Kabanata 3

2425 Words
Matapos kong mag-toothbrush ay bumalik na ako sa loob. Ang weird nga dahil pati sa toothbrush ay hindi ako sanay dahil hindi siya malambot tulad ng lagi kong gamit. Matigas siya at parang masusugat ang gilagid ko sa tuwing kukuskusin ko ang ngipin ko. “Pasensiya ka na hija, sana ay sa labas na lang pala ako naglinis ng isda. Hindi ko naisip na hindi ka sanay sa—” “Ma, anong hinihingi mo ng sorry? Wala kayo sa mansyon nila kaya siya dapat ang mag-adjust sa kung ano ang ginagawa rito sa bahay.” Napatingin ako kay Tristan na nakasimangot pa rin habang tinutulungan si Manang Teresita sa paglalagay ng gatong sa lutuan. “Tristan, anak! Huwag ka ngang ganiyan.” Nahampas na naman siya sa braso ni Manang kaya umasta na naman siyang nasasaktan. “Bisita si Charlotte rito kaya huwag kang maging ganiyan.” “Bisita? Baka bwisita,” rinig kong bulong niya. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Well, I understand, napagkamalan ko siya na kapre dahil sa tangkad niya pero parang may iba pa siya na pinaghuhugutan sa galit niya sa akin. Kanina medyo na-touch na ako sa inasta niya pero ngayong nasa loob kami ulit ng bahay ay ganoon ulit siya. Nakahinga na lamang ako ng maluwag nang mag-stay siya ng matagal sa labas ng bahay dahil nagpuputol siya ng kahoy para raw may gamitin mamayang tanghali at gabi. “Hindi naman po talaga mainitin ang ulo ni Tito, hindi ko ba alam bakit ang init-init. Naghiwalay na siguro sila ng girlfriend niya.” Nahinto ako sa pagputol ng sitaw dahil sa sinabi ni Danica. Hindi naman ako nagulat na may girlfriend ang Tito niya dahil hindi naman mapagkakaila na may itsura ito na higit pa sa mga modelo na kilala ko. Nakapagtataka lang na may pumatol sa ugali niya. Charlotte, ang sama ng ugali mo. Matapos ng ginagawa ko ay inaya ako ni Danica sa labas. Ayaw pumayag ni Manang dahil raw baka mapano ako pero makulit si Danica, isa pa, gusto ko rin na tumingin sa labas. “Umuwi rin kayo agad para makakain na tayo.” This will be the first time going out without any restrictions from my parents. Maaga pa at hindi masakit sa balat ang araw. Noong una ay na-conscious ako dahil sa mga mata na nakatingin sa direksiyon namin pero ang sabi ni Danica ay kaya lang naman sila nakatingin dahil bago ang mukha ko sa lugar na ‘to. “Bukod sa bago ang mukha mo rito, Miss—ang ganda mo rin kasi,” nakangiting sabi sa akin ni Danica. Ngumiti lamang ako pabalik sa kaniya. Sanay na ako sa mga papuri kaya hindi na ako naiilang. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang sabi niya lang ay ipapakilala niya ako sa mga kababata niya rito. Nakailang kanto rin kami. Hindi ko alintana ang pagod sa paglalakad dahil nakakamangha ang mga nakikita ko. Huminto kami sa isang bahay. Higit na malaki ito kumpara sa bahay nina Danica. Walang pintura ang bahay pero maraming halaman naman sa paligid nito. Mayroon din silang balon. “Hoy!” Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang sumigaw. Napalinga-linga ako sa paligid para hanapin kung saan nanggagaling ang boses pero hindi ko nakita. Nalaman ko na lang na nasa itaas sila ng puno dahil sunod-sunod ang naging pagtawa nila. Sa sanga ng puno ay isang lalaki at babae. They are both eating green mango. Kumaway ang babae sa amin. Iyong lalaki naman ay nakakunot ang noo at alam kong nasa akin ang tingin niya. “Uy! Sama ako!” maligayang wika ni Danica. Pinanood ko siya na nagmamadaling pumunta sa puno ng mangga. Hindi ko maiwasan na mamangha nang alisin niya ang suot na tsinelas para umakyat sa puno. Wala mang isang minuto ay nasa itaas na rin siya kasama sila. Napagtanto na lang ni Danica na kasama niya ako nang nasa itaas na siya. Namilog ang mata niya nang makita na nakatingala ako sa kanila na puno ng pagkamangha. Gusto ko rin umakyat sa itaas. Naglakad ako sa kung saan nagsimulang umakyat si Danica. I removed my slippers and placed them on the side. I am not barefooted. “Miss, huwag po kayo umakyat. Bababa na rin po kami!” sigaw ni Danica sa itaas. Hindi ko siya pinakinggan. Inalala ko kung paano umakyat si Danica. Una, humawak siya sa nakalawit na sanga. Pangalawa, isinampa niya ang paa niya. She used the friction of her feet against the trunk of the tree. “Miss!” “Hala, gagi!” “BWAHAHA!” Hindi ko naisip na hindi tulad ni Danica ay bago lang sa akin ang pag-akyat ng puno. Patalon ako na kumapit kaya malakas din ang impact ng pagbagsak ko. I groaned in pain when my butt hit the soil with bits of small rocks. Napapikit ako at hindi agad nakatayo. Naramdaman ko na lang ang kamay na humawak sa akin at pilit akong itinatayo. “Miss! Miss! Okay lang ba kayo? Kayo po kasi, eh!” May humawak pa sa bewang ko para alalayan ako sa pagtayo. Tumango ako bilang sagot kung ayos lang ba ako. I think my tailbone is injured but I won’t talk about it. Mawawala rin ito. Panigurado ako na bago sila umakyat ng puno ay ilang beses din silang nahulog at nasaktan. “I-I am okay,” pigil ang sakit kong sabi. “Naku! Yari ako kay Lola mamaya. Miss, okay lang ba talaga kayo?” “Oo, okay lang ako.” This is my fault. Ayaw ko naman na mapagalitan siya ng dahil sa akin. Paika-ika ako na inalalayan nila papunta sa mahabang upuan na gawa rin sa kahoy. Most of the things here are made of wood, the same Manang Teresita’s home. “Mukha siyang manika,” rinig kong bulong ng babaeng kabigan ni Danica sa kasama nilang lalaki. Napatingin ako sa kanila at nahihiyang ngumiti. Malaki ang isinukling ngiti sa akin ng babae samantalang ang lalaki ay nag-iwas ng tingin habang pulang-pula ang mukha. Maybe this is the reason why my parents can’t let me out—masyado akong magaslaw kumilos. Everyone thinks of me highly and princess-like but, I am clumsy. “Wala naman po kayong sugat, hindi ba?” nag-aalalang tanong ni Danica pero nangingibabaw doon ang kaba dahil siguro iniisip niya na mapapagalitan siya ni Manang Teresita kapag nalaman nila na natumba ako sa puno kahit na hindi pa ako nakakaakyat. “Kung napilayan naman kayo, pwede kayong pumunta sa bahay nina Javier. Nanghihilot ang kaniyang Lola, kahit saan pa ‘yan ay maaayos ni Lola Remedios.” Hindi rin naman kami nagtagal. Nakaalalay sa akin si Danica habang naglalakad kami pauwi. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot at mainis sa sarili dahil ang pakikipagkita niya sa kaniyang mga kaibigan ay hindi maganda ang kinalabasan dahil as akin. “I am sorry, Danica. Next time, pwede na ikaw na lang ang umalis at hindi ako sumama dahil makakaabala lang ako sa 'yo.” Umiling siya. “Ano po ba kayo? Hindi naman iyon ang inaalala ko. Sa susunod ay tuturuan ko kayo kung paano umakyat ng puno, pero sa ngayon, huwag muna kayo susubok ng kung anong bagay ng basta-basta para po hindi kayo masaktan.” Tumangoa ko bilang sagot. Ngayon na naglalakad kami pauwi ay ngayon ko lang napansin na mahaba-haba rin pala ang nilakad namin kanina. Nagsimulang kumirot ang balakang ko sa likod. Sinubukan ko na huwag ipakit kay Danica na hindi ako nasasaktan dahil alam ko na mag-aalala na naman siya. Hanggang sa mauwi kami sa bahay nila ay pigil na pigil ko ang pagngiwi dahil sa sakit ng pakiramdam. “Sakto ang dating niyo, kakain na.” Naabutan ko si Tristan na nakaupo na sa lamesa. Nakatingin na rin siya sa akin, tinaasan niya ako ng isang kilay. I softly gasped when he rolled his eyes on me. Ano na naman ang ginawa ko sa kaniya? Naunang naupo si Danica sa tabi ng Tito niya. Si Manang naman ay sa harapan ni Danica kaya no choice ako kung hindi ang maupo sa harapan ni Tristan. Sandali silang nag-asaran ni Danica. “Sabi mo bibilhan mo ako ng bagong cellphone,” rinig kong sabi ni Danica sa Tito niya. Tinignan ko ang mga ulam na nasa lamesa. May maliit na isda na hindi ko alam ang tawag, marami ring kamatis. Iyong sitaw na pinutol-putol ko kanina ay may sabaw na kulay itim na, amoy adobo iyon. “Patingin na muna ako ng grade mo. Kapag mataas, doon kita ibibili.” Naunang kinuha ni Tristan ang sandok ng kanin. Akala ko para sa kaniya ang kukunin niyang kanina pero inilagay niya iyon sa pinggan ni Manang Teresita. Sunod ay kumuha siya ng ulam at inilagay niya rin sa pinggan. “Anak, huwag mong gastusan ng malaki ang cellphone, ah. Okay na ‘yong makakatawag at matatawagan.” “Lola,” ungot ni Danica sa sinabi ng Lola niya. “Danica, hindi mayaman ang Tito mo. Huwag ka na munang maghangad ng mga bagay na hindi ganoon kadaling bilhin. Nag-aaral pa lamang ang Tito Tristan mo.” Sunod na sinandukan niya ang pamangkin. Wala namang sinasabi si Danica at Manang Teresita kaya naisip ko na madalas siguro niyang gawin iyon sa kanila sa tuwing nandito sila. “Oh,” iniabot niya sa akin ang sandok ng kanin. Literal na nagulat ako dahil ibinigay niya na sa akin kahit na wala pa ring laman ang pinggan niya. Dahil ayaw ko siyang mainis sa akin ay kinuha ko na. I was hesitant to get my food. Kumuha lang ako ng kaunting kanin, tapos ay konting sitaw na niluto—that’s all. Napansin ko na walang utensils na nakalabas. Nagsimulang kumain si Danica at Manang Teresita na nakakamay lamang. It is something new to me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa pagkain nila gamit ang kamay. I don’t want to sound rude. Alam ko na ang mga Pilipino ay sanay na kumain gamit ang kanilang kamay base sa mga nababasa ko at napapanood, pero iba pa rin pala kapag nakita ko na sa personal. Did they even wash their hands? In our mansion, we don’t use our bare hands to eat. “Kumuha ka na kutsara at tinidor kung ayaw mong magkamay, huwag kang tumingin na parang kumakain kami ng maduming pagkain.” Namilog ang mata kong napatingin kay Tristan. Ang tingin niya ay nasa pagkain niya, tulad nila ay kamay lang din nito ang gamit niya. “Hindi iyan ang iniisip ko, Tristan,” mariin kong sagot. “Gusto mo ipangkuha pa kita, senyorita?” sarkastiko niyang wika. “Ako na, hija, maupo ka na lang diyan. Pasensiya na nakalimuta—” “Ako na, Ma,” seryosong wika ni Tristan. Pinigilan niya si Manang sa akmang pagtayo nito. Natigagal ako sa nangyayari. I bit my lower lip to stop myself from crying. Hindi naman ako galit, naiinis lang ako sa kaniya dahil ayaw niya na may masama akong isipin tungkol sa pamumuhay nila pero siya ito na grabe ang mag-isip patungkol sa akin. He despises being stereotyped but he is like that to me. Maayos niyang inilagay ang kutsara at tinidor sa pinggan ko. Nagpatuloy sila sa pagkain habang ako at nawalan ako ng gana. Nakahawak lang ako sa kutsara at tinidor, ginagalaw-galaw ang kanin pero hindi ko magawang isubo iyon dahil sa sama ng pakiramdam ko sa sinabi ni Tristan. “Senyorita, sinusubuan ka rin ba sa inyo?” “Tristan, anak! Tigilan mo nga si Charlotte.” Umiling lamang si Trista sa suway ng ina. Nag-angat ako ng tingin kay Trista, nakakunot ang noo niya habang mabagal na ngumunguya na nakatingin sa akin. A tear fell from my eyes. His eyes widened when he saw a droplet of tears. A mixture of confusion, surprise, and a hint of empathy is visible on his face. Mabilis kong pinunasan iyon para hindi na makita ni Danica at Manang Teresita. It was not my intention to show him how weak I am. I am just sensitive because it is my first time meeting people like him. I will take him as an experience. Tulad ng sinabi ni Danica sa akin noon, hindi parepareho ang ugali ng tao. May taong magugustuhan ka, may tao rin na aayawan ka. Kahit na wala akong gana ay kumain pa rin ako. Masarap ang luto pero hindi ko magawang sabihin iyon kay Manang o kung sino man ang nagluto dahil ayaw kong may masabi na naman siya sa akin. I know he hates me, but it was necessary to spill those kind of remarks. “Miss, hindi ka pa nakakatikim ng tuyo, hindi ba? Try mo, pwede mo naman iluwa kung hindi mo nagustuhan.” I am intrigued by the way it looks and smells. Ngayon lang ako nakaamoy at nakakita ng ganiyan. Maliit lang siya at nakita ko kung paano nila kainin. Pwedeng kainin kasama ang tinik. Nabubusog ba sila sa ganito? “Maaalat ‘yan,” biglang sabi ni Tristan. Hindi ko siya tinignan o pinansin man lang. Kumuha ako ng isang piraso. Walang pag-aalinlangan kong isinubo ang kalahati. I was hoping for it to taste like a milk fish but that was far from it. Tama pala si Tristan. Kahit sobrang alat ay hindi ko magawang iluwa. Pinilit ko na lunukin iyon. I was taught by my mother that if I don’t like the food, the best thing to do is to remain silent and never eat that again. I don’t want to offend them. Reacting negatively to food that people enjoy eating is not nice, especially when it is an authentic food like this tuyo. “Ang tigas din pala ng ulo. Hindi ‘yan kinakain ng ganiyan, kailangan mo ihalo sa kanin para hindi sobrang alat. Pwede mo rin na isawsaw sa suka para mabawasan ng kaunti ang alat.” Iyon na yata ang pinakamaayos na sinabi niya sa akin. Dahil ba nakita niya ang pagtulo ng luha ko? Hindi naman siya mukhang titino lang dahil may babaeng umiyak sa harapan niya. Nagsalin pa siya ng tubig sa baso ko kaya nagulat talaga ako sa biglang pagbabago ng asta niya. “It wasn’t bad at all,” totoong sabi ko. My eyes gaze at Tristan when he chuckles softly while shaking his head like something he heard from me is funny. See?! Ang bilis magbago ng mood niya kapag tungkol sa mga sinasabi ko. Kaya, it is better to remain quiet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD