Kabanata 12

2137 Words
Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Nanatili akong nakatayo sa labas ng cr na tanging tolda lang ang tabing. Hindi naman marumi ang banyo dahil laging nililinisan pero sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan na maglinis. “Ano pa hinihintay mo? Iyon ang brush, ‘yon ang sabon, pinag-igib na rin kita ng tubig. Aba, baka magreklamo ka pa po, senyorita?” Ang isang kamay niya ay nasa bewang habang ang isa naman ay pinagtuturo ang mga binabanggit niya. Kinalma ko ang sarili ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Hindi naman ako nagrereklamo,” I said, almost gritting my teeth. How can I calm down? Wala pang araw ay pinagising na niya ako kay Danica dahil kailangan ko raw linisin ang cr. I still haven’t brushed my teeth yet! “Mabuti naman kung ganoon, magluluto na ako ng almusal.” Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay. “Wait, Tristan!” pigil ko sa kaniya. Inis siyang humarap sa akin. “Ano na naman?” Pinakita ko ang kamay ko sa kaniya. “You should give me gloves.” Lalong nagsalubong ang kilay niya. Kinamot niya ang isang kilay. Why? What’s wrong? Nakikita ko ang mga katulong namin noon na laging may suot na gloves kapag nililinisan ang cr ko o kaya naman ang mga sink. “Nakita mo ba ako na nagsusuot ng gloves kapag nililinis ko? Walang gloves, maghugas ka na lang pagtapos.” Iyon na ang huling sinabi niya saka ako tinalikuran. I stomped my feet due to frustration. Hindi ako maarte but how can I clean this using my bare hands? I can’t imagine the bacteria and germs! Baka magkasakit pa ako ulit. Hindi ako nagrereklamo sa trabaho–I need gloves! Halos inabot ako ng isang oras, mabuti na lang ay tinulungan ako ni Danica. Pagtapos ko nga ay paalis na si Tristan para pumasok. Our gazes met, and he smirked when he saw me covered with sweat. “Pinaglinis ka lang ng banyo, hindi pinagbuhat ng construction materials.” “Anak! Ano ba ‘yan? Charlotte, hija, pasensiya ka na, ah. Na-late ako ng gising.” Manang Teresita looks and sounds apologetically. Nakangiting umiling ako sa kaniya. “You shouldn’t be sorry. Iyon na lang po ang maari kong gawin para makatulong sa gawaing bahay.” After I said, we heard a loud clap. Tatlo kaming napatingin kay Tristan. He was smiling ear to ear. Sinimangutan ko siya. “Maganda ‘yan, senyorita. Bravo!” Parehong napailing si Danica at Manang Teresita sa turan niya. Ako naman ay hindi malaman ang magiging reaction. Is he for real? Lagi na lang siyang may nasasabi kapa tungkol sa akin. The compliment is not even genuine to begin with. “Pumasok ka na nga, mahambalos pa kita.” Natatawang umalis si Tristan dahil sa sinabi ni Manang Teresita. Hanggang sa makaalis siya ay hindi maalis sa utak ko ang mapang-asar niyang itsura. Matagal na niya akong pinagdidiskitahan pero patagal nang patagal ay dumarami rin ang gusto kong sabihin at gawin sa kaniya bilang ganti. I know it is not good that is why I am restraining myself. “Sa tingin ko nababaliw na si Tito dahil sa dami niyang ginagawa. Hayaan mo na siya, Miss, makakaganti ka rin.” Hindi na lamang ako sumagot at naligo na para pumasok. Pagdating ko sa school ay kumpleto na sila. Nakasabay ko pa ang isang guro papasok kaya tinakbo ko na talaga ang room. “Muntik ka ng ma-late,” puna ni Allen. I chuckled. “Naglinis kasi ako ng cr namin,” pag-amin ko. Nalukot ang mukha niya na parang nandidiri. Tinignan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko. “Bakit ikaw ang naglilinis? Bakit hindi ang mama mo? Saka bakit ka naman maglilinis gayong may pasok ka?” sunod-sunod ang naging tanong niya. Nawindang ako sa dami ng kaniyang tanong. “Well, hindi ko rin alam. Inutusan lang ako, pero hindi naman ako nagrereklamo na pinalinis ang cr. Maliit na bagay lang iyon.” Hindi pa rin siya makapaniwala na naglinis ako ng cr. What’s amusing about it? Akala ko normal lang ang paglilinis ng cr. I may not be used to it but I know that the bathroom should be always clean. Sumapit ang Sabado at nagpag-usapan namin ni Allen na ngayong araw magkita para maipasubok niya sa akin na sumakay ng jeep. May pupuntahan din daw kami. Sa tapat kami ng school magkikita. “Oh, saan ka punta?” nakangiting tanong ni Danica. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Nasa hapag kainan sila ng kaniyang Tito Tristan–nagda-drawing ito at nakatanod lang si Danica sa kaniya kaya hinila ko siya papasok sa kwarto. “Put some makeup on me,” I said. Alam ko na namumula ako lalo na dahil ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko. “OMG! May ka-date ka, ano?” kinikilig niyang tanong. Mabilis akong umiling pero lalo lamang nag-init ang mukha ko dahil sa reaksiyon niya. Ganito ba talaga? Date agad ang nasa isip kapag naisipan na lumabas o makipagkita sa isang tao? “I-I don’t know. Sabi niya lang ay sasamahan niya ako na subukang sumakay sa jeep kasi sabi ko hindi ko pa nasusubukan. He also added that we’ll go somewhere. Is it considered a date?” Naitakip niya ang palad sa bibig niya at tumango ng mabilis. Hindi ko mapigilan na ngumiti. So, if someone asks me to go out, it’s a date. Hindi ko alam na ganoon pala. But why would Allen ask me on a date? Does he like me? Pero wala naman siyang sinasabi. “H-Hindi ako sigurado, Danica, wala naman siyang binabanggit sa akin.” Nagulat ako ng hampasin niya ako sa braso. “Ano ka ba, Miss? Ako na ang nagsasabi, date ‘yan! Ano naman ang mapapala niya kung gusto ka lang niyang samahan na ipa-experience ang jeep? Pwede mo naman na gawing mag-isa pero mas pinili niya na samahan ka.” Naihawak ko ang dalawang palad sa magkabila kong pisngi. Nagtitili si Danica habang yinuyugyog ako. I didn’t know that. Ngayon ay hindi ko na tuloy alam kung paano aakto kay Allen. Do I like him? I am not sure but I was happy when he told me that he would go with me. Big deal sa akin dahil siya ang una kong naging kaibigan sa school. “Anong iniingay niyo? Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko, panay kayo tili.” Nakapasok ang ulo ni Tristan, nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin. “Wala! Wala!” Lumapit sa kaniya si Danica at tinulak siya palayo. “Doon ka na nga!” “Tsk! Sungit!” rinig kong sabi niya sa labas. Pagharap muli sa akin ni Danica ay nakangiti na siya. “Upo ka, Miss, lalagyan kita ng makeup pero kaunti lang.” I remained still while she was doing my makeup. Hindi naman ako nababahala dahil alam ko na marunong siya. I have seen her wearing beautiful makeup that she had done herself. “Done! Hindi ko kinapalan. Simple lang ang nilagay ko. Lipstick, blush on, at pilik mata lang ang inayos ko. Maputi na ang mukha mo kaya hindi na kita nilagyan ng foundation, saka hindi rin naman kasi pareho ang shade natin. Kahit naman kita ay maganda na ang mukha mo, lalo lamang gumanda ngayon.” Binigay niya ang salamin sa akin. I was amazed at how it turned out. I look simple but elegant. Ibang-iba sa nakasanayan kong lagi na mine-makeup sa akin ng mga hina-hire ni Mommy. I prefer this kind of makeup–simple. “Thank you, Danica. Mauuna na ako, ayaw kong ma-late lalo na wala akong phone pang-text sa kaniya or pang-call.” “Sige, sige, gusto mo hatid kita?” Umiling na lamang ako bilang sagot. Sabay kaming lumabas ng kwarto. Sa akin agad napunta ang tingin ni Tristan. I saw how his lips slightly opened. Nilingon ko si Danica. “Alis na ako, babalitaan kita pag-uwi ko.” Malaki ang ngiti niya na tumango sa akin. Humakbang ako palabas ng bahay. Wala na naman si Manang kaya hindi ako makagpaalam sa kaniya. “Teka!” Nahinto ako sa paglabas. Mariin akong napapikit nang marinig na naman ang boses niya. “Saan ka pupunta, aber?” he asked, his right eyebrow slightly rose. “Nowhere, diyan lang,” simple kong sagot kaya lang ay may lahi siyang kakulitan. “Diyan lang pero nakaayos ka ng ganiyan?” kuryoso niyang tanong. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re meeting with a boy, huh?” Bahagya akong napasinghap nang marinig siyang nagsalita ng Ingles. Ito ang unang beses na marinig ko siya. His voice is deeper when speaking English, as well as his accent is… sexy. “Huh? Anong boy? Kaklase lang niya kikitain niya, hindi ba, Miss?” Pinanlakihan ako ng mata ni Danica. I gulped before nodding. “Y-Yes, I am meeting with a… friend.” Halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Why does he care by the way? Ano naman kung makipagkita ako sa kahit sino? Hindi ko naman siya pinakikialaman sa mga lakad niya. Wala nga akong pakialam kung makipagkita siya sa maraming babae. “A friend that is a boy.” Bigla siyang nagseryoso. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita ulit. “Senyorita, wala naman akong pakialam kung lumabas ka kasama ang kahit sino, pumunta kahit saan, at umalis ng bahay anumang oras. The thing is, you are not in your mansion. Nandito ka sa amin, kaya kung may mangyaring masama sa ‘yo, kami ang magkakaroon ng kasalanan.” Parang huminto ang paligid ko habang seryoso siyang nagsasalita. Every word that he speaks makes sense. The way he talks–you will already know that he is an intelligent man. May kung ano lang sa klase ng pagsasalita niya na gusto ko. He speaks with precision and clear diction. “But seriously, I’ll be meeting with a friend. No need to worry about getting blamed if something happens to me.” Hindi ko na siya hinintay na magsalita, lumabas na ako ng bahay. Paglabas na paglabas ko ay napahawak ako sa dibdib ko. The beat is unfamiliar. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o na-e-excite. Pagdating ko sa school ay naroon nga si Allen. Tulad ng ginawa ni Tristan, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya ring umawang ang kaniyang labi at hindi agad nakapagsalita. “May igaganda ka pa pala, akala ko todo na ‘yong nakikita ko sa school.” “Thank you.” Tulad ng ng sinabi niya, sumakay kami ng jeep. Hindi ko maisara ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. Pati ang paraan kung paano pahintuin ang jeep kapag bababa na ay nakakamangha. I want to try saying ‘para’ later when we go home. Nagpunta kami sa perya kung saan maraming rides. Ayaw kong magsalita ng kakaiba o nakaka-offend pero parang super low budget siya ng Enchanted Kingdom. Nevertheless, it is worth it. “Para!” sigaw ko. Napatingin ako kay Allen na nakangisi sa akin. Bumaba ulit kami sa school. Hanggang school lang daw niya ako maihahatid daw malayo ang lalakarin niya papunta sa sakayan ng jeep. “Tara rito,” hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila sa may eskinita sa tabi lang ng school. “Nag-enjoy ka ba?” May ngiti sa labi akong tumango ako. Nagulat ako ng ilagay niya ang tikas kong buhok sa likod ng tenga ko. It was a nice gesture but I am not comfortable with it. “Mabuti naman ganoon kasi masusundan pa ng maraming beses,” sabi niya. “Yes, salamat sa pagsama sa akin na ma-experience ang jeep. I owe you a lot.” Umangat ang dulo ng labi niya. “You owe me a lot? Pwede ko na ba singilin ngayon?” Kumunot ang noo ko sa pagtataka. I was a little disappointed about it. “Ha? Ano naman ang ibabayad ‘ko?” He leans forward. May kakaiba sa klase ng tingin niya. Namumungay ang kaniyang mga mata. Bahagya akong napaatras dahil sobranv lapit niya na. May ibubulong yata siya kaya inilapit ko ang ulo ko sa gilid ng mukha niya para marinig ko ng mabuti. “Ano ‘yong sasabihin mo?” kuryoso kong tanong. I could feel his hot breath on my ear. Medyo nakaliti ako kaya lumayo ako ng kaunti kaya lang ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inilapit sa kaniya. “Akala mo may ibubulong ako? Actually, gusto kitang hali–” “Senyorita!” Sabay kaming napalingon ni Allen sa lalaking sumigaw. Galit na galit ang mukha niya dahil sa sobrang pagkakakunot. Mabilis din na nagtataas baba ang kaniyang dibdib dahil sa hindi normal na paghinga. What is he? A mushroom? My goodness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD