Kabanata 3

1474 Words
Alas syete y media nang makarating si Cassy sa paaralan. The morning goes better as she took her step from her condo. Habang naglalakad sa hallway ng paaralan, malimit na ibinaling ng dalaga ang kanyang paningin sa likuran nang marinig ang tawag ng kanyang pangalan. She norrowed her eyes. Si Dianne na ngayon ay mabilis na humakakbang patungo sa kanyang kinatitirikan. Kinaway na lamang niya ito bago ito tumakbo hanggang sa makarating ito sa kanyang kinatatayuan. Ibinaba ng dalaga ang tingin niya sa kaibigan. There are lots of school works she brought. May mga manila papers at cartolina pa na halata namang may lamang sulat sa kahit na anong report. "Anong subject 'yan?" Itinuro ni Cassy ang mga papel na hawak ng kaibigan gamit ang nguso nito. "Para sa chemestry class ko. Ako ang inutusang magpresenta ngayong araw eh. Let's go?" Nauna ng iilang hakbang si Dianne sa kaibigan. Mas binilisan naman ni Cassy ang hakbang nito upang mapantayan ang kaibigan nitong mabilis na naglalakad. Alas dose nang tumungo sila sa canteen. Most of the students are already there. Nauna narin doon si Dianne bagamat hindi magkaklase ang dalawa sa last subject nila sa umaga. Nang makatapak sa canteen, agad na natanaw ng dalaga ang kaibigan nitong nakaupo sa isang mesa. Nakangisi itong nakaharap kay Gino, boyfriend niya. Nag-uusap sila nang kung anu-ano. "Kung nakakaisturbo ako'y pwede akong kumaing mag-isa sa ibang mesa." Bungad ng dalaga sa kaibigan dahilan upang maitaas nila ang kanilang paningin sa dalaga. "You could besh." Nag-blink si Dianne bago tuluyang umupo ang dalaga sa tabi nito. Si Gino nama'y nakaupo sa tapat ni Dianne. Alas kwatro y media nang mapagpasyahan ng dalaga na umuwi na sa condo. She's sitting in the garden right now at mag-iisang oras na siyang nakatambay rito. Pinapalipas ang oras. Vacant subject niya ngayon kaya rumito na muna siya, tumatambay at gumagawa ng kung anu-anong school works. Nang makauwi sa condo ay agad na itong nagluto at pagkatapos ay naligo. Kakakuha pa lang ng dalaga sa bathrobe niya sa kanyang closet nang bahagya itong napatigil. She closed her eyes at saka tinakpan ang sarili nitong mga bibig. "Damn! Ngayon na nga pala 'yon! Buti't naalala mo pa Cass!" Halos pasigaw iyon. Agad na tumulak ang dalaga sa banyo upang maligo. Ginawa niya iyon sa loob ng sampung minuto at pagkatapos ay nagbihis. Fitted skinny jeans ang suot nito pang-ibaba at pinarisan ito ng white printed shirt. Naglagay rin ito ng katamtamang make-up sa sarili at liptint. Ibinaba ng dalaga ang paningin niya sa kanyang mga binti. Nakasuot ito ng sandal na may apat na pulgada ang sukat ng takong. Bago lumabas sa kwarto ay kinuha muna niya ang casual shoulder bag nito. Inilagay niya roon ang isang ballpen kasama na ang cellphone nito't pera. Sinigurado na muna ng dalaga na nakapatay na lahat ng gamit sa condo bago ito tumulak palabas. Mula sa electric fan, stove at iba pa. Alas sais y media nang makarating ang dalaga sa tapat ng gate ng bahay na 'yon. She pushed the door bell button at maya-maya pa'y agad na lumabas ang isang ginang. "Good evening po ma'am." "Tuloy ka hija. Ang aga-aga mo naman. I was expecting that you would come in around seven." Ngiting sambit nito sa dalaga. Nakasunod sa tapak ng ginang ang dalaga. Medyo may kalayuan din ang distansya ng bahay nila sa gate. The ground looks so good. Iba kapag pinasok mo na ang bahay kaysa sa titingnan mo lang ito sa labas. "Anyway, don't call me ma'am anymore. You can call me Tita Jade." Wika nito habang mariing naglalakad patungo sa pinto ng bahay. Hindi na sumagot pa ang dalaga. Tahimik lang itong humahakbang at sumusunod sa yapak ni Jade. "Anong antas na po ba ang anak ninyo ma'am a este tita Jade?" Bago paman tuluyang mabuksan nito ang pinto ay bumaling muna ito sa dalaga. She did a light grin to Cassy. "He's a grade twelve student. Ano nga ulit ang pangalan mo hija?" Kunot noo nitong tanong sa dalaga. "Cassy Jane Castillo po, but you can call me Cass for short." Nakapamulsa ang dalaga habang binabanggit iyon. Muling itinuon ng ginang ang paningin nito sa doorlock ng pinto. "Be good to my son. May kasupladuhan rin 'yon." Sambit nito bago tuluyang binuksan ang pinto. Sumunod sa yapak si Cassy kay Jade hanggang sa makarating sila sa living room. "Just stay here. Tatawagin ko lang muna ang anak ko." Wika nito sa dalaga bago umakyat sa itaas. Sinigurado na muna ng dalaga na tuluyan na itong nakaakyat bago niya ibinaling ang kanyang paningin sa buong living room. May mga malalambot na upuan sa bawat sulok ng sala. The table looks so shine and the artificial flower, too. Ibinaling ng dalaga ang paningin niya sa aparador kung nasaan nakalagay ang tv at iibang family picture. Si Jade kasama ang isang lalaking halata namang asawa niya. The other frame showed their picture with a matured guy. Kaedad lang ito ng dalaga kung titingnan sa picture. Ibibaling niya ang kanyang paningin sa susunod na picture. Isang picture ng isang batang lalaki. His age is in around 16 or less ngunit kamukha ito ng lalaking mature sa unang picture. Kabataan kung baga. The picture looks old, too. Well, baka dalawa ang anak ng ginang. Hindi naman maipagtataka na magkakamukha ito dahil magkapatid naman sila. Humakbang na lamang ang dalaga pabalik sa sofa. She sat in the middle of the sofa and looked directly to the stairway. Ilang minuto rin siyang naghihintay roon bago bumaba si Jade. Well, it looked like the rooms are too far from the first floor of the house. Kung titingnan sa labas ay may dalawang palapag ang bahay ngunit hindi naman kita ang backyard ng bahay doon sa labas kaya hindi alam ng dalaga kung mahaba ba itong bahay. Isa lang naman ang alam ng dalaga, the house is too big as what as she saw in the front yard. "Bababa na raw siya Cass. Gagawa na muna ako ng meryenda para sa inyo. Hintayin mo nalang ang anak ko rito okay? I'll open the tv upang maiwasan ang inip." Wika nito kay Cassy at saka binuksan ang tv bago ito humakbang papunta sa kitchen. Habang nakaupo sa sofa, kinuha na lamang ni Cassy ang ballpen nito't iyon ay inilagay sa mesa. Isinunod niya ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang oras. It's already 7 sharp in the evening. Nitong nagdaang araw, nakasanayan na ni Brent na umuwi sa condo ng dyes oras ng gabi. The company seems so busy kaya naiintindihan na rin niya. Tulad noong nakaraang araw, alam ni Cassy na nasa alas dyes o pwedeng higit pa uuwi si Brent at sa mga oras na iyon ay nakauwi na rin siya. Hindi pa naman niya nabaggit roon ang tungkol dito. Agad na napaangat ng paningin ang dalaga nang sumagi sa kanyang peripheral vision ang taong kakababa lang ng stairway. Inilapag niya ang kanyang cellphone at tiningnan iyon ng diretso. Her throat suddenly stucked when she saw the person in front of her. He's wearing on his boxers short, sleeveless ang suot niyang pang-itaas. He's barefoot habang ang buhok nito'y gulong-gulo. Ito ang lalaking nasa picture. A matured guy in the photo. A guy she needs to tutor. "Good evening." Ngiting bati ni Cassy sa binata. Dumiretso ito sa pag-upo at hindi kailanman tinanggap ang kamay ng dalaga. He didn't even bothered to look at her hand. Suplado nga. Habang hinahanda ni Cassy ang isang lesson plan na ibinigay ni Jade sa kanya ay pabaling-baling ang tingin niya sa binata. Hindi halata sa mukha at katawan nito ang edad na labing-pitong taong gulang. He deserves to be a twenty not seventeen. "Well, according to your grades, mababa ka sa english..." Sambit ng dalaga habang binabasa ang isang artikulong kasali sa lesson plan. Ibinaling ng dalaga ang kanyang paningin sa binata. Bumuntong hininga ito na animo'y kumukuha ng lakas ng loob upang magsalita pa. All this time, he kept on silent. "Ano nga ulit ang pangalan mo Mr.?" Tanong ni Cassy sa binata. Ilang segundo rin bago niya ibinaling ang tingin sa dalaga. They're facing to each other right now. His brown round eyes and his curved eyelashes caught her attention. Mapula ang labi nito na halatang batang-bata pa but his face looks so mature. Matangos ang ilong nito at makapal ang kilay. Ang buhok nito'y matuwid ngunit hindi nakaayos kaya magulo kung titingnan. Ilang segundo ang lumipas 'tsaka ibinalik ng binata ang paningin nito sa harap. Ibinaling na rin ng dalaga ang atensyon niya sa lesson plan na kanyang hawak. "Karl." Hindi man lang ito tumingin sa dalaga habang binabanggit ang kanyang pangalan. Nanatili itong nakatingin sa harap. His facial expression doesn't reveal any emotion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD