Kabanata 10

2006 Words
Sobrang maga ng paa ko paggising ko kinabukasan. Bahagyang nagkulay violet pa ito dahil sa nangyari at kung hindi ko magalaw kahapon ay mas lalo na ngayon. “Huwag ka na muna kayang pumasok, hija? Baka mapano ka pa kung pipilitin mo ang sarili mo.” Nanlumo ako sa narinig ko. Kahit gustuhin ko man na pumasok ay hindi ko rin naman kaya kahit na pilitin ko ang sarili ko. Mabuti na lang ay natatandaan ko na wala kaming ibang gagawin kung hindi ay discussion. “Kung iyon po ang makakabuti sa akin,” nalulumbay kong sagot kay Manang. Sabi niya ay kung hindi pa mababawasan ang sakit bukas o kaya naman mamayang hapon ay ipapatingin niya na ang paa ko. Ayaw ko naman dahil hindi ko pinasabi kina Mommy at Daddy kaya ibig sabihin ay wala siyang matatanggap na pera pampa-consult sa doctor. “Wala naman ba kayong gagawin? Gagawa ako ng excuse letter para ipabigay natin kay Danica.” Saka ko lamang naalala ang pag-nominate sa akin ng mga kaklase ko bilang senior high representative. Sabi ng guro ay i-add niya kami sa group chat, paano niya naman magagawa iyon kung wala akong phone? Hindi bale na, maayos naman si Althea kaya siguro ay para sa kaniya ito. Nakakapanghinayang pero wala naman akong ibang magagawa. Pumasok na si Danica dala ang excuse letter. Si Tristan naman ay kaninang madaling araw pa bumyahe para sa pasok niya. Kaming dalawa na lang ni Manang ang naiwan sa bahay at alam ko na dapat ay nasa palengke siya ngayon. “Manang, okay lang po ako rito. Magpapahinga lang ako, pwede niyo naman ako na iwan na lang muna—” “Naku, hindi pwede. Mukha lang payapa at tahimik dito pero maraming masasamang tao. Kapag nalaman nila na mag-isa ka lang dito ay baka kung anong isipin nila na gawin sa ‘yo.” Kahit anong pilit ko ay hindi siya pumayag. Nagluto siya ng pagkain namin at dinadala niya sa kwarto kung nasaan ako dahil hirap ako na maglakad. Kulang na nga lang din ay subuan niya ako. Pagtapos kong kumain ay hinila na ako muli ng antok, nagising na lang ako ng mga hapon na. Tinignan ko ang orasan, alas-tres pa lang pala. “Ang aga mo ngayon?” rinig kong tanong ni Manang. “Hindi nagpasabi ang isa naming prof na wala pala kaming klase. Dalawang klase lang ang napasukan ko ngayon,” si Tristan. Kaya pala maaga siya ngayon. Mostly, gabi na siya nakakauwi dahil kailangan niya pa na bumyahe. Nakakatuwa na diretso uwi siya pagtapos ng klase niya at hindi na kung saan-saan nagpupunta. Alam ko rin kasi nag-aalala lagi si Manang sa kaniya lalo na tuwing papasok ito dahil kailangan niya bumyahe. Hindi rin siya mapakali kapag wala pa siya rito at panay ang tawag sa kaniya. “Kumain ka na muna bago magpahinga,” I tried moving my feet but to my surprise, it still hurts. The pain became unbearable whenever I moved it. Napadaing ako ng mahina dahil sa ginawa kong paggalaw. Ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong kasakit na pakiramdam. “Iyong senyorita natin? Pumasok?” sunod na tanong nito kay Manang. I purse my lips. Pinaghalong sakit ng paa at asar ang nararamdaman ko. Talagang senyorita na ang tawag niya sa akin kahit na medyo matagal na ako rito. “Nasa kwarto nagpapahinga, kawawa nga dahil habang natutulog ay umuungol sa sakit. Dahil na kaya natin siya sa hospital mamaya para maipatingin sa doctor?” Hindi ko alam na pati sa pagtulog ay dumadaing ako. “Kaya pala hindi kayo napasok sa palengke?” “Oo, alam mo naman na nag-aalala rin ako sa batang ‘yon.” Wala na akong ibang narinig. Hindi ko tuloy alam kung pumayag siya na dalhin ako sa hospital o hindi. Maiintindihan ko naman kung hindi siya pumayag dahil gastos lang din. Panigurado naman na mawawala na rin ang sakit bukas. I once again fell asleep. Nagising ako dahil sa marahan na paghawak sa noo at leeg ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Kahit pagmulat ng mata ay hindi ko magawa. “s**t,” rinig kong bulong ng kung sino. “Danica! Tumawag ka ng tricycle, dalhin na natin ‘to sa hospital.” “Anak, anak, mauna na kayo. Aasikasuhin ko ang mga dadalhin na gamit kung sakali na ma-confine siya, Tignan mong mabuti, ah?” Naramdaman ko na laang ang pag-angat ko sa higaan. Maliit kong naibuka ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Tristan na diretso lang ang tingin. May mumunting butil na pawis sa gilid ng kaniyang noo. He looked stressed but it didn’t change the fact that he is handsome. “W-Where are we going?” tanong ko nang nasa loob na kami ng tricycle. Nakaalala pa rin siya sa akin kahit na pareho na kaming nakaupo. “Hospital,” simple ng sagot. “Kuya, huwag masyadong mabilis, ah. Hindi naman sobrang emergency. Check niyo pa rin ang daan.” “H-Hindi naman kailangam, pwede naman na uminom na lang ako ng gamot. Mag-aalala lang sina Mommy at Daddy—” “Pwede manahimik ka na muna? Mamatay ka na sa sobrang init, iyan pa rin ang iniisip mo. Kung mamatay ka sa tingin mo pag-aalala lang ang mararamdaman nila?” I purse my lips. He’s gone too far. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin pero ito na naman siya at gumagawa ng sarili niyang conclusion sa sinabi ko. Nanahimik na lang ako. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa hospital. Ramdam ko pa rin ang sakit ng paa ko kaya nang mapansin niya na nahihirapan ako ay binuhat na naman niya ako. Umiwas ako ng tingin dahil ngayong ko lang na-realize na sobrang lapit pala ng mukha namin sa pagbuhat niya sa akin ng ganito. Mabilis naman ako inasikaso ng mga nurse. Una nilang tinignan ang injury ko sa paa. Tinanong din nila ako kung saan pa ang masakit kaya sinabi ko ang balakang ko. Napansin nila nila ang ilang gasgas sa katawan ko kaya pinaliwanag ko na nahulog ako sa hukay. Pinahiga nila ako sa hospital bed para mabalot ang injury ko sa paa. Kinakabahan kong tinignan na nakahalukipkip at nakamasid lang sa kung ano ang ginagawa ng mga nurse. I bet he is interested in one of the nurses. Pansin ko rin ang pagsulyap-sulyap ng mga ito sa kaniya. “Relax lang, Miss, ah. May discomfort ka na mararamdaman pero mawawala rin kapag nabalutan na natin.” Tumango ako bilang sagot. I took a deep breath, preparing myself for the burst of pain. I winced and grunted softly when they held my foot. Napapikit ako at humigpit ang kapit sa bedsheet. Namasa ang mata ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ko magawa na tignan ang ginagawa nila, ni hindi ko rin masabi na huminto na muna sandali dahil hindi ko kaya ang sakit. “Wait lang po, sobrang nasasaktan siya. Pwedeng bigyan natin siya ng interval para makabawi man lang sa sakit?” rinig kong tanong ni Tristan sa kaniyang malalim na boses. Huminto ang nurse na naglalagay ng gauze sa paa ko. Dumilat ako para tignan pero mahaba pa ang kanilang kailangan na ilagay. My lips quiver because I want my Mommy or Daddy beside me. Sigurado ako na kung isa ang sakanila na nandito ay mababawasan ang sakit. “Hey,” tawag sa akin ni Tristan. Nakaupo na siya sa upuan na nasa tabi. Napatingin ako sa kaniya. Namamalikmata yata ako pero nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mata. “Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya, hihinto ang nurse sandali.” Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. “C-Can… Can I hold your hand?” wala sa sariling tanong sa kaniya. I think that was what I needed the most. I want someone to hold my hands and I will imagine that my parents are holding me instead. Sandali siyang hindi nakasagot bago tumango. Siya na mismo ang humawak sa kamay ko nasa gilid. “T-Thank you,” Pumikit ulit ako at nagpatuloy ang nurse. I tried imagining my parents that they were holding me, but the image of Tristan’s concern looked plastered instead of my parents. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Tristan, hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa hindi pamilyar na pintig ng puso ko. Lalong nagkaroon ng kakaiba sa loob ng aking tiyan nang bahagyang humahaplos sa akin ang hinlalaki niya habang hawak pa rin ang kamay ko. It is calming. Naalis ang lukot ng mukha ko dahil wala na akong ibang maramdaman kung hindi ang marahan na paghaplos niya sa kamay ko. “Tapos na, Miss. Ang cute ng kapatid niyo, Sir.” Agad akong dumilat. Tinignan ko ang nurse na nakangiti sa aming dalawa pero iba ang ngiti niya kapag kay Tristan siya titingin. “Hin—” hindi ko natapos ang sasabihin ko. “Salamat,” sagot niya sa nurse. Hindi ko alam pero bahagya akong nakaramdam ng inis sa kaniyang isinagot. Paniguradong sinagot niya iyon dahil tipo niya ang nurse at ayaw niyang may isipin itong iba tungkol sa amin. Pero kahit… hindi naman kami magkapatid. Ako na mismo ang nag-alis ng pagkakahawak niya sa akin. Umupo ako sa hospital bed para makita ang paa ko. Hindi na masyadong masakit lalo na ngayon na may gauze na ang injury ko. “Hindi ka mako-confine ngayon, may inireseta na lang na gamot na iinumin mo,” paliwanag niya. “Salamat, sasabihan ko si Manang na kausapin ang magulang ko para may pambili ng gamot ko,” sagot ko na hindi man lang siya tinitignan. “Bibilhin ko na ngayon para mainom mo na. Stay here.” Tinignan ko siya na lumayo para bumili. Sarili niya lang talaga ang sinusunod niya at wala ng iba. Dahil ba mas matanda siya kaya sa akin? Parang balewala lahat ng sinasabi ko sa kaniya. Dumating siya ay madala na siyang gamot at pagkain. Pinakain na muna niya sa akin ang dala niyang pagkain bago ako pinainom ng gamot. Ngayon din kami aalis dahil hindi ko naman kailangan na ma-confine. “Sigurado ka ba na aksidente ang pagkakahulog mo?” kuryosong tanong niya habang palabas kami ng hospita. Nasa wheelchair ako at siya ang nagtutulak. I gulped hard. “O-Oo, sigurado ako.” “Alam ko maarte ka dahil anak mayaman kaya hindi ko maintindihan kung bakit pupunta ka sa lugar na iyon kung nasaan itinatapon ang mga basura. Hindi pwede na nandoon ka lang dahil gusto mo. May nakakaaway ka ba sa school? Siya ang kikitain mo sa roon?” I hate to admit it, but his analysis skills are good. How did he come up with that? Ibang-iba kung paano sila mag-isip ni Danica. “No, you’re wrong. May kikitain talaga ako at hindi kaaway. Do I look like I will fight with someone?” “Aba, hindi ko alam. Ang alam ko lang ay wala kang laban sa kanila, senyorita ba naman. Tignan mo nga, hindi ka pa nagtatagal sa school na iyon ay nadisgrasya ka na.” What does he mean by ‘wala akong laban’? He is underestimating me now, ha. Hindi na lang ako sumagot sa kaniya hanggang sa makasakay kami sa tinawag niya na tricycle. Gabi na kaya malamig na ang simoy ng hangin. Hindi na tumuloy sina Manang dahil siguro nasabi na ni Tristan na hindi ko kailangan na ma-confine. Inalis niya ang suot na jacket para ibigay sa akin. Ayaw ko pa na tanggapin dahil pakiramdam ko ay may sasabihin na naman siya. “Hindi naman malamig,” turan ko. Umangat ang isa nitong kilay. “Kung hindi malamig bakit nagsisitaasan ang balahibo mo?” Hinaplos ko ang braso ko para pababain ang tumayo kong balahibo kaya lang ay malamig talaga. Siya na mismo ang nagpatong sa harapan ko ng jacket niya. Buong byahe ay nakatingin na lang siya sa kaniyang phone. Nakuha niya siguro ang numero ng nurse kanina. Nevertheless, I am thankful to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD