Mabilis na lumipas ang linggo at panibagong klase na naman ang hinarap nina Joyce at Amelia. Kahit si Art ay naging abala na rin sa kaniyang ibang klase, lalo na’t graduating na siya. Kailangan niya talaga ito pagtuunan ng pansin. “Pang-ilang love letter mo na iyan?” tanong ni Amelia isang gabi habang nakaupo sila ng sala. Nasa mahabang sofa si Amelia nakahilata habang nagbabasa ng libro, habang si Joyce ay nasa lapag at tapos ng mag-aral at sagutan ang kaniyang mga takdang-aralin. Ngayon ay naisipan niyang buksan ang sulat na nakuha na naman niya sa kaniyang locker. Medyo naging madalang na ang pagtanggap niya ng sulat, siguro dahil abala ang lahat lalo na ang estudyante. “Hindi ko na alam. Gusto mo bang bilangin? Tinago ko iyon sa box,” panunukso ni Joy sa kaibigan na ngumuso. “A

