“Kaibigan pala, ah.” He did not say anything on our way home which is why I thought he did not care but he said that as soon as we got inside the house.
Agad akong sinalubong ni Danica nang makapasok ako. Kinuha niya pa ang dala kong shoulder bag.
“Anong nangyari? Bakit nakasimangot ka? At bakit sabay kayo ni Tito umuwi?”
Nanatili ang tingin ko kay Tristan. Nakatayo na siya ngayon sa lamesa habang nakapamaywang. Bahagyang nakataas din ang isang kilay niya na parang naghihintay ng kung ano sa akin. Napansin ko ang hawak niyang plastic na may lamang lutong ulam. Siguro ay nasa labas siya kasi bumili siya ng ulam.
“Malungkot siya kasi naantala ko ang moment nila ng boyfriend niya,” si Tristan ang sumagot.
Namilog sa akin ang mata ni Danica. Napahawak siya sa balikat ko at bahagyang pinisil iyon.
“Hindi ko boyfriend si Allen!” I debunk him. “And we are not doing whatever your mind saw.”
“Talaga lang, ha?” Nalipat sa kaniya ang tingin ni Danica. “Ano? Nag-uusap lang kayo? Sa eskinita pa talaga?”
“Kasi iyon ang totoo.” Napunta ulit sa akin ang tingin ni Danica. “Nag-uusap lang talaga kami tapos bigla kang dumating. Hindi niya tuloy nasabi ang sasabihin niya.”
His facial expression told me that he would not believe anything I said.
“Nahiya na nga ‘yong personal space sa sobrang lapit niyo.” Tumingin si Danica sa kaniya. “Sobrang lapit niyo, nag-uusap? Sabihin mo na lahat, senyorita, paniniwalaan ko ang nakita ko.”
“Pero—”
“Hep!” He stopped me. “Ayaw ko na makarinig ng pagtanggi mo. Nahuli na kita pero nagsisinungaling ka pa, ah.”
Hindi ko na napigilan na umirap sa kaniya. Narinig kong suminghap si Danica sa tabi. Pumikit-pikit si Tristan nang makita ang pag-irap ko sa kaniya.
“Okay, fine! Believe your lies. Eh, ano naman kung nakikipaghalikan ako sa kaibigan ko? Don’t be such an angel. Alam ko na mas marami ka pang nahalikan na babae kaysa nahalikan ko na lalaking sinasabi mo, hindi ka lang nahuhuli.”
Natahimik ang buong bahay. Kung maghuhulog ngayon ng karayom ay paniguradong maririnig naming lahat. Saka ko lamang na-realize ang sinabi ko. Namilog ang mata ko. Nagmamadali akong tumakbo papasok ng kwarto.
What have you said, Charlotte?! That was so disrespectful.
Sumunod na pumasok si Danica sa kwarto. Nakaawang ang kaniyang labi na hindi makapaniwala. Inihanda ko na ang sarili ko sa galit niya sa akin dahil sa nasabi ko sa kaniyang Tito kaya lang ay nagulat ako nang mag-thumbs up siya sa akin at nakangiting tumango-tango.
“Woah, hindi ko alam na may tinatago ka palang tapang, Miss. Naku, tama lang ‘yong sinabi mo. Ako malalagot mamaya pero deserve naman ‘yon ni Tito.”
“Pero Danica, hindi ko sinasadya ang sinabi ko. Should I say sorry? Galit ba ang Tito mo?”
Umiling siya. Hinila niya ako paupo sa papag. “Wala ka namang ginawang kasalanan. Totoo naman ang sinabi mo. Ang lakas niyang makialam pero mas malala pa ‘yan. Saka, hindi naman siya mukhang galit, natulala lang.”
Pinanghawakan ko ang sinabi ni Danica. Nang dumating si Manang ay nagtawag na para kumain. Ayaw ko pa sana na lumabas pero pinilit ako ni Danica at huwag daw akong mag-alala.
Paglabas ko ay naabutan ko na ang mag-ina sa lamesa. Naupo si Danica sa harap ng kaniyang Lola kaya ako ngayon ang nasa harapan ni Tristan. He was not looking at me. Ang tingin niya ay nasa kaniyang pinggan.
“Bakit ang tahimik niyo? May nangyari ba?” kuryoson tanong ni Manang sa amin.
“W-Wala naman po,” ako ang sumagot habang nakatingin kay Tristan na tahimik na kumakain.
“Ganoon ba? Ano kayang nakain nitong dalawa at tumahimik? Hindi ako sanay.”
Kahit ako ay hindi sanay na tahimik silang magtito. Habang kumakain ay panay ang sulyap ko kay Tristan. Kahit isang segundo ay hindi niya ako tinignan kaya naisip ko na galit nga siya sa akin.
“Ako mauuna maligo,” malamig niyang sabi sa amin ni Danica.
Nang lumabas na siya ay nagkatinginan kaming dalawa. Kahit siya ay nagtataka sa inaasta ng kaniyang Tito.
“Sabi sa ‘yo galit siya, eh.” Nakaramdam ako ng kahihiyan at pangamba.
“Ano kayang acting ‘yon, hindi niya bagay. Hayaan mo, kung galit man si Tito, hindi rin ‘yon magtatagal.”
I knew it, nagalit nga siya. Hindi ba dapat ako ang magalit? He keeps on saying that I did something when it isn’t the truth. Ako ang ayaw niyang pakinggan noong una. Wait, am I justifying what I said? What I said is ultimately wrong. Kung sa akin niya sasabihin iyon ay kahit ako magagalit.
Nang matapos siya ay kami naman ni Danica ang sumunod. Pagtapos namin ay diretso agad kami sa kwarto. Nadaanan namin si Tristan na nasa sala at nagda-drawing na naman.
Nakahiga na ako’t lahat pero hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa naging turan ko kanina. Kahit ako ay nabigla rin. How could I say that to the person who took care of me when I was feeling unwell? Paano ko iyon nasabi sa tao na kahit hindi ako gusto rito ay pinatuloy pa rin ako.
Hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala. Tulog na si Manang at Danica sa ibaba ng papag. Napatingin ako sa labas, may ilaw pa at gumagalaw ang anino niya—gising pa siya.
Dahil hindi rin ako makatulog ay bumangon ako at lumabas. Agad na napunta sa akin ang tingin niya pero sandali lang at gumuhit na ulit. Portrait ng baby ang ginuguhit niya, isa siguro sa commission na tinanggap niya.
Naglakad ako sa likod niya kung nasaan nakalagay ang mga tasa. Kumuha ako at nagtimpla ng gatas. Dala ang tasa ay naupo ako sa katapan na upuan niya. Napatingin na naman siya pero segundo lang.
“A-Ang ganda, kamukha na nang ginagaya mo,” I said with a trembling voice.
Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng paumanhin sa kaniya kaya ko nasabi iyon. Well, his drawing is indeed nice.
Hindi niya ako pinansin, nagpatuloy ang kamay niya sa pagguhit. Mariin akong napalunok.
“How much for you to draw me? I’ll pay, promise.”
Parang wala siyang naririnig. I sighed, and he looked at me. Nagulat pa ako na tumingin siya sa akin dahil lang bumuntong-hininga ako.
“Bakit gising ka pa?” nakakunot ang kaniyang noo.
I looked at him innocently. Tinuro at kinuha ko ang tasa ng gatas at uminom doon. “Ouch!” I said when it burned my tongue.
“Tsk!” rinig kong singhal niya. Umiiling-iling siya at nagguhit ulit.
“I am sorry, Tristan…” wika ko sa mahinang boses.
Nakita ko ang paghinto ng kamay niya sa paggalaw. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
“I did not mean… Well, maybe I mean it but I should not have said it. It was disrespectful and… straight-out ill-mannered. Naiintindihan ko kung hindi mo tatanggapin ang sorry ko but—”
“Why are you saying sorry?” takang tanong niya. “Ako dapat,”
“Ha?”
“Sabi ko, ako dapat ang mag-sorry. Kung iyon ang nakikita mo sa akin, na maraming babae, ibig sabihin hindi ako naging maganda na role model sa inyo ni Danica. I should practice what I preach.”
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Ibig sabihin… hindi siya galit sa akin? Then why was he quiet?
“But still–”
“Okay lang, hindi ako galit. Paano ko magagawang magalit kung ikaw na ang galit?” Pareho kaming natigilan sa sinabi niya. “I-Ibig kong sabihin… medyo totoo naman sinabi ko kaya bakit ako magagalit sa totoo?”
“A-Ah, ganoon ba? T-Thank you.”
Tuluyan na niyang ibinaba ang hawak na lapis. Kung kanina ay hindi siya nakatingin sa akin, ngayon naman ay nasa akin na ang buo niyang atensiyon. Para akong matutunaw sa klase ng pagtitig niya. Parang mas gusto ko na hindi siya nakatingin sa akin dahil hindi ako makakilos ngayon para humigop ulit sa gatas ko dahil sa tinigin niya.
“Pero may tanong ako,” he said.
“Ano?”
“Boyfriend mo ba ‘yong kanina?” alanganin niyang tanong.
Iyon ang tanong niya? Akala ko naman kung ano na. But why is he so curious about it? Sinabi ko na sa kaniya kanina na kaibigan ko lang si Allen.
“Allen is my friend. Siya ang una kong nakausap noong mga unang araw ko sa school.”
Kumunot na naman ang noo niya. “Kaibigan pero bakit para kayong naghahalikan kanina?”
Uminit ang magkabila kong pisngi. “Siya ang lumapit sa akin, akala ko may ibubulong siya kaya–”
“Ibubulong sa eskinita,” rinig kong bulong niya kaya lalo akong nahiya. Kaya pala ibang klase na lang ang pagsasalita niya kanina dahil mukha naman talaga kaming ibang ginagawa ni Allen. “Gusto ka ng lalaking iyon. Kakausapin ko bukas si Danica na huwag kang pakainin ng kahit anong kahibangan.”
Ayan na naman siya, galit na naman.
“Paano mo nasabi na gusto niya ako?” takang tanong ko.
Inilagay niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Alam ko na gusto ka noon. Nakita mo ba ‘yong itsura niya noong dumating ako at naudlot ang gagawin niyang paghalik sa ‘yo? Woah, nagsitaasan ang balahibo ko. Saka, sa daming lugar na pwede ka niyang bulungan ay bakit sa eskinita pa? Lalaki rin ako kaya alam ko.”
Ngumuso ako. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. “Edi nagawa mo rin ‘yon? Nagdala ka rin ng babae sa eskinita dahil gusto mo siyang halikan?”
‘What? No! Cheap ang galawang ‘yon.”
“Ksasabi mo lang na lalaki ka kaya alam mo.” Pumikit-pikit ako, naitampal naman niya ang kamay sa kaniyang noo.
“Lalaki ako kaya alam ko ang intensiyon niya pero hindi ko sinabi na ginawa ko na. Ah, basta, makinig ka na lang sa akin para wala tayong problema.”
Dahan-dahan na lang din akong tumango. Ayaw ko rin naman na kaaway ko siya, lalo na kapag hindi siya nagsasalita. Hindi kasi ako sanay.
Kinabukasan ay naging maayos ang lahat. Madaldal na ulit si Tristan pero madalas niya pa rin akong asarin. Pagtapos niya nga akong palinisin ng banyo ay pinaglampaso niya ako. May binigay siyang floorwax na ginamit ko at ilang beses akong natumba sa sobrang dulas. Tutulungan niya ako na tumayo pero may kasamang tawa.
“Wala ka talagang phone? Hindi tuloy kita makausap tuwing weekends, lalo na sa gabi.” Monday na ulit ngayon at iyon ang bungad sa akin ni Allen.
Nginitian ko siya bago naupo sa upuan ko. “Bakit mo naman ako kailangan kausapin sa gabi? Nag-uuusap naman tayo ng madalas dito sa school.”
“Iba kasi ang usapan sa gabi, Charlotte. Mas nakikilala natin ang isa’t isa sa gabi.”
Ganoon ba ‘yon? Kaya ba laging nakatutok sa phone si Danica lalo na sa gabi?
“Bakit hindi na lang natin kilalanin ang isa’t isa sa tuwing magkasama tayo? Hindi ba mas maganda ‘yon?” nakangiti ko pa rin sabi pero nabura dahil ginulo niya ang kaniyang buhok.
“Fine, mamaya magkita tayo sa likod ng school.”
Gusto ko pa na tanungin kung bakit sa likod pa namin kailangan na magkita kaya lang hindi ko na naitanong dahil naglagay na siya ng headphone at pumikit. Inalis niya lang noong kinalabit ko siya dahil dumating na ang teacher.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ako kinausap ni Allen. Hindi rin niya ako inaya na kumain ng lunch kasama sila. Kaya alam ko na kailangan ko siya makausap. Naalala ko na bother talaga ako noong hindi ako pinapansin ni Tristan, ayaw ko rin na hindi ako pansinin ni Allen.
Nagpasama ang isa naming teacher sa faculty na dalhin ang mga gamit kaya naunang umalis si Allen. Pagkahatid ko ay dumiretso na rin ako sa likod ng school. Sinigurado ko na hindi na ako makakalapit sa hukay na naroon. Nang makita na natabunan na ay nakahinga ako ng maluwag. I think I developed a trauma in that pit.
“Allen?” tawag ko.
“Nandito na pala ang ahas,” rinig kong sabi ng isang babae.
Agad ko silang tinignan. Silang tatlo ay nakaupo sa may mga bato. Bawat isa sa kanila ay may hawak na sigarilyo. Napasinghap ako sa gulat.
“Althea…” bulong ko.
“Kilala mo naman pala ako. Alam mo rin ba na ayaw ko sa lahat ay inaahas ang pag-aari ko?”
Kahit naguguluhan ay humakbang ako palapit sa kanila. “Anong inaahas?” takang tanong ko. Napaupo ako nang malanghap ko ang usok na ibinuga ng isa nilang kasama.
“Matapang p’re, lumapit pa.” Sabay na natawa ang dalawa, si Althea lang ang hindi.
“Bakit kayo naninigarilyo… bawal ‘yan hindi ba?”
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang humakbang palapit sa akin si Althea. Agad na nasa likod niya ang dalawang kaibigan.
“Ito ba?” tukoy niya sa sigarilyo. “Parang maganda na gawin ng design ang damit mo.”
Nanlakia ng mata ko pero hindi ako nakakilos agad nang idikit niya ang baga ng sigarilyo niya sa manggas ng blouse ko. Nakita ko na nabutas iyon. Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kaniya saka lamang nagkalakas na lumayo.
“A-Anong ginawa mo?” tanong ko sa nanginginig na boses dahil sa nagbabadyang pag-iyak at sakit ng puso.
She made a sad face but it was obviously fake. “Aww, hindi ko alam na marunong pa lang umiyak ang ahas. Kailangan mo na malaman na ang sa akin ay sa akin.”
Mas lalo akong nagulat nang hawakan ako ng dalawang babae sa magkabila kong braso.