Kabanata 2

1965 Words
I could not believe I just accused the only son of Manang Teresita as kapre. Sobra-sobra ang hiya na nararamdaman ko ngayon. He is tired from school and the ride home and I hit him multiple times. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil kitang-kita ko ang masamang tingin niya sa akin. Sa totoo lang ay gusto kong umiyak dahil hindi naging maganda ang paratang ko, ang may-ari ng bahay kung saan ako nakikituloy ngayon. He is far from being one of the Philippine mythical creatures. Well, he looks like one of the Greek Gods. His looks came straight out of a book. A typical hot college student in every romance book. Ang bawat buto sa mukha niya ay tamang-tamang lang na parang inukit ng isang magaling na sculpture. Kahit na wala siyang ginagawa ay panigurado ako na nakakaagaw siya ng atensiyon, babae man, lalaki o member ng l***q+, ganoon siya kagwapo. Kahit hindi ko hawakan ang panga niya ay mukhang matibay ang iyon. Tama lang ang pagkakaukit na ngayon ay umiigting. His eyes? They are the darkest of the black, but they are blazing with fire gazing at me. Ang mga kilay niya ay sobrang kapal na bahagyang nakaangat ang isa. There is an invisible magnetic energy that summons me to look into his eyes and pulls me to a different universe. He is full of charisma and charm. Nakasuot siya ng puting polo-shirt na may tatak ng kanilang university. He has a rugged appearance. Ang maliit na ilaw sa bahay ay gumagawa ng ilusyon sa kaniyang mukha kaya lalo siyang nagmukhang provocative sa mata ko. Mataas at matangos ang kaniyang ilong, pababa sa pares ng labi niya. Nasa iisang linya ang labi niya dahil sa inis na nararamdaman niya pero hindi maikakaikala na puno ng senswalidad ang kaniyang labi. Ilang babae na kaya ang nahalikan niya? “Trista, anak, hindi sinasadya ni Charlotte ang ginawa niya. Hindi siya sanay sa buhay natin kaya ganoon—” Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya kaya natingala ko siya. Tristan's body build looks like a result of dedication and athleticism. Ito pala ang tito na laging binabanggit ni Danica. Wala akong alam bukod sa mga kwento ni Danica. Ibang iba sa naiisip ko na tipikal na tito na may malalaking tiyan. He has broad shoulders that hint at strength, also he has a well-defined chest that seems nice to hold and sleep on. Ang mga braso niya rin ay may katamtamang laki. Hindi ko maiwasan na matulala sa kaniya habang nakatayo siya sa harapan ko. Matangkad siya, parang mababali ang leeg ko. He is standing confidently with a charismatic posture. Tumayo rin ako sa pagkakaupo ko pero walang pinagbago iyon, nakatingala pa rin ako sa kaniya dahil sa sobrang tangkad niya. “I-I am sorry, I thought that you are—” “Akala ko ba mayaman ka at sa syudad nakatira? Anong taon na naniniwala ka pa rin sa mga ganoon?” hindi nito makapaniwalang tanong. “Tristan! Huwag kang sumagot ng ganiyan.” I purse my lips. I gave him my sincerest eyes. “It was not my intention to do that to you. If only I had known that you are the son of Manang Teresita, I would not have done that.” Amusement filled his eyes. Umismid siya bago pinalandas ang mahahabang daliri sa buhok dahil sa frustration. His hair is effortlessly tousled from what he did. Nagmukha tuloy siyang bagong gising. May natural na mukhang natural na layers ang kaniyang buhok kaya nakadagdag iyon sa pagkapal. Hindi naalis ang matalim na tingin niya sa akin. “Kahit anong rason pa 'yan, senyorita. Para sa kaalaman mo, hindi porket nasa probinsiya ka ay paiiralin mo ang pag-is-stereotype mo. Okay pa sana kung inisip mo na magnanakaw ako, pero kapre? Shuta, dahil lang matangkad?” Bahagya akong napangiwi dahil sa klase ng kaniyang pananalita. Bago lang sa akin ang ganoon tono at paraan ng pagsasalita. I also heard words that were unfamiliar to me. Maging ang pagtawag niya sa akin ng senyorita ay hindi ko gusto. “Tristan! Ano ka ba?! Hindi sinasadya ni Charlotte kaya pwede ay magtigil ka na? Pumasok ka na sa kwarto, magtabi na muna kayo ni Danica.” Lalong sumama ang mukha niya. Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Manang Teresita. “Nice! Ako na ngayon ang nawalan ng kwarto.” Pigil na pigil ang pag-iyak ko nang tuluyan siyang umalis. Pumasok siya sa kwarto kung nasaan si Danica. Nang maiwan kaming dalawa ni Manang ay hinawakan niya ang kamay ko at paulit-ulit na humingi ng paumanhin. Pinabalik ako ni Manang sa kwarto para muling magpahinga pero hindi ko na ginawa. Hindi ko naman kwarto iyon kaya bakit ako babalik doon? Tinubuan ako ng kahihiyan sa katawan. Dahil hindi na ako bumalik sa kwarto, hindi na rin nagpahinga si Manang. Hanggang sa inabot na kami ng umaga na nakaupo lang sa hapagkainan. Natulog si Manang sa mahabang upuan sa sofa. Sinabi ko na sa kabilang kwarto na siya pero ayaw niya. Pinanood ko si Manang na nagtimpla ng kape. She offered but I declined. I don't drink coffee. “Oh, Tristan, mabuti at gising ka na. Pumunta ka na muna nga ng palengke at bumili ng mailuluto natin.” Napatingin ako kay Tristan na bagong gising. Lalong nagulo ang buhok niya pero tulad kagabi ay hindi pa rin ayos ang tingin niya sa akin. “Opo,” maikling sagot niya. Kumuha ng pera si Manang sa bulsa niya. Iniabot niya iyon kay Trista pero inilingan lamang ng lalaki. Hindi niya pinansin ang binibigay ng kaniyang nanay. “Kunin mo na, 'nak.” “May extra na pera pa ako. Itabi niyo na lang 'yan para sa kailangan niyo ni Danica.” Napayuko ako. I am feeling ashamed that I am here for free. Kung alam ko lang ay sana dinala ko ang malaking piggy bank ko sa kwarto. “Hindi naman maya ginugutom mo ang sarili mo sa dorm niyo? Sabi ko naman ay huwag mong pababayaan ang sarili, hindi ba?” nag-aalalang tanong. Nang marinig ko ang mahinang tawa ni Trista ay nag-angat ako ng tingin. Taliwas sa tingin niya sa akin, maliwanag ang ngiti niya kay Mamang Teresita. He looks like a ball of sunshine in front of his mother. “Ito? Nagugutuman?” Itinaas niya ang sleeve ng suot niya niya at ipinakita kay Manang ang braso niya. Pinamulahan ako ng mukha saka muling ibinaba ang tingin. “Puro ka kalokohan! O siya, gumayak ka na habang hindi pa mainit ang sikat ng araw.” Sakto naman na umalis na si Tristan ay lumabas na rin si Danica. Pungas-pungas pa ito habang naglakad papunta sa lamesa pero nang makita ako ay umayos siya. Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay. “Sorry, Miss,” Nakaramdam ako ng kaibahan. Wala na ako sa mansiyon pero tinatrato pa rin nila ako bilang anak ng amo nila. Hindi ko gusto na sila ang nag-a-adjust para sa akin. “Okay lang, Danica. Hindi mo kailangan na mag-ayos kapag haharap sa akin. Maging komportable ka sa sarili niyong bahay,” nakangiti kong sambit sa kaniya. “And Manang, sorry for causing you trouble.” “Ano ka ba, hija. Hindi ka naman naiiba sa amin. Bukod sa malaki ang utang na loob namin sa pamilya mo, pamilya na rin ang turing namin sa 'yo. Isipin mo na lang na bisita ka rito kaya ganito kami mag-asikaso sa 'yo.” Somehow, it warms my heart. I can feel their genuine care for me. Sa totoo lang hindi naman ito kasama sa trabaho nila ang patuluyin ako pansamantala rito pero ginawa pa rin nila. “Thank you, Manang.” Walang isang minuto ay dumating na ulit si Tristan na dala ang kaniyang pinamili. Alas siete pa lamang ng umaga. Nakatingin ako sa kaniya pero hindi niya ako binalingan ng tingin. Tila naging hangin ako sa paningin niya. “Anak…” rinig kong bulong ni Manang Teresita nang sila ay parehong nasa lababo na gawa rin sa kahoy. Nakikita ko ang tubig na umaagos palabas. “Sandali, mag-iigib ako ng tubig para may panlinis sa mga isda.” Mula rito sa kinauupuan ko ay naaamoy ko ang malansang amoy na mula sa isda. Hindi naman sobrang lansa pero hindi sanay ang aking ilong sa ganoong amoy. Tumayo ako sa pagkakaupo. “M-Manang sa kwarto na muna po ako,” paalam ko. “Senyorita!” biglang tawag niya. I am far from being a senyorita but I know he is pertaining to me. Nilingon ko siya. May hawak siyang timba sa magkabila niyang kamay. Ibinaba niya iyon sa tabi ng malaking drum sa lababo para kunin ang kung isang plastic ng kulay. “Ang aga-aga matutulog ka ulit? Paalala ko ho, wala kayo sa mansiyon niyo. Pagtulungan niyo ni Danica na putul-putulin niyo itong sitaw.” Inabot niya sa akin ang plastic ng sitaw. Akmang kukunin ko na iyon kaya lang ay mabilis na nahablot ni Manang Teresita. Masama niyang tinignan si Tristan na kanina lang ay pilyo ang ngiti pero ngayon ay seryoso na naman. “Ano ka ba?!” hinampas niya sa braso ang anak. Napangiwi naman si Tristan dahil may kalakasan ang hampas sa kaniya ni Manang. “Ako na ang bahala sa sitaw. Ako ang magpuputol-putol.” “Ang simple lang niyan, Ma. Kaya naman ni Senyorita 'yan, hindi ba?” May kung ano sa tingin niya na nagsasabi na kailangan kong gawin ang nais niyang gawin ko. “Akin na po, Manang. Simple lang naman po ang gagawin.” Kinuha ko kay Manang ang plastic at wala na siyang nagawa. “Nice,” bulong ni Tristan na ikinataas ng balahibo ko sa katawan. Kahit nahihilo dahil sa amoy ay pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na tinawag si Danica para tulungan ako dahil kaya ko naman. Minsan ko ng nakita na nagpuputol ng sitaw si Manang. However, the smell is too much for me. Lalo na noong napatingin ako sa banda ni Manang habang hinihiwa niya ang isda. I saw the insides of the fish. Parang binaliktad ang sikmura ko dahil ngayon ko lang nakita ang paglilinis ng isda. I stood up. Nagmamadali akong naglakad sa likod ng bahay. Nakasalubong ko pa si Tristan na may dalang kahoy. “Oh, ano, tapos ka na?” Hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero tumakbo lang ako palayo. May nakita akong maliit na tabing-tabing kaya pumasok ako. May maliit na bowl doon pero walang flush at bidet. And there, I throw up. Pigil na pigil ang sarili ko huwag humawak sa rim ng inidoro dahil hindi rin maganda ang itsura nito sa paningin ko. “Hoy, senyorita! Okay ka lang ba?!” rinig kong sigaw ni Tristan sa labas. “I-I am… I am okay,” nanghihina kong sagot sa kaniya. Nanghina ako dahil sa pagsusuka pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Lumabas ako sa tabing-tabing. Naabutan ko roon si Tristan na may dalawang timba ng tubig. Bigla kong naalala ang suka ko sa loob. “H-Huwag ka na munang pumasok, hindi ko pa nabubuhusan.” “Ako na,” amba siyang papasok dala ang timba ng tubig. “P-Pero—” “Ang arte mo,” Wala na akong nagawa kung hindi hayaan siya na buhusan ang nasa loob. Mariin akong napapikit at naghintay ng sasabihin niya pero wala siyang sinabi. Paglabas niya ay seryoso na ulit ang tingin niya sa akin. “Thank you, Tristan.” Imbis na sabihan ako ng 'welcome' ay tinaasan niya ako ng kilay. “Mag-toothbrush ka roon at tapusin mo ang pinagagawa ko. Kung sa isda pa lang ay nagkakaganyan ka na, hindi ka magtatagal dito.” Saka niya ako iniwan. Napabuntong-hininga ako. What should I do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD