Mataas na ang sikat ng ang araw noong magising si Joyce habang ang kaniyang ina ay kanina pa. Inumaga kasi siya kaka-drawing niya kaya ayon, tinanghali na ng gising. Medyo natagalan kasi siya sa kaniyang iginuhit. Nagawa niya lahat ng parte ng mukha pero hindi pa talaga tapos. Halos outline nga lang ito at hindi pa masasabing maganda sa paningin niya. “Mag-ayos ka na anak at nang makakain na tayo. Patapos na ako rito sa niluluto ko,” utos ng kaniyang ina pagkalabas niya ng silid nila. Humihikab pa nga itong lumabas at magulo ang buhok. “Opo,” maikling sagot ng dalaga at pumasok na nga sa banyo. Ang una nilang lalakarin ngayong araw ay pagbukas niya ng bangko, kapag natapos na ay doon lang sila mamamasyal na mag-ina. Hindi nga lang nila alam kung gaano kahaba ang pila lalo na’t weekend n

