Arrived

2145 Words
Arrived ''Levi take care of your sister and Sofia sumunod ka sa Kuya mo ok.'' dad said ayaw nya nang umiyak pero naluluha pa rin sya Kahit kagabi bago sya matulog ay iyak din sya ng iyak. Ang sakit lang isipin na magkaka hiwalay sila. Sila na nga lang tatlo tapos ganto pa ang nangyari mukhang pinaglalaruan talaga sya ng tadhana. Una si mom ngaun naman si Dad. Sino naman ang susunod ang Kuya Levi nya? Tama bang gawin sa kanya ito ng tadhana ang iwalay sa kanya ang kanyang mga mahal sa buhay? ''Yes dad I will you too take care of yourself'' Kuya said with longing and sadness. Ramdam ko din kuya ramdam ko din. ''Yes dad I love you take care'' mahigpit na yakap ang iginawad nya dito tsaka ibinuhos ang mga luhang kanina pa umaagos sa kanyang mata walang humpay na nagsisi labasan sila kahit pigilan nya pa ay ayaw paawat ng mga ito. ''I love both of you'' hinahagod nito ang likod nya para patahanin sya pero lalo lang syang umiyak. Kahit dalaga na sya eh napaka iyakin pa nya Kumalas ito sa yakap tsaka binalingan ang piloto na pinagka katiwalaan ng kanyang ama na si Antonio na matagal na ding naninilbihan sa kanilang pamilya. ''Antonio ihatid mo ang mga anak ko ng buo kay Matthew ha'' natawa naman si Antonio sa sinabi ng kanyang ama. Alam nyang may biro pero seryoso ito ng sabihin nito iyon. ''Masusunod Sir Alexander Galvez'' naka ngiti ito tsaka yumukod sa harapan ni dad senyales ng paggalang nito Sakay ng private plane ni Dad nakarating kami ng walang nakaka alam dahil kung bumili pa kami ng ticket ay alam nilang mata track sila ng mafia at paniguradong matutunton sila kung saan man sila pupunta. Naka tingin ako ngaun kay Kuya Levi na naka pikit pero alam nyang gising ito nakatulog na kasi ito kanina eh. Pagod din ito dahil sa pag eempake nito kahapon. ''Ano kayang magiging buhay natin Kuya Levi sa Pilipinas? tanong ko dito Inilipat nya ang tingin sa labas bintana pagkatapos niyang tanungin ang Kuya Levi kitang kita sa labas ang mga bituin na nagni ningning sa kalangitan. Nakaka inggit ang katahimikan sa langit the way she look at the sky she feels calm. Pakiramdam nya wala syang problema pag naka tingin sya sa mga bituin. Ang sarap sa pakiramdam ng ganoon walang problema walang iisipin. ''Wag mo nang masyadong isipin yun Sofia maging ako man ay hindi ko alam ang magiging buhay natin doon basta magkasama tayong dalawa mala lagpasan natin ito. Nandito lang ako palagi sa tabi mo tandaan mo yan'' Napalingon ako kay kuya Levi kahit na napaka suplado nito at bully sa kanya ay hinahangaan nya pa din ito sa ibang bagay. Tulad na lamang noong namatay si mom, cancer ang sakit nito mahirap makita ang kanyang mommy na naghihirap. Ang Kuya Levi nya kahit nahihirapan sya makita ng nasa ganoong kalagayan ang kanilang ina ay nagpakatatag pa din ito ipinakita nitong matatag sya. Hindi man nya ipakitang umiyak sa harapan namin ay alam nya ang nararamdaman nito dahil madalas naman nyang naririnig ito sa kwarto nitong umiiyak. Natatandaan nya pa noon ng namatay ang kanilang ina kakatok na sana siya nang marinig nya ang Kuya Levi nyang umiiyak sa kwarto nito kaya hindi nya lamang ito inabala. Sya naman ay hindi kaya ang ganon ang ipakitang matatag, ang hindi umiyak kahit nahihirapan at nasasaktan na sya. Ngayon may bago na naman silang pagsubok na tatahakin hindi nya alam kung kakayanin nya bang mag isa. Nagpapasalamat sya dahil nandito ang Kuya Levi nya para alagaan sya. ''Salamat Kuya dahil kasama kita hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka dito'' naka ngiti sya habang nagsasalita ''Pero paano natin matutulungan si dad kung wala tayo sa tabi nya?'' ''Hindi mo kailangang magpa salamat, pagbutihin natin ang pag aaral natin doon lang tayo makakatulong kay dad'' ginulo nito ang buhok nya sa inis nya ay tinapik nya ang kamay nito. Pakialaman nya na ang lahat wag lang ang buhok nya. Ka parehas nya ng buhok ang kanyang mommy kaya parang ito ang alaala nito sa kanya. Ewan ba nya yun kasi ang nararamdaman nya. Weird ba yun? Hindi ko din alam eh. ''Don't touch my hair'' hindi pa ako nakuntento kaya kinurot ko ito sa tagiliran dahilan ng pag aray nito. ''Masakit ahh'' angal nito ''Alam mong ayaw kong ginugulo ang buhok ko pero ginawa mo pa rin!'' ''Haha oo na last ko na yun hindi na ako uulit'' natatawang sambit pa nito. Tulad nga nang sinabi ko natutuwa ito kapag naiinis sya. ''Hmmpp'' sa inis ay hindi ko na ito pinansin Nakatulog pala ako sa byahe namin pagsilip ko sa bintana ay umaga na. Mataas na ang araw nakapag tatakang wala ng ulap senyales na naka landing na sila. ''Salamat naman gising ka na Sofia tatlong oras ka na naming inaantay na magising akala ko nga bukas ka pa gigising ehh'' nakangising nakatunghay sa kanya ang magaling nyang kapatid. Aba ang lakas ng trip nya sa buhay ahh tatlong oras? ''Ehh bakit kasi hindi mo ako ginising, kanina pa pala naka landing?'' naiinis nyang pinalo ang braso ng kanyang Kuya na hindi mawala wala ang ngisi sa mukha ''Tito Matthew si Sofia ayaw pang gumising ohh'' tumakbo ito palabas tsaka nag sisigaw hindi ko na nga maintindihan kung ano ba sinasabi non pumasok na siguro sa loob ng bahay ni Tito Matthew. Nagpalinga linga ako sa paligid nasa limousine pala sya sobrang pagod siguro sya kaya hindi nya naramdamang binuhat sya papasok sa kotse. Ang laki naman pala ng bahay ni Tito Matthew ay wait! Hindi to bahay eh mansion to ehh. May mga gwardya sa malaking gate may fountain pa sa gitna at malaki ang hardin ang gaganda pa ng mga bulaklak doon. Pumasok sya sa loob ng nakakamanghang mansion wala syang masabi. Ano nga ang business ng Tito nya? Ahh tama isa itong Engineer kaya pala ang ganda. Sa bagay mayayaman naman talaga ang mga Galvez kaya hindi na nakapag tataka yun. ''Dito Sofia sa kusina!'' sigaw ni Kuya Sinundan ko ang boses nito at ayun nasa kusina nga ito kumakain ng chocolate ice cream. ''Kuya Levi nakakainis ka kanina pa pala ako doon hindi mo man lang ako ginising ahh?'' asik ko dito tsaka kinuha yung kutsara nito nang isusubo na naman nito ang laman nitong ice cream tsaka ko isinubo ito sa aking bibig ''Sofia naman akin yun ehh kumuha ka nga ng sarili mong kutsara ang lapit lang ayun ohh'' pagturo nito kung saan nakalagay ang mga kutsara. Tumakbo ako doon tsaka kumuha ng isa at dali daling bumalik kay Kuya Levi at nakikain na din. Nang kukuha pa ako ng ice cream eh inilayo naman nito ang lagayan sa akin. ''Sofia maraming ice cream sa freezer kumuha ka doon ayun ohh ang lapit lapit'' pagmamaktol pa nito na parang bata. ''Nakaka asar ka na talaga Kuya Levi ahh nakaka ilang takbo na ako ohh ang damot mo isalaksak ko yang ice cream sa bibig mo eh'' sa inis ko ay hinampas ko ulit ito sa braso tsaka dali dali na namang tumakbo sa freezer na itinuro nito. Napa ''wow'' na lang talaga sya pano ba naman punong puno ng ice cream iba't ibang flavor pa. Ang sarap tumira dito sa ref ahh este dito sa mansion hehe. Kinuha ko naman ang avocado flavor tsaka umupo sa counter katabi ni Kuya Levi pero bago pa man ako maka upo ay nakita kong nakangisi ang kapatid ko sa akin kaya hinagisan ko ito ng isang kutsarang avocado ice cream na tumama naman sa ilong nito. ''Opss bullseye ay hindi pala more on bullsnose'' sabay halakhak ko dito na parang bruha ''Ahemm'' a man with a baritone voice cleared his throat. Patay! ''Tito Matthew look what she did to me oh'' sumbong nito na ikinalinga ko. Shoot si Tito Matthew nasa gilid naka tingin sa amin. Wait kanina pa sya dyan? ''Hi Tito Matthew kanina ka pa dyan?'' nahihiyang tanong ko dito ''Yes'' sagot nito sa seryosong boses. Wala talagang kupas ang mga Galvez sa itsura lahat gwapo at maganda swerte mapapangasawa ni Tito for sure. Gwapo na mayaman pa di ba all package na. ''Hinagisan ako ng ice cream ni Sofia kanina'' inulit pa talaga ng siraulong kapatid nya ang ginawa nya kanina. Mamaya ka sa akin Kuya! Gusto talaga nitong mapagalitan sya! ''But Tito Matthew nakita nyo naman kanina na ilang beses nya akong pinatakbo'' naka ngusong pagsusumbong ko din dito akala nya makakatakas sya sa ginawa nyang pagpapatakbo sa akin. ''Sus sabi mo kanina sa akin Bullsnose ehh'' si Kuya Levi na ayaw talaga mag patalo nakakainis para syang isip bata ay hindi pala bata pala talaga to nasa katawan lang ng isang binata. ''Hahaha'' sabay kaming napatingin kay Tito Matthew na halos mamilipit na sa kakatawa. Anong prolema nya at bakit sya natatawa? Nang mapansin nyang may mga matang nakatingin sa kanya ay bigla itong naging pormal. Ang bilis ahh parang si ''The flash''. ''Ahemm'' he cleared his throat again. May bara ba lalamunan nya? Nag aantay kaming mag kapatid nang sasabihin nya pero iniwan nya kaming mag kapatid na nagtataka. ''I'll be back''. ''Anong nangyari doon Kuya Levi kay Tito Matthew?'' takang tanong ko ''Ewan ko'' sagot nito tsaka binalingan ulit yung chocolate ice cream na kinakain nya kanina. Naghugas na pala ito ng mukha wala na yung ice cream na hinagis nya na tumama sa ilong nito eh. ''Ang sarap pala ng avocado flavor pahingi nga'' lumapit ito sa akin tsaka dumukot sa aking lagayan nang marealized ko ang ginawa nya sa akin kanina naisip kong gawin sa kanya ang ginawa nya sa akin kanina kaya nang dudukot ulit ito ng ice cream sa akin ay inilayo ko ito sa kanya. ''Kuya Levi kumuha ka sa freezer maraming ice cream doon ang lapit lapit lang ayun ohh'' itinuro ko pa dito tulad ng ginawa nya kanina ''Ang damot mo naman Sofia hihingi lang ako ohh'' pagmamaktol nito tsaka dali daling tumakbo papunta sa ref na itinuro nya kanina. Napangisi naman ako. Naka ganti rin. Bleh Tahimik syang kumakain nang may maramdaman syang ice cream na tumama sa kanyang mata mabuti na lang malakas ang sense ng mata kaya nakapikit sya nang dumapo ang ice cream sa mata nya. ''Opss bullseye!'' panggagaya nito sa ginawa ko kanina sa kanya Dinakot ko ang ice cream sa mata ko at inihagis sa kanya pabalik tumama na naman ito sa ilong nya kaya napasigaw ulit ako ng ''Opss Bullsnose!'' nakangising nakatingin sya sa kanyang Kuya Levi na ngaun ay nag pupunas na nang mata ''Ahemm'' napatingin na naman kami magkapatid inaantay kung ano ba talaga ang gusto nitong sabihin pero iniwan na naman kami nito at sinabing ''I''ll be back'' ''Anong nangyayari kay Tito Matthew? May sayad ata si Tito Matthew bakit hindi alam ni Daddy pano na tayo nyan Kuya Levi?'' madamdaming tanong nya sa kapatid. Pati ba naman sa kapatid ni dad malas siya kaya heto napunta sila sa isang baliw na Tito Matthew nila? ''Hahaha.... kayong mga bata kayo linisin nyo yang mga kalat... haha nyo dyan ahh haha'' Si Tito Matthew tawa ng tawa habang nagsasalita nakahawak pa sa tyan nya. Hindi ko alam kung bakit ba sya natatawa. ''Babalikan ko haha mamaya yang kalat nyo haha'' ''May sayad nga si Tito Matthew Sofia'' si Kuya na bumubulong sa akin habang pinupunasan ng basang mop ang sahig na may mantsa ng ice cream. ''Wala akong sayad ahh kayo talagang mga bata kayo puro kayo kalokohan'' napatingin ako kay Tito Matthew na nasa harap na namin .''Sa Monday na ang pasok nyong dalawa ini enroll ko na kayo ito tour ko kayo pag may libreng oras ako. Sa first day nyo ay hindi pa kayo naka uniform dahil susukatan pa kayo at kinabukasan naman yun makukuha nag request na rin ako na mahaba ang palda mo Sofia para sa nerd look mo.'' Oo alam na ni Tito yung set up namin kaya hindi na kami mahihirapan pa ni Kuya Levi na mag explain because dad already did. ''Ahh Tito Matthew magiging teacher po ba kita?'' tinaas ko pa ang kamay ko para mag tanong dito mukha tuloy akong nagrerecite. ''Parehas ko kayong matuturuan magka iba nga lang ang time ng turo ko sa inyo since magkaiba kayo ng course and lastly hindi ko kayo masasabay sa pag uwi pero may maghahatid at sundo naman sa inyo ok'' ''Tito tapos na ako mag mop'' si Kuya Levi na pawisan na sya kasi nag mop ehh. Kung nagtataka kayo bakit sya ang gumagawa non kasi wala kaming katulong. Sinadya dahil baka may makaalam ng tunay nilang pagkatao tapos mag usisa pa. Alam nyo naman ang chismis mabilis kumalat mahirap na. ''Ahh sige po'' tatango tango pa ako habang nagsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD