“Kumusta kahapon? Hindi ko na kayo natanong dahil busy agad kayo sa mga assignment niyo.”
Agad na nagkaroon ng ngiti sa aking labi. Marami pa akong gustong makilala na kaklase ko, kahit na hindi ko kaklase ay gusto kong makilala. They all seem nice; I want to be friends with them.
“Maayos naman, la. Alam niyo po ba? May mga nagtatanong sa akin ng pangalan ni Miss, gusto pa nilang kunin ang social media account niya. Sayang nga lang ay wala siyang phone ngayon. Pwede sana ang luma kong cell phone kaya lang ay hindi na ma-load-an.”
Lalong natuwa ang puso ko nang malaman na marami rin ang gustong kumilala sa akin. They should have approached me first—kakausapin ko naman sila.
“Really?” I said excitedly.
“Mabuti lang pala na walang cell phone itong si Senyorita?” biglang sabat ni Tristan. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko.
“Huwag kang mag-alala, hija—sa susunod na linggo ay dadaan tayo sa mall para bumili ng cell phone, pero gagamitin mo lang iyon para sa school at makausap ang mga kaklase mo, ah.”
Mabilis akong tumango-tango sa sinabi ni Manang. Sa totoo lang nahihiya ako pero sigurado ako na man ako na may ipinapadalang pera si Mommy o Daddy sa kaniya. Also, I want to have communication with my classmates outside the school.
“Asus, kung alam ko lang ay gagamitin lang para makipaglandian.”
“Tristan!” suway sa kaniya ni Manang. Nahihiya naman na humarap sa akin si Manang kaya ngumiti lang ako para ipakita na wala lang sa akin ang paratang ni Tristan.
“Judger ka, palibhasa gawain mo, ‘no?” ngising tanong sa kaniya ni Danica.
Umismid si Tristan. “Bakit naman ako magsasayang ng load para lang makausap mga kaklase ko kung makakausap ko naman sila school? Kaya kung gusto mo silang kausapin tapos kailangan mo pa na magpa-load, syempre iba na ‘yon.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Ganoon ba ‘yon? Am I flirting if I talk to someone on the phone? Kahit kumustahan lang? Kahit magtatanong lang kung na related din sa school?
“Huwag kang maniwala kay Tito, ako ang bahala sa ‘yo,” bulong sa akin ni Danica na bahagya kong ikinatawa. Nagtama ang tingin namin ni Tristan, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa amin.
“Ano ‘yan?” masungit niyang tanong.
Pareho kaming umiling ni Danica. “Wala!”
After eating breakfast we went to school. Maaga kaming pumasok kaya pagdating ko sa room ay kakaunti pa lang kami. I smiled at them, some smiled back but some did not. Hindi ko na lang masyado pinansin iyon dahil baka hindi lamang maganda ang mga gising nila.
Tahimik ako na naglakad sa upuan ko. Lalong lumawak ang ngiti ko dahil naroon na si Allen. Sa mga kaklase ko ay siya ang madalas na kumakausap sa akin. Kahit na na-bother ako sa sinabi ni Danica ay naisip ko na paniguradong nagbago na siya.
Nasa huling taon na kami ng high school, college na kami next year–hindi naman na siguro gagawin ulit ang ginawa niya noon. And he seems nice to me.
“Hi, good morning.”
Agad siyang pinamulahan. See? How could such a cute person hurt somebody? Siguro dahil immature pa siya noon kaya niya nagawa iyon. Kung gagawin niya ulit iyon ngayon ay hindi ko na siya kakausapin o titignan man lang. I could not put up with someone who bullied or hurt other people.
“Hello. Nag-breakfast ka na?” nahihiya niyang tanong.
Tumango ako bago naupo sa tabi niya. “Yes. How about you?”
Umiling siya kaya bahagya akong nagulat. Nakakaya niya na pumasok sa school ng walang laman ang tiyan? My Mommy always told me that your tummy must always be full whenever you are about to do something that requires a brain. Kasi kapag walang laman ang tiyan mo habang nag-iisip, hindi mo maibibigay ang best mo sa bagay na iyon.
Eating is important, we should not skip meals.
“Ganoon ba? Gusto mo samahan kita sa canteen? May oras pa naman tayo bago mag-start ang class.”
Nagliwanag ang mukha niya dahil sa suwestiyon ko. “Talaga, sasamahan mo ako?”
I nodded. Why is it a big deal to him? Sasamahan ko lang naman siya. Nang tumayo siya ay tumayo na rin ako. Nauna siyang naglakad palabas ng room kaya sumunod ako sa kaniya.
“Kay bago, ang landi.”
“Hayaan mo na. Daig talaga ng maganda ang malalandi. Balita ko mahirap lang sila pero kung makaasta ay parang mayaman. English-english pa, akala mo ikinaganda.”
“Huy, baka marinig kayo.”
“Ay? Iyon naman ang goal.”
Tumingin ano sa gilid. Nakita ko ang mga babae na kasabay kumain kahapon ni Allen. Bumuo sila ng bilog gamit ang upuan. They are talking about something I could not pinpoint. Ngumiti ako sa kanila, isa lang ang ngumiti pabalik. Ang dalawa ay umiwas ng tingin sa akin.
“Tanga naman,” rinig kong sabi ng isa na naging dahilan ng tawanan nila. Nag-apiran pa sila. “Medyo maganda nga, slow naman. Imagine, narinig mo na pero hindi mo pa rin alam na ikaw ang pinag-uusapan.”
“Charlotte?” tawag ni Allen.
“Ah, sorry, eto na.” Hindi ko na lamang pinansin ang grupong iyon dahil tinawag na ako ni Allen.
One of these days, makikisali ako sa grupo nila. Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila. I wonder what it was.
Pagdating sa canteen ay agad na dumiretso si Allen sa bilihan. Sumunod ako sa kaniya. I could feel different pairs of eyes on us.
“Ito ang gusto ko,” biglang itinuro ni Allen ang gusto niyang pagkain.
“Oh, okay.”
“Bayaran mo na,” he suddenly said. I was shocked for a moment. Akala ko sasamahan ko lang siya.
“W-What? I thought–”
“Dali na, akala ko ililibre mo ako. Sa totoo lang, kaya wala akong almusal dahil wala akong pera na pambili kaya inakala ko na ililibre mo ako. Hindi ba? Sige, huwag na lang. Balik na tayo–”
I immediately stopped him from walking it. Pinangunahan ako ng awa dahil sa sinabi niya. Mabilis kong kinuha ang pitaka ko sa bulsa. Kinuha ko ang buong isang daan ay ibinigay sa kaniya. Kinuha niya naman agad iyon ng may ngiti sa labi.
“Thank you, ah? Dagdag ko na rin ng soft drinks, wala kasi akong dala na tubig.”
Hindi dapat ako manghinayang dahil ibinili ng pagkain ang pera ko kaya lang ay nagtitipid ako. Allowance ang binigay sa akin ni Manang, pang-isang linggo. May balak din ako na bumili ng cell phone at ayaw ng iasa kay Manang o maghintay pa sa ibibigay niya dahil alam ko na marami rin silang gastusin.
Ang bumalik na sukli sa akin ay sengkwenta na lang. Gusto kong itanong dahil parang kulang ang sukli pero nauna na siyang umalis. I sighed, hindi na lang ako magmemeryenda ngayon.
Nang makabalik sa room ay nagtataka ako dahil nawala ang upuan ko. Walang bakanteng upuan dahil nakabilang lang sa mga estudyante. Kahit ang bag ko ay wala. I looked around and I saw none.
“Nakita mo ba upuan ko at bag? Nandito pa ‘yon kanina.” Umiling ang pinagtanungan ko.
“Baka may nanghiram sa kabilang section. Tanong ka sa kabila,” Allen said.
Lumabas ako para tignan sa kabilang section kaya lang ay may teacher na at nagsisimula na sila sa discussion. I was especially worried about my bag. Naroon ang mga gamit ko, paano na lang kung may biglaan na quiz or activity? I am doomed.
Papasok na sana ako sa room nang may napansin ako sa dulo ng corridor. May malaking basurahan doon. Naningkit ang mata ko habang dahan-dahan na naglakad. My eyes widened when I saw my bag on top of the trash bin. Dali-dali ko iyong kinuha. I was more shocked when I noticed that it was wet–my tumbler was open.
Naghaluhalo na ang nararamdaman ko. Hindi ako makapag-isip ng tamang gagawin. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. It is okay, matutuyo ang mga gamit ko. Maaayos ko ito.
Dala ang bag ay tumingin ako sa isa pa na room. Marami ng student pero wala pang teacher. I asked if they had a spare chair that I could borrow. Mayroon naman kaya ipinahiram nila sa akin.
Tahimik ako na bumalik sa room. Ang basa kong bag ay nasa upuan na buhat-buhat ko. Pagpasok ko sa room at natahimik ang lahat. I don’t know what happened… kung bakit napunta ang bag ko sa basurahan at nawalan ako ng upuan. Impossible naman na napagkamalan nilang kalat ang bag ko.
“Saan mo nakita bag mo?” tanong ni Allen.
“Sa basurahan,” walang gana kong sagot.
Nagulat siya kaya napatunayan ko na hindi talaga coincidence lang na mapupunta roon ang bag ko. Kung may naglagay, sino?
“Sino kaya? Napagtripan ka siguro. Sabagay, pangalawang araw mo pa lang. Hindi pa rin sanay na may nakaupo rito sa tabi ko kaya baka ganoon.”
But… it is not enough to put my bag on top of a trash bin. Nabasa pa tuloy ang ilan sa gamit ko. Nagmamadali kong hinanap ang assignment na ginawa ko kagabi para sana tignan kung nabasa rin ‘yon pero hindi ko makita.
“Ano na naman?” tanong ni Allen nang makita niya na natataranta akong may hinahanap sa bag.
“I think I lost my essay. Kaninang umaga inipit ko siya sa book ko, ngayon wala na.” Inalis ko ang laman ng bag ko pero wala talaga.
“Hala ka, importante pa naman ‘yong essay. Ipapabasa ni Ma’am sa harapan.”
Hindi nakatulong iyon dahil lalo akong kinabahan. Paano kung ako ang matawag at wala akong masabi sa harapan? For sure they will laugh at me.
“Ayan na si Ma’am,”
Oh, no. I am nervous.
Ang tanging hiling ko na lang ay huwag akong matawag para magpresinta sa harapan. Ano na lang ang sasabihin ko kay Ma’am kung bakit wala ang essay ko? Sabi ni Danica mahirap pakiusapan ang mga teachers. Hindi sila maniniwala sa dahilan lang na naiwan sa bahay o nawala ang pinagagawa nila. They think that it is only a reason to justify the truth that you didn't do it. Well, I did it but I couldn’t find it–that’s the truth.
“Althea Miranda,” tawag ng guro namin.
Nakangiti na tumayo si Althea–kaibigan nina Allen. She was smiling ear-to-ear. Nagpunta siya sa harapan habang hawak ang papel. Ang kailangan lang gawin ay basahin ang ginawang essay sa harapan.
“Guys, please listen…” paninula niya. “My essay is titled, The Burden of Losing Someone You Love…”
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na title. Nagtama ang tingin namin na dalawa. She gave me a smirk before proceeding to read… my essay. I know it was mine. Bawat salita na sinasabi niya, alam ko na ako ang may gawa noon.
“That essay is mine,” sabi ko kay Allen. Hindi ako napansin agad ni Allen dahil nakangiti siya na nakikinig kay Althea. “Allen–”
“Charlotte, matalino si Althea. Hindi niya magagawa na kumopya sa iba. Hindi ko alam na ganiyan ka pala.”
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na masasabi niya iyon. Pero totoo ang sinasabi ko. Kahit masama ang loob ay umayos ako ng upo. Hindi ko magawang tignan si Althea dahil kung ano-ano ang hindi magaganda na naiisip ko tungkol sa kaniya.
“That’s all, thank you!”
Nakakabinging palakpakan ang narinig ko sa paligid. I am sad because I know that was my essay. Pinagpaguran ko kagabi. Kung iyon ang essay na ginawa ko, maaari na si Althea ang naglagay ng bag ko sa basurahan.
“Charlotte Vicencio,”
My heart skipped a beat. Nabingi yata ako sa sarili kong pangalan. Hindi ako nakatayo agad.
“Uy, tawag ka. O aminin mo na lang kay Ma’am na hindi ka gumawa ng assignment.” Si Allen na nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.
I got offended by it but I remained calm. Laging sinasabi sa akin ni Daddy na walang mangyayari kung magsasalita ako ng hindi nag-iisip. He is a lawyer, he knows when to talk and what to say. Iyon ang isa sa kinahangaan ko sa kaniya.
“Vicencio?”
“Yes, Ma’am.” Dahan-dahan akong tumayo. I took a deep breath before walking in front.
Wala akong hawak na kahit ano. What I am about to say is pure impromptu. I just wish that I could pull it off.
The whole room is silent. Hindi tulad sa mga naunang kaklase ko na maingay sila at nagchi-cheer, sa akin ay tahimik. Hinanap ng mata ko si Allen at nakita na wala sa akin ang tingin niya.
“A pleasant morning everyone. I will start with questions, is freedom obtainable for everyone? What is the essence of freedom? Before you answer me, I will tell you why I don’t think freedom is given to everyone…”
Inilagay ko ang sarili ko sa bawat sa salita na sinasabi ko. I connected it to the times that I could not go out of the mansion. Iyong panahon na nagmamakaawa pa ako sa magulang ko na palabasin ko. I told them how a child like me was so curious about how the world evolved for every one of us. Nawala na sa isip ko na walang nakikinig sa akin noong una dahil sa utak ko ay mga pusa at aso ang kausap ko.
“Now tell me your answer, what is the essence of freedom? Thank you.” I ended up with a question. Agad akong tumingin kay Ma’am. She was slightly smiling while nodding her head.
“That’s such a nice piece, Miss Vicencio. Can I ask for your paper? Pwedeng ipakita ko ito sa co-teachers ko, malay mo ay maisipan ka nilang isali sa essay writing contest. I can also endorse you to try public speaking. May club ka na ba na sinalihan?”
Muntik ng sumabog ang puso ko sa tuwa dahil nagustuhan niya ang sinabi ko. May iilan sa mga classmates ko ang pumalakpak.
“I am sorry po, hindi ko alam kung saan ko po nailagay ang papel ko. What I did was an impromptu speech. I am sorry to disappoint you, Ma’am, but believe me or not, I did my essay.”
Akala ko ay magagalit siya pero hindi. “Ganoon ba? Kaya mo ba na isulat within this day ang sinabi mo? Sorry, nagandahan lang ako.”
Mabilis akong tumango bilang sagot. Wow, everything turned out pretty well!