Kabanata 8

1971 Words
My eyes remain on Althea. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay nakasimangot na ito. Kinakausap siya ng mga kaibigan pero hindi siya kumikibo. “Paano mo nagawa ‘yon?” manghang tanong ni Allen nang maupo ulit ako sa tabi niya. Nagkibit-balikat ako at ngumiti na lang sa kaniya. Lumabas lang lahat ng iyon sa bibig ko. Masaya ako na maganda ang kinalabasan. Nang matapos ang klase ay nagmamadali kong ipinasa kay Ma’am ang essay ko. Bumalik ulit ako sa room at nakahinga ng maluwag dahil naroon pa si Althea. Inaayos niya ang mga gamit niya. I know she can see me approaching me but she is turning a blind eye. “Althea, pwede ba kita makausap?” maingat ko na tanong. Umangat ang tingin niya sa akin. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. “Tungkol saan?” she said in a tone that was unfamiliar to me. Halatang hindi siya natutuwa sa ginawa kong paglapit sa kaniya. “Itatanong ko lang ‘yong paper na ipinasa mo kay Ma’am… sa akin ba ‘yon?” I tried my best not to sound offending but I think my question itself is offending. I bit my lower lip. Lalong tumaas ang isang kilay niya. Marahas niyang pinulot ang bag saka ibinagsak sa upuan. Napakislot ako sa pinaghalong gulat at pagtataka sa ikinikilos niya. “Sinasabi mo ba na kinuha ko ang papel mo?” Wala sa sarili na humawak ako sa sarili kong palda. Pinilit ko pa rin na ngumiti sa kaniya. “H-Hindi naman sa ganoon pero parehong-pareho–” “So, sinasabi mo nga na kinuha ko? Tingin mo ba hindi ko kayang gumawa ng sa akin?” Mabilis ako na umiling sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin pero siguro ay mali lang ang pagkakatanong ko. I shouldn’t have asked her because now she got the wrong idea. “No, that’s not what I mean–” Nahigit ko ang hininga ko nang humakbang siya palapit sa akin. Her eyes are burning while directly looking at me. Ngumisi siya sa akin saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Baka nakakalimutan mo, bago ka lang rito? Charlotte Vicencio, sino ka sa tingin mo?” Natulala ako. Panandalian kong nakalimutan kung bakit ko ba kinailangan na kausapin siya. Bahagyang siyang humalakhak nang makita na hindi ko mahanap ang mga salita na sasabihin ko sa kaniya. She once again looked at me from head to toe before leaving me dumbfounded alone in the classroom. Napahawak ako sa isang upuan dahil pakiramdam ko at bumigay ang tuhod ko. Ngayon ay pinagsisihan ko na itinanong ko pa iyon. Isa pa naman siya sa gusto kong makalapit dahil mukhang masaya silang magkakaibigan. Now, I don’t know anymore. She seems scary and uptight. Bagsak ang balikat ko na umuwi. Hindi kami magkasabay ni Danica dahil may video shoot sila para sa isang subject nila. Pagdating sa bahay ay wala rin akong tao na naabutan. Tahimik ako na pumasok sa kwarto. Habang inaalis ang butones ng blouse ko ay hindi ko mapigilan na isipin ang nangyari kanina. Hindi niya inamin na siya ang kumuha, hindi rin naman niya itinanggi, ano ba talaga? Nasa panghuling butones na ako at akmang huhubarin na sa katawan ko ang uniform nang may sumigaw. “Ay, tang–ano ba?!” Agad kong ibinalot muli sa akin ang uniform ko. Palingon ko ay bahagyang hinahangin-hangin ang kurtina na tanging tabing lang ng kwarto. Yakap-yakap ang sarili ay lumabas ako. Naabutan ko si Tristan na nakatayo sa gilid habang nakahawak sa kaniyang sentido. “Tristan?” marahan kong tawag sa kaniya. Iniangat niya ang tingin sa akin. “May kailangan ka sa kwarto?” Mukha siyang problemado. Agad na pinalandas niya ang tingin sa katawan ko pero umangat din naman sa mukha ko. I blink a few times, waiting for his answer. Umiwas siya ng tingin. “M-Mamaya na, magbihis ka na muna. Sa susunod mag-ingay ka pagdating mo galing school. Nasa likod lang ako ng bahay naglalaba, akala ko ako pa rin mag-isa rito sa bahay kaya hindi na ako nagtanong kung may tao.” Dahan-dahan akong tumango sa kaniya bago muling pumasok sa kwarto para magbihis. Paglabas ko ulit ay wala na siya. Naglakad ako papunta sa likod ng bahay at nakita siya roon na naglalabas. Naglakad ako palapit. “Tapos na–” “Púta–ginulat mo ako!” singhal na naman niya. Nagtataka ko siyang tinignan. Magugulatin ba talaga siya? “Tapos na ako magbihis, pwede ka na pumasok sa kwarto.” Nakasimangot pa rin siya bago inalis ang bula sa kamay niya at tumayo. He was manually washing his clothes? Wow, paano iyon? Tinignan ko ang nilalabhan niya, mga uniform niya. So, he has no class every Tuesday. Ginawa ko sa sala ang mga assignment ko. Tapos na ako nang umuwi si Manang Teresita galing palengke. Sumunod naman din si Danica. “Alam mo, Miss, kailangan mo na talaga ng cell phone! Ang daming nagtatanong sa akin tungkol sa ‘yo. Akala nila nagjo-joke lang ako kapag sinasabi ko na wala kang social media dahil wala kang cell phone.” Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Sa mga kaklase ko rin ay maraming nagtatanong ng username ko sa social media pero wala naman akong masabi dahil wala akong cell phone. Kahit si Allen ayaw maniwala na wala akong cell phone. Umismid si Tristan. Napatingin ako sa kaniya, nakatingin lang siya sa kaniyang pagkain. Ano na naman ang problema niya sa ‘kin? “Hayaan mo, hija, kapag nakaluwag-luwag tayo ay ibibili kita ng cell phone–’yong mumurahin na lang muna sa ngayon.” “Hindi… Hindi po ba nagpadala si Mommy o Daddy ng pera pambili? I mean… it is unlikely of them not to send everything that I need.” Natigilan silang lahat. Maging si Danica ay tumango-tango na rin bilang pagsang-ayon sa tanong ko. Sandali na umiwas ng tingin si Manang bago ibinalik muli sa akin at ngumiti. “Hija–” “Senyorita, alam mo kung anong nangyari sa magulang mo. Panigurado na alam mo rin kung bakit ka nandito–iyon ay ang protektahan ka habang inaayos ang gulo sa inyo. Sa tingin mo ba ay makakabuti na may gadget ka na maaring magamit ng kalaban ng magulang mo laban sa kanila?” I was lost for words. Hindi ko inaasahan na maiisip niya ang ganoon dahil nakilala ko siya na panay ang sita o reklamo sa ginagawa ko. I hate to admit it but he has a huge point. Kung tutuusin ay makakaya akong bilhan ng magulang ko ng latest na brand ng sikat na cell phone, laptop, at iba pa na makakapagpagaan ng buhay k. Yumuko ako, hindi dahil sa wala akong matatanggap na kahit ano pero dahil nag-aalala na naman ako sa magulang ko. I am here living the life that I didn’t have before while they are there fixing the problem on their own. Bumuntong-hininga si Manang. “Hija, maaari ka naman na magkagamit ng ganoon, kailangan lang na maging maingat.” Nag-angat ako ng tingin at pinilit na ngumiti sa kaniya. “Manang, it’s okay. I don’t need it anyway. Ang rason lang naman kung bakit ko na magkaroon ng sariling cell phone ay para kumustahin ang mga magulang ko. Pero kung tumatawag naman sila sa ‘yo, pakisabi na lang po sa akin.” Mabigat ang loob ko hanggang sa matapos kaming kumain. Nauna akong kunin ang mga pinggan, gusto kong tumulong sa gawaing bahay. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan na maghugas ng pinggan, maglaba, o kahit maglinis man lang ng bahay dahil ayaw ng magulang ko. Sinasabi lang nila kung papaano gawin pero hindi nila pinasusubok sa akin. “Ako na ang maghuhugas, Miss,” sabi ni Danica. Umiling ako. “No, I can do it.” “Sigurado ka? Kaunti lang naman ang huhugasan, mabilis lang kung ako–” “Ikaw na mismo ang nagsabi, kaunti lang–kaya ko na ‘to.” “Pero–” “Danica, hayaan mo siya. Mabuti naman at naisipan niya na tumulong sa gawaing bahay.” Napatingin ako kay Tristan na pinupunasan ang lamesa. Tinaasan niya ako ng kilay kaya umiwas ako ng tingin. “Kaya ko na,” paninigurado ko kay Danica. Bago niya ako lubayan ay tinuro niya ang mga gagamitin ko, ang sponge, sabon, at tubig na pangbanlaw. Nang ako na lang mag-isa sa lababo ay nagsimula na ako. Nangunot ang noo ko dahil ayaw matanggal ng kanin na dumikit sa pinggan. Isinantabi ko na muna iyon, ang inuna ko ay mga baso. Mabilis lang hugasan dahil walang dumi. Sinunod ko ay ang kaldero, mas malala pa ito dahil ayaw matanggal ng kanin na tumigas na. Umiling ako bago iyon ilagay sa gilid, ihuhuli ko na lang muna. Mga kutsara at tinidor na muna. “Anong ginagawa mo?” “Oh, goodness!” gulat kong sigaw. Nanlaki ang mata ko na napatingin kay Tristan na nakakunot ang noo habang nakatingin sa hugasin. Hindi mapaniwaka ang mukha niya na pinulot ang isang pinggan na puno ng sabon pero may pinaghalong kanin at kulay orange na galing sa ulam namin. Kinuha niya rin ang baso na may kanin sa loob. “Ano pa ba ang ine-expect ko? Kahit paghugas ng pinggan ay hindi ka marunong. Tabi, ako na ang maghuhugas.” My pride couldn’t take it. “Marunong ako, Tristan. Hindi pa ako tapos kaya ganiya. Doon ka na.” Hindi ako umalis sa tapat ng sink kahit na bahagya niya akong tinutulak para siya ang pumwesto. I stand firmly. Kinuha ko ang ang sponge para hindi siya makapagsimula na maghugas. “Sabing ako na,” giit niya. Inilayo ko sa kaniya ang sponge na hawak ko dahil akma niya iyong kinuha sa akin. “Aba? Ilang linggo ka pa lang rito pero tumitigas na ng husto ang ulo mo.” “I am not being stubborn, I took the initiative to wash the dishes.” Bahagya ko siyang binundol. Nagulat pa ako sa ginawa kong iyon. “Sorry,” maagap kong sabi. “Kung hindi naman maayos ang gawa mo, uulitin ko lang din. Mahirap kami pero dapat malinis ang mga gamit namin. Magkakasakit pa kami dahil sa balahura mong paghuhugas, eh.” Suminghap ako. “What’s balahura? Hindi balahura ang hugas ko, hindi pa lang kasi ako tapos.” Sa huli ay natalo siya. Bago niya ako lubayan ay nilagyan niya ng tubig ang kaldero, ibabad daw para mabilis matanggal ang kanin. “Unahin mo rin hugasan ang baso, sunod ay kutsara’t tinidor, pinggan naman pagtapos. Ihuli mo ang malalaki tulad ng kaldero at kawali. Huwag mong kalimutan na banlawan na muna ang pinggan bago sabunan para hindi humalo ang natirang pagkain sa sabon. Ayusin ko, iche-check ko ‘yan pagtapos mo.” Kaya ngayon ay hinuhugasan ko ang mga pinggan na parang nasa isa akong test at gusto kong makakuha ng perfect score. Nang matapos ako ay nakalapit na rin siya agad. Akala ko ay ipapaulit niya pero okay na raw. Siya na ang naglagay ng mga iyon sa lagayan. Naghilamos na ako kasama si Danica at pumasok na rin sa kwarto para matulog. Kasama ko ulit si Danica at Manang dahil sa kabilang kwarto si Tristan. Dahil kurtina lang ang harang ay nakikita ko mula rito ang ilaw sa sala. Panigurado na naroon ginagawa ni Tristan ang mga projects niya. Tumagilid ako ng higa. Pinanood ko ang anino ng kamay ni Tristan sa ibaba ng kurtina na gumuguhit. Hindi ko namalayan na iyon na ang naging dahilan para hilahin ako ng antok. I wish nothing but the goodness. Sana bukas ay maayos na ang lahat. Sana ay maging maganda ang mga susunod na araw. Sana ay paggising ko, nasa mansyon na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD