HS – Kabanata 15
Days, weeks, and months passed like a whirlwind. Mahirap ngunit natuto na rin naman ako sa pamumuhay sa probinsiya. I can say that I got closer to a lot of people in the span of this long time with them. Palagi pa rin akong nagtatanong patungkol sa magulang ko, paulit-ulit lang din ang isinasagot ni Manang—na hindi pa rin tapos ng magulang ko ang kanilang tinatrabaho.
“Congratulations!” maligayang bati sa akin ni Elena at Javier.
Ayaw ko naman sana pero nagpumilit si Manang na maghanda kahit kaunti ngayong graduation ko.
“Thank you!”
Kaunti lang naman ang salusalo. This will be the simplest celebration that I will ever have. Kaunti lang ang handa pero alam ko na masarap dahil si Manang at Tristan ang nagluto. Tumulong din naman kami ni Danica pero madalas ay napapaalis kami dahil nanggugulo lang daw kami.
Iginaya ko silang dalawa sa hapagkainan. Binigyan ko sila ng plato at kutsara’t tinidor. Never in my life, I have ever imagined that I would be serving my visitors. Noon kasi ay may mga waitress na gumagawa noon para sa kanila.
“Hindi ka pa kakain?” tanong ni Tristan nang makasalubong ko siya. Inilagay niya ang isang jug ng juice na may yelo malapit sa lamesa para may mainom ang mga bisita.
Umiling ako. “Mamaya na lang, ikaw?”
He combed his hair using his fingers. Medyo basa ng pawis ang buhok niya dahil kaninang umaga pa siya kumikilos at panay ang utos sa kaniya ni Manang.
“Mamaya na lang din, sabay na tayo.”
Tumango ako at umiwas na rin ng tingin. Hindi ko masasabi na sobrang close kami, ramdam ko pa rin na may invisible barrier sa pagitan namin. Kumpara sa closeness namin ni Danica, walang-wala iyon. Siguro natuto na lang kami na pakisamahan ang isa’t isa. May bangayan pa rin pero alam niya na kung hanggang saan lang.
Makalipas ang ilang minuto ay nagulat ako nang dumating si Patrick. I invited him, but I didn’t expect that he would come. Pareho kaming graduate kaya malay ko ba na may handaan din sa kanila.
Nakangiting lumapit ako sa kanya. Bahagya ko siyang hinampas sa braso kaya tawang-tawa siya.
“Akala ko hindi ka pupunta!”
Patrick and I got closer starting when we became seatmates. I feel more at ease with him than when I was with Allen. Nagkakausap pa rin naman kami ni Allen pero dinidistansiya ko ang sarili ko. Noong una ay nagtataka siya hanggang sa nasanay na lang din. Ayaw ko man na iwasan siya pero takot ako na mangyari ulit ang nangyari noong nagpunta ako sa likod ng school.
His smile widened but his eyes screamed sadness. “Hindi naman umuwi si Mama kaya walang handa, kaya nagpunta na lang ako rito para makikain ng handa mo.”
I know that his mom is working abroad. Matagal na niyang hiling na sana umuwi na ito.
“Boyfriend mo, hija?” ngising asong tanong ni Manang nang mapadaan siya.
Namula naman ako sa hija kaya mabilis akong umiling. “Hindi po, kaibigan at classmate ko po. Patrick, si Manang.”
“Mano po,”
“Kaawaan ka ng Diyos. Sumabay na kayo sa lamesa kumain.”
Si Danica, Elena, at Javier ay pareparehong nakatingin sa kasama ko. Ito ang unang beses na maipapakilala ko sa kanila si Patrick bilang kaibigan ko. Ipinakilala ko sila isa-isa kay Patrick, and vice versa.
“Javier, busog ka na ba? Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo.” Napatingin ako kay Javier dahil sa sinabi ni Elena sa kaniya.
Mukhang matamlay nga ito. Nang mapansin na nakatingin kami halos sa kaniya at umayos siya ng upo. He cleared his throat.
“Siguro, kumain kasi ako sa bahay bago ako nagpunta rito.” Nasa akin ang tingin niya habang sinasabi iyon.
“Ganoon ba? Magmeryenda na lang ulit tayo mamaya kung busog ka na,” nakangiti kong sabi sa kaniya.
Hindi naman naging mailap si Elana at Danica kay Patrick habang kumakain kami. Panay nga ang tawa namin dahil laging nagjo-joke si Patrick. Sanay na ako sa kaniya pero lagi pa rin akong natatawa.
“Oh, ‘nak, hindi ka pa kakain?” rinig kong tanong ni Manang na nasa sala lang, kumakain na rin.
“Mamaya na ako, ma.”
Napalingon ako dahil sa matamlay din na boses ni Tristan. Nakatingin na siya talaga sa akin. Umangat ang isa niyang kilay na pinagtakhan ko. Lagi siyang ganiyan kapag naiinis siya sa akin o kaya naman naiirita siya.
Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa pagkain. Sa pagkakaala ko ay wala naman akong ginawa mali. Okay pa naman kami kanina. Siguro napagod lang siya? Siya rin kasi ang naglinis kaninang umaga ng buong bahay dahil utos ni Manang. Tumulong naman ako sa pagwawalis kahit papaano.
“Next week na pala ang birthday ni Charlotte, anong plano natin?”
Mabilis na napalingon sa akin si Patrick dahil sa sinabi ni Danica. “18 ka na niyan?”
Tumango ako. “Yes.”
“Woah, alam ko mag-e-eighteen ka na dahil sabay tayong magco-college pero hindi lang halata sa mukha mo. You look younger.”
Nakita ko kung paano ngumisi ang dalawang babae sa sinabi ni Patrick.
“Is that so? I want to look mature though. Ayaw kong napagkakamalan akong nasa junior high school pa rin.”
Matapos namin na kumain ay nagpagdesisyunan na magpunta kami sa Mahiwagang ilog. Sa tagal na naming gustong makapunta roon ay hindi natuloy-tuloy dahil naging busy kami lahat sa school, lalo na ako dahil kailangan kong asikasuhin ang mga requirements para sa college admission.
Until now I have no idea why my parents haven’t contacted me yet. Sabi ni Manang ay regular naman daw sila na nagpapadala para may magastos ako, hindi ko na lang tinatanong dahil gusto ko rin na makatulong.
“Hindi ka sasama?” tanong ko kay Tristan. Kumakain siyang mag-isa sa lamesa.
Umiling siya. “Bakit ako sasama? Gusto mo ba akong naroon?”
Napamaang ako sa sinabi niya. Tinatanong ko lang naman siya, bakit kailangan niya pa na tanungin iyon. Of course, I want him to be there, including Manang.
Magsasalita na sana ako kaya lang ay naunahan niya ako.
“Ako susundo sa inyo mamaya. Hanggang alas singko lang kayo.”
“Ang aga!” ungot ni Danica. Narinig niya pala ang sinabi ng kaniyang Tito. Nasa sala kasi sila.
“Kung ayaw niyo ng alas singko, alas tres pa lang susunduin ko na–”
Pinigilan ko siya. “Okay na kami sa alas singko.”
Naghanda lang kami ng madadalang pagkain. Dahil walang damit si Javier at Patrick ay nakiusap ako kay Tristan na pahiramin niya. Pumasok siya sa loob ng kwarto kaya sumunod ako sa kaniya roon.
Pahiga na sana siya. Namilog ang mata niya nang makita ako na nasa loob rin.
“Bakit?” kuryoso siyang tanong.
“Pahiram ng damit. Wala kasing dala si Javier at Patrick.”
Kumunot ang noo niya. “Ayaw ko nga,” agad niyang sagot.
I purse my lips. Why is he so madamot?
“Okay, fine. I’ll tell them na lang that they can go home naked because you–”
“Naked? Shutá! Hindi mo ba nakita ang katawan ng mga ‘yon kumpara sa akin? Magiging dress ang damit ko sa kanila. Saka, bakit hindi sila nagdala, magswi-swimming pala kayo?”
Malamang biglaan!
“You say too much, Tristan. Kung ayaw mo pahiramin, then fine.” Inirapan ko siya at umalis na ng kwarto niya.
Paalis na kami ng bahay nang humabol si Tristan. Iniabot niya ang paper bag kay Javier. Nagtama ang tingin naming dalawa, siya naman ngayon ang umirap sa akin bago pumasok ng bahay.
“Tito mo rin?” kuryosong tanong sa akin ni Patrick.
Natatawang umiling ako. “No… just a friend?” Ayaw ko rin naman sabihin na kuya ko siya dahil hindi naman. Friend is better.
“Friend? Hindi mo sila kaano-ano?”
Hinarao ko siya. Malamlam ang mga mata ko siyang tinignan. “They are part of my family, Patrick. It’s a long story but they helped me a lot.”
Hindi na muli siyang nagtanong. Nilakad lang namin ang sinasabi nilang Mahiwagang ilog. The shock was an understatement of what I felt when I saw the river.
“Wow,” manghang bulong ko.
May daan pababa sa mismong ilog. There is a signage saying ‘Welcome to Mahiwang Ilog!’. Mag mga signage rin na nagsasabi ng dapat at hindi dapat gawin.
Excited kami na nagpunta sa bakanteng cottage. Bilang lang ang cottage na narito, wala ring masyadong tao. Sabi nila puno ito sa kalagitnaan ng summer. Kaunti pa lang dahil nagsisimula pa lang ang bakasyon. We’re lucky to have this enticing river all for ourselves today.
Ibinaba lang namin ang mga gamit at nag-ready na sumulong sa tubig. I can’t remember the last time I swam. Dahil nasanay ako sa dagat ng naka-swimwear lang, bago ako pumunta sa tubig ay hinubad ko ang saplot ko maliban sa bra at panty. It doesn’t matter to me now if they are cheap or expensive swimwear, I just want to swim.
Natatawang lumusong ako sa tubig. The cold water quickly embraced me and that made me giggle more. Para akong kinikiliti ng tubig. Hindi maalat ang tubig tulad ng nakasanayan ko sa mga beach at island na napuntahan ko, mas masarap lumangoy sa ganito.
Nang mapansin ko na ako lang ang nasa tubig ay nilingon ko sila. Nakatulala sa akin si Danica at Elena. Parehong suot pa nila ang kanilang damit. Si Javier at Patrick naman ay nasa iba’t ibang direksiyon ang tingin habang parehong namumula. What’s wrong with them?
“Hey, hindi kayo maliligo? The water is nice and cold!” sigaw ko sa kanila.
Lumusong si Danica at Elena papunta sa akin. Nagtataka ko silang tinignan dahil hindi nila inalis ang kanilang damit.
“Miss, hindi kami sanay na naliligo sa ilog ng nakaganiyan lang,” nginuso ni Danica ang katawan ko. Bumaba ang tingin ko, sa sobrang linaw ng tubig at nakikita pa rin ang katawan ko.
“Saka conservative kasi rito. Mabuti na lang tayo lang ang nandito dahil kung hindi, sa ‘yo na lang nakatingin ang lahat. Lalo na sobrang ganda ng katawan mo.”
I chuckled. “Oh, my bad. Nasanay lang ako.” Nilingon ko ulit ‘yong dalawang lalaki na nasa malalim na parte ng tubig, makabilang direksiyon pa rin ang tingin nila. “Javier! Patrick! Mas masarap lumangoy dito sa malalim.”
We spent minutes soaking in the water. Kung ano-ano ring nilaro namin. Ngayon ko lang na-enjoy ang swimming. Mga pinsan kasi ay iba ang gustong gawin, mas adventurous. Kumusta na kaya sila?
Alas tres nang umahon kami para kumain. Pagkaahon na pagkaahon ko ay naglagay ng twalya sa balikat ko si Javier. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang thank you. Hindi na ako nagsuot ng damit dahil may twalya naman na nakapalibot sa akin.
“May girlfriend ba si Kuya Tristan?” Elena suddenly asked.
I eyed her while eating fried chicken. Hindi naman ako nagtataka na may girlfriend si Tristan. Sa tagal naming magkasama, maraming babae na akong nakita niyang kausap sa personal at phone. If I was right, he drew some of them. Idinadahilan niya lang na commission ang mga ‘yon.
“Oo yata, lagi na siyang may kausap sa phone gabi-gabi. Madalas ko pa nga siya na huhuli na umaalis, makikipagkita siguro.”
Minsan ko na rin siya na nahuli. Bakit tuwing tulog na kaming lahat saka siya umaalis?
“Hays! Bakit kasi ang tagal nating lumaki?! Third-year college na siya samantalang tayo high school pa rin? Balita ko maraming magaganda sa university!”
“Gusto mo ng spaghetti?” tanong ni Patrick na nasa tabi ko. Umiling ako.
“Asa ka, kahit college ka ngayon hindi ka magugustuhan ni Kuya Tristan. Kapag nagustuhan ka niya, maniniwala na ako sa gayuma,” natatawang sabi ni Javier na ikinatawa naming lahat.
“Che!” Namumulang inisa-isa kami ng tingin ni Elena. “Tingin niyo… joke, wala pala.”
“Nahiya ka pa! Syempre gagawin ‘yon ni Kuya Tristan at girlfriend niya. Ang tanda na kaya niya.” Si Javier ang nagsabi.
“Ew!” sabay na sabi ni Danica at Elena.
“Anong ew kayo diyan? Tanda niyo na ganiyan pa rin kayo mag-isip. Pustahan kapag nag-jowa kayo gagawin niyo rin.”
Kunot ang noo kong tinignan sila. “Ano ‘yon? Anong gagawin ni Tristan at ng girlfriend niya?”
Natahimik ulit silang apat. Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Danica at Elena. Nakailang tikmin naman si Javier at Patrick na akala mo nabibilaukan kahit hindi naman.
“A-Ah, ano… lovely time.”
“O-Oo, tama, lovely time.”
Hindi na ako nagtanong. Hindi ko maintindihan ang lovely time pero ginagawa talaga siguro iyon ng mga couple.
Saktong alas singko ay dumating si Tristan. Nasa tubig pa rin ako at hindi umaahon dahil masyadong akong naadik sa tubig.
“Umahon ka na diyan,” utos niya sa akin. Ako na lang ang naiwan, nag-aayos na sila sa cottage.
Ayaw ko pa sana na umahon pero napag-usapan na alas singko ang uwi namin. I walk out of the water. His eyes drop instantly on my body. Ilang segundo na nanatili sa katawan ko ang tingin niya bago tumalikod at nagmamadaling nagpunta sa cottage.
“Sexy talaga!” sigaw ni Elena.
“Paano kaya liliit bewang ko tulad ng sa ‘yo?” si Danica naman.
Bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay sinalubong na ako ng masamang tingin ni Tristan. He is holding a towel in his hand. Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil parang kaaway niya ako at handa niya akong sunggabin.
He wrapped the towel around me. Dahil malaki ang towel at pati bibig ko binalot niya. I look like a burrito now!
“Subukan mong alisin ‘to,” banta niya.
“What’s the problem with you na naman ba?” I asked with my eyebrows furrowed.
“Ikaw!” mariin niyang sagot. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko kaya hindi ko makita ang cottage namin kung nasaan ang ibang kasama.
“Why me? Wala akong ginagawa sa ‘yo, ah. May girlfriend ka na nga pero lagi ka pa ring galit. Siguro lagi kayong nag-aaway ng girlfriend mo dahil mainitin ang ulo–”
Gamit ang hintuturo niya ay tinulak niya ng marahan ang noo ko.
“Dami mong alam, ah.”
“Tristan!” I screamed at him because of what he did.
He chuckled. Ngayon naman tumatawa siya? Geez, is he losing his mind? Daig niya pa ang babae sa sobrang bilis magbago ng mood niya. Siguro siya ang sinusuyo ng girlfriend niya kapag nag-aaway sila.