--Camille--
Huminga ako nang malalim, nakaupo parin ako sa basang sahig at kinakalma ang aking sarili. Narinig kong sinara nya ang kabilang selda at naghikahos akong tumayo at umupo sa kama habang hinihilot ko ang aking isang palad gamit ang isa kong kamay. Nanginginig kasi ito. Nakita ko syang naglakad papasok sa selda ko at napalunok ako.
Maydala syang isang upuan hindi ito ang upuang pinalo ko sa kanya, dalawa ang upuang nasa selda ni Mrs. Huston--si Mrs. Huston nga pala! patay na ba sya?! Nilapag nya ang upuan sa harap ko at mabilis akong umurong pata gilid sa kama palayo sa kanya. Kumakalabog ang puso ko sa kaba at tumutulo ang pawis ko sa gilid ng aking noo. Umupo sya at tinaas nya ang isang paa nya upang magdikawatro, bahagya akong napasinghap. Bawat kilos nya ay nagugulat ako dahil ano mang oras pwede nya akong saktan.
Sumandal sya sa upuan at tinignan nya ako. Kinakabahan ko rin syang tinignan habang hinihilot ang aking nanginginig na kamay. "Si-si Mrs. Huston...bu-buhay pa ba sya?" Apektado pati ang boses ko sa takot. "Buhay pa sya, wala lang malay." Nakahinga ako nang maluwag. Nilakasan ko ang aking loob na magtanong ulit. "A-anong kaylangan mo sa akin? Hihingi kaba nang ransom? Wala kang makukuha sa akin wa-wala na akong magulang, pinag-aaral lang ako...mahirap lang ako." Umiiyak kong sabi sa kanya. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang nanghihina kong mga kamay.
Walang emosyon ang mukha nya ngunit may nakita akong simpatsya sa mga mata nya nang marinig nyang wala na akong magulang ngunit hindi ako sigurado kung tunay. Tumingin ako sa sahig at muling hinilot ang kamay ko--sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko. "Hinahanap ka na nila." Nagtataka ko syang tinignan. "Sinabi ni Daniel na ang huling kasama ni Rick ay ikaw, hindi nya sinabing kaya ka nya kasama dahil kinidnap ka nya para hindi sya mapahamak. Now, they're looking for you because Rick is missing." Kinamot nang kaliwa nyang hintuturo ang likod ng kaliwa nyang taynga. "Problema iyon." Mariin nyang sabi. "Daniel?" Nagtataka kong tanong. "The guy who told Rick to kidnap you, ex ni Catherine my fiancé" Direkta nyang sagot sa akin.
Sya ang may dahilan kong bakit ako nandito--ex ng fiancé nya? Tumingin ako sa kanyang kamay. Walang sing-sing ang kanyang palasing-singan. Siguro nasa loob ng kanyang gwantes. Tiniklop nya ang kamay nya na tinititigan ko. Natauhan ako at binalik ko ang tingin ko sa kanyang mukha--napalunok ako.
"Hindi ka kasama sa plano ko kaya harapin mo ang mga consequence." Sabi nito sa akin, bumilis ang t***k nang puso ko sa takot. Papatayin na ba nya ako? Totorturin din ba nya ako? Nanlalambot ang aking mga tuhod. "A-anong ma-mga consequence?" Tanong ko, nanginig muli ang boses ko sa takot. "Kung gusto mong mabuhay gagawin mo lahat ng gusto ko...you're stuck with me until I'm done with them." Walang emosyon nyang sinabi sa akin--ma stuck sa isang kriminal?! Kaya ko ba iyon?
Makita ko nga lang sya nanlalambot na ang mga tuhod ko, makasama ko pa kaya sya? "Let's just say, you're going to stay with me bilang tagabantay lang ng bahay ko tuwing wala ako. Dahil alam kong hindi papayag si Anderson kong gagawin kitang kasambahay pero gugustuhin nyang nasa malapit ka sa kanya...hindi ka mawawala sa paningin ko at hindi ka aalis nang hindi ko alam." Tinignan ko ang kamay ko na akin paring hinihilot. Isa parin pala akong prisoner. "Papatayin mo ba ako?" Nanlulumo at may pag-iingat kong tanong sa kanya. Ayaw kong magalit sya at saktan nya ako bigla. Walang emosyon ang mukha nya habang nakatingin sa akin. "Depende sa'yo kung may gagawin kang ikakagalit ko." Direktang sagot nya sa akin.
"Dadalhin kita sa mga pulis bukas at sasabihin mo sa kanila na hindi kayo nagkita ni Rick at sa halip tayong dalawa ang magkasama." Inalis nya ang pagkakasandal nya sa upuan, ganoon din ang pagkakadikwatro ng kanyang paa at nag cross-armed ito. "Tandaan mo lahat nang sasabihin ko. Kung sakaling magsumbong ka sa mga pulis, I will kill you. Kung ipaparamdam mo sa ibang taong kaylangan mo nang tulong, I will kill you. Kung sa tingin mo kaya mo akong traidurin pata likod, I will kill you." Direktang babalang sabi nya sa akin.
"Kung magkakamali kang gawin ang mga sinabi ko, papatayin ko ang mga kaibigan mo. Anong pangalan nila? Tamoi Corazon and Layla?" Nanlaki ang aking mga mata at napanganga ako sa gulat nang banggitin nya ang pangalan ng mga kaibigan ko. "Ganoon din ang tito mo at ang pamilya nya, I will kill them. Kung hindi man ako may ibang gagawa...just so you know I'm not alone." Dugtong nya. Nahihirapan akong huminga sa mga sinasabi nya.
"Hu-huwag! Gagawin ko lahat nang gusto mo." Napilitan kong pagmamakaawa sa kanya at nanlulumo akong yumuko."Good." Satisfied niyang sabi. Humikbi ako at muli syang tinignan. May nakita akong dugo mula sa kanya ngunit malabo dahil sa aking mga luhang nagbabatyang tumulo. Agad kong pinunasan ang mga mata ko at nakita ko ito nang malinaw. May dugo sya malapit sa kanyang taynga. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at nataranta ako. Ako ba ang may gawa noon? Baka makapatay ako. Kumunot ang noo nya sa pagtataka. "Ma-may dugo ka, hindi ko sinasadya," Napatakip ako ng aking bibig "Sorry." Pag-aalala kong paghingi nang tawad sa kanya.
Hinawakan nya ito nang dalawang beses dahil hindi makita ang dugo nya sa kanyang itim na gwantes. Nag-aalala ko syang tinignan habang nasa bibig ko parin ang aking mga kamay. Pagkatapos nyang tignan ang dugo sa kamay nya ay tinitigan nya ako--nang malalim. Bakit? Hindi makapaniwala ang mga mata nya habang nakatitig sa akin. Naalis ang pag-aalala ko sa aking mukha nang maisip kong kriminal sya at ang dahilan kong bakit sinaktan ko sya.
Iyon siguro ang dahilan kong bakit hindi sya makapaniwalang napatingin sa akin. Nag-aalala ako sa isang kriminal? Hindi ako normal. Tumayo ito. "Follow me." Utos nya sa akin. Pinukpok ko ang aking mga binti dahil di pukpok ito para gumana. Hangang ngayon nanlalambot parin.
Tumayo ako at sumunod sa kanya, lumabas kami sa selda ko at sinirado nya ito, naglakad sya at nasa likod nya ako. Pwede na akong tumakas pero hindi maaari dahil papatayin nya lahat ng mahal ko sa buhay. Naalala ko si Mrs. Huston at nilingon ko ang selda nya habang naglalakad kami palayo dito. Nag-aalala akong maiiwan syang nag-iisa sa madilim na selda na iyon.
Tinignan ko ang lalaki sa aking harapan, ang tangkad nya, naka army-cut ang kanyang buhok at pangsundalo din ang katawan nya. Hindi mo iisiping kriminal sya dahil mukha syang tagapagligtas. Tinignan ko ang paligid nasa imburnal nga yata kami naririnig ko ang mga daga. Padilim nang padilim ang nilalakaran namin. Tumaas ang balahibo ko. "Oh!" nagulat ako nang muntik akong madapa sa plastic. Maraming basura sa paligid at may mga daga, ipis, at gagamba--Oh my gosh.
Takot ako sa lahat ng ito, sa kahit ano actually. Napalunok ako. Huminto sya sa paglalakad at huminto din ako, nasa likuran nya ako. "I could literally feel that you are afraid." Matamlay nitong sabi. "Sorry." Mabilis kong sabi sa kanya. Sinundan ko sya ulit at agad kaming nakarating sa isang hagdanan na nasa itaas namin, hinila nya pababa ang hagdan at umakyat sya pataas dito. Sinundan ko sya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Lumabas kami sa sahig ng isang bahay--sa sala nito.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa paligid, isang simpleng bahay ngunit maganda. Nakasindi ang malaking ceiling light na nakalagay sa itaas ng sala. Sinirado ng lalaki ang lagusan paibaba at tinakpan nya ito ng karpet at ng Sofa. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ito ba ang bahay nya? Nasa ilalim lang kami ng bahay nya?!.
"Wait here." Utos nito, na kanina ko pa ginagawa dahil nga hindi ko alam ang aking gagawin. Hinintay ko sya at tinitigan ko ang paligid ganoon din ang aking sarili. Naka uniform ako na subrang dumi at sapatos na basa nang tubig ang loob. Ang mukha ko?--siguradong mukha na akong gusgusin. Bumalik sya at may dala syang formal black shirt na mukhang mahaba para sa akin at tuwalya. Hinagis nya ito sa akin at sinapo ko ito. "Mag shower ka." Muli nyang utos sa akin.
Tinuro nya ang direksyon ng Comfort room at agad akong naglakad papunta dito, medyo malaki ang Cr nya. Naligo ako at gumaan ang aking pakiramdam dahil sa tubig pagkatapos nito ay sinuot ko ang formal black shirt at umabot nga ito hangang sa tuhod ko--ang haba. Inamoy ko ang Black shirt--ang bango. Lumabas ako habang pinupunasan ko ang aking buhok nang tuwalya, papunta ako sa sala at may itatanong ako sa kanya.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang bintana na may kurtina. May naaanigan akong kulay Blue at Red na ilaw mula sa madilim na labas ng bahay. Kaya nilapitan ko ito sa pagtataka. Bahagya kong inurong ang kurtina at tumambad sa akin ang mga sasakyan ng mga pulis sa labas at ang mga pulis mismo, madilim ang paligid pero nakikita ko sila.
Napasinghap ako. Nasaharapan kami ng bahay nila Anderson kung saan napapaligiran ng mga pulis--nandito lang pala kami sa harap ng bahay ng family Huston?! "Stay away from the curtain." Napalundag ako sa malalim na boses ng lalaki sa aking likuran at agad akong lumingon sa kanya. Tumambad sa akin ang hubad nyang dib-dib. Muntik nang dumampi ang ilong ko dito sa subrang lapit nya sa akin.
Sinirado nya ang kurtina, yumuko ito para tignan ako. Hindi ako nakagalaw at hindi ko magawang tingalain sya. Wala syang damit pang-itaas at naka pants lang sya. Nawala ako sa ulirat nang makita ko ang mga abs nya. Humakbang sya paatras, palayo sa akin. Saka ko lamang sya tiningala. "Magkakaproblema ka kung makikita kanila. Ang mga ilaw ay kusang bumubukas tuwing gabi, but the thing is we're not supposed to be here so be quite...I'm warning you." Pagbabanta nito sa akin. We're not supposed to be here? Naglakad sya paalis at agad naputol ang pag-iisip ko dahil naalala ko na may itatanong pala ako sa kanya.
"A-anong itatawag ko sa'yo?" Pahabol na tanong ko sa kanya. Huminto sya at nilingon nya ako. "Reysio, may pagkain sa refrigerator kung gutom ka at nasa itaas ang kwarto mo. I'm going to sleep." Direkta nyang sagot sa akin--Reysio. Bulong ko sa aking isipan. Kakaiba ang pangalan nya pero sabi nya hindi iyon ang totoo nyang pangalan. Napansin kong tinignan nya ako mula ulo hangang paa. "Ang haba noong shirt." Nahihiya akong sabi. Hindi nakakabastos ang hitsura nya dahil walang emosyon ang kanyang mukha, ngunit parang kakainin ako nang buhay ng kanyang mga mata--kinabahan ako. Naglakad sya paalis at nakahinga ako nang maluwag.
Tumingin ako sa kurtina at sa ilaw sa labas na naaanigan ko. "Nakikipag laro sya kay kamatayan." Bulong ko sa aking sarili--ano mang oras pwede syang mahuli. Napansin kong nanghihina ang aking tuhod at kinakabahan ako...hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa pagbabanta nya sa akin o dahil sa masyado pagkakalapit namin kanina sa isa't isa? Reysio? Anong itatawag ko sa kanya? Kuya Reysio? Umiling ako. Baka nagugutom lang ako kaya masmabuti kong pumunta na ako sa kusina.
**********
To be continued...
Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.