First Met

2156 Words
First Met It's Monday maaga sya gumising kasi kahapon pa lang sinabi na sa amin ni Tito Matthew na mag alarm kami ng 7 am para hindi kami ma late sa klase namin. Pag baba ko nasa kusina si Kuya kumakain na habang ako naghihikab pa. Sanay syang gumising nang maaga kaya lang naunahan lang sya ng Kuya nya dahil nagsukat pa sya ng kanyang mga damit tsaka inayos din nya mga gamit nya sa school. ''Kumain ka na Sofia maghahanda pa tayo para sa outfit natin mamaya'' si Kuya Levi habang may laman ang bibig na tocino. Umupo na ako tsaka kumuha nang pagkain. ''Masarap ahh sino nagluto'' tanong ko kay Kuya habang ninanamnam ang pagkain ''Ahh ako nag luto nyan'' si Tito Matthew na kumakain din pala. Kung bakit naman kasi hindi ito nagsasalita akala ko tuloy kami na lang ni Kuya Levi ang nasa bahay. ''Good Morning po Tito Matthew'' nahihiyang saad ko. ''Hayaan nyo po sa susunod ako na magluluto'' sabi ko ''Ay Tito wag nyong pahawakin sa kusina yan kung ayaw nyong masunog ang mansion nyo'' si Kuya Levi na naka ngisi sa akin Abay siraulo talaga tong kapatid nya nakapa supportive sarap tusikin ng tinidor! ''Ang sarap mong tusukin ng tinidor Kuya Levi!'' sagot ko dito habang naka umang ang tinidor ko sa mukha nito na may naka tusok pang tocino. ''Bakit totoo naman ahh'' sambit nito tsaka kinain yung tocino sa tinidor nya. Aba! Kanya yun eh... ''Ewan ko sayo sige ikaw magluto ah!'' pagmamaktol nya pa. Iniinis na naman sya nang kanyang magaling na kapatid ''Ayoko nga si Tito Matthew na lang tutal masarap naman sya magluto'' gusto lang ata nitong si Tito Matthew ang mag luto ehh isip isip nya ''Hehe sige ako na lang magluluto kayo talaga'' si Tito Matthew na nagka kamot sa ulo. Binalingan ko naman si Kuya na malaki ang ngisi kaya inirapan ko na lang ito tsaka tinapos na ang pagkain. Pagkatapos namin ay naligo na ako tsaka nag aayos na lang nang wig. Ok lang naman ang itsura nya mukha na talaga syang nerd. Naka pantalon sya tapos malaki ng kaonti ang t-shirt nya na kulay itim, itim ang tuwid nyang wig na hanggang balikat, sunglasses na itim tapos naka converse shoes na itim din sya. Hindi nya tuloy makilala ang sarili nya mukhang ibang tao na tuloy sya. Ok na to kaysa naman may makakilala sa kanya. Sana lang ayy magawan agad ni dad nang paraan dahil ayaw nyang tumagal pa ito ng ilang buwan or taon na ganoon ang itsura nya. Dali dali akong bumaba para ipakita kay Kuya Levi at Tito Matthew ang itsura ko. Nandoon sila sa salas naka ready na ''Mukhang hindi ka na si Sofia ang pangit mo ehh haha'' ''Ang pangit mo rin Kuya Levi haha tingnan mo yung suot mo ohh ang baduy'' ''Parang ikaw hindi baduy ang suot ahh black lady haha'' pag aasar pa nito sa kanya. Inirapan nya naman ito tsaka hinampas sa braso. ''Hindi na nga kayo makikilala nyan good job Sofia and Levi pero may isa pa kayong nakalimutan.'' si Tito Matthew na nakahawak ang kamay sa baba nakatingin sa amin. Ano pa nga ba ang kulang? ''Sofia yung contact lenses mo nasaan?'' si Tito Matthew ''Ayy oo nga pala sa kotse ko na lang po isusuot'' napakamot pa ako sa ulo ''Nasabi na ba sa inyo ng papa nyo na ibang pangalan ang gagamitin nyo?'' ''Ayy hindi ko po matandaan pero ano po ang ipapalit po namin?'' si Kuya Levi habang nagsusuot na ng contact lenses nya ''Sofia use your first name Maria and Levi use Mark ang apeliydong gagamitin nyo is Sinclair.'' Actually si mom at dad ay hindi kasal kaya ang apelyidong Sinclair ay sa side pa rin ng dad nila. Ewan nga nya kung bakit, ang gulo nga ehh. Hindi rin naman kami nagtatanong kung bakit kasi wala naman ding sinasabi sa amin or nababanggit man lang. Kaya hindi na namin napag tuunan pa nang pansin hanggang sa ilang taon na nga ang lumipas. Tsaka madalang ang Sinclair na apelyido sa probinsya dahil sa maynila ang mga ito naka base. Well yun ang pagkakalam ko. Kaya hindi rin sila mapagkakamalang kamag anak ng mga Galvez lalo na ni Tito Matthew kasi sa itsura pa lang nito ay malayo at hindi makikita lalo na sa make over na ginawa nilang magkapatid sa sarili. Kung baga langit at lupa sila hindi pwedeng itugma. Walang makakakilala sa kanila. Iyon na man talaga ang point nang pagiging nerd nila. Mag disguise para walang makakilala. ''Wag kayong mag alala sa graduation nyo ay yung full name nyo ang nakalagay doon dahil kaibigan din ng dad nyo ang may ari nitong school kaya wala kayong magiging problema hindi rin magtatagal ang pag kukunwari nyo or pag disguise nyo dahil kinontact ko na ang kapatid nya para maayos ang problema natin'' si Tito nakangiti sa amin kaya nginitian ko rin ito habang naglalakad palabas na ng mansion kami naman ay naka sunod nang magkapatid. Sa sarili nito itong sasakyan sumakay kami naman ay sa sasakyan ng driver ni Tito Matthew kami sumakay magkapatid. Nasa school na kami ngaun malaki ang gusali magkahiwalay ang building ng iba't ibang course mukhang mayayaman ang mga studyante. Dahil first day of school ngaun ay maraming students ang naka kalat sa paligid. May napapatingin sa kanila dahil sa itsura nila? O ngauun lang sila nakakita ng dalawang nerd? ''Ahem Maria doon ang building nyo ohh'' si Kuya Levi na naka ngisi sa akin habang itinuturo ang building na may naka sulat na Business Building na ikina irap nang mata nya. Inaasar na naman sya nito tss ''Ohh sige Mark mauna na ako sa inyo titingnan ko pa ang pangalan at section ko'' naiinis kong sambit dito tsaka naglakad nang mabilis. s**t! Sabi pala ni Tito Matthew sasamahan nya kaming pumunta sa section namin. Lagot ka talaga sa akin mamaya Kuya Levi. Kaya heto sya ngaun nasa harap ng mga naka paskil na papel na may iba't ibang pangalan at apelyido.Pumunta sya sa letrang S inisa isa nyang tiningnan ang pangalan nya. Ilang minuto makalipas ay nakita nya rin. Bingo! MARIA SINCLAIR SECTION A-1. Papunta na sya sa kanyang room bitbit ang kanyang mini map na ibinigay nang Tito Mathhew nya para hindi sila maligaw kung mapahiwalay man ang sino man sa kanila. Pero dahil sa siraulo nyang kapatid ay kinailangan nya pa itong gamitin mamaya papuntang cafeteria kung saan sila magkikita mamayang break time. ''What a creep'' maarteng saad ng isang babae na kinulang ata sa tela ang suot na palda sa sobrang iksi nito ay kita na ang kuyukot nito. ''Nerd in black haha'' sambit naman ng isang makapal ang make up tatlong layer pa ata ng foundation ang gamit Ang mga lalaki naman ay nagsisi tawanan sa mga sinabi ng mga kaklase nya. Tahimik lang sya habang pinapakinggan ang kung ano anong sinasabing pambu bully nang mga nasa loob ng classroom as if naman ay papatulan nya ang mga ito. Kung hindi nga lang sya nag papanggap ay kanina pa nya nabigyan ng magkabilang black eye ang mga ito. Hapon na ng matapos ang lahat sa first day of school nila. As usual introduced yourself sa harap pati ang pagpapakilala ng mga guro. Ilang mga reminder ng teachers about sa mga gamit na kailangan nilang dalhin namin para sa grading at kung ano ano pa. Hindi nga lang mawala sa isip nya ang mga sinabi ng ilang mga kaklase nya na minamaliit sya dahil sa pagiging isang nerd nya. May naging kaibigan din naman akong nerd noon pero hindi naman nya binu bully pero itong mga kaklase nya grabe magsalita sa kanya. Akala nila ehh kilala na nila talaga ang buong pagkatao ko. Alam nyo ba yung feeling na jinudge ka na nila agad base on your looks without knowing the real you inside? Nakaka lungkot din pala maging isang nerd. Kung ako pala ay totoong nerd ay malamang ay masasaktan sya maliban na lang kung sanay sya sa pang bubully. Anyway heto sya papunta na sa cafeteria dahil break time na hawak hawak nya ang map habang nakayuko, dadaan pala sya sa Engineering Building witch means madadaanan nya ang kanyang Kuya Levi. I texted him saying ''Kuya Levi malapit na ako sa room nyo? Where are you? '' Kuya ''Don't go there I'm in the Cafeteria '' Hindi na sya nakapag reply nang mabunggo sya sa pader? ''Watch where you walk Miss'' a baritone voice said. Ang sexy ng boses lalaking lalaki. Wait lalaki? Hindi nga pader dibdib pala ng lalaki ang nabangga nya pero ang tigas ahh may abs siguro to. Dumako ang mata nya mula dibdib hanggang sa mukha nito. Ito na ata ang pinaka gwapong nakita nya sa campus na ito well except sa Kuya nya at kay Tito Matthew. Makapal ang kilay, brown eyes na mas lalong kaakit akit tingnan dahil sa pilik mata nitong malalantik, pointed nose, natural red lips. This man has a strong and sharp features that makes him more attractive. ''Earth little nerd kid I know I'm attractive but your stares gives me creep'' the man smirks at me like he enjoys that I'm drooling over him. Dahil sa sinabi nito ay agad syang napasimangot kaya umandar na naman ang kanyang matabil na dila. ''Tsk mas gwapo pa boyfriend ko sayo!'' tsaka ko ito tinulak ''As if naman may magkakagusto sayo haha'' pang iinis pa nito ''f**k you!'' ''No I'm not going to'' mas lumawak pa ang ngisi nito sa sinabi What a p*****t sa isip isip nya. Hindi nya na lang ito sinagot dirediretso syang naglakad pero bago pa man iyon ay inirapan nya muna ito. Alam nyang pulang pula na ang mukha nya sa inis lalo na ang pisngi at ilong nya. Hindi man nya sabihin ay nasaktan sya sa sinabi nitong ''nerd'' tapos tinawag pa sya nitong ''kid''? Ngaun lang talaga sya nakaranas ng ganito sa buong buhay nya akalain nya isang araw palang ang pagpapanggap nya pero ganto na paano pa kaya sa mga susunod na araw kakayanin nya pa kaya ang pangbu bully sa kanya? Wala sa sariling napatingin sya sa kanyang hinaharap tsk kung hindi lang malaki tong damit nya ayy makikita niya kung sino ang tinatawag nyang KID!, hindi naman kalakihan pero may laman naman to hay ewan kung ano ano naiisip nya. Pakialam nya ba sa lalaking yun? Sa mga kaklase nga nya hindi sya naapektuhan pero dito apektadong apektado sya? Sinabi pa nitong walang magkakagusto sa kanya? Hindi ko na nga mabilang ilan ang naka pilang magnliligaw ko eh. Na miss nya tuloy ang mga kaibigan nya lalo na ang bestfriend nyang si Jacob isang half filipino american. Na guilty tuloy sya dahil hindi sya nakapag paalam dito at bigla na lang syang naglahong parang bula. Bilin kasi ni dad kaya hindi nya pwedeng suwayin ito dahil para sa kapakanan nya ang ginagawa nito. Kailangan nyang kayanin ang mga pagsubok na dadaan sa kanya para kahit iyon man lang ay maitulong nya hanggat hindi pa naayos ni dad ang problema nito lalo na at para ito sa akin. ''Maria bakit ang haba ng nguso mo lalo kang pumapangit'' si Kuya Levi na naka lapit na pala sa akin Ang galing ni Kuya Levi kahit alam nyang hindi naman yun ang talagang tawag sa kanya simula mga bata ''Wag mo na nga akong asarin dyan Kuya'' inis na sambit nya tsaka lalong bumusangot ang mukha nya dahil naalala na naman nya yung lalaking nabangga nya kanina. ''Bakit may nang bully ba sayo?'' ''Meron yung mga kaklase ko'' sagot nya dito Hindi nya na binanggit ang tungkol sa lalaking naka bangga nya kanina dahil alam nyang tatanungin sya nito. Kahit lagi syang inaasar nito ay nakapa protective na kapatid nito sa kanya kahit hindi halata. ''Sige ituro mo sa akin at uupakan ko'' sabit nito na seryosong seryoso ang mukha ''Wag na Kuya kaya ko naman ang sarili ko'' sagot nya dito ''Oh sige na nga'' si Kuya Levi na nagkakamot nang ulo tsaka bumulong sa akin ''Sabi pala ni Tito Matthew gamitin daw natin ATM nya pambili ng pagkain'' Napakunot naman ako ng kilay. ''Eh bakit ka bumubulong?'' Tumingin naman ito sa akin na nag sasabing ''duhh''. Nang hindi ko pa rin makuha ang sinasabi nya ay bumulong ulit ito na parang napipilitan pang sabihin sa akin kung bakit nga ba dahil alam ko naman ang sagot base sa tingin nya kanina. ''Hindi nila pwedeng malaman na kamag anak natin si Tito Matthew.'' ''Ohh'' tsaka umirap na naman sa kawalan pagkatapos ay inilahad ko ang palad sa harap ng kapatid ''Give the atm to me gusto ko nang kumain gutom na ako'' Hindi tumutol ang Kuya Levi nya na ikina ngisi nang labi nya. Nakalimutan siguro nitong asarin sya. Tinaasan tuloy sya ng kilay nito nagtataka siguro sa inaasal nya. Nginitian nya ito bago nauna na maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD