Hapon nang linggo ay nagkita na rin sa wakas ang magkaibigan pero ang talim ng tingin ni Amelia kay Joyce. Akala mo naman may ginawang masama ang kaibigan at handa niya na itong kainin. Ito naman ang siyang pinagtaka ng isa. Maya-maya pa ay binuksan niya ang kaniyang selpon at tinawagan ang isang babae na naging kaibigan na rin niya dahil kay Joyce, si Rowena. Naging malapit sila dahil hindi naman mapili si Amelia sa kaniyang kaibigan. Basta huwag lang siya lolokohin ay ayos lang sa kaniya. “Ano ang ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Joyce. Nakaramdam na rin siya ng pagod kaya naupo na siya sa sofa. Kakaayos niya lang ng pinamili sa refrigerator at ngayon ay nakaupo na sila sa sala. Hindi niya na kailangang magluto dahil may dala na si Amelia na panghapunan nila. Pinadala ito ng yay

