Isang linggo ang lumipas bago ko tuluyan na mailakad ang na-injured kong paa. Isang linggo rin ako na hindi nakapasok. Sa tulong na rin ng mga gamot na ininom ko ay napabilis ang aking recovery.
“Birthday ni Javier mamayang uwian, sama ka, ah?” sabi sa akin ni Danica.
Pareho kaming naglalakad papasok sa school. Panay nga ang tingin niya sa paa ko na parang handa siyang buhatin ako kapag dumaing ako sa sakit.
My eyes widened. “Talaga? Then I should buy a gift. Ano ba ang mga gusto niya?”
Umiling siya kasama ng kamay niya na kumumpas. “Hindi na kailangan, kahit batiin mo na lang siya.”
I made a face. “Kahit na. I should give him something.”
Nang makarating sa room ay nakuha ko agad ang atensiyon ng lahat. Some are wondering, some are concerned, and most of them look like they don’t care–Althea is one of them.
I smiled shyly at them before walking to my seat. Naroon na si Allen na nag-aalala ang mukha.
“Okay ka lang? Nabalitaan namin ang nangyari sa ‘yo. Kung sana ay naghintay pa ako ng mas matagal, hindi ka sana napahamak.”
Umiling ako sa kaniya. “No, you shouldn’t be sorry. Hindi mo naman kasalanan kung bakit ako nahulog.”
But still, his expression didn’t change. Naiilang na nga ako dahil halos ayaw niya akong lubayan ng tingin. Umupo na ako sa pwesto ko at may iilan pa rin na nakatingin sa akin. I guess they are curious about whatever happened to me.
Naging normal naman ang klase ko buong araw. Tinanong lang ako ng mga teacher kung kumusta ako. Hindi na rin ako nakasali sa elimination para makapili ng senior high representative, si Althea na ang nakuha. I have nothing against it. Kung para sa akin, para sa akin.
“Saan ka nakatira?” tanong ni Allen. Ang linya kasi namin ang naiwan para linisin ang room bago umalis.
“Malapit lang. Nilalakad ko lang pauwi. Ikaw?”
Kinuha niya ang eraser para burahin ang nakasulat sa board.
“Sumasakay ako ng jeep, isang sakay lang. Malapit ka lang? Hindi ka na siguro nagigising ng maaga.”
I chuckled. “Nagigising pa rin naman ako ng maaga. By the way, how much is the fare when you take a jeepney to school?”
Natigilan siya sa pagpupunas. Amusement is visible in his eyes.
“Hindi ka pa nakasakay ng jeep?” manghang tanong niya.
“Hindi pa,” nahihiya kong sagot.
“Talaga? Bakit mayaman ba kayo?”
“Ang magulang–”
“Joke lang. Alam ko naman na hindi. Kasi kung mayaman ka, wala ka sa public school, nasa private school ka,” aniya saka pinagpatuloy ang pagpupunas.
I sighed. He has a point. Nandito ako dahil iyon ang gusto ng magulang ko. I can afford to go to private schools but because of our situation, I can’t.
“T-Tama ka,” mahina kong sagot.
Nang matapos kaming maglinis ay sabay rin kami na lumabas ng room. Ramdam ko ang kakaiba sa tingin ng iba naming kaklase. They will look at us and then proceed to whisper something to their friend.
“Hindi mo pa talaga na-try na sumakay ng jeep? Bakit naman?”
“Hindi naman kasi kailangan. We have a–I mean, l-lagi kaming sumasakay ng tricycle.” I am sorry for lying.
Tumango-tango siya. “Gusto mong subukan?”
That sounds so tempting.
“Ngayon?”
“Hindi naman. Kapag wala tayong pasok, pwede tayong pumasyal sa bayan. Ano, game ka ba?”
Nanginig ang buong kalamnan ko sa excitement. I badly want to try new things. Simula ng nakapunta ako rito ay wala na akong ibang napuntahan kung hindi school at bahay ng kaibigan ni Danica. Dumagdag lang ang hospital, gabi pa ako nakapunta.
“Sure!” excited ko na sagot.
Hindi mabura ang ngiti ko hanggang sa makauwi. Naabutan ko si Danica na bagong ligo. Sumunod na rin ako sa pagligo dahil birthday ngayon ni Javier. I wore the white sleeveless flowy dress that Manang Teresita bought me. Tuwing sinasabi niya na nagpapadala ang magulang ko ay bumibili siya ng mga gamit ko.
Nauna akong natapos kay Danica. Naupo ako sa upuan sa sala at pinanood na lang siya sa kaniyang ginagawa. She is putting a lot of stuff on her face. Nakuryoso ako lalo na dahil lalong nadepina ang kaniyang kagandahan sa suot niyang makeup.
“Gusto niyo subukan?” bigla niyang tanong. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kaniya.
“Can I?” alanganin kong tanong.
“Oo naman po! Ano ba ang gusto mo?”
Ibinigay niya sa akin ang isang pouch na puno ng makeup. Lahat ng iyon ay wala akong alam na gamitin. Tuwing birthday o may celebration lang ako nalalagyan ng makeup sa mukha, ibang tao pa ang gumawa. Wala naman akong pakialam dati, pero ngayon ay parang gusto kong matuto.
Kumuha ako ng cotton buds para makakuha sa kaniyang lipstick. I find it hygienic to use someone’s personal belongings which is why I need to do this. Sa susunod ay bibili ako ng sarili kong akin.
“Woah, lipstick lang pero lalo kayong gumanda! Mas nagmukha kayong mature, Miss.”
Ngumiti ako sa kaniya. “You too, you look like a goddess.”
Pinamulahan siya ng mukha. “Si Miss, binola pa ako.”
Nilakad lang din namin ang papunta kina Javier. Malayo pa lang kami ay naririnig ko na ang ingay ng malakas na musika at pagkanta. Pagdating namin ay may karamihan ang tao. May nakalabas na maraming lamesa sa tapat ng kanilang bahay.
“Uy! Ang tagal niyo naman? Hello, Charlotte! Oh? Naka-lipstick ka? Oh, my! Bagay sa ‘yo! Red is your color.”
“Salamat, Elena.” She also looks beautiful while wearing her simple shirt and shorts.
It feels surreal to see people wearing their comfortable clothes at this kind of event. Sa amin kasi ay hindi pwede. Lahat ay nagpapagandahan ng mga suot, at nagpapakintaban ng mga alahas.
Sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng bahay para hanapin si Javier. Kahit sa loob ng bahay nila ay maraming tao. I felt the excitement rushing through my veins.
Matagal na akong kuryoso kung paano ba mag-celebrate ng birthday ang ibang tao. Ngayon na nararanasan ko na ay hindi ko mapigilan ang excitement ko. The loud talking, bombing music, and the smiles on their faces, make me giddy. Halos nagkakabanggan ang lahat sa tuwing may naglalakad pero imbis na mainis ay tumatawa ang mga ito sa isa’t isa.
May nakikita rin ako na kumakain kahit saan–may nakayo at nakaupo.
“Hoy, Javier! Happy birthday!”
Lumawak ang ngiti ko ng lumalit sa amin si Javier. Kumamot ito sa batok niya na parang nahihiya. Nahuli ko ang tingin niya, nagkulay kamatis ang kaniyang tenga.
“Happy birthday, ‘tol!” si Elena.
“Happy birthday, Javier.” Sabay abot ng regalo ko sa kaniya.
May maliit na clothing store sa school kaya doon ako bumili ng damit. Maganda ang mga damit at mura lang.
Nahihiya niya iyon na tinanggap. “Uy, nag-abala ka pa. Salamat!”
Iginaya niya kami papunta sa kusina para doon kumain. Umuwi raw ang mga magulang niya galing ibang lugar ngayong birthday. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Javier sa tuwing ipakikilala niya ang magulang sa mga bisita.
How I wished I had this kind of happiness before.
Even the food tastes amazing. Nakailang balik din ako dahil sobrang sarap.
“Sino ang kasintahan ng kapatid ko sa inyo?” tanong ng Kuya ni Javier.
Natawa kaming tatlong babae habang si Javier ay kamatis na ang kulay sa sobrang hiya.
“Kuya, wala akong girlfriend!”
“Kung ganoon boyfriend ba ang gusto mo? Hindi naman ako magagalit, kung sakali.”
“Hindi ako bakla, pa. Ano ba ‘yan si Kuya, ang kulit. Isusumbong kita kay Papa, tignan mo.”
We had a good laugh and good food. Pagtapos naming kumain ay lumabas kami sa tapat ng bahay para sa kantahan. First time kong makakaranas ng ganito. Papalubog na ang araw nang lumabas kami pero halatang nagsisimula pa lang ang kasiyahan. Sumasakit na ang panga ko sa sobrang pagtawa at ngiti.
“Kumakanta ka?” tanong ni Javier. May hawak siyang malaking parang libro, songbook daw ang tawag.
“Hindi ko pa nasubukan, hindi rin ako marunong kumanta.”
“Ano ka ba? Hindi ako naniniwala na hindi ka marunong kumanta. Anong paborito mong kanta?”
I shrugged. “I have none, hindi ako maalam sa mga kanta.”
“Hoy, JV, pahiram ng songbook!” Hinablot ni Elena ang songbook na hawak ni Javier.
“Ang aggressive mo! Akala mo naman makaka-100 ka.”
“Watch and learn,” ngisi nito.
Elena is a good singer. Kahit si Danica ay marunong din kumanta. Pero para sa akin ang pinakamagaling sa kanilang tatlo ay si Javier. His voice sounds angelic and cold at the same time. Parang may sariling paraan ang boses niya para kilitiin ka.
Hindi ko maalis ang atensiyon kay Javier habang kumakanta siya. Nakatingin din siya sa akin habang kumakanta.
“Nandito si Tito,” bulong sa akini Danica. “Kasama niya mga tropa niya.”
Napalingon ako sa mga bagong dating, isa na roon si Tristan. Agad silang lumapit sa pwesto namin, kung nasaan si Javier.
“Happy birthday, bunsoy! Binatang-binata na, ah.”
“Salamat, salamat! Kain na muna kayo sa loob bago kayo mag-inom. Wait, tawagin ko si Kuya.”
Naunang naupo ang mga lalaki sa lamesa na walang tao. Kaya lang ay nagpaiwan si Tristan kung nasaan kami. Nakita ko ang pagsiko ni Elena kay Danica. Ah, oo nga pala, may crush siya kay Tristan.
“Anong oras kayo uuwi?” tanong niya kay Danica bago tumingin sa akin. He eyed me from head to toe. Hindi ko mapigilan na ma-conscious sa itsura ko.
“Mamaya pa, nagkakantahan pa kami, eh. Sabay na lang kami sa ‘yo.” Si Danica ang sumagot.
Umiwas na lang ako ng tingin. Naiilang ako dahil tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko kung paano ko hiniling sa kaniya na hawakan ang kamay ko. At hindi pa ako pormal na nakakapagpasalamat sa kaniya. I don’t know but I find everything difficult when it comes to him. Para kasing may malaking pader na nakapalibot sa kaniya at piling tao lang ang pwedeng makapasok.
“Hindi ako iinom. Sabihan niyo ako kung tapos na kayong kumanta para makauwi na rin tayo.” Sabay alis niya papunta sa table nila.
“OMG! Parang lalong gumwapo ang Tito mo, Danica! Willing talaga akong maging Tita mo.”
Pareho kaming natawa ni Danica sa sinabi ni Elena. She has a huge crush on Tristan.
Bumalik na si Javier at nagpatuloy siya sa pagkanta. Panay pa rin ang puri ko sa kaniya at panay naman ang tanggi niya. Naiwan kaming dalawa sa table nang umalis si Danica at Elena para kumuha ng pagkain namin.
“Subukan mo rin kumanta, mamaya ay kukunin na ng mga tropa ng kuya ko ang mic at songbook.”
“Sorry, I really don’t know how to sing.”
Gusto kong subukan pero nahihiya ako. Paano na lang kung bigla akong pumiyok? That’s embarrassing. Lalo na at ang gaganda ng boses nila.
“Huwag kang mahiya, tayo-tayo lang naman ang nandito. Sige na, ako pipili ng kanta tapos sabay natin na kantahin.”
He put the song's number. ‘Gitara’ ang title ng kanta. I don’t know the song but the beat sounds fun.
“Game? Madali lang ‘to sabayan.”
Siya ang unang humawak ng mic.
“Bakit pa kailangang magbihis.
Sayang din naman ang porma.”
Kusa akong napangiti sa kaniya. Maging siya ay bahagyang nakangiti sa akin.
“Lagi lang namang may sisingit.
Sa twing tayo'y magkasama.
Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo–”
Biglang namatay ang music nang ipapasa na sana sa akin ni Javier and mic. Naging black ang screen ng videoke.
“Oh, sorry, napatid ko yata ‘yong saksakan,” paumanhin ni Tristan. Sinaksak niya ulit pero hindi na na-save ang kanta, parang na-reset.
“Okay lang, Kuya. Ako na magkakabit.” Lumapit doon si Javier para siya na ang mag-ayos.
Nagtama ang tingin sinimangutan ko siya kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. He went near me.
“Mukhang masaya ka, ah?” tanong niya, nahimigan ko ang pagkasarkastiko noon.
“Yes, because it is my friend’s birthday.” And you are ruining it, muntik ko ng maidugtong, mabuti at napigilan ko ang sarili ko na sabihin.
Tumango-tango siya. “Talaga? Sulitin mo na dahil ikaw nakatoka na maglinis ng cr bukas,” sabi niya saka ako iniwan na nakaawang ang labi sa gulat dahil sa sinabi niya.
Seriously?!