Panay ang iwas ko ng tingin sa kaniya habang kumakain kami. He would always look at me and give me a smirk. Gusto ko siyang batuhin ng kanin sa mukha para tigilan ang pagtingin-tingin sa akin. Hindi lang napapansin ni Manang at Danica dahil panay pa rin ang kwento ni Danica tungkol sa usapan nila ni Alliana. “Si Tito kasi inayawan pala ang offer! Ang arte mo naman, ‘to!” Mabilis kong pinagkaabalahan ang pagkain ko. Umayos ako ng upo. “Kapag hindi, hindi.” “Bakit hindi? Ang rason mo raw ay busy ka, day-off mo naman pala. Anong pinagkabaalahan mo buong araw?” I bit my lower lip. Nagsimulang namuo ang pawis sa noo ko. You better answer that decently. “Wala naman… kumain lang.” Namilog ang mata ko at napatingin sa kaniya. Wala kaming ginawa maghapon kung hindi sa kama lang. He di

