It’s her dad. Her dad! The same dad who raised her, the same man that her mother loves… kaya paano niya makakaya na tanggapin ang mag-inang iyon na ni hindi man lang malalapit sa kaniyang mommy? They can never make this house peaceful… they can never make this home happy. O siguro nga ay magiging masaya sila pero sila lang. Bago pa malunod sa mga iniisip, hindi alam ni Agatha kung bakit siya napalingon sa cellphone na nakapatong sa isang gilid. Hindi niya rin naman alam kung bakit niya na lang naisip ang mukha ni Mr. Scammer. That smile that looks like he was full of himself, na parang confident talaga ito sa kahit anong gawin. He’s handsome, alright. And on top of that, a hunk, gorgeous man. She understands what working blue collar jobs does to a man. Ngumiwi na lamang si Agatha at iniisip kung bakit hindi siya sinisingil nito ngayong tingin niya ay binayaran nito ang bill nila sa restaurant! And why the hell is she thinking about him? Iniisip niya bang tatawagan siya nito ngayon para hindi na siya mag-emote pa? Agatha Ruth rolled her eyes. Sinandal niya na lang ang batok at muling nag-relax. Well, nakauwi naman siya sa villa kaya hindi niya na iintindihin pa na sinakay siya nito sa bus. It’s been years ago since she last did, at trauma lang naman ang kaniyang nakuha dahil pinagalitan siya noon ng kaniyang daddy at sinasabing delikado raw iyon para sa kaniya. From then on, she never tried riding one. Palagi na lang siyang hatid-sundo ni Kuya Dante. But earlier, Agatha Ruth doesn’t why it felt freeing. Parang bigla niyang nabuksan ang mga pakpak at nakalipad. Hindi niya maiwasan ang kakaibang tuwa sa kaniyang dibdib, ayaw niya lang aminin dahil baka magmayabang na naman si Mr. Scammer. Nagbihis si Agatha Ruth at tumawag doon sa restaurant, at tama nga siyang binayaran iyon ni Mr. Scammer. Nagkibit-balikat na lang siya. Hindi na rin naman sila magkikita pang muli. Mabuti na rin dahil umiinit lang naman ang kaniyang ulo kapag nakikita niya iyon. Naalala niya ang huli nilang usapan nang bumaba sa bus. Mabuti na lang at may bababaan siyang hindi komplikado kaya roon na lang nagpababa. Hindi na rin naman siya inobliga ni Mr. Scammer na ihatid sa mismong villa. She wouldn’t do that for safety purposes, alright. Isa rin ‘yon sa mahigpit na bilin ng kaniyang daddy. Kaya naman doon na lang siya nito hinatid sa isang steakhouse na walking distance na lang mula sa kanilang bahay. “Sinabi ko na, hindi ba? Isang Mr. Scammer mo pa, lagot ka sa ‘kin,” saad nito nang iyon pa rin ang kaniyang tinatawag. Umirap si Agatha Ruth. Pakialam niya ba kung anong pangalan nito? She’s not interested, alright! “May pangalan ako. Trenton. Trenton ang pangalan ko, Miss Greenminded. Hmm? Kaya huwag mo na akong tawaging scammer at baka may maniwala pa sa ‘yo. Reputasyon ko na ang nakasalalay rito,” saad pa nito noong hinatid siya sa mismong steakhouse. Talking about reputation. Ngayon pa nito iyon naisip kung kailan nabayaran niya na at sirang-sira na ang reputasyon nito sa kaniya sa panghuthot nito ng pera. “Now you’re lying again. Hindi ba Juan ang pangalan mo! I saw it at the talyer’s sign board, you pathological liar,” ani Agatha at hindi mapigilang sungitan na naman ito. Mekaniko nga talaga. Pati mga istorya pinagtatagpi-tagpi! “Pangalan iyon ng lolo ko. Si Lolo Juan. Siya ang nagtayo ng talyer,” sagot nito at hinagilap pa ang kaniyang tingin para linawin. Inangatan pa siya nito ng mga kilay at tila hinahamon siya sa mga tanong. Trenton. It sounds like a f*ckboy’s name! Hindi alam ni Agatha Ruth kung maniniwala ba siya roon, na iyon talaga ang pangalan nito. Huminga siya nang malalim at winaksi iyon sa isipan. Pakialam niya rin ba kung iyon talaga ang pangalan nito o kung nagsisinungaling ito! Hapunan na nang tinawag siya upang sumalo sa hapag. Walang gana si Agatha Ruth kaya sa unang akyat ng kasambahay ay sinabi niyang hindi pa siya gutom kaya mauna nang kumain ang mga ito at magpapaakyat na lang siya ng pagkain. Inabala niya na lamang ang sarili sa pag-aaral, kaya nang muling bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto ay hindi niya mapigilang mairita na naman. Kalmado siyang nagsalita. “Tell them I’m not joining,” mapait niyang sinabi. Ngunit sa halip ay hindi maid ang nagsalita roon, kundi ang boses na kinaiinisan niya. “Agatha Ruth, come down. Maghahapunan na. Pinapatawag ka ng daddy mo.” Nahimigan niya ang bahagyang iritasyon sa boses nito ngunit pilit tinago. Nang nilingon niya ay nakita niya nga si Rosalina. Nasa bahay lang ito pero bihis na bihis at maraming alahas ang nakasabit. Kahit ang buhok nito ay ayos na ayos din. Nang humarap siya ay ngumiti ito. But hell, she knows how fake that smile is. “Cut the acting, Rosalina. I know you only want me there para magpakaplastik at nang sa gayon ay magustuhan ka ni Daddy at isipin niyang napakabait mo sa ‘kin,” malamig na sabi ni Agatha habang pinagpatuloy ang pag-aaral. “Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin, Agatha? Papakasalan ako ng daddy mo at magiging pamilya tayo—” “Your voice is ruining my night, Rosalina. Can you please get out of my room?” may diing saad niya ngunit sa halip ay paghakbang ni Rosalina palapit ang kaniyang narinig. Hindi na talaga ito nahiya at pumasok pa sa kwarto niya na animo’y isang reyna, at pag-aari nito ang bawat sulok ng bahay kaya makakatapak ito kahit saan pumunta! That’s one of what Agatha hates the most. Kapag pinakasalan ng daddy niya si Rosalina ay tiyak na lalo nito iyong gagawin at hindi na siya magugulat kung pakialam din nito ang kaniyang kwarto, ang kaniyang mga desisyon, ang lahat-lahat. Hindi rin siya magugulat kung gagawa ito ng paraan nang sa gayon ay tuluyan na siyang mapaalis sa pamamahay na ito. “You know what, Agatha Ruth? Kung ako sa ‘yo ay hindi na ako sasagot-sagot nang ganiyan, dahil hindi magtatagal, I will own this house. And I will be your new mother, your father’s wife.” Tumiim ang tingin ni Agatha nang ngumisi si Rosalina. Feel na feel talaga nito ang bagong katauhan at kung pwede lang niyang gisingin ang daddy niya sa kahibangang ito ay gagawin niya. “Sana ay ngumisi ka rin nang ganiyan kapag kaharap natin si Daddy. Cause at this point, you just look stupidly embrassing in front of me, do you know that?” ani Agatha Ruth. Rosalina just smirked and waved her goodbye. Hindi pa nito sinara ang pinto ng kwarto niya at lumabas na. Natitiyak niyang papalabasin na naman nito sa daddy niya na huwag na siyang pilitin at naiintindihan ni Rosalina ang indifference niya towards her soon to be stepmom. Akala niya ay magiging maayos na ang kaniyang gabi kahit papaano dahil kotang-kota na rin naman ang araw na ito sa pagbibigay sa kaniya ng mga pagsubok, ngunit hindi pa rin pala. Muli siyang tinawag ng maid at sinasabing hindi raw pumayag si Governor Figueroa na hindi siya sasalo sa hapag. Kung hindi siya bababa ay ito na mismo ang aakyat upang tawagin siya. Huminga nang malalim si Agatha. Natitiyak niyang may bago na namang drama si Jasmine, probably about what happened earlier. She doesn’t know how the evil soon to be stepsister twisted it, but for sure everything was against her. Bumaba siya sa engrandeng staircase. Simpleng pambahay lang ang kaniyang suot hindi tulad ng mag-ina na akala mo ay rarampa at pareho pang ayos na ayos. Umirap na lamang siya. “Can we once settle the problem between you two?” saad ng kaniyang daddy. Sinandukan si Agatha Ruth ng maid na madalas naman nang gawin ng mga ito para sa kaniya, pero napairap pa roon si Jasmine at nakataad ang kilay na pinapanood ang pag-aasikaso kay Agatha. “What do you mean, Dad? I don’t have a problem with her. Baka siya ang may problema sa akin, cause if that’s the case, I think that’s her to deal with,” ani Agatha. Hindi siya magsusumbong sa ginawa ni Jasmine kanina sa restaurant. Yes, because she wouldn’t stoop so low. At hindi siya katulad nito na dakilang sumbungera. “No, Agatha…” sambit ni Jasmine. Magically, her voice was toned down. Para bang hindi galit na galit kanina. “Ang totoo niyan ay gusto ko sanang humingi ng sorry… kung anuman ang nagawa kong nakasakit sa iyo. Gusto ko na magkaayos na tayo, Agatha… malapit na ang kasal nina Mommy at Daddy kaya sana ay huwag na tayong magtalo pa.” Halos umikot ulit ang mga mata ni Agatha Ruth, especially with Jasmine addressing them like a whole happy family. Dear, hindi talaga ito titigil. Napakaplastik talaga ni Jasmine. Nakatingin sa kanila ang daddy niya kaya naman full effort si Jasmine. Siguro ay utos ito ni Rosalina para kung sakali na magsumbong si Agatha tungkol sa ginawa ni Jasmine doon sa restaurant. Gusto na lamang mapangisi ni Agatha. “Can we just eat in peace? Nawawalan kasi ako ng gana kapag nagsasalita ka, Jasmine,” sabi ni Agatha at nagsimula na ring kumain. Huminga na lamang nang malalim si Governor Figueroa, na hindi alam ang gagawin sa anak. “Mag-uusap tayo, Agatha Ruth.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD