May inilapag sa gitna ng lamesa si Danica. Lahat kami ay napatingin doon habang kumakain. Maliit na papel lang ‘yon na may pirma at phone number. “Ano ‘yan?” tanong ni Manang. Kinuha niya ‘yon para tignan ng mabuti pero mabilis na kinuha ni Danica. “Importante ‘to sa akin! Kahapon noong umalis ako, nakasalubong ko si Ate Alliana. Nagpa-autograph lang ako pero binigay na rin niya ang number sa akin!” masaya niyang kwento. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kaniya. Dahil nasa tabi niya si Tristan ay itinapat niya ang papel na ‘yon sa mismong harapan niya. “Kunin mo ang number tapos i-text mo siya, ah? Kahapon binibiro ko lang siya kung kilala ka niya pero kilala ka pala niya! Sabi niya ikaw raw ‘yong laging nangunguna sa klase kaya she admire you raw!” She giggled happily.

