Chapter 3: Out Of Control

1920 Words
--Camille-- Sumuka ako sa Comfort room, sa mismong toilet kaya maslalong bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa dumi nito. Hindi ko na kinaya. "No! My son, what have you done?!" Nang matapos akong magsuka ay takot akong sumuksok sa gilid ng Cr at mabilis kong pinunasan ang aking bibig nang likod kong mga kamay. Niyakap ko ang aking tuhod at tahimik akong umiyak dahil sa matinding awa ko sa ina ni Anderson. "My son! Oh my baby!" Tumangis ito. Maynarinig akong ingay na parang may isang bagay na inurong. "Sit down." Pang-uutos nang lalaki sa kanya. "No! No! My Son!! Pagbabayaran mo ito lahat! Magbabayad ka-ahh!" Nagulat ako sa lakas nang sigaw ni Mrs. Huston. "Let me go!" "When I said sit down, sit down." Galit na muling utos nang lalaki. Pati ako ay naaapektuhan sa malalim nyang boses--masmabuting sumunod nalang si Mrs. Huston para hindi sya saktan nito. Kinakabahan ko silang pinakikinggan sa loob ng Cr. "Papatayin kita! Hindi mo ito matatakasan! Stop!" Napapikit ako dahil narinig kong pinilit nyang paupuin si Mrs. Huston. "Let me go! Wha-what is that-ahmp!" Tinakpan nya ang bibig ni Mrs. Huston. "I hate noise, kung hindi ka tatahimik tatanggalin ko lahat ng ngipin po. Do you understand me?" Puno nang autoridad ang boses ng lalaki at malalaman mo mismo dito na gagawin talaga nya kung hindi ka susunod sa kanya--saglit na nanahimik. "Good." Umupo na yata ang lalaki. Nakikiramdam lang ako habang pinapakinggan sila at habang mahinang umiiyak dahil sa nakakaawang kalagayan ni Mrs. Huston. "Kilala mo na ako?" "Hin-hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang pangalan mo, Kahit pigain mo pa ang utak ko." "Hulaan mo na lang gusto ko ng sagot ngayon na." "No! Please! Stop this. Pakawalan mo na ako at walang makakaalam nito. Pakiusap, pakawalan mo na ako." "I'm afraid that's not going to happen. Naglalaro pa tayo, papakawalan lang kita kung masasabi mo ang totoong pangalan ko." Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila--bakit nya tinatanong kay Mrs. Huston ang pangalan nya? "Reysio please itigil mo na ito, huwag mong saktan ang pamilya ko." Pagmamakaawa ni Mrs. Huston. Mahigpit kong niyakap ang aking tuhod. Naaawa ako sa kanya. "Don't call me Reysio sinabi ko nang hindi iyan ang pangalan ko...well," Tumayo ito. "Mag-isip ka, isipin mo kung saan mo nakita ang mukhang ito...babalikan kita. Ganoon parin ang rules nang laro, maling sagot, isang buhay ang mawawala so you better think hard." Tumaas ang balahibo ko sa sinabi nya--o my gosh, nababaliw na sya. Lumukso ang puso ko sa kaba nang marinig kong bumukas ang pinto nang rehas sa kabila. Dadaan na naman sya dito. "My daughter? What about my daughter? Fiancé mo sya hindi mo sya sasaktan diba?" Saglit na nanahimik. "You wouldn't want to know." Sagot nito kay Mrs. Huston. Narinig ko ang yapak nang lace up shoes nya at hindi na nya hila ang katawan ni Rick iniwan nya ito sa selda ni Mrs. Huston. Subrang sama nyang tao. Nagtago lang ako sa gilid ng Cr hanggang makaraan sya. Noong nakaraan na sya ay nanghihina akong tumayo at umupo sa kama. "Mrs. Huston? Ayos lang po kayo?" "Ano sa tingin mo?!" Galit nyang sagot sa akin--nauunawaan ko naman sya. Bakit naman kasi iyon pa ang naisip kong itanong. "Pinatay nya ang anak ko...my son." Nanlulumo nyang sinabi. Hinimas ko ang isang palad ko dahil na nginginig ito. "Kilala nyo po ba sya?" Tanong ko sa kanya. "Of course, Fiancé sya ng anak ko, kaibigan sya ng pamilya namin. He manipulated us! Hindi ko akalaing Satanas na pala ang pinapapasok ko sa tahanan namin. Almost four years namin syang tinuring na pamilya, Almost four years! And now? Iisa-isahin nya kami! Papatayin nya kaming lahat! Hindi nya alam kung sino ang binabangga nya. Magbabayad sya!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Ito lahat ang sinukli nya sa mga taong tinuring syang pamilya? Kaylangan naming makatakas dito. Tumingin ako sa paligid at napatingala ako sa CCTV (Closed-circuit television). Pinapanood nya kami. Umiiyak si Mrs. Huston habang tinatawag nya ang pangalan ng kanyang anak. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama. Paano ba malalaman kong pinapanood nya kami? Wala akong alam sa mga CCTV. Gumagalaw ang CCTV iniwasan ko ito at sumunod ito sa akin. Gumagalaw ito kaya paano ako makakahanap nang weapon dito kong pinapanood nya ang bawat kilos namin. Kung tatakpan ko naman ay hindi ko abot--ano ba brain mag-isip ka! Kaylangan kong lumaban para mabuhay. Ginugol ko ang oras ko sa pag-iisip. Nakahiga ako sa kama at nakatagilid, tanging patak ng tubig lang ang naririnig ko--gutom na ako. Hindi ko naman inaasahang papakainin kami ng isang kriminal. Tumulo ang aking mga luha na hindi ko napapansin. Habang tumatagal nawawalan ako nang pag-asa na makakaalis ako dito. Gabi na siguro? Sa tagal ng oras mag-iisang araw na yata ako dito. May naghahanap kaya sa akin? Maslalo akong nanlulumo, isang beses lang akong tinatawagan ni tito sa dalawang linggo, si Layla at Tamoi ano namang magagawa nila. "Rain, rain go away come again another day, little Ricky wants to play. Rain, rain go away come again another day, little Ricky wants to play. Rain, rain go away come again another day, little Ricky wants to play." Kinakantahan ni Mrs. Huston ang kanyang anak. Parang winawasak ang konting pag-asa ko dahil sa depress na tinig ni Mrs. Huston at pati ako nilalamon nang takot, lungkot, at awa. "Gusto mo kantahan pa kita? Nandito lang si mommy hindi ka iiwan." Tinakpan ko ang aking mga taynga. Kinagat ko ang aking mga labi para hindi lumikha nang ingay dahil hindi ko mapigilang umiyak at mahinang humagulgol. "Rain, rain go away come again another day, little Ricky wants to play. Rain, rain go away...gusto rin ni Anderson at Catherine ang kantang ito dati diba? Naaalala mo? Mahilig kayong maglaro sa ulan. Always mo pa ngang inaaway si Catherine dahil--" Biglang nanahimik si Mrs. Huston. "No, no, si Anderson and Catherine papatayin nya. Sa saktan nya ang mga kapatid mo, hindi pwede ito, hindi ako makakapayag." Muling nanahimik si Mrs. Huston na parang nag-iisip. "Huwag ang mga anak ko kahit ako nalang. Ako nalang ang patayin nya." Nanlulumo nitong sabi, nag-aalala ako sa takbo nang pag-iisip nya. Hinampas nya ang upuan sa kanyang selda at tumaginting ito. Napalundag ako sa gulat. "Come here Asshole! Gusto mong pumatay then kill me!" Hinampas nya ulit ito nang dalawang beses, nag-echo ang tunog sa paligid. Natakot ako sa ginagawa nya. "Mrs. Hu-Huston?!" Kinakabahan kong tawag sa kanya--baka marinig sya nito at saktan sya. Humawak ako sa rehas. "Ano?! Kill me!! Iyan ang gusto mo diba?! Just kill me and let my children live!" Hinampas nya ulit ito at napapikit ako sa lakas nang taginting nito. "Mrs. Huston?! Huwag nyo pong gawin iyan!" Pagpipigil ko dito, habang pinipilit ko syang silipin. "Come here!!" Pinagpatuloy nya ang kanyang ginagawa. "Mrs. Hust-" Natigil ako nang marinig ko ang yapak ng sapatos ng lalaki. "O my gosh, o my gosh." Taranta kong bulong sa aking sarili. Takot akong napaatras. "That's right b***h! Come here!!" Hindi tinigilan ni Mrs. Huston ang paghampas sa upuan. Ilang segundo lang ay nakita ko na sya. Inaayos nya ang itim na gwantes nya sa mga kamay at walang emosyon ang kanyang mukha noong dumaan sya sa selda ko. Huling nakita kong inayos nya ang kanyang gwantes sa kamay ay noong pinatay nya si Rick. Nanlaki ang aking mga mata. Papatayin nya si Mrs. Huston! Narinig kong bumukas nang malakas ang pinto ng rehas. "Kill me Bit--Ahgmm!" Maynarinig akong kalabog. Humawak ako sa rehas at takot akong sumigaw. "Tumigil ka! Huwag mo syang saktan!" Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko. "Mrs. Huston?!" "Ahh!" Narinig ko ang sigaw nito habang nagpupumiglas sya. Nanlambot ang aking tuhod, maynarinig akong tunog ng mga susi na nahulog sa maduming sahig at tumapat ito malapit sa aking paanan, sa labas ng aking selda--mga susi? Mga susi yata ito ng lalaki. Nanlaki ang aking mga mata--susi sa selda! Mabilis ko itong inabot nang aking kamay pero hindi ko maabot. "Sige na!" Hindi talaga maabot nang kamay ko. Nilabas ko ang isa kong paa at na abot ko ito. Nanginginig ko itong kinuha at lumapit ako sa padlock. "Asan, Asan na?" Taranta ang aking kamay nang hanapin ko ang susing magkakasya sa kandado. Mabilis ko itong nakita at nagawa kong buksan ang kandado sa aking selda. Pagkatapos ay ang kadena naman sa aking paa ang aking binuksan at nabuksan ko rin ito sa kabila nang pagkataranta ko. Mabilis akong lumabas at pinuntahan ko ang selda ni Mrs. Huston. Napanganga ako at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong sinasakal nang lalaki si Mrs. Huston sa kama nito. "Ahg-Ahgg!" Ungol ni Mrs. Huston habang pinipilit nyang kalasin ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg. Hindi ako napansin ng lalaki. Anong gagawin ko? Tumingin ako sa magkabilaang daanan na puwede kong takbuhan. Nanigas ang aking mga paa. Hindi ko alam ang gagawin ko! Tatakas ba ako o tutulungan ko si Mrs. Huston? Hindi ako mapakali--mamamatay si Mrs. Huston bago pa ako makakahingi nang tulong! Pinukpok ko nang malakas ang aking mga tuhod. Kaylangan kong kumilos. Hindi ko hahayaang patayin nya ito. Pumasok ako sa selda at nakita ko ang dalawang upuan, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang aking lakas nang loob pero malakas kong hinampas sa kanyang likuran ang upuan at napanganga ako sa aking ginawa. Nasira ang upuan sa malakas kong pagkakahampas pero hindi na tumba ang lalaki. Inalis nya ang kamay nya sa leeg ni Mrs. Huston. Umalis sya sa kama at tumayo sya, walang malay si Mrs. Huston. Nanigas ako sa aking kinatatayuan--katapusan ko na. Nakatalikod sya sa akin at inunat nya ang kanyang leeg kung saan tumama ang upuang pinalo ko sa kanya. Humarap ito sa akin. Galit ang mga mata nya at nakaigting ang kanyang panga. Hindi ako makahinga sa takot--papatayin na nya ako. "Hindi mo dapat ginawa iyon." Mariin nyang sabi sa akin, tumakbo ako nang mabilis palabas. "Tulong-ahmp!" Nahawakan nya ang baywang ko pata likod at tinakpan nya ang aking bibig nang isa nyang kamay. Umiiyak ako habang nagpupumiglas. Mabilis nya akong binuhat patalikod dahil sa pagpupumiglas ko. "I hate noise." Bulong nya sa isa kong taynga sa aking likuran. Tumaas ang aking mga balahibo--wala ng kahit na sino ang makakatulong sa akin ngayon. Binaba nya ako at hinarap sa kanya, tumama ang likod ko sa pader at hinarangan nang malaki nyang katawan ang daan palabas. "Ahg!" Bigla akong pumikit nang hawakan nang isa nyang kamay ang aking leeg--sasakalin din nya ako! Nasa leeg ko ang kanyang kamay at hinintay ko ang parating na sakit. Ngunit wala akong naramdaman na sakit. Dinilat ko ang aking mga mata at tiningala ko sya. Nakayuko sya at malalim syang nakatitig sa akin. Kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko sa takot na hindi ko namamalayan habang nakatiklop nang mahigpit ang aking mga nanginginig na kamao. Hinintay ko ang susunod nyang gagawin pero tinitigan lang nya ako. Maya-maya ay inalis nya ang kanyang kamay sa aking leeg at napaupo ako sa basang sahig. Nanlambot ang aking mga tuhod. "Go back to your cell, mag-uusap tayo." Utos nya sa akin, umiiyak akong tumango. Binuhos ko ang buo kong lakas para tumayo. Hindi na ako gagawa nang ikagagalit nya. Humihikbi akong nagpunta sa aking selda pagpasok ko dito ay bumigay ulit ang aking mga tuhod sa sahig dahil sa panghihina sa mga nangyari--hindi ko na kaya, muntik na akong namatay. ********** To be continued... Warning: Not edited, violence, and inappropriate words.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD