Lumipas ang isang linggo at unti-unti na rin ako nasasanay sa buhay rito sa probinsiya. Noong una ay nahihirapan ako lalo na dahil wala akong gamit na kinasanayan ko noon, tulada na lang ng mga sabon na galing pa sa ibang bansa, mga damit na mahal ang mga tela, at mga pagkain na madalas ay organic lahat.
“Bukas na bukas ay pupunta tayo sa school para maipa-enroll kayong dalawa,” wika ni Manang.
Natigilan ako sa pagkain. Mabilis na dumapo ang tingin ko kay Tristan na natigilan din. Ngayong araw ang alis niya dahil tapos na ang mental health week nila.
“Mama?” hindi makapaniwalang tanong ni Tristan. Nakita ko ang pag-uusap ng mag-ina sa pamamagitan ng mata.
“Mamaya na tayo mag-usap, ‘nak.”
Yumuko ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. I know what they are going to say about me. Wala namang problema kung si Danica lang ang mag-aaral, pero dahil nabanggit ako ni Manang ay alam kong hindi okay iyon kay Tristan.
Naiintindihan ko. Mahirap ang buhay nila at tanging si Tristan na lang ang may trabaho, part-time pa kaya panigurado na siya na lang din ang may kakahayan na magpaaral kay Danica. Alam ko na labag sa kaniya na pati ako ay kasali.
He has been good to me. Madalas ay masungit pa rin siya pero mabait siya. May pagkakataon lang talaga tulad nito na mahirap intindihan lalo na at hindi naman niya ako kaano-ano.
“Danica, magmeryenda kayo sa labas.” Inabutan ni Tristan ng isang buong singkwenta si Danica.
Bago pa magtama ang tingin naming dalawa ay umiwas ako. Alam ko kung bakit niya kami gustong pagmeryendahin ni Danica, para makapag-usap sila ni Manang.
“Kung sakali ay last year mo na sa high school. Hindi ka ba excited? Mas maraming tao ka pa na makikilala!” excited na sabi ni Danica sa akin habang bumibili siya ng tinapay—sa bakery kami nagpunta.
I shrugged my shoulder. “I don’t know how to feel about it. Danica, sa tingin mo, kailan ako babalik sa bahay? Miss ko na sina Mommy at Daddy.”
Nabura ang ngiti sa labi niya. Maging siya ay nalungkot dahil sa mga sinabi ko. I regretted it, I shouldn’t have said it—nasira ko lang ang mood niya.
“Hindi ko rin alam, e. Pero habang nandito pa tayo, sulitin na natin kasi kapag bumalik tayo sa mansion ay malamang ay hindi mo na naman magagawa na makalabas-labas.”
But that is the problem. Nahihiya na ako sa panunuluyan sa kanila tapos ay balak pa nila akong pag-aralin. I was too shy to ask if my parents gave something to Manang in order to sustain my studies or not. Why did they let me come here in the first place? Sana ay sa mga kamag-anak ko na lang.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaalam-alam sa nangyayari. The only thing that I am holding right now is the assurance that my father gave me before we parted ways.
“I wish everything was fine in the mansion,” I whispered to myself.
Matapos naming bumili ay bumalik na rin kami sa bahay. Nadatnan pa namin si Tristan na inaayos pa rin ang mga gamit niya. When our eyes met, I quickly avoided his gaze.
“Aalis ka na?” tanong ni Danica sa kaniyang Tito Tristan.
“Oo. ‘Yong mga habilin ko sa ‘yo, tulungan mo lagi si Mama. Malaman-laman ko lang din na nagbo-boyfriend-boyfriend ka, wala kang matatanggap na cell phone sa akin.” Ginulo niya ang buhok ni Danica kaya nagreklamo ito. Bago pa ulit magtama ang tingin namin ay pumasok na ako sa kwarto.
A week of staying here made me miss my family. Ang tanging hiling ko lang ay nasa mabuti silang kalagayan. Sana… sana wala lang ‘yong putol ng baril na narinig ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Gabi na nang magising ako. Mag-isa lang ako sa kwarto kaya sa tingin ko ay nasa kabilang kwarto sina Danica at Manang. I stood up and I was to go outside when I heard a mumbling sound.
“Opo, maayos lang si Miss Charlotte rito… Opo, tulad ng nais niyo, ipapasok na namin siya sa isa sa mga paaralan dito… Huwag po kayong mag-alala, nasa ako na po ang bahala… May tanong lang po ako.”
Bumilis ang pintig ng puso ko. Dahan-dahan akong naglakad para mas lalong marinig ang boses ni Manang na may kinakausap sa labas.
“… Wala na po ba talaga si—Mamaya na lang po ulit tayo mag-usap.”
Saka ko lamang napansin na natapos na ang tawag. I looked down and I saw how my shadow could be seen outside because the light was illuminating from here to out. Bumuntong-hininga ako. What is it that Manang does not want me to hear?
“Hija, gising ka pa?” mahinahon na tanong ni Manang mula sa labas. Wala na akong dahilan para magtago pa, lumabas na ako.
Naabutan ko siya sa lamesa. May tasa ng kape sa ibabaw. Sa kanang kamay niya ay hawak niya ang cell phone na ginamit niya pang-tawag.
“Si Mommy o Daddy ba ang kausap niyo?” tanong ko sa alanganin na boses. Lumapit ako sa kaniya, naupo sa kaniyang harapan.
Sandali siyang natigilan pero ngumiti rin. “Oo, sila na rin ang nagsabi na dito mo muna ipagpatuloy ang pag-aaral mo habang hindi pa sila tapos sa kaso na hinahawakan nila.”
“Ganoon po ba? H-Hindi ba nila ako gustong makausap kahit sa tawag lang?”
Nagkaroon ng malaking bikig sa lalamunan ko. Gusto kong magtampo sa mga magulang ko dahil hindi man lang ba nila ako gustong kumustahin? Do they not miss me like I miss them? I want to hear their voices. Para akong mababaliw dito kakaisip kung kumusta na sila.
Nahabag ang mukha ni Manang Teresita. I did not expect her to hold my hand that was resting on the table. “Hija, kahit gustuhin man ng magulang mo na kausapin ka at makapiling ay hindi maaari sa ngayon. Hindi maganda ang nangyari sa mansyon noong huli tayong naroon. Kailangan na muna nila iyong ayusin… bago ka muling makasama. Masyado silang nag-iingat sa ‘yo kaya pati sa tawag ay hindi nila muna magagawa sa ngayon.”
Manang Teresita somehow comforted me that night. Sinabi niya na ang magulang ko na mismo ang gumawa ng paraan para makapag-aral ako rito kaya hindi ko na kailangan pa na isipin ang pera na gagastusin. Alam na ba ito ni Tristan? I hope so.
“Wow! Sa tyangge lang natin binili pero nagmukhang mamahalin noong sinuot mo.”
Nagpa-enroll na kami ni Danica kaya sumunod naman ay bumili kami ng uniform. Late na kami dahil second quarter na pero naaayos naman lahat ng mga importanteng document. Sabi ni Manang ay ang mga magulang ko ang nag-ayos.
“Ito kailangan mo rin nito.” Iniabot niya sa akin ang pamaymay na kinuha niya sa isang pwesto. “Sobrang init sa school, kulang-kulang ang electric fan. Kung may electric fan man ay paniguradong hindi ka maaabutan ng hangin.”
“Ganoon ba?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Nilingon ko si Manang na busy sa pagtingin ng mga pekeng bulaklak. “Manang? Can you tell Daddy if we can donate an air conditioner or a few fans? Mainit daw sa room sabi ni Danica.”
Narinig ko ang malakas na paghalakhak ni Danica sa tabi ko. “Si Miss naman, alam namin mayaman kayo pero hindi mo naman kailangan na gawin ‘yon.”
Hindi ko na iyon masyadong pinansin. Nag-enjoy ako sa pamimili namin. Ang daming magaganda na gamit at mura pa. Dapat ay malaman ito ni Mommy para makatipid kami sa mga gamit namin sa bahay.
Nang sumapit ang unang araw ng klase ay ramdam na ramdam ko ang excitement sa katawan ko. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung ano ang mangyayari. Sino-sino kaya ang magiging kaibigan ko? Sa sobrang kaba ko ay halos hindi ko na makain ang almusal na niluto ni Manang.
“Senior high, doon ang building.” Tinuro ni Danica ang nasa dulong building.
“Ikaw? Saan ka?”
She pointed out the building just next to mine. “Diyaan ang mga grade 10. Malalaman mo rin kung nasaan ang iba dahil hindi naman malawak ang school at may mga palantandaan kang mababasa.”
“Okay,” I said.
We parted ways. Kabado na naglakad ako papunta sa building kung saan ako. Alam ko na ang room number at section ko. Hanggang sa makarating ako sa mismong tapat ng room ay rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko.
“Uy, may bago!”
“s**t, nasa heaven na ba ako?”
“Tangina, manahimik kayo may bisita!”
I looked around. I was shocked for a second because of how messy the room was. Kung saan-saan nakatayo ang mga magiging kaklase ko. May ilan din na nagtatakbuhan kahit saan. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ako o hindi.
“Miss? Ikaw ba ‘yong transferee? Come inside, I will introduce you to your classmates.” Mabuti na lang ay dumating na rin ang teacher kaya iminuwestra niya na pumasok ako sa loob.
The whole room became silent as I stepped inside. Masyadong maraming mukha at hindi ko alam kung saan ako magpo-focus kaya sa gitna na lang ako tumingin. I smiled sweetly at them.
“Introduce yourself, darling,” sambit ng guro sa akin.
“Nice to meet you, everyone. I am Charlotte Vicencio. I hope to be friends with you all.” Nagpalakpakan sila matapos kong magpakilala na ikinataka ko. Have they always been like this? They look amused and intrigued by me at the same time.
Pinaupo ako ng guro sa may bandang likod dahil doon na lang mayroong bakante. Napansin ko na halos nasa likod din nakaupo ang mga lalaki. Noong una ay walang kumakausap sa akin kahit na nararamdaman ko ang pagsulyap-sulyap nila pero kalaunan ay ako na rin ang nag-initiate na kausapin sila.
“Hello, what’s your name?” matamis kong tanong sa katabi kong lalaki.
He looked at me with his eyes slightly widened. “A-Allen,”
I chuckled a bit because he looked cute with his cheeks blushing. Umiwas siya ng tingin sa akin pero ibinabalik din na parang isang magnet ang tingin ko sa kaniya.
“Nice meeting you, Allen.”
Ibinalik ko ang tingin sa harapan. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko habang nakikinig sa guro na nagsisimula ng magturo. Everything feels surreal. Ito ang unang beses ko na mag-aral na may kasamang iba. Lahat din ng sinasabi ng guro ay naiintindihan ko lalo na kapag magtatawag siya upang magtanong tungkol sa itinuro niya.
Nang matapos ang ilang subject ay dumating na ang lunch break. Sabi ni Danica ay pinagbaon kami ni Manang ng lunch. Magkita na lang kaming dalawa para sabay kami na kumain.
“M-May kasabay ka na ba na kumain?” tanong ni Allen habang nililigpit ko ang mga gamit ko.
I smiled at him. “Oo, mayroon na. Ikaw? Gusto mong sumabay sa amin?”
“Allen!” Pareho kaming lumingon sa tumawag sa kaniya. Grupo iyon ng tatlong babae at dalawang lalaki. The girls are all sulking while looking in our direction while the boys are smirking.
Ngumiti ako sa kanila pero ang dalawang lalaki lamang ang ngumiti sa akin pabalik.
“Ah, hindi na muna ngayon. Akala ko kasi ay wala kang kasabay, kung wala ay maisasabay ka namin.”
I was touched because he was thoughtful. “Oh, thank you. Maybe, next time?”
Tumango siya. “Okay, next time.”
My first day of school has been good. Nakangiti ako hanggang makauwi. Nagsabay kami ni Danica na mag-lunch. Sinabi ko sa kaniya na baka bukas ay hindi ako sasabay sa kaniya dahil gusto kong sumabay kina Allen.
“Allen Espirito?” tanong niya sa akin kinagabihan, pareho kaming gumagawa ng assignment sa lamesa.
Tumango ako sa kaniya. “Inaya niya ako kanina na sumabay sa kanila kaya lang ay kasabay na kita kaya tumanggi ako.”
“Nako, Miss, mag-iingat ka sa kanila. Laging napapagalitan ang grupo nila dahil laging may kalokohan na ginagawa. Iyang si Allen Espirito, sikat ‘yan dahil minsan na ‘yang may binugbog na junior high school last year.”
I was stunned to hear what she said. “A-And then? May binugbog na ba siya ulit? Wow, I did not expect to hear such news from him.”
Wala sa mukha nito na mananakit ng kapwa estudyante. Hindi rin ako makapaniwala na kayang gawin iyon ng tao na halos kasing edad ko lang. Wasn’t it too much to hurt someone?
“Wala pa akong nababalitaan pero mag-ingat ka pa rin. Mabait lang daw siya sa mga magagandang babae pero pagdating sa lalaki ay mabilis mapikon.”
We continued answering our assignment after hearing that from him. Nahinto lang kami sa pagsagot nang may dumating. Nagtititili si Danica na sinalubong si Tristan. May hawak kasi si Tristan na maliit na paper bag, may nakalagay doon na brand ng android phone.
“Anak? Napaaga yata ang uwi mo? Wala ka ng klase?”
Sinalubong siya ni Manang kaya sinalubong niya naman ito ng yakap.
“Umalis mga kasama ko sa dorm kaya ako lang maiiwan. Dito na muna ako.”
“Paano ‘yon? Babyahe ka araw-araw? Sobrang pagod mo naman, ‘nak.”
He smiled assuringly to his mother. “Kaya ‘yan. Saka, ayaw niyo ba na nandito ako.”
Inalis ko ang tingin ko sa kanila at nagpatuloy na lang sa pagsusulat. Malapit na rin naman ako matapos. Pagtapos nito ay maliligo na ako at magpapahinga.
“Ano ‘yan?” Nagulat ako nang bigla siyang magsalita sa likod ko. Mabilis kong tinakpan ang papel ko lalo na at essay ang ginagawa ko. “Nahiya pa,” rinig kong bulong niya.
Alam ko na pamamahay niya ito pero… bakit nandito na naman siya?