Nasaan na ba si Danica? Bakit niya ako iniwan ng mag-isa? Ano ba ang nakalimutan niya? At bakit nandito si Tristan? Hindi man lang alam ni Danica na dito lang pala magtuturo ang Tito niya.
Tumayo ako at akmang aalis pero mabilis niyang nahawakan ang kwelyo ng damit ko sa likod. My eyes widened because of his actions. Mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin saka ko siya hinarap. Pinigilan ko na huwag siyang samaan ng tingin pero sumosobra na siya. I did not steal anything, but he is acting like I stole something from him!
“Anong habilin ko sa inyo bago ako umalis?” tanong niya. He crosses his arms.
“W-We got bored watching TV that is why… pero umuwi rin naman kami kaagad, may nakalimutan lang si Danica sa kaibigan niya.”
He slowly nodded but the look on his face? Hindi siya naniniwala sa akin. Bumaba pa ang tingin niya sa hawak ko na manok kayo lalong nangunot ang noo niya.
“Saan mo kinuha ‘yan? Alam mo ba na pwede kang ipa-barangay sa pagkuha ng ganiyan?”
I pet the chicken before answering him. “Binigay ni Javier, kaibigan ni Danica. He told me that I can have one.”
His face lightens. Kinabahan tuloy ako sa klase ng tingin niya sa manok ko. Humakbang ako paatras ng isang beses dahil hindi ko nagugustuhan ang tingin niya sa manok ko. He has a wicked smile on his face. Scary!
“Tamang-tama, wala tayong ulam mamaya. Pwede natin ‘yan i-adobo o kaya naman ay i-tinola, anong mas gusto mo?”
My eyes widened. Nahigit ko ang paghinga ko sa gusto niyang gawin sa manok. I look at the chicken. The chicken seems scared and it has the look that seems to be asking me to protect her. What a poor chicken.
“N-No! Bumili ka ng manok na lulutuin mo.” Iniwas ko sa kaniya ang manok ko.
Muli pa siyang humakbang palapit sa akin kaya humigpit ang kapit ko sa manok. Bahagyang siyang humalakhak dahil sa kabado kong reaksiyon. Gusto kong tawagin si Manang Teresita pero wala siya rito. Tumakbo na lang kaya ako? Bakit pati ang alaga kong manok ay gusto niyang pagdiskitahan?
“Wala kaming pera, senyorita. Huwag mong sabihin sa akin na sa ‘yo na ang lahat kaya pati ang manok ay gusto mong alagaan?” He stepped once again and that made me step back.
“Ano naman? Can you please stop moving forward?”
“Ibigay mo na ‘yang manok, kakalimutan ko na tumakas kayong dalawa ni Danica, or else…”
I gulped. “Or else?” lakas loob kong tanong sa kaniya.
Muli siyang humakbang papalapit sa akin. Sobrang lapit na niya pero hindi ko magawa na lumayo dahil hinihipnotismo ako ng mga mata niya. “Or else, ikaw ang kakainin ko—”
I screamed and ran away from him. Habang tumatakbo ako ay naririnig ko ang malakas niyang pagtawa. My eyes tear-eyed because he is such a bully! Isusumbong ko na talaga siya kay Manang Teresita mamaya!
My lips are pursed while walking. Different pair of eyes are looking at me but I could not care less—inaalala ko na lang ang sinabi ni Danica sa akin kung bakit laging may nakatingin sa akin sa labas. Mabuti na lang ay mabilis akong makakabisa ng daan dahil nakauwi ako ng matiwasay.
Pagdating ko ay nandoon na si Danica at Tristan. May ngisi sa labi ni Tristan nang makita ako. Hindi ko na lamang siya pinansin, dumiretso ako sa kwarto para mag-stay na muna sandali dahil ayaw kong makita si Tristan sa labas. Ngayon ay hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang alagang manok.
“Miss Charlotte? Sabi ni Tito, bawal ilagay sa kwarto ang manok. Kung gusto mo, manghingi tayo ng karton sa kapitbahay para mailagay siya roon.”
Nanlumo akong napatingin sa manok. I understand why I could not keep it inside a room because it would create a mess. Ang smelly pa naman ng manok. I sighed before going outside the room, still holding the chicken.
“May pangalan na ba ang alaga ni senyorita?” mapang-asar na tanong ni Tristan.
“Anong alaga?” biglang tanong ng bagong dating na si Manang Teresita. Sa kamay niya ay may hawak siyang mga plastic, hindi ko maaninagan kung ano ang nasa loob noon.
Natatawang lumapit si Tristan sa kaniya at may ibinulong. I sighed because I already knew what he was saying. Napunta sa akin ang tingin ni Manang Teresita habang may ibinubulong pa rin si Tristan. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Manang sa hawak ko na manok, kasabay din ng malakas na pagtawa ni Tristan kaya lalong namuo ang inis ko sa kaniya.
Was it really funny that I have a chicken pet? Sina Javier nga ay maraming alaga na manok at pato.
I cleared my throat. “Manang… I can keep it right?”
“Mama, huwag kang papayag,” Tristan quickly said.
I am Charlotte Vicencio, I may not have freedom outside the world but I always get everything that I want.
Ipinakita ko ang puppy eyes ko kay Manang Teresita. I pursed my lips and blinked many times. “Manang, please? Promise, I will take care of it diligently!”
Bumuntong-hininga si Manang bago tumango. Nanlaki ang mata ni Tristan habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniyang Mama. I smiled proudly. Tumingin ako kay Danica na nakangiting nakatingin sa akin. Mahina pa siyang pumalakpak na parang proud na proud sa nagawa kong pagpapayag kay Manang.
“Ang rupok mo naman, Mama. Hindi naman cute ang ginawa niya, nakakatakot pa nga!”
Ayan na naman siya. Simula ngayon ay siya na ang kontrabida sa buhay ko. Argh! Nakakainis. Sa kaniya lang hindi gumagana ang technique na iyon. It is always effective when I use it to Mommy and Daddy, including Manang, but not to him. Bahala na, hindi naman ako nagpapa-cute sa kaniya.
Nagpaalam kami na hihingi ng karton sa kapitbahay. Malaki ang ngiti ko sa tuwing mahuhuli ko na nakasimangot si Tristan. Serves him right for being a bully to me.
“Tristan, anak, pakiigiban mo nga si Charlotte at nang makaligo na.”
Mula sa manok ko na nasa loob na ng karton ay napunta ang tingin ko kay Tristan. He is busy doing something on the table. Inilagay niya ang mga gamit niya roon pagtapos naming kumain ng dinner. I guess that is his architectural materials because he started sketching after he settled there.
I was about to say that I could do it myself but he got up and went outside.
“Hija, maligo ka na roon. Papasamahan kita kay Danica.”
Iniwan ko ang karton sa sala. Pumasok ako sa kwarto nina Danica. Naabutan ko siya roon na nakangiti habang nakatingin sa kaniyang phone. Nagulat siya sa biglang pagpasok ko.
“Pwede makihiram ng damit?” I asked respectfully.
“A-Ah, oo naman po. Maliligo kayo sa labas? Ihahatid ko na lang.”
“Oh, okay.”
Lumabas ako at dumiretso sa labas. Madilim na pero may maliit na ilaw naman sa banyo kaya okay na ‘yon. Naabutan ko si Tristan na nagsasalin ng tubig sa malaking drum. Saktong paglingon niya ay nagkaharap kaming dalawa.
“Sumigaw ka lang kung kulang ang tubig,” seryosong sabi niya bago umalis.
“Salamat,” I said shyly. Kumunot ang noo niya pero umiling na lamang bago umalis.
He is an unpredictable man. Sa dami ng romance book na nabasa ko, wala pa akong character na nabasa na katulad niya. Wait… why am I thinking that there might be a fictional character in a romance book who has the same personality as him? I should start reading horror stories, I might find someone there who has the same attitude as him.
Dumating din si Danica dala ang malinis na damit at tuwalya. May dala rin siyang bar soap na ngayon ko lang nalaman ang brand. I tried it and it smells nice. Kaya lang noong nakahiga na kami ay nagsimula namang mangati ang balat at ulo ko.
Bumangon ako sa higaan para hindi magulo si Danica. My head is so itchy, as well as my skin. Sinubukan ko na huwag kamutin dahil iyon ang laging bilin sa akin ni Mommy pero hindi ko kaya ang sobrang kati. Nagpunta ako sa sala.
I was shocked to see that Tristan was still awake and not yet finished with his projects.
“Gising ka pa?” tanong niya.
“M-Magpapahangin lang ako sa labas,” sagot ko. I won’t tell him that my whole body is itching right now because for sure he has something to say. Aasarin na naman niya ako.
“Malamok sa labas. Kapag nagka-dengue ka, kami ang may kasalanan.”
Nahinto ako sa plano kong paglabas. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan pero nakonsensiya na agad ako sa sinabi niya. Ikinuyom ko ang kamao ko para hindi kamutin ang balat ko.
“Hindi na pala ako lalabas,” mahina kong sagot. Nagmamadali ako na bumalik sa kwarto at doon kinamot ang balat ko.
“Mommy,” I whispered while scratching my head and skin. It was so itchy to the point that it made my eyes swell with tears. Paniguradong sasakit ito bukas.
Naghanap ako ng kahit anong pwede kong ipahid sa loob ng kwarto pero wala akong ibang makita kung hindi ang malaking alcohol lang. Nagdalawang isip ako kung kukunin iyon o hindi pero pinangunahan ako ng kati kaya kinuha ko iyon at ibinuhos sa balat ko.
“Aw!” tili ko, agad kong tinakpan ang bibig ko sa takot na magising si Danica o Manang Teresita.
“Ano ‘yan?”
Bahagya akong napatalon nang makita ko na nakasilip na pala ang ulo ni Tristan sa kurtina. Dahan-dahan kong ibinaba ang alcohol papunta sa likod ko para sana itago iyon pero panigurado na nakita niya na. His eyebrows are furrowed while staring at me.
“W-Wala,”
“Labas, patingin ako.”
“Hindi–”
“Labas,” maotoridad niyang sabi.
Bumutong-hininga ako bago sumunod sa kaniya sa labas. Ang dalawang kamay nito ay nasa bewang niya paglabas ko ng kwarto. Inilahad niya ang kamay niya kaya inilagay ko ang bote ng alcohol.
“Kaunti lang ang kinuha ko, hindi naman naubos–what?” Akala ko kasi ay alcohol ang gusto niyang kunin pero kamay ko pala.
I was stunned when I felt him holding my wrist. He scanned my arms and he saw the redness all over it. Maging ang isa kong kamay ay tinignan niya. I bit my lower lip and waited for his insult but nothing came. Ilang segundo pa siyang tumingin doon bago niya binitawan ang kamay ko.
“Hindi ka naman nangati noong humiga ka sa higaan kahapon. Kaya hula ko ay sa sabon na ginamit mo. Langya, pati balat mo ang arte. Nilagyan mo pa ng alcohol, gusto mo na lalong mairita ang balat mo?”
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Tinignan niya pa at kung ano-ano ang sinabi pero isa rin siyang walang maitutulong para mawala ang kati at pamumula ng balat ko.
Akma ko ulit na kakamutin ang balat ko pero mabilis niyang napigilan ang kamay ko. I winced because it was so itchy and I wanted to scratch it to relieve that itchiness but he was holding both of my hands firmly.
“Magsusugat na pero kamot ka pa rin nang kamot.”
“Just let me, please. Ang kati!” I said, almost pleading to him.
He sighed. Binitawan niya ang kamay ko. “Huwag mong kamutin. May bibilin ako sa labas, isasabay ko na ang sabon na baka pwede sa ‘yo. Pigilan mo ang sarili mo na huwag kamutin iyan dahil lalong lalala. Isipin mo na lang ang pag-aalala ni Mama kapag nakita niya ‘yan. Hintayin mo ako para makaligo ka ulit.”
That… somehow warmed my heart. Ibang klase talaga siya. May pagkakataon na ang sungit-sungit niya pero may times din na ganito siya ka considerate.
Tulad ng gusto niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Naupo ako sa lamesa at tinignan ang ginagawa niya. Hindi ko napigilan na mamangha habang nakatingin sa bahay na kaniyang ginuguhit. It was a huge mansion, as huge as our mansion but it is better. Alam ko na magaling siya mag-drawing tulad na rin ng sinabi ni Danica pero hindi ko alam na ganito kagaling.
I wish I had this talent. Ano kaya ang talent ko?
Halos dumugo na ang labi ko sa pagkagat ko doon para lang mapigilan ko ang sarili na huwag kamutin ang sarili. Nang dumating siya ay agad akong tumayo at sinalubong siya. He was shocked to see me in front of him as soon as he went inside.
“Kagulat ka naman!” he hissed while holding his chest. “Oh, eto na. Maligo ka ulit doon, may tira pa namang tubig noong naligo ako. Malinis ‘yon, huwag kang maarte.”
Ngumuso ako. Wala naman akong sinasabi na marumi.
“Thank you, Tristan.” Really, may itinatago pala siyang kabaitan sa katawan.
Imbis na sabihan ako ng welcome ay inirapan na naman niya ako. “Ililista ko ‘yan sa mga utang mo, huwag ka puro thank you. Kahit ang bigas at ulam na kinakain mo, ililista ko. Wala ng libre ngayon.”
My jaw dropped. He is unbelievable.