Restaurant
Sa isang Italian restaurant sa labas ng campus nila naisipang kumain pero nag widraw muna sila ng kaunting cash para hindi na nila gamitin at bitbitin ang atm card ng Tito Matthew sa isang linggong pasok sa school.
Habang kumakain ay napatingin sya sa di kalayuang lamesa kung saan makikitang kumakain ang lalaking naka bunggo nya. Kumakain din ito doon may kasama itong babae. Napairap na lang sya sa kawalan nang sumagi na naman sa isip nya ang mga sinabi nito kanina. Bakit nya ba iniisip to? Tsk makakain na nga lang sarap pa naman ng pagkain.
''May humahabol ba sayo?'' si Kuya Levi nakakunot ang noong nakatingin sa akin sa bilis ko ata sumubo para nga ata akong hinahabol
''Wala naman ang sarap ng pagkain ehh'' pagsi sinungaling ko
Gustong gusto nya na kasing umalis doon kaya binibilisan nyang kumain. Hindi nya pa rin makalimutan ang sinabi nito kanina. Nerd? Kid? Oh well kaya pala mahilig ito sa sexy, mukhang modelo, makinis at maputi at higit sa lahat ay malaki ang hinaharap, kita naman sa kasama nitong babae na halatang nagpapa impress pa sa kanya.
''Oh bakit ka nakasimangot dyan?'' sinundan nito ang tinitingnan nya ''Kilala mo ba yun?''
''Sino Kuya?'' ako habang patay malisya na tinanggal ang tingin sa lalaking hindi mawala sa isip nya. Kahit saan atang sulok ng kanyang isip ay ang gwapong mukha nito na nakangisi sa kanya ang nakikita nya.
''Never mind, nga pala sabi ni dad kinukulit daw sya ni Jacob kung nasaan ka?''
''Talaga Kuya? Anong sabi ni dad? Sinabi ba nya kung bakit?'' sunod sunod na tanong nya dito
Nagliwanag bigla ang mata nya. Na miss nya talaga ang kaibigan nya. Pero nagi guilty pa rin sya dahil sa hindi pagpapaalam dito. Alam nyang nagtatampo ito sa kanya. Sorry Jacob saad nya sa isip.
''Dad said your ok'' Kuya Levi shrugged his shoulder
''Hindi ko din masisisi si Dad for not telling him sa ikabubuti ko rin naman to'' malungkot kong saad kay Kuya
''Wag ka nang malungkot dyan nandito naman ako'' mas lalo lang tuloy akong nalungkot
Hindi ako sanay nang ganito pakiramdam ko mag isa lang ako, far from home, far from dad and my bestfriend. Ang isang nagpapatawa sa akin ay iniwan ko nang walang paalam. Ngayun hinahanap ako kay Dad pero hindi pwedeng sabihin. I really feel guilty. I also miss her. My mom. How I wish she's here to hug me and comfort me like the old times. but it's not going to happen anymore because she's gone and not coming back.
''Hey don't cry'' Si Kuya Levi bumubulong sa akin
Hinawakan ko ang pisngi ko hindi ko alam na umiiyak na pala ako. I ark my brow asking why does he have to whisper? ''Baka sabihin pinapaiyak kita and there is someone who's looking at you while crying. Do you know him?'' Kuya Levi whisper again on me
''Who?'' tanong ko habang naka arko ang isang kilay
''The one your staring with a while ago'' he whispered again
Napa kunot naman ang noo ko. Ang alam nyang tinitingnan nya kanina ay yung lalaking naka upo sa di kalayuan sa lamesa nila na ngaun ay nakatingin sa kanya? He caught her staring at him then smirk AGAIN! He's damn smirk caught her off guard. She really want to punched his damn face so that she could erase his damn smirk! And damn him for saying she's a Nerd! and a Kid! Sa inis nya ay inirapan nya ito.
''I didn't know him Kuya'' I said iritated
''Ows I thought you know him'' nang aasar na sambit nito
''Ewan ko sayo Kuya bumalik na nga tayo sa campus magsusukat pa ng uniform eh.'' naiinis akong tumayo na tsaka naglakad palabas, habang si Kuya Levi ay naka upo pa roon natatawa sa akin sapagkat ang ilong at pisngi nya ay alam nitong namumula dahil sa pang aasar nito. Hilig talaga nitong inisin sya.
Limang minuto na ang lumipas pero wala pa din ang Kuya nya. Hindi pa din ito lumalabas sa loob ng restaurant. Nakatayo sya sa gilid ng entrance habang naka sandal ang kanyang likod, ang mga kamay ay nakayakap sa kanyang dibdib. Nauubusan na sya ng pasensya sa Kuya nya talagang iniinis sya nito. Papasok na sana sya ulit nang maka salubong nyang palabas ang lalaking naka ngisi kanina.
''Hi Maria, I'm Cedrick Montecarlo'' sa gulat ay hindi agad sya nakapag salita.
So Cedrick Montecarlo pala pangalan nya. Pangalan palang nakakainis na! Kung hindi lang sya ginalit nito kanina ay pinag nanasaan nya na ito or worse ay nagdo drool na sya sa kagwapuhan nito pero hindi! Lumitaw ang kanyang Kuya sa tabi nito na naka ngisi. Parang may gusto itong sabihin at alam nyang aasarin na naman sya nito mamaya.
''How did you know my name?'' tanong ko dito nang naiinis
''I ask that man who's sitting with you while your crying turns out she's your brother'' sagot nito habang nagkakamot ng ulo.
Nahihiya ba ito dahil tinanong nito ang pangalan nya? O nahihiya ito dahil kinausap nito ang kapatid nyang nerd din? Samantalang kanina ang lakas ng loob nyang asarin ako tapos ngaung kaharap nya ang Kuya Levi nya ay nahihiya ito?
''Why did you ask my name?'' tanong ko ulit naiinis pa rin dahil sa sinabi nitong ''little nerd kid''.
''Akala ko kasi pinapa iyak ka nya kaya tinanong ko yung lalaking kausap mo kanina'' sersyosong sagot ni Cedrick
''Ano naman sayo kung umiyak ako ha?'' I rolled my eyes at him pagkatapos ay hinila na si Kuya Levi paalis ng restaurant.
Hindi pa man kami nakaka layo ay narinig ko pa itong sumigaw ng ''Wait Maria!'' Damn him for calling my name!
''Seems like you have a crush'' Kuya teased me
''Are you crazy Kuya? You told him my name! Are you out of your mind?'' naiinis kong baling sa Kuya nya na malaki ang ngisi sa labi
''Bakit ka ba nagagalit sa lalaking yun? Mukhang mabait naman ahh''
I rolled my eyes getting annoyed from what Kuya Levi said. Mabait Kuya ah? Sinabihan akong ''Little nerd kid'' non kanina mabait? Sigaw ko sa sip ko. Kung pwede ko lang isigaw dito yun ay ginawa ko na. Pero dahil nandon si Cedrick ay hindi nya ginawa dahil baka isipin pa nitong hindi nya makalimutan ang sinabi nito sa kanya or worse sabihin pang affected sya masyado. She can't blame herself never in her whole life na binully sya well except sa Kuya Levi nya. And he's not my crush!
''Ewan ko sayo Kuya mauna na ako sayo mala late ako sa ginagawa mo''
Nakita kong sumulyap ito sa relo ''Huh...eh may thirty minutes ka pa ngang sobra sa break time ohh''
Matagal ang binigay na break time sa kanila dahil first day palang naman ngaun. ''Basta bumalik na tayo doon sa loob''
''Bakit ka ba nagmamadali?'' Kuya Levi smirk while wiggling his thick brows
''Gusto kong mag ikot Kuya sa campus'' I said plainly
''Okay sinabi mo ehh''
Tumahimik na ako hindi na sinagot si Kuya Levi para hindi na sya lalong asarin pa nito. Iniisip nya kung ano na kaya ang nangyari sa problemang kinakaharap ni Dad. Kung umatras na ba? Kung kailan ba matatapos itong gulong ito? Kung hanggang kailan sila magpa panggap? Kung bakit nagkaganito ang buhay nya? Nagtataka din sya kung sino ang nasa likod nito dahil walang sinabi si Dad kung sino nga ba? Marami syang tanong.
''Sobrang laki naman pala nitong skwelahan na ito nakakapagod maglakad'' si Kuya Levi nag rereklamo na dahil naka ilang ikot at liko din kami. Dahil marami ang course na available dito ay marami din ang gusali. Mahahaba pa ang mga pasilyo kaya mahabang lakaran ang ginawa namin.
''Kuya balik na tayo sa sunod na lang ulit tayo mag ikot'' sambit ko dito
Pag nasa labas kami ay Kuya na lang ang tawag ko dito dahil hindi rin ako sanay na Mark ang itawag dito, pag mayroon lang na pagkakataon na kailangan naming gamitin ang pang front name namin.
''Ayoko na sumama ikaw na lang'' nakatingin ito sa kanya naka pout pa ang nguso tss parang bata talaga.
Tamad talaga itong maglakad lalo na kung malayo. Mabuti na lang sinamahan sya nito ngayon siguro dahil sa first day kaya sumama na rin. Ilang minuto na lang ay matatapos na ang break na ibinigay sa kanila kaya agad na silang bumalik. Mabuti na lang naka habol pa sya dahil wala pa ang naka destinong guro para sa kanila.
Ang mga kaklase nya ay may mga kanya kanyang pinagkakaabalahan. Ang ibang babae ay nag kukwentuhan ang mga lalaki naman ay maiingay at nag hahagisan ng papel na nilukot. Nang matamaan sya sa ulo at dinampot nya pa ito tsaka napag tantong may sulat pala ito. ''Hi Nerd'' sabi sa sulat. Nilingon nya kung saan nanggaling ito.
''Hi Nerdy'' kaway sa kanya ng isang lalaki na ang pangalan ay Samuel base kanina sa introduced yourself na ginawa nila ay natandaan nya pa ang pangalan nito. Tumatawa pa ito sa paraang nang aasar. She fight the urge to roll her eyes. Nakaka panibago rin ang mga nangyayari kahit ayaw naman nya ng ganto ay wala din syang choice. Wala sa sariling napa buntong hininga na lamang sya.
Ipinag papasalamat nyang dumating na ang kanilang guro dahilan para mawala sa kanya ang atensyon ng kaklase nya.
''Get a one fourth index card and put your name, section and when your done pass it forward. That is where I'm going to put your gradings.'' Mr. Santos said habang kinukuha na ang mga papel sa tapos na magsulat.
Pagkatapos ng ilang activities at lectures ay pinapunta na kami sa gymnasium para sa uniporme. Nakapila kami ngaun. Bale pala ang mga junior college lang pala ang mga susukatan. Nagkaroon ng ingay sa paligid ang mga babae ay tumitili. Hindi na sya naki usisa dahil hindi naman importante kung sino at ano man yun. Wala syang pakialam dahil base sa tili ng mga babae alam nyang lalaki lang iyon.
''Uy Shiela yung crush mo ihh ang gwapo talaga'' isa sa kaklase nya
''Wag na kayong umasa ma babasted lang kayo'' saad pa ng isa nyang kaklase
''Girlfriend nyan si Hannah di ba yung ka batch nyang senior college din?'' sambit naman ni Grace
''Hi Kuya Cedrick'' napatingin sya sa kaklaseng si Shiela na kumakaway pa
At dahil hindi naman talaga importante ay hindi sya lumingon lalo na nang marinig ang nakakainis na pangalan na walang iba kundi kay Cedrick Montecarlo! She rolls her eyes in the amidst of wind.
Kung saan naka tingin ang mga kaklase nya ay sya naman ay sa taliwas naka tingin. Biglang lumakas ang tilian ng mga junior college sa tabi nya. Gusto nya na tuloy magtakip ng tenga sa lakas ng sigawan ng mga ito. What the heck is wrong with them?
''Hi Maria'' I feel someone whispered on my ear
''s**t!'' I cursed hawak ang dibdib dahil sa lakas ng kaba! It's Cedrick! Hindi ba sya titigilan nito?
Pagkatapos kong maka recover sa pagka gulat ay wala na ito sa tabi nya naglalakad na ito kasama ang ilang kalalakihan habang tuwang tuwa sa ginawang panggugulat sa akin. Nakakahiya ang ginawa nito at mukhang sinadya pa talaga nitong lumapit sa kanya. Damn him!
''Malandi talaga itong nerd na to!''
''Bakit sya ang nilapitan?''
''Naiinis na ako sa nerd na yan ako dapat yung lalapitan ni Cedrick ehh!''
Dinig ko sa mga babaeng kanina pa matalim ang titig sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig ng mga ito ay malamang na double or triple dead na ko! Sinasadya talaga ng lalaking yun na lapitan ako para magalit sa akin ang mga may gusto sa kanya. Wala syang maisip na ibang dahilan kundi iyon lang!
Tahimik lang ako habang inaantay na ako naman ang masukatan. Kung pwede lang na tumakbo ay ginawa ko na o lamunin ng lupa na parang walang nangyari. Kung kailan gusto ko nang bumilis ang oras ay parang lalo namang bumabagal. Balak talaga akong galitin ng Cedrick na iyon!