Chapter 6: Very Kind

2201 Words
--Camille-- Tinuringan akong matalino sa paaralan pero hindi ko agad na gets kung bakit kaylangan naming isama si Anderson. Ngayon alam ko na. First, galit sya sa kuya nya kaya wala syang pakialam kung nasaan ito. Second, gusto nya ako at gagawin nya ang lahat para sa akin. "Naniniwala kayo sa kanila?!" Nagulat ako nang sumigaw ang lalaking si Daniel. Nasa Police Station kami, nakaupo ako at nasa hita ko ang Blue jacket suit ni Mr. Rey at nakatago ang dalawa kong kamay dito. Hindi ko alam kung bakit binigay nya ito sa akin kanina. Ang sabi lang nya kakailanganin ko ito at nakatulong nga ito sa pagtago nang nanghihina at nanginginig kong kamay. Nakatayo sa gilid ko si Anderson at si Mr. Rey, nasa harapan namin si Daniel at si Mr. Gonzales na nagi-imbestiga sa amin. Masmatanda sa akin si Daniel pero hindi ko sya tatawaging Mr o kuya dahil sya din ang dahilan kong bakit ako nandito. Galit nyang pinatutunayan sa mga nag-iimbestiga na maykinalaman ako sa pagkawala ni Rick. "I know na magkasama sila!" Sigaw nito. "Pinaliwanag na nila! Ano?! Paulit-ulit nalang tayo dito?!" Sigaw ni Anderson kay Daniel at Mr. Gonzales. Hindi makapaniwalang tinignan ni Daniel si Anderson na kanina pa sya binabarag, galit itong namaywang. "They're laying! Nawawala ang kapatid mo kinakampihan mo sila?! Are you blind?!" "Shut the f**k up!" Napasinghap ako sa malakas na sigaw ni Anderson. Napatingala ako kay Anderson, tinapik ni Mr. Rey ang likod nito. "Calm down." Sabi sa kanya ni Mr. Rey. "Anderson? Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa ngayon. Maaaring umuwi ka na muna at kami na ang bahala-" "Don't tell me what to do." Pagpuputol ni Anderson kay Mr. Gonzales. Mapagpasensyang umayos nang pagkakaupo si Mr. Gonzales dahil sa pambabastos sa kanya ni Anderson--binabastos nya ang masmatanda sa kanya. Napapanganga nalang ako sa ginagawa ni Anderson. "Pumunta dito kahapon ang tiyo nya at hinahanap sya. Kung pupuntahan nyo sya bakit wala manlang syang kaalam-alam? Tumulong panga sya sa aming na hanapin itong pamangkin nya!" Galit na tanong ni Daniel sa amin ni Mr. Rey. Pinipilit nya kaming hulihin, pilipit narin ang dila ko sa kaba. Kanina pa ako tahimik dito at halos si Mr. Rey lang ang sumasagot. "Biglaan, akala namin makakarating kami kaagad." Simpleng sagot ni Mr. Rey. "Gabi nyo talaga sya pinuntahan? Pwede namang ipagpabukas mo? At sumama ka sa lalaking hindi mo kilala? Obvious naman na nagsisinungaling sila!" Sabi ni Daniel. Napalunok ako. "Listen, alam kong hindi matatagalan ni Anderson ang hospital kaya siguradong lalabas sya kaagad, gusto ko sanang supresahin sya kaya hindi ko na ipinagpapabukas pa and I am a busy person, mahalaga ang bawat oras sa'kin at kaya sumama sya 'cause I offered her a good amount of money at sinabi ko sa kanya na para ito kay Anderson." "That's it? Sasama sya sayo nang ganon-ganon lang?" Tinignan ko si Mr. Rey. Nakangisi itong nagsalita at tumango. "Yes, let's just say, masyado syang mabait." Sagot nito kay Daniel. Binalik ko ang tingin ko sa sahig. "Tapos na ba tayo dito? Nasabi na nila lahat sa inyo." Sarkastikong tanong ni Anderson kay Mr. Gonzales. Kinatok ni Mr. Gonzales ang desk para kunin ang atensyon ko dahil nakayuko ako, gulat akong napatingin sa kanya. Siguradong halata nilang kanina pa ako lugmok dito. Natatakot ako sa kanila pakiramdam ko ang sama kong tao sa mga tanong nila. Gusto ko nang umuwi. "Tama ba iyong mga sinabi nya sumama ka sa kanya dahil-" "Don't f*****g scare her!" Pagpuputol ni Anderson sa tanong ni Mr. Gonzales. Hinawakan ni Anderson ang isang kamay ko. Iritang nilagay ni Daniel ang mga palad nya sa desk at niyuko nya si Mr. Gonzales. "I have a last question for them." Huling pahabol ni Daniel. "Are you the f*****g investigator?" Sarkastikong tanong ni Anderson kay Daniel, nakita kong sumasakit na ang ulo ni Mr. Gonzales sa amin--gusto kong humingi nang tawad sa kanya. "Kung nasiraan sila bakit hindi sila humingi nang tulong? Kaya nilang gumawa nang paraan para maka contact at makakuha nang Hotel para tulugan." Muling tanong ni Daniel. "Sinasabi mo bang mag check-in ang girlfriend ko sa Hotel kasama nang ibang lalaki?" Usal ni Anderson sa kanya. "Don't f*****g take their side! Kapatid mo ang pinag-uusapan natin dito!" Dinuro ni Daniel si Anderson, ngumisi si Anderson at nilapitan nya si Daniel. "You wanna die?" Pagbabanta nyang sabi sa mukha nito. Hindi pwedeng makipag-away si Anderson may sugat pa sya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya palapit sa akin. For his safety. Tinignan ako ni Anderson. "Hindi tayo matatapos dito kung guguluhin nyo ang imbestigasyon namin." Sabi ni Mr. Gonzales. "Just answer my f*****g question, Reysio!" Maypait sa tinig ni Daniel nang tawagin nya ang pangalan ni Mr. Rey. Dismayadong tinignan ni Mr. Rey si Daniel. "You are definitely right, maraming paraan. Pwede ko naman syang iwan sa loob ng sasakyan at humingi ako nang tulong or pwedeng sya ang humingi nang tulong at ako ang maiwan sa sasakyan. Maybe iwan naming dalawa ang sasakyan at sabay kaming humingi nang tulong, pero pwede ring maghintay kami nang maydaraang sasakyan at humingi kami nang tulong. We choose the last option." Nagcross-armed si Mr. Rey at nilingon nya ako. Nagtama ang mga mata namin. "In her case, hindi ko sya pwedeng iwan mag-isa dahil delikado, hindi ko naman sya pwedeng isama dahil maiiwan ang sasakyan ko." Nilipat ni Mr. Rey ang paningin nya kay Mr. Gonzales. "Of course hindi ko iiwanan ang sports car ko sa lugar na iyon at baka pagbalik ko wala na, I don't waste money. So we choose the last but sadly wala nang mga sasakyang dumaan dahil nga sa gabi na." Matamlay nyang nilipat ang paningin nya kay Daniel. "Happy?" Matamlay nitong sabi kay Daniel. Nag-igting ang panga ni Daniel. "Don't make us believe with that crap!" Sigaw nito kay Mr. Rey--sumasakit na ang leeg ko sa kakalingon sa kanila. "Ok, enough this s**t, I'm going to call my uncle." Kinuha ni Anderson ang phone nya at nag-aalalang tumayo si Mr. Gonzales. "Anderson." pagmamakaawa nitong tawag sa kanya dahil ang uncle ni Anderson ay ang CPPO nang Cebu. "Kung gusto nyong hindi mawalan nang trabaho huwag nyo na silang guguluhin pa! Ikaw Daniel wala kaming pakialam sa kung anong pinaniniwalaan mo? Maybe this is the reason why my sister dumped you 'cause you're an idiot." "What?!" Hindi makapaniwalang usal ni Daniel kay Anderson. "Daniel, umalis ka muna at lalo kaming naguguluhan sa mga sinasabi mo." Sabi ni Mr. Gonzales, hindi makapaniwalang nilingon ni Daniel si Mr. Gonzales at Anderson. "I'm just, I'm just trying to--" Hindi nya makapaniwalang tinikom ni Daniel ang bibig nya. Galit na tinapunan nang tingin ni Daniel si Mr. Rey "We're not done." Mariin nitong sabi kay Mr. Rey bago umalis. Agad kaming natapos dahil pinagbantaan ni Anderson si Mr. Gonzales na pakikiusapan nya ang kanyang tito na tanggalin ang mga ito dahil hindi nila ginagawa nang mabuti ang trabaho nila--naawa ako sa kanila. Nandito na kami ngayon sa sasakyan, hindi ko akalaing nakaligtas ako sa mga nangyari kahit na wala akong masyadong sinabi. "Biglang sumakit ang ulo ko." Nilagay ni Anderson ang ulo nya sa aking balikat. Nakaupo kami ulit sa backseat at nagmamaneho muli si Mr. Rey. Tinawag ko sya. "Mr. Rey" Iniabot ko sa kanya ang kanyang Blue jacket suit. Kinuha nya ito, pinalipot ni Anderson ang mga kamay nya sa baywang ko at nararamdaman kong tulog na si Anderson. "Mayroon kabang load?" Tanong sa akin ni Mr. Rey. Nagtataka akong umiling, inabot nya ang cellphone nya sa akin. "Call you're uncle." Simpleng sabi nito. Nanlaki ang aking mga mata--si tito! Mamamatay na iyon sa pag-aalala! Agad ko itong kinuha at tinawagan sya. Sinalubungan nya ako nang sermon, mahina lang akong nagsalita para hindi maabala si Anderson. Biglang umulan habang nasa byahe kami. Pagkatapos kong kausapin si tito ay pinatay ko ang cellphone at tinignan ko sa rear view mirror si Mr. Rey. Busy sya sa pagmamaneho. Napaisip ako. Satingin ko may abilidad si Mr. Rey na madali ka nyang mababasa sa unang tingin palang nya sa iyo. Parang kilalang-kilala nya ako, alam nyang matatakutin ako, alam din nyang sa tuwing natatakot ako nanginginig ang aking mga kamay, alam din nyang mabait ako--na kadalasan kinapapahamak ko. Sabagay sabi nang iba para daw akong open book, madaling basahin. Tingin ko rin matalino sya, dahil kung hindi matagal na syang nahuli nang mga pulis. Binalik ko sa kanya ang kanyang cellphone, kinuha nya ito. "Kukunin natin ang mga gamit mo sa apartmen mo pero ihahatid muna natin si Anderson." Sabi nya, tumango ako. Huminto kami sa bahay nila Anderson. Maraming bantay sa paligid, pinarada ni Mr. Rey ang sasakyan sa labas. Hawak ni Anderson ang kamay ko habang papasok kami sa malaki nilang bahay, dumiretso si Anderson sa sofa at umupo dito. Nagpunta sa kusina si Mr. Rey at uminom yata ng tubig, samantalang ako ay nakatayo sa gilid ni Anderson at pinagmamasdan ang paligid. Napapanganga ako, first time kong pumasok sa malaking bahay nila--oh my gosh. Nagkikita paba sila sa laki nang bahay nila? "Ack!" Nagulat ako nang hilain ako ni Anderson paupo sa mga hita nya. Nanlaki ang aking mga mata at napahawak ang isang kamay ko sa balikat nya, kinakabahan akong tumingin sa kanya, kinindatan nya ako. "I love you babe." Sabi nito sabay yakap sa akin nang mahigpit. Napalunok ako. Gusto kong tumayo at lumayo sa kanya...hindi ako komportable. Bahagya ko syang tinulak. "Tsk, 'wag mo 'kong artehan." Galit na sabi nito. Natakot ako bigla sa galit nyang boses. Wala akong nagawa, ngumiti ito nang sinunod ko sya. "Kaylangan pa naming kunin ang gamit nya, you need to rest." Napalingon kami kay Mr. Rey na papalapit sa amin at mayhawak na baso ng tubig. "s**t! Pahinga na naman? Ang boring na nang life ko!" Pagrereklamo ni Anderson sabay bagot na sumandal sa likod ng sofa. Ako naman--ito hindi parin komportable na nakaupo sa mga hita ni Anderson gusto ko nang lumayo sa kanya. Hindi ako komportableng tumingin kay Mr. Rey. Pinatong nito ang mga braso nya sa tuktok ng likuran ng isang malaking upuan na mukhang malambot kung tignan--parang gawa sa feather. Halos kaharap lang namin ito kaya kitang-kita ko si Mr. Rey. Uminom sya ng tubig habang nakatingin sa akin, bumalik ulit ang mga tingin nya naparang binabasa nya ako. Alam kong napansin nyang hindi ako komportable, nahihiya kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Oo nga pala, bukas na ang balik ni ate, napauwi sya nang 'di oras dahil sa pagkawala ni mom at ni kuya...pustahan tayo nabitin sya sa bakasyon nya." Pangising sabi ni Anderson. Tumango si Mr. Rey "Susunduin ko sya bukas, kaylangan na naming umalis." Sabi ni Mr. Rey. Niyakap ako nang mahigpit ni Anderson. "No! Hindi mo sya makukuha sa akin, mamamatay ako sa pagka boring sa bahay na'to!" Napasinghap ako. "Mamatay ka?" pag-aalala kong tanong sa kanya. Tinawanan nya ako--nadismaya nanaman ako sa sarili ko. Sympre biro lang iyon pero naging sensitive ako sa salitang patay o mamamatay dahil sa mga nararanasan ko ngayon. Nagmamakaawa nya akong tinignan, nilagay nya sa balikat ko ang ulo nya "Yes babe, mamamatay ako kung hindi ka magi-stay. " "Hindi uubra ang paawa effect mo, let's go marami pa akong gagawin." Tumayo nang maayos si Mr. Rey. Tatayo sana ako dahil hindi na ako komportable sa kalagayan ko. Hindi ako binitawan ni Anderson. "No" mariin nitong sabi. Lumapit si Mr. Rey at iniabot ang isa nyang kamay sa akin, hawak ng kabila nyang kamay ang basong may tubig. "Let's go." Pag-aaya nya sa akin. Kinuha ko na itong pagkakataong makaalis sa pagkakaupo sa mga hita ni Anderson at mabilis kong hinawakan ang kamay nya. "Don't." Pagmamakaawa ni Anderson kay Mr. Rey. Nginisian sya ni Mr. Rey sabay hila sa akin patayo, napalakas ito at muntik nang dumiretso ang mukha ko sa dib-dib nya, mabuti nalamang at na hawakan nya ako sa balikat. "Fuck...this...shit." Matamlay na sabi ni Anderson. "Pumunta kana sa room mo at magpahinga ka." Utos ni Mr. Rey kay Anderson. "Ok, ok. " Tumayo ito at hinalikan ako sa pisngi ko. Nanlaki ang aking mga mata--muntik ko na naman syang itulak. Nakahinga ako nang maluwag noong nakaalis na sya. Sabay kaming naglakad palabas nang bahay ni Mr. Rey. Mayroong mga bodyguard na nag-iikot at may pulis sa labas na nagbabantay. Tinignan ko sila. Wala silang kaalam-alam na...napakagat labi ako at nilipat ko ang paningin ko sa likuran ni Mr. Rey. Hindi nila alam na nasa harapan lang nila ang kriminal. Napahinto ako nang lingunin ako ni Mr. Rey walang emosyon nya akong tinignan--oh my gosh, narinig ba nya ang iniisip ko?! Huminga sya nang malalim habang nakatitig sa akin. "Ba-bakit po?" kinakabahan kong tanong. "You are very kind." Sabi nya sa akin pero hindi namumuri ang boses nya. Labas ngipin akong ngumiti sa pagiging guilty. "Sorry." Nakangiti ngunit dismayado kong paghingi ng tawad sa kanya. Kumunot ang noo nya at sinuklayan nya ang kanyang buhok gamit ang isa nyang kamay. "What should I do with you?" Bulong nya, sabay talikod sa akin. Pinuproblema ba nya ako? Nakangiti ko syang sinundan. ********** To be continued... Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD