Simula noong matapos ang kanilang maliit na kompetisyon, mas nakilala si Joyce kaya bawat madaanan niya ay binabati siya. Walang magawa ang dalaga kundi batiin din sila pabalik. Sumapit ang midterm nila at naging abala na naman silang lahat, lalo na si Joyce na doble-doble ang gawain. Aral, projects, sulat at guhit ng mga ilalagay sa magazine, at pagguhit ng portrait para magkapera siya. Medyo kinapos kasi siya dahil may bagong uniporme na ipinapabili at saka pandagdag sa materyales niya. Kaniya-kaniya silang gawa hanggang matapos na nga. Doon lang sila nakahinga ng maluwag kahit hindi pa naman tapos ang semester, kahit papaano ay nakalahati na nila. “Joyce, wala ka na bang gagawin ngayon?” tanong ni Amelia na hinuhubad ang kaniyang sapatos. Kararating niya lang kasi nagpunta pa siya

