I can now have contact with my relatives but now with my parents. I flooded them with my messages but they still won’t reply to any of them. Tinatanong ko na ang mga pinsan at mga Tita’t tito ko pero lahat sila ay parang iniiwasan ang tanong ko na ‘yon. “Hindi ka umalis ngayon?” tanong ni Danica. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa bahay. Halos tatlong linggo na rin simula ng semestral break namin. Pumapasok na rin si Danica dahil nasa ilalim pa siya ng DepEd. I watched her as she removed her uniform. Nasa kwarto ako yata rito rin siya dumiretso. “Hindi, wala rin kasing magbabantay sa bahay.” Tanging sandong puti na lang ang suot niya nang lumapit siya sa akin. “Totoo ba na nakakausap mo na ang mga kamag-anak mo? Kung ganoon, babalik ka na rin sa mansiyon?” She looked quite exc

