Chapter 7: Nightmare

1814 Words
--Camille-- Umuulan nang malakas sa labas at kumikidlat. Narito ako ngayon sa bagong kuwarto ko at inaayos ang aking mga gamit, nakasuot ako ng mahaba na puting t-shirt na kulay green may kagubatang nakaguhit dito at mga hayop. Hanggang tuhod ko lang ito at may maliit akong short na hindi halata dahil natatakpan sa haba nito. Marami akong ganitong damit dahil ganito ako manamit sa bahay--gusto ko maluwag, kung walang Duster ay ito ang sinusuot ko. Nakaipit ang aking buhok. Malapit na yatang maghapon, hindi halata dahil sa madilim ang kalangitan. Nang maitupi ko ang aking mga damit at nailagay ito sa lagyanan ay humiga ako sa kama. Matamlay kong tinitigan ang kisame--ano ba itong napasok ko? Isa lang akong simpleng estudyate noong nakaraang araw. Sumimangot ako naalala ko si Mr. Rey. Ano kaya ang ginagawa nya? Kanina pa ako hindi bumababa eh. "Ahg!" Napatagilid ako dahil sa malakas na pagkidlat--nagulat ako doon! Nakita kong nakabukas ang kurtina ng bintana. Tumayo ako para isara ito. Nilapitan ko ito at hinawakan ngunit napayuko ako at nakita ko si Mr. Rey na basang-basa sa ulan, nasa likod sya ng bahay. Suot nya ang kanyang pants at formal white shirt, mayhawak itong mahabang kahoy at nakaitim sya na gwantes. Nagtataka ko syang pinanood mula sa itaas, inalis ko ang kamay ko sa kurtina at dinikit ko ang palad ko sa malamig na salamin ng bintana. Magkakasakit sya kung magbababad sya sa ulan. Ito nanaman ako nag-aalala sa isang kriminal. Nadidismaya ako sa aking sarili. May maliit na bahay na gawa sa kahoy sa likuran ng bahay na ito. Ito yata ang bodega ni Mr. Rey pero naka kandado lang ito. Mayhawak syang kahoy at pinapasok nya ito sa loob at bakat sa formal shirt nya ang naglalakihan nyang muscle lagi siguro syang nagwo-work out. Ngayon ko lang napansin na napakaitim ng buhok ni Mr. Rey lalo na pagbasa, mukha ding matitibay ang mga hita nya at ubod sya nang tangkad. Subrang tangkad para sa akin, 6'1 yata ang tangkad nya? Hindi ko alam. Hindi ko magawang maalis ang mga mata ko sa kanya, naguguluhan ako--ang lakas nang dating nya, guwapo din naman si Anderson pero hindi masyadong malakas ang dating nya sa akin hindi tulad ni Mr. Rey. Namamangha kong tinignan si Mr. Rey. Wow, ang tikas nang... "Oh my gosh." Hindi ko makapaniwalang bulong sa aking sarili. Bigla akong natauhan at yumuko sa sahig. "Na gagwapuhan ako sa isang killer?" Ngumisi ako. "Hindi, parang kuya ko na sya." Kumbinsi ko sa aking sarili at hinawakan ko muli ang kurtina para isara. Nang biglang kumidlat at napatakip ako sa aking taynga, mabilis na nagtama ang paningin naming dalawa ni Mr. Rey at taranta kong sinara ang kurtina. Mabilis akong sumampa sa kama at nagtakip ng kumot. Kinalma ko ang kabado kong puso. Naalala ko ang tingin sa akin ni Mr. Rey kanina, tagos sa buong kalamnan ko bakit ganoon sya kung tumingin?! Ganoon ba dapat tumingin ang mga kriminal? Ano mang oras pwede nya akong patayin kaya kaylangan kong mag-ingat sa mga kilos ko. Bigla akong inantok, nagdadala ang tunog ng ulan nang angtok kaya inaantok ako ngayon kaya din dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata. Nakarinig ako ulit nang kidlat at dinilat ko ang aking mga mata, madilim ang paligid at nag-unat ako ng kamay. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa aking sarili, umupo ako sa kama at tinignan ang orasan ng aking Cellphone. Nanlaki ang aking mga mata 10 Pm na? Hindi pa ako nakain. Sabi ni Mr. Rey kung gusto kong kumain may pagkain naman sa refrigerator. Inayos ko ang aking buhok at bumaba ako. Naglakad ako sa hagdan paibaba. Humikab ako, gusto ko ulit matulog pero kaylangan kong kumain para maylaman ang aking sikmura. Dumeritso ako sa kusina at binuksan ang refrigerator, marami nga itong laman na pagkain at kaylangan lang initin. Pumili ako kung ano ba ang kakainin ko nang may narinig akong mahinang ungol--ano iyon? "Ahmmm." Kinakabahan akong tumingin sa paligid. Ano iyon bakit may naghihingalo? May-ilaw sa kusina at sa hagdan ngunit walang ilaw sa sala. Narinig ko ulit ang ungol, na-tense ako bigla. Saan ba nanggagaling iyon? May napansin akong gumalaw sa sofa at napakunot noo ako. Dahan-dahan kong sinara ang refrigerator at kinakabahan akong lumapit sa sofa. May nakita akong katawan ng isang lalaki--Mr. Rey?! Mabilis ko syang nilapitan at binuksan ko ang lampshade umupo ako sa sahig malapit sa ulo nya. Naka-sweatpants ito at naka suot nang fitted na t-shirt, naka cross-armed, at pawis na pawis. Sabi ko na eh, lalagnatin sya. Umuungol sya at hindi mapakali sa pagkakahiga nya sa sofa. Mabilis kong nilagay ang palad ko sa noo nya. "Hindi naman sya mainit?" Nagtataka kong bulong. Anong nangyayari sa kanya? "Mr. Rey?" Pag-aalala kong tawag sa kanya. "Mr. Rey ayos lang po kayo?" Muli kong tanong sa kanya pero wala syang imik. Patuloy sya sa pag-ungol. Napansin kong wala syang unan kaya binuhat ko ang ulo nya, umupo ako sa sofa at pinatong ang ulo nya sa isa kong hita. Nakacross-armed lang sya at parang lamig na lamig sya. Pinagmasdan ko ang mukha ni Mr. Rey at takot na takot ang mukha nito. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Muli kong pinatong ang isa kong kamay sa noo nya--hindi talaga sya mainit. Napaisip ako. Baka naman nananaginip sya? Binabangungot sya? Nag-aalala akong tumingin sa kanya, sabi ng marami ang mga bangungot daw ay isang nakakatakot na mga alaala nang isang tao na laging bumabalik sa kanya. Sa tuwing binabangungot ako wala kahit isa ang nasa tabi ko para patahanin ako. Tinaas ko ang aking palad na nakapatong sa noo nya at nilagay ko ito sa kanyang braso, dahan-dahan kong tinapik ang braso nya--sana huminahon na sya. "Ahmp!" Mabilis nyang hinila ang aking kamay at tinakpan nya ang aking bibig. Nanlaki ang aking mga mata at bumilis ang t***k ng puso ko sa takot. Nakaupo na sya sa sofa at hindi ko makita ang mga mata nya, nag-iba ang aura nya at pinanginginig nito ang kalamnan ko sa takot. Nanginginig kong hinawakan ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko. Tumulo ang aking luha--dapat hindi ko na lang sya inabala. Galit yata sya. Humikbi ako. "One...two...three..." Mahina nyang bulong, nilapit nya ang bibig nya sa kanan kong taynga at nagpatuloy syang magbilang nang pahina nang pahina hanggang sa hindi ko na sya marinig. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya. Bumaksak ang ulo nya sa balikat ko at bumaba ang kamay nya na nakatakip sa aking bibig. Hindi ako nakagalaw sa matinding kaba. Humikbi lang ako sa takot at pagkabigla. Hindi sya gumagalaw--nakatulog ba sya ulit? Pinunasan ko ang aking mga mata ng isa kong kamay. Hindi ko sya maintindihan ano bang nangyayari kay Mr. Rey? Kinalma ko muna ang aking sarili bago ako nagsalita. "M-Mr. Rey?" Utal kong tawag sa kanya. "Give me a minute." Muntik na akong mapalundag noong nagsalita sya--akala ko nakatulog sya habang nakasandal sa akin. Ilang minuto ang nakalipas at komportable parin ako sa kalagayan namin. "Are you scared?" Tanong nya sa akin. Naramdaman ko ang hininga nya sa aking leeg. Napakagat labi akong umiling na hindi ko namamalayan. "Hindi na." Sagot ko sa kanya. Dapat takot ako sa kanya diba? Dahil nakakatakot sya! May mga oras na hindi ako takot sa kanya at may mga oras din na takot ako sa kanya. Naguguluhan ako sa sarili ko. "Don't, save it for another day." Seryoso nyang sinabi sa akin, nagtaka lang ako. Inalis nya ang ulo nya sa aking balikat, nakaramdam ako nang lungkot at hindi ko gets kung bakit. "Kumain ka na." Utos nya sa akin. Mabilis akong tumayo at nagpunta sa kusina. Alam nyang hindi pa ako kumakain, napaka mapag-ubserba ni Mr. Rey. Pagkatapos kong kumain ay nag-aral ako nang saglit tapos na tulog na. Paggising ko sa umaga ay kumain ako, nagbihis ako ng uniform, at inayos ko ang aking sarili. Hindi ko akalaing ihahatid ako ni Mr. Rey sa school--tingin ko nakakaabala na ako sa kanya. Nasa loob kami ng sasakyan at nagmamaneho sya. Nakabihis sya ng Classic fit suit, suit lagi ang suot nya sa tuwing nalabas sya ng bahay. Kagabi ko lang nakita na nagsuot sya ng ibang damit. Pinalobo ko ang aking pisngi at tumingin ako sa salamin sa labas ng bintana ng sasakyan. May nakita akong isang puting SUV (Sport utility vehicle) kanina pa ito nasa likuran namin. Lumiko kami at lumiko din ito, kumunot ang noo ko--sinusundan yata kami nito. Sinulyapan ko si Mr. Rey. Tinitignan nya ito sa rear view mirror at humigpit ang pagkakahawak nya sa manibela. Alam din nyang sinusundan kami nito. Muli kong Sinulyapan ang sasakyan sa aming likuran. "Ma-may sumusunod sa atin?" Kinakabahan kong tanong kay Mr. Rey. "Mga pulis lang iyan." Sabi ni Mr. Rey. Nanlaki ang mga mata ko--mga pulis?! "Hindi sila kumbinsido sa dahilang sinabi natin sa kanila kaya nag-iimbestiga sila." "Ano'ng ga-gagawin natin?" Kinakabahan at nag-aalala kong tanong kay Mr. Rey. Huminto ang sasakyan namin at saka ko napansin na nasa paaralan na kami. "Give me your phone." Mabilis ko itong binigay sa kanya. Tinignan ko ang sasakyan na sumusunod sa amin, huminto din ito ngunit malayo sa amin. Binalik ni Mr. Rey ang aking phone. "Tawagan mo ako kapag may nangyari, susunduin kita mamaya." Simpleng paalala nito sa akin. Napahawak ako sa tela nang suot nyang suit banda sa kanyang braso. Nanlalambot ako. "Papatayin mo ba sila?" Nag-aalala kong tanong kay Mr. Rey. Tinitigan nya ako. "Maawa ka sa kanila." Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi nya pinansin ang sinabi ko, sa halip ay binuksan ni Mr. Rey ang pinto nang sasakyan sa gilid ko. Tinignan ko ito at sininyasan nya akong lumabas. Wala akong nagawa kundi lumabas. Sinirado ko ang pinto at inayos ko ang aking bag, tinignan ko si Mr. Rey mula sa loob. Nagmamakaawa ko syang tinitigan. Muli nyang sinulyapan sa rear view mirror ang sasakyan pagkatapos nilingon nya ako. Nagkatitigan kami. "Huwag mo akong tignan nang ganyan, I haven't done anything yet." Sabi nito sa akin. Nagmamakaawa ko parin syang tinitigan. Hindi ako aalis dito hanggang sabihin nya sa akin na hindi nya sasaktan ang mga ito. Tinitigan ko lang sya. "Wala akong gagawin sa kanila." Walang emosyon nyang sabi sa akin. "Promise?" Huling hirit ko kay Mr. Rey para makasigurado ako. Tumango ito, nakahinga ako nang maluwag at labas ngipin akong ngumiti. "Thank you!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Para din naman ito kay Mr. Rey hindi ko gustong masaktan din sya. Mabilis akong naglakad papunta sa gate ng school. Muli ko syang nilingon at masaya akong kumaway sa kanya. "Babay!" Pabulong kong sigaw sa kanya. Hindi ako sigurado pero napansin kong ngumisi si Mr. Rey kahit malayo kami sa isa't isa. Tumakbo na ako papasok sa paaralan at baka mahuli pa ako sa klase. ********** To be continued... Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD