“Thank you,” out of nowhere na sabi ni Joyce. Napalingon tuloy sa kaniya ang binata na nagtataka. Madilim na pero naglalakad pa rin sila ni Art para bumili ng maiinom ng iba pang bisita. Pati kasi ang kapitan nila ay pumunta noong malaman na birthday ng nanay ni Joyce. Matagal na kasi itong nanliligaw kay Elsa pero ayaw naman ng huli dahil hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nito ang pagbalik ng dating asawa. Hindi kasi siya naniniwala na iniwan na lang sila nito bigla. Dahil sa pagdating nila, mas dumami ang tao. Mabuti lang at marami ang karne na pinamili nila kanina, kaya inumin na lang ang bibilhin nila. Kasama na roon ang alak dahil hindi raw masaya kung walang ganoon ang birthday party. “Pera lang naman iyon. Wala iyon,” sabi niya na ngumiti pa sa dalaga. Medyo may kalayuan an

