Kabanata 14

2183 Words
I groaned in pain when Althea slapped me really hard. Tumabingi ang mukha ko dahil sa ginawa niyang pagsampal. I felt the numbing pain. “Oh, iiyak-iyak ka ngayon? Hindi ka makuha sa tingin.” Nanlabo ang mata ko dahil sa luha. “I-I don’t know what you are talking about.” I cried harder when she was about to slap me again. Mariin akong napapikit, hinihintay ang gagawin niyang pagsampal ngunit ilang segundo na ang lumipas ay walang lumapat. Tanging maingay na pagtawa lang ang narinig. “Iyakin ampotek!” natatawang sabi ng isa. “Sampal lang iiyak ka na? Masyado ka sigurong spoiled ng magulang mo kaya ka ganiyan.” “N-No, please… Althea, please stop this…” Tumabingi ang mukha niya. Walang emosyon niya akong tinignan. Hinawakan niya ang panga ko at mariing pinisil iyon. I winced in pain. “Isang beses ko pa na malaman na nakikipagkita ka kay Allen sa labas ng school, hindi lang paso sa damit at sampal ang matatamo mo sa akin. Naiintindihan mo?” Kahit na hindi ko maintindihan ang nangyayari ay tumango ako. I just want to get out here. Natumba ako sa lupa nang bitawan ako ng dalawa. Lalo akong naiyak nang napaluhod ako at lumapat ang dalawa kong palad sa lupa. “Wala kang pagsasabihan nito. Kilala ko si Danica Ledesma, huwag mong balakin na magsumbong dahil pati siya ay madadamay sa pagiging ahas mo. Consider this as a warning, Charlotte Vicencio.” Nang mawala na sila sa paligid ay parang lalong nasagad ang lakas ko. Hindi agad ako nakatayo. Ramdam ko pa rin ang bigat ng palad niya sa kabilang pisngi ko. Napatingin ako sa blouse ko na may sunog ng sigarilyo—ito ang pinakamasakit sa lahat. Manang Teresita bought this for me. I remember being so happy because this is my first ever worn uniform. Bakit nila nagawa sa akin ito? Matamlay at wala ako sa sariling naglakad pauwi. “Oh, bakit nga—” Hindi ko pinansin si Tristan. Patakbo akong naglakad papasok sa kwarto. Pasalamat na lang ako dahil wala rito si Danica dahil paniguradong mag-aalala iyon kapag nakita niya na umiiyak ako. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad. This is new to me. They were so harsh and scary. Pinaniwala ko ang sarili ko na sa mga palabas at libro lamang nangyayari ang ganito. But now, it just happened to me. Ito ang unang beses na may manakit sa akin ng pisikal. What I don’t understand is the hatred in her eyes. Gusto niya si Allen pero bakit ako ang sinasaktan niya? Sa pagkakatanda ko ay wala akong ginagawang masama sa kaniya. Is she jealous of me? But why? “Senyorita?” Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig ang pagtawag niya. Sumampa ako ng kama at nagtalukbong. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bigat ng sampal niya sa kabilang pisngi ko. Hindi ko lang talaga maintindihan. “Charlotte,” ulit nitong tawag pero sa pangalan ko na. I did not answer. Hindi ko inalis ang talukbong. Nakaramdaman ko na lang na bahagyang gumalaw ang papag dahil sa pag-upo niya. Bakit kailangan niya pa na pumasok? “Anong nangyari?” tanong niya sa mahinanon na boses. Muli akong hindi sumagot. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Okay, sa labas na muna ako. Mamaya kailangan mo na lumabas para kumain.” Akala ko umalis na siya kaya inalis ko na ang talukbong ko kaya lang nagulat ako dahil seryoso siyang nakatayo sa tapat ng kurtina. Ang dalawang kamay niya ay nakahalukipkip. Bahagya siyang nakasandal sa hamba. Nagmamadali ulit akong nagtalukbong. “Nakita na kita. Bakit ka umiiyak?” “W-Wala… napuwing lang.” He snorted. “Napuwing pero magang-maga ang mata? May umaway ba sa ‘yo?” “Wala kang pagsasabihan nito. Kilala ko si Danica Ledesma, huwag mong balakin na magsumbong dahil pati siya ay madadamay sa pagiging ahas mo. Consider this as a warning, Charlotte Vicencio.” Muling nanumbalik sa akin ang nakatatakot na boses ni Althea. Inalis ko ang talukbong ko. Mabilis akong umiling sa kaniya. “Hindi! Walang umaaway sa akin.” Umangat ang isang kilay niya sa sinabi ko. “Masama na ba na umiyak ngayon?” tanong ko sa mahinang boses sabay yuko. “Wala akong sinasabi na masama. Sinong iiyak ng walang dahilan?” I purse my lips. Kahit papaano ay nahimasmasan na ako. Come on, Charlotte, mag-isip ka ng rason. “A-Ah, hindi kasi ako nakuhang representative sa school…” umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nababasa niya sa mata ko na nagsisinungaling ako. “May pasa ka sa magkabilang braso. Anong kinalaman niyan sa hindi pagiging representative? Cut to the chase, tell me the truth. Or else, ako ang pupunta sa school niyo para magtanong.” Hindi ko namalayan na muli na namang tumulo ang luha ko. Umiling-iling ako sa kaniya. “I-I can’t… hayaan mo na lang ako, Tristan. Please, don’t tell this to Manang or Danica.” Huminga siya ng malalim na tila nagpipigil ng galit. Muli akong yumuko para hindi niya makita ang pagluha ko. I know that I look so pathetic right now. I can’t even tell the truth to him. Ayaw ko lang na pati si Danica ay madamay. “Sige, hindi ko sasabihin.” “Talaga?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. “Punasan mo’yang luha mo. Hintayin mo ako, bibili ako ng yelo para mailagay sa pasa mo.” I nodded at him. “T-Thank you, Tristan.” Nang umalis siya ay inayos ko ang sarili ko. Mabilis na akong nagpalit ng damit. Tinago ko ang blouse ko dahil baka makita ni Danica o Manang. Saktong paglabas ko ng kwarto ay dumating na siya, may dalang yelo. Walang kangiti-ngiti sa mukha niya. Imbis na sa akin siya tumingin ay masama ang kaniyang tingin sa braso ko na parang may ginawang masama sa kaniya iyon. Pinanood ko siya na durugin ang yelo na binili niya at ibalot sa malinis na damit. Umupo siya sa upuan kaya umupo ako sa tabi niya. “Tumayo ka sa harapan ko para madampian ko ng maayos.” Sumunod agad ako sa kaniya. Tumayo ako sa harapan niya. Kahit na nakaupo siya ay halatang sobrang tangad niya dahil ilang inches lang ang lamang ko ngayong nakatayo ako sa harapan niya. “Move closer,” he demanded. Ibinuka niya ang hita niya kaya humakbang ako palapit sa kaniya. Ngayon ay nakatayo ako sa pagitan ng kaniyang mga hita. Tinignan ko siya, seryoso niyang nilagyan ng cold compress ang pasa ko. I didn’t know that I had bruises. Sobrang higpit pala talaga ng pagkakahawak nila sa akin. “You said that you won’t tell it to Manang and Danica, keep your promise.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Kung ganoon, may gumawa nga sa ‘yo nito at ayaw mong malaman namin? Sino? Kaklase mo? ‘Yong Allen ba?’ Bakit na naman nasali si Allen dito? Pero isa rin sa pinagtataka ko kung bakit wala si Allen gayong siya ang nagsabi na magkita kami sa likod ng school. Sa tuwing pupunta ako sa likod ng school ay lagi na lang akong napapahamak. “I-I don’t want to say it,” nahihiya kong sabi sa kaniya. “Bakit? Tinakot ka ng mga ‘yon na madadamay kami pagsinabi mo?” Napangsinghap ako sa sobrang gulat dahil paano niya nalaman iyon? Namilog ang mata ko sa kaniya. Para akong daga na nahuli niya sa patabong dahil lalong naging masama ang aura niya. Humigpit ang paghawak niya sa damit na may yelo. “Sinasabi ko na nga ba,” wika niya. “You are being bullied.” Hindi ako nakapagsalita. So, I am really bullied? May bully talaga ako? But why though? I showed nothing but kindness. “H-Hindi, binalaan niya lang ako. Iyong gusto niya kasi ay lagi kong kasama. Pangako, bukas na bukas ay lalayuan ko na ‘yon para hindi ako ulit umuwi ng ganit—” “Mas lalo mo akong ginugustong magpunta sa school niyo, hanapin ang gumawa nito sa ‘yo at gantihan siya. How can you be so smart and idiot at the same time? Naiintindihan ko na hindi ito ang kinalakihan mong buhay at pamumuhay pero wala silang karapatan na saktan ka at utusan sa kung ano ang dapat mong gawin.” Nakagat ko ang ilalim na labi dahil sa sinabi niya. But Danica… I don’t want them to hurt her. “Isumbong mo sila sa guidance office, o kung gusto mo ako ang pupunta—“ “No! Hindi ako magsusumbong,” naninindigan kong sabi. “Sabi nila, kapag naidala ka sa guidance office at malaki ang chance na ma-e-expell ka.” Sumandal siya sa upuan at hindi makapaniwal na nakatingala ng bahagya sa akin. “Ikaw na ang sinaktan, ikaw pa ang mabait? Ikaw lang ang kilala kong mayaman na ganiyan.” Naalala ko kasi ‘yong sinabi ni Allen na kaya sila nasa public school dahil walang tuition na binabayaran at halos average family at poor family ang mayroon sa mga nag-aaral dito. Yes, I know that Althe did and her friends are wrong and inhumane but I don’t want trouble for their parents. “Isusumbong ko na lang kapag inulit nila. Hindi ko kayang makita na mapaalis sila sa school, Tristan. Gusto ko ng tahimik na school life.” Bumuntong-hininga siya. “Dahil sa sobrang bait mo, maraming mang-aabuso sa ‘yo. Hindi lahat ng tao ay tulad ng mga nababasa mo sa fairy tale. Tandaan mo, kahit na ‘yong inaakala mong mabuti sa ‘yo at handa kang protektahan, maaring sila rin ang sasaksak sa ‘yo sa likod.” Naubusan ako ng sasabihin dahil sa sinabi niya. I never met someone who acts nice in front of me but secretly hates me. Iba naman si Althea dahil simula una pa lang ay alam ko ng hindi nila ako gusto. “Ikaw na ang humawak, susunduin ko sina Mama at Danica.” Ibinigay niya sa akin ang cold compress. The world I am dreaming of is a scary place. Hindi napansin ni Manang at Danica ang pasa ko sa braso dahil na rin nagsuot ako ng mahaba ang manggas na damit. I acted like nothing happened but every time I accidentally met his piercing eyes, I was turning into a coward. Kinabukasan ay nawala na rin ang pasa ko, maraming salamat sa tulong na ginawa ni Tristan. Balak ko nga sana na mag-thank you kinabukasan pero nakapasok na pala siya. Pagdating sa school ay tahimik akong naglakad papasok ng room. Agad nahuli ni Althea ang tingin ko. Using her lips, she pointed out the available seat on the third row. Huminga ako ng malalim at doon naglakad. Nakita ko pa si Allen na nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. “Nag-away ba kayo ni Allen?” tanong ni Patrick, ang bago kong seatmate mula ngayon. Umiling ako. “Hindi naman. Malabo lang ang mata ko kaya lumipat ako.” “Talaga? Nice. Sisipagin ako lalo na mag-aral.” The classes turned out nice and normal. Masaya katabi si Patrick at marami akong natututunan sa kaniya. He also knows how to draw. Nakikita ko sa likod ng notebook niya na puro iyon drawing ng cartoons. After our class, may iniabot siya sa akin. Punit iyon ng isang page ng papel at talagang ikinabilog ng mata ko ang nakita dahil ako iyon. He drew me! Naka-side ako at tahimik na nakikinig sa discussion. “Wow! Ang ganda!” manghang sabi ko at hindi maalis ang tingin sa papel. Kahit normal na lapis ang gamit niya ay nabigyan niya pa rin ng iba’t ibang shade ang portrait ko. Nahihiya siyang ngumiti sa akin. “Nagpa-practice pa lang ako pero thank you dahil na-appreciate mo.” “No, ako dapat ang mag-thank you. Ang ganda nito! Thank you, Patrick. Aalagaan ito.” Malaki ang ngiti ko na umuwi. Naabutan ko agad ang mag-tito sa hapagkainan. Muling may iginuguhit si Trista, isang family picture. Sobrang laki ng canvas na ginagamit niya. “May dalang donut si Tito. Magmeryenda ka na po muna,” ani ni Danica. Hindi ko siya napansin. Nagmamadali akong nagpunta sa tapat ni Tristan. Nakakunot na nag-angat siya sa akin ng tingin. Matamis akong ngumiti sa kaniya sabay lapag ng papel kung saan ako ang drawing. “How was it? Maganda ba?” excited na tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang papel na inilapag ko sa harapan niya. Tinitigan niya iyon ng may kunot sa noo. “Babae o lalaki?” tanong niya. “Ha?” takang tanong ko naman. “Iyong nag-drawing sa ‘yo, babae o lalaki?” Bakit kailangan niya pa malaman kung babae o lalaki ang drawing sa akin? “Lalaki, bago kong kaibi–” “Hindi maganda, pangit. Sabihin mo sa kaniya mag-practice pa siya ng mas maigi. Hindi ko nga alam na ikaw ‘to, eh.” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Maging si Danica ay nalaglag ang panga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD