Sumunod ang mga araw na palaging may natatanggap si Joyce na bulaklak o hindi kaya ay love letter. Walang sino man ang nakakaalam kung sino ang nagpapadala maliban sa tatlong tao, maliban pa sa kanilang dalawa— Amelia, Beauty, at ang nagdadala. Hindi man niya nakikita si Art nang madalas dahil abala nga ito, pero kung may oras ay dumadalaw talaga ito sa dorm nila sa hapon. Doon sila nakakapag-usap ng maayos pero kadalasan ay academic ang usapan nila. Dito lang kasi nakukuha ni Art ang pansin ng dalaga. Gumagawa siya ng topic kung saan interesado si Joyce para makuha ang pansin nito mula sa libro. “May klase ka ba na hindi mo maintindihan?” tanong ni Art sa dalaga. Napaisip naman si Joyce sahil alam niyang matutulungan nga siya ni Art kung hindi niya alam. Hindi pa nakakasagot ang dal

