Chapter 5: Fake Smile

2067 Words
--Camille-- Umiiyak akong sumusubo habang nakaupo sa kama na aking hihigaan ngayong gabi. Katatapos ko lang labhan ang uniform ko para suutin ko bukas dahil wala naman akong damit dito. Narito sa pangalawang palapag ang kuwartong tutulugan ko ngayon at nasa ibaba naman ang kuwarto ni Mr. Rey--iyon ang napagdesisyunan ko na itawag ko sa kanya. Nakaupo lang ako sa kama at nakasandal sa headboard ng kama habang umiiyak na ngumangata ng sandwich. Nanlulumo ako sa aking sitwasyon at na ho-homesick ako. Sanay naman akong mag-isa pero dahil sa mga nangyari sa akin maspakiramdam ko ngayon na mag-isa lang akong lumalaban. Madilim ang loob nang kuwarto na maslalong nagpapalala sa nararamdaman kong lungkot. Pinunasan ko ang aking mga mata--kamusta kaya si Mrs. Huston? Nagugutom na iyon at mag-isa lang sya sa nakakatakot at maduming selda sa ibaba. Tapos ako nandito at maayos ang kalagayan, na gui-guilty ako. Humikbi ako. Umiyak lang ako hanggang sa makatulog ako na hindi ko namamalayan. Paggising ko sa umaga ay bumaba ako papunta sa kusina, nakita ko syang nagluluto at naka Blue vest ito with Formal white shirt sa loob, necktie, naka blue pants, lace up shoes, at nakagwantes sya at maypagkain sa counter. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naghahanda sya nang pagkain sa isang plato nang sulyapan nya ako nang saglit. "Sit down." Utos nya at agad akong na upo sa upuan na nasa gilid ng counter. Binigyan nya ako ng pagkain. Bacon, scrambled egg, fried rice at may Hotdog pa na nakalagay sa ibang plato. Tinignan ko ang pagkain, tinukod nya ang mga palad nya sa gilid ng counter nang matapos nyang ilagay ang mga pagkain sa isang plato na para naman sa kanya. Walang emosyon nya akong tinignan. "Susunduin natin si Anderson sa hospital dahil gusto na nyang umiwi and then kakausapin natin ang mga pulis, kahapon kapa nila hinahanap." Nag-isip sya at tinanguhan nya ang kanyang sarili. "Ito ang sasabihin mo sa kanila, pinuntahan kita sa bahay mo para alukin nang trabaho at para sa ikabubuti ni Anderson. Nakilala kita dahil sa kanya at dahil sa menor de edad kapalang kaylangan mo nang permiso ng iyong guardian at sinamahan kita para puntahan ang tito mo ngunit nasiraan tayo sa daan. I told you yesterday, we're not supposed to be here dahil ngayon palang dapat tayo makakauwi...walang communication dahil lowbat ang mga cellphone, kaya hindi tayo na tuloy at nagpalipas tayo ng gabi sa daan." Sabi nito sa akin. Napanganga ako--oh my gosh hindi ako magaling magsinungaling. "Maniniwala ba sila diyan?" Kinakabahan kong tanong, tinitigan lang nya ako. Umiling ito. "No." Direkta nyang sagot sa akin--na blangko ako sa sagot nya. "Hindi?" Nagtataka kong tanong sa kanya na maypangamba. "Maghahanap ang mga pulis nang butas sa kahit anong dahilan ng suspek nila. Marami silang itatanong." Kinamot nang kanyang hintuturo ang likod ng isa nyang taynga. "Problema iyon." Mariin nyang sabi. "Ba-back up-pan kita at isasama natin si Anderson." Sabi nito. Ano namang kinalaman ni Anderson dito? Mabilis akong nag-alala. "Ba-bakit mo isasama si Anderson kakaopera lang nya wala syang magagawa." Nauutal kong sabi sa kanya. Baka saktan nya ito habang magkasama kami. Tumingin sya sa mga pagkain namin at inurong nya ang mga plato habang nag-iisip. "He has Nosocomephobia...takot sya sa Hospital. Kaya tinawagan nya ako para sunduin sya. It would be more interesting kung nandoon sya, you will see." Simpleng sagot nito sa akin. muli nya akong tinignan na wala paring emosyon ang mukha. Yumuko ako sa aking plato at tinanggal ko ang mga sibuyas sa scrambled egg, hindi ako kumakain ng sibuyas hindi ko alam kong bakit. Inisip ko kung paano ko haharapin ang mga pulis, iniisip ko palang natatakot na ako. Iniwan nya ako na dala ang plato na maylamang pagkain at kumuha sya nang tubig na naka bottle sa refrigerator. Binuksan nya ang daan sa sala, paibaba. Akala ko para sa kanya ang pagkain na iyon. Papakainin nya si Mrs. Huston--mabuti naman. Pagkatapos nito ay nag-ayos na ako, natuyo na ang uniform ko kaya sinuot ko na ito. Hinintay nya ako sa sala nakaupo sya sa sofa at nakacross-armed habang nakapikit ang kanyang mga mata at nakasuot na sya nang blue jacket suit. Ang mga ilaw nga ay automatic, kusang nagbubukas kapag gabi at kusa ding namamatay kapag umaga. Mahal siguro ang bahay na ito? Nilapitan ko sya at tinignan nya ako. Binigay nya ang aking gamit, ang aking bag na gamit-gamit ko noong kinidnap ako ni Rick. Hindi ako makapaniwalang tinignan ito--akala ko nawala na ang mga gamit ko. "I got that from Rick." Sabi nito. Dumaan ulit kami sa tunnel sa ibaba. para siguro hindi kami makita ng mga pulis. Bahagya lang akong natakot sa madilim na dinadaanan namin. Muli kong nakita si Mrs. Huston at natutulog ito, katabi nya ang bangkay ni Rick hindi kinaya nang aking mga mata kaya inalis ko ang tingin ko sa kanila. Habang naglalakad kami ay nakakita ako nang liwanag. Sinalubong kami nang aninag ng araw nang makalabas kami at namangha ako dahil nasa gubat kami. Sabagay ang village na ito ay napapaligiran ng gubat. Tumalon pababa si Mr. Rey dahil masyadong mataas ang tinutungtungan namin. Nasa dulo na kasi kami nang imburnal--namublema ako. Paano ko ito tatalunin? Nataranta ako bigla dahil kaylangang sundan ko sya kaagad. Napasinghap nalang ako nang bigla nyang hawakan ang aking baywang at binuhat nya ako paibaba na walang kahirap-hirap. Napahawak ako sa balikat nya, pagbaba nya sa akin ay agad nya akong tinalikuran. Nalimutan kong magpasalamat...sa isang kriminal? Umiling ako. Sinundan ko sya hangang sa huminto sya. Mayroon akong nakitang maumbok na bagay na tinatakpan ng mga dahon. Inalis nya ang mga dahon, sanga ng mga puno, at ang isang mahabang tela na nakatakip dito. Tumambad sa amin ang isang ferrari na kulay blue. Sininyasan nya akong sumakay sa kabilang front seat. Hindi ako makapaniwalang sumunod dito. Akala ko sa movie ko lang makikita ang ganitong bagay. Iyong may mga mahahalagang bagay na tinatago nila gamit ang mga dahon tulad ng sasakyan o baril, tapos ilalabas lang nila pagkailangan. Pakiramdam ko kriminal narin ako. Nang makasakay na ako ay niyakap ko ang aking backpack, pinaandar nya ang sasakyan at nag-seat belt ako. for safety. Tahimik ang naging byahe namin kagat ko ang mga labi ko at minsan sinusulyapan ko sya. Hindi naman nya papatayin si Anderson diba? Hindi ko hahayaang saktan nya si Anderson. Kinabahan ako bigla. Paano kung patayin nya si Anderson? Hindi ako papayag. Sinulyapan nya ako habang nagda-drive sya. "Stop staring at me." Direktang sabi nya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya hindi ko napansin dahil sa pag-aalala ko na baka saktan nya si Anderson. "Sorry." Nahihiya kong bulong. Umiling ito. "Tsk, masyado kang mabait sa isang mamamatay tao." Dismayado ang boses nya. Tumango ako dahil guilty ako. Hindi talaga ako normal. "Don't do that, it's fascinating." Sabi nito habang nakatingin sa daanan--Huh? Napaisip ako sa sinabi nya. Nakahanap ako nang pagkakataong tanungin sya. "Mr. Rey papatayin nyo po ba si Anderson?" Malungkot kong tanong sa kanya. Sinulyapan nya ako at siningkitan nya ako ng mata. Hindi yata nya nagustuhan ang tawag ko sa kanya. "Not now." Simpleng sagot nito. Not now? Ibigsabihin balang araw. Tumaas ang balahibo ko sa takot, gusto kong umiyak pero pinigilan ko ito. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan. Pagkadating namin sa parking lot ng hospital ay tinanggal nya ang kanyang gwantes at nilagay ito sa glove compartment ng kanyang sasakyan at maykinuha syang isang sing-sing dito. Sinuot nya ito sa kanyang palasin-singan. Ito ba ang engagement ring nya? "Lumipat ka sa back seat, maghintay ka dito dahil marami pang pulis at mga reporter sa labas at inaabangan sya, 'wag ka nang lumabas at dito kana lumipat." Tumango ako, iniwan nya ako. Tumayo ako at pumunta ako sa likurang upuan. Sumandal ako sa malambot na likuran ng upuan at yakap ang aking bag, pinalobo ko ang aking dalawang pisngi habang hinihintay sila. Lumipas ang ilang minuto ay wala parin sila. Nag-practice ako nang sasabihin sa mga pulis at tumingin ako sa rear view mirror para tignan ang aking sarili. "Gu-gumawa kami ng-ng project sa-sa bahay nang classmate ko pagka-kauwi ko ay-ay nakita ko sya at...oh my gosh." Dismayado ako sa aking sarili--hindi ako magaling magsinungaling! Pinalobo ko ulit ang aking pisngi at maya-maya bumukas ang pinto. "Babe!" Nagulat ako nang masayang pumasok si Anderson at hinalikan ako sa pisngi. Malapit sa aking labi at nilagay nya ang kamay nya sa aking baywang na parang girlfriend nya ako. Hindi naman kami. Lagi syang ganito, ngunit hinahayaan ko nalang sya para hindi ito magalit at saktan nanaman ako na hindi nya sinasadya. Hindi parin ako komportable. "Namiss kita." Galak nyang sabi at hinalikan ang aking isang kamay. Naalala kong nasak-sak ito sa tagiliran nya, nag-aalala kong tinignan ang tagiliran nya. "Iyong sugat mo, ayos na?" Nag-aalala kong tanong, maslalong nabuhayan ang mukha ni Anderson. "Babe, nag-aalala ka sa akin? So. Sexy." Sabi nito. Namay pagkagat ng kanyang mga labi--kinabahan ako bigla at nakikita ko ang aura ng kapatid nya sa kanya. Minsan hindi ko alam kung gusto nya ba talaga ako o gusto nya akong matikman dahil ako lang ang babaeng hindi nya makuha. Bumukas ang front seat at pumasok si Mr. Rey. Inalis ko ang mga tingin ko kay Anderson dahil hindi ako komportable sa mga tingin nya sa akin at tumingin ako kay Mr. Rey. Tinignan nya kami sa rear view mirror, lumabas ang mga ngiti nya sa mukha na ikinamangha ko. "Shall we go?" Nakangiti nyang tanong kay Anderson--nakangiti sya?! Tinignan ko si Anderson. "Sinabi na ni kuya Reysion kung anong nangyari, pinuntahan ka nya para alukin nang trabaho for me, gusto nya na malapit kalang sa akin dahil mahihirapan na akong puntahan ka. Umaaligid-aligid kasi ang mga walang silbing pulis ni tito at mga bodyguard ni Dad...he knows me very well, mamamatay ako kung hindi kita makikita Babe." Hinimas nya ang aking pisngi. "He told me everything, about that f*****g Daniel blaming you sa pagkawala ni kuya Rick, not that I care. I hope his died." Puno nang galit ang boses nya. Dahil siguro sa pagsaksak sa kanya ng kuya nya pero kapatid parin nya iyon. "Don't worry, sasamahan ko kayo...no one can mess with my princess without my permission." Mariin nyang sabi sa akin, ngumisi si Mr. Rey. "Nawala kalang nang halos dalawang araw, tumapang kana." Nakangisi nitong sabi--ngumisi sya?! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. "Bro natagalan ko ang hospital na iyan nang isang araw, I am a warrior now hahaha and mas-badass ka kaysa sa akin, I admit it...master." Yumuko si Anderson ng kunwari kay Mr. Rey. Tumawa si Mr. Rey--tumawa sya?! Anong nangyari sa seryoso at walang emosyon nyang mukha? Hinigpitan ni Anderson ang paghawak nya sa baywang ko. "Wala akong hindi kayang gawin, isa akong Huston. The family Huston is above the law." Mariin nyang sabi. Binaon nya ang kanyang mukha sa aking leeg at pumikit sya. "The family Huston is above the law." Bulong ni Mr. Rey sa kanyang sarili may narinig akong pait sa boses nya. Binuksan nya ang sasakyan at pinaandar nya ito. "Pwede kong ipatong ang paa ko sa armrest ng sasak-" "No." Pagpuputol ni Mr. Rey sa pagpapaalam ni Anderson. "Fine" Dismayadong sabi ni Anderson habang nakapikit at nakabaon ang mukha nya sa aking leeg. Nakapalipot ang mga kamay nya sa baywang ko. Nararamdaman ko ang paghinga nya. Ngumisi muli si Mr. Rey sa pagkadismaya nang boses ni Anderson. Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Mr. Rey. Ganito pala ang mukha nya kapag nakagiti sya--hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Nakakakuha nang atensyon ang mga ngiti nya, pakiramdam ko hinihila ako nito at may kung ano sa dib-dib ko ang lumulukso sa saya dahil nakita ko syang ngumiti. Bigla nalang akong napangiti. Nakita ko si Mr. Rey na ngumiti?! Ang batong tulad nya?! Namamangha kong sabi sa aking sarili dahil nakakatakot kapag wala syang emosyon at bago ito sa akin. Nagpapanggap ba sya sa harapan nila? Naalis ang ngiti ko at bumaksak sa lungkot ang aking mga mata. Kung nagpapanggap sya gusto kong makita ang totoo nyang ngiti balang araw. Bigla akong na dismaya habang nakatingin sa kay Mr. Rey. Nabigla ako nang nagkatinginan kami sa rear view mirror at nataranta akong tumingin sa bintana nang sasakya--oh my gosh. ********** To be continued... Warnig: Not edited, violence, and inappropriate words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD