Kabanata 4

2327 Words
Wala akong ibang magawa kung hindi manuod sa maliit na TV kasama si Danica. Halata na bored na bored na ito at gustong lumabas pero hindi magawa dahil hindi siya pinayagan ni Manang Teresita. Alam ko na dahil sa akin ‘yon. “Tito, sa’n ka punta?” tanong ni Danica nang lumabas mula sa kwarto si Tristan. Hindi ko napigilan na punain ang itsura niya ngayon. He looks good wearing a red checked jacket, I can see the white shirt inside. Also, blue faded jeans. Basa ang buhok niya kaya halatang galing ito sa pagligo. “May tuturuan lang ako diyan. Pahiram nga ng suklay.” Sinundan ko siya ng tingin. Naglakad siya papunta sa harapan ng salamin, sa may gilid lang ng TV. Nabigla ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Baka pa ako makaiwad ay nairapan na niya ako. I gasped silently. I should get used to him being sassy like this. “Tito, oh.” Iniabot ni Danica ang suklay niya. “Anong oras ka uuwi?” “Bakit? Saan na naman kayo gagala?” tanong nito habang ang isang kilay ay nakataas. “Hindi kami gagala, nagtatanong lang.” Pareho kaming humalukipkip at sumimangot ni Danica. Wala si Manang dahil may pinuntahan itong kaibigan na may sakit kaya kung aalis din si Tristan ay kaming dalawa lang ni Danica ang maiiwan. “Sus! Malaman ko lang na gumala kayo, yari kayo sa akin.” Lalong sumimangot si Danica sa banta ng kaniyang Tito Tristan. Muling nagtama ang tingin namin sa salamin. There is something in his eyes that is captivating. Kung kanina ay inirapan niya ako, ngayon naman ay seryoso na siyang nakatingin habang sinusuklayan ang sariling buhok. I scoff before shifting my eyes away. I hate how he can hold stares for long. Hindi ko kasi kaya dahil naiilang ako. “Habilin ko, Danica.” “Ulit-ulit?” inis na sabi ni Danica. “Senyorita?” Mabilis akong tumingin sa kaniya. “What?” Umangat ang magkabilang dulo ng labi niya. “Behave, hindi ka taga-rito kaya huwag kang labas nang labas.” “I know,” sagot ko sa mahinang boses. Nang makaalis na siya ay naging tahimik ang buong bahay. Umayos ako ng upo para sana maging komportable sa panonood kaya lang ay tumayo si Danica. “Tara, Miss, bumalik tayo sa mga kaibigan ko.” Agad akong nataranta dahil hindi iyon ang habilin sa amin ni Manang at ng Tito nita. Umiling ako kay Danica kaya nabura ang ngiti sa labi niya. “Hindi pwede, Danica. Mapapagalitan tayo sa Tito at kay Manang Teresita.” Ngunit sa mukha pa lamang niya ay halatang hindi siya papayag na hindi lumabas ng bahay. Parang sanay na sanay na rin ito sa pagtakas dahil wala akong makita sa mukha niya na takot o kahit anong pangamba sa kaniyang balak. “Huwag kang matakot sa Tito ko, hanggang salita lang ‘yon. Saka, si Lola hindi namamalo ‘yon. Oo, pagsasabihan ka pero hanggang doon lang. Gusto niyo po ba na mabulok dito sa bahay? Sayang naman ang punta natin rito kung hindi natin masusulit. Minsan lang ‘to sa buhay mo, Miss Charlotte kasi kapag okay na sa mansiyon ay babalik na ulit tayo roon. Hindi ka na naman makakalabas.” Sandali akong natigilan. Tama siya, kapag bumalik na ulit kami sa mansiyon at paniguradong makukulong na naman ako roon. Ngayon na lamang ang tamang pagkakataon para ma-enjoy ko ang labas. “Anong oras tayo babalik?” alanganin kong tanong. Lumiwanag ang mukha niya dahil sa tanong ko na iyon. “Babalik din tayo bago umuwi si Lola at Tito Tristan. Halika na po!” Wala na akong ibang nagawa kung hindi sumunod sa kaniya palabas ng bahay. Palinga-linga pa ako dahil natatakot ako na makita si Manang o kaya naman si Tristan. This is the first time that I will disobey someone’s rule and I am not happy about it. I could not keep my heartbeat steady. “Huwag kayong masyadong kabahan, Miss, ako ang bahala. Basta huwag po kayong basta-basta umakyat ng puno.” Pinamulahan ako sa sinabi niya dahil naalala ko na naman ang pagkakahulog ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang balakang ko, hindi ko lamang iniinda dahil ayaw kong makonsensiya siya dahil wala naman siyang kasalanan sa katangahan ko. Muli ay natagpuan ko na pabalik kami sa bahay kung saan kami nagpunta kanina. Naabutan namin ang kaibigan niyang babae na nasa tapat ng bahay, nakaupo habang may ginagawa sa kaniyang cellphone. “Elena!” sigaw ni Danica. “Nasaan si Javier?” Elena pala ang pangalan niya. She’s cute and has a nice smile. She has the same skin color as Danica—Morena. Sa tingin ko ay Javier naman ang pangalan ng isa nilang kaibigan na lalaki. Napako sa akin ang tingin ni Elena. Nag-init ang mukha ko dahil titig na titig siya sa akin habang may ngiti sa labi niya. She also has expressive eyes, which is why I can tell that she is intrigued by me. “Umuwi na muna sandali dahil papakainin pa raw ang mga manok at pato ni Lola Remedios. Hello, Miss Charlotte.” “H-Hi,” naiilang kong sagot. “Danica, ngayon lang ba siya nakapunta rito?” tanong nito kay Danica kahit na ang tanong na iyon ay para sa akin dapat. “Bakit hindi tayo magpunta sa Mahiwagang ilog? Panigurado magugustuhan niya roon.” Umusbong ang kuryusudad sa akin. Hindi pa ako nakakapunta sa ilog dahil puro sa mga beaches lang kapag may family celebration kami kasama ang kaunti naming kamag-anak. “Hindi pwede! Babalik din kami agad dahil papagalitan kami ni Manang, lalo na ni Tito Tristan.” Bumagsak ang balikat ko dahil sa pagtanggi niya na magpunta kami sa ilog. Kahit na gustong-gusto ko na magpunta ay ayaw ko rin naman na mapagalitan. “Nandiyan ang Tito mo? Bakit hindi mo sinabi agad? Sana ay ako na lang ang nagpunta sa inyo.” Kitang-kita ko ang pagkislap ng mata niya. Namumula rin ang magkabila nitong pisngi. I am familiar with that kind of expression. Madalas kong nababasa ang pamumula ng pisngi, at pagkislap ng mata kapag may nagustuhan ang bida sa isa pang karakter. Ibig bang sabihin ay gusto niya si Tristan? “Nako! Tigilan mo ang Tito ko, hindi iyon mauubusan ng girlfriend. Asa ka na papatol sa ‘yo ‘yon. Mga gusto noon ay ‘yong kasing edad niya na may malaking déde at pwét!” Paano niya nalaman na iyon ang gusto ng Tito niya? Ah, sabagay, matagal na silang magkasama kaya nasanay na rin siguro siya sa mga nagiging girlfriend nito. “Lalaki pa naman ako ‘no. Sixteen pa lang ako, hintayin ko na mag-twenty ako, mabibigla ka. Hindi ba, Miss Charlotte.” “A-Ah, oo. You can call me Charlotte na lang. Huwag niyo na akong tawaging Miss.” “Okay, Charlotte!” maligayang wika ni Elena. Nanlaki ang mata ni Danica. “Hala, hindi pwede! Miss Charlotte ang itatawag natin sa kaniya!” I smiled sweetly, assuring her that calling me Charlotte was fine with me. “Huwag na, Danica. Naiilang din ako lalo na at wala naman tayo sa mansiyon.” Halata sa mukha ni Danica na tutol ito pero ako na mismo ang nagsabi kaya wala na siyang nagawa. “Oh, anong balak? Kung hindi pwede ngayon ay sa susunod na lang tayo magpunta sa Mahiwagang ilog. Daanan na lang natin sina Javier, ipakita natin may Charlotte kung paano magpakain ng manok at pato.” “Ayos lang po ba sa inyo?” tanong sa akin ni Danica. “Okay lang, Danica. I also want to see how they feed chickens and ducks. How many are there? Do they sell it after they become adult? Or do they just keep it as their pet?” Nilingon silang dalawa. Pareho silang nakatulala sa akin pagtapos kong magsalita. Bahagya pang nakaawang ang kanilang labi na parang may kakaiba akong nasabi. “Ano raw ang sabi?” bulong ni Elena. “Pwede niya raw ba na gawing pet ang manok at pato?” bulong naman ni Danica. “Ganoon ba? Ang weird naman ng mga mayayaman,” Si Elena. “Sinabi mo pa,” Si Danica. “Ah! Pwedeng-pwede, basta magpaalam na muna kayo kay Lola Remedios kung gusto niyo na humingi ng manok o pato.” Bahagyang nangunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan. Hinayaan ko na lang at sumunod sa kanilang paglalakad. Bawat madaanan namin ay may tumitingin sa aming direksiyon. Mainit pa kaya masakit sa balat ang araw pero gusto ko rin naman na maging tan ang kulay ko. Nagmumukha akong kulang sa dugo dahil sa sobrang puti. I lack melanin. Naabutan namin ang lalaki nilang kaibigan na nagpapakain ng manok at pato sa malaki nilang bakuran. From here, I could smell something unusual. “Javier! Dalian mo ang pagpapakain, mag-igib ka pagtapos.” “Opo, La!” sigaw niya pabalik. “Huy, Javier!” natatawang tawag sa kaniya ng dalawa. Ang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng pagkabigla, lalo na nang magtama ang mata naming dalawa. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay nila, paglabas niya ay may suot na siyang damit pang-itaas. “Hala siya! Nahiya bigla!” “Manahimik, Lenlen!” suway niya sa kaibigan. ”Bakit kayo napadaan rito?” tanong niya pero nasa akin ang tingin. “Gusto raw makita ni Charlotte kung paano magpakain ng manok at pato. Bigyan mo rin siya ng manok, aalagaan niya raw.” Si Elena ulit ang sumagot. Hindi siya makapaniwala na tumingin sa akin. “M-Mag-aalaga ka ng manok? Ha? Bakit?” “Gagawin niyang pet,” si Danica naman ang sumagot. Nagulantang si Javier sa sagot ng dalawa. I chuckled seeing his facial expressions. I know that the two girls misunderstood what I meant earlier but it is funny right now and I don’t want to correct them anymore. “Manok? Pet?” “Yes, can I have one?” Kahit na moreno siya ay hindi pa rin maitatago ang pamumula ng mukha niya. “O-Oo naman, sandali lang, magpapaalam ako kay Lola.” “Ayan! Diyan ka magaling. Kapag maganda okay lang mapagalitan ni Lola Remedios, pero kapag kami labag sa loob.” Iritado hinarap ni Javier si Elena. “Sa birthday mo bibigyan kita, manahimik ka lang!” Danica and I laughed. I could not believe that this was something that I missed as I grew up. Araw-araw ba silang ganito? Dahil kung oo, sobrang saya nila. Pinanood ko na pakainin ni Javier ang mga manok at pato. Nakaupo kami sa gilid. Nagkukwentuhan ang dalawa habang ako ay seryosong nanunuod. Paminsan-minsan ay lumilingon sa banda namin si Javier kaya ngumingiti ako sa kaniya para lalo siyang ganahan. “Sino raw ang nanghihingi ng manok? Aba, hindi libre ang manok ngayon.” Kinabahan ako at agad na napatayo dahil sa matandang lumabas. Nagmano si Elena at Danica kaya iyon ang ginawa ko. “A-Ako po ang nanghihingi, pwede po ba?” nahihiya kong tanong. Masungit ang boses ni Lola Remedios pero ang itsura nito ay maamo. Natigilan siya nang mapatingin sa akin. Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya. “Manika ba ito o tao?” takang tanong nito kina Danica. “Lola, tao po iyan. Siya iyong anak ng amo ni Lola sa pinagtatrabahuhan niya,” sagot ni Danica. “Ah, ganoon ba? O siya sige, mamili ka na lang ng manok na gusto mo diyan. Bakit isa lang? Gawin mo ng dalawa para may mailuto kayo sa bahay. Masarap pa naman magluto si Teresita.” Nakangiting nilingon ko si Danica at Elena na parehong laglag ang panga sa sinabi ni Lola Remedios. Matapos noon ay tinuruan nila ako paano humawak ng manok. Akala ko hindi ako magiging komportable pero sa ilang ulit at nasanay na ako. Pareho na naming hindi namalayan ang oras, lumulubog na ang araw. “Hala! Baka nasa bahay na si Lola at Kuya! Tara na, Charlotte.” Hawak ang manok at sumabay ako sa pagtakbo ni Danica. Kumalabog na rin ang dibdib ko sa kaba pero hindi ko mapigilan ang pagngiti habang nakatingin sa papalubog na araw. Humahampas sa mukha ko ang simoy ng hangin kaya hindi namumuo ang pawis sa balat ko. “Ay, wait! May nakalimutan ako. Dito ka lang, ah, babalik din ako.” Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Iniwan niya ako sa isang tindahan. Naglakad ako roon at naupo sa may upuan. Walang masyadong dumadaan pero medyo maaayos ang bahay dito kumpara sa kanto kung saan nakatira sina Danica. “Balik ka bukas, mukhang marami pang hindi naintindihan ang kapatid ko.” Bumukas ang gate sa tabi ng tindahan kung saan ako nakaupo. Doon ay lumabas si Tristan kasama ang maganda at sexy na babae na tanging maiksing short at sando ang suot. “Hindi ako sigurado diyan. Ang usapan lang kasi ay twice a week. May ibang session din kasi ako sa ibang bata.” Nalungkot ang mukha ng babae. Hindi nakaligtas ang bahagya nitong pagkagat sa ilalim na labi habang nakatingin kay Tristan. Pinagtaasan ako ng balahibo sa katawan. “Ganoon ba? Sayang naman, ang dami pa naman kailangan matutunan ng kapatid ko sa ‘yo. Kahit ako, maraming natututunan sa ‘yo.” Tristan chuckled. Natawa rin tuloy ang babae at hinampas siya sa braso pero dumausdos iyon pababa. I am not naive. I know they are flirting with each other. “Maraming oras, mauuna na ako.” “Okay, sige, ingat!” Hinintay ni Tristan na maisara ang gate bago tumalikod. Sakto na nagtama ang mata namin. Kumunot ang noo niya na tila inaaninag ako. Mabilis akong umiwas ng tingin. Oh, no! Hindi dapat ako nagpakita! Yumuko ako at nagkunwari na busy sa manok, hindi naman niya ako mahahalata hindi ba? Hindi niya iisipin na ang senyorita na sinasabi niya ay hahawak ng manok. “Nahuli ka na, magtatago ka pa?” I am dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD