“Anong oras ka nakauwi kagabi? Naalimpungatan ako, wala ka sa tabi ni Danica. Mga alas dose na yata iyon.” Nabulunan ako sa kinakain kong almusal. Napatingin ako kay Tristan na nakangisi habang patuloy pa rin sa pagkain na parang walang kinalaman kung bakit ako wala sa kwarto namin kagabi. “A-Ah, baka po nag-cr ako. Lagi po akong umiinom ng tubig tuwing training kaya marami rin ako nailalabas.” I glance at Tristan who is now looking at me with a playful smile on his lips. Hindi ko itatanggi, nagustuhan ko kung ano ang ginawa namin kagabi. Walang nagsasalita, tanging paghinga lang ang naririnig ko pero sapat na iyon para kumalma ako. Isa pa, I love the way he hugs me, I feel protected. Ginising lang ako ni Tristan noong mag-alas tres na para lumipat ako sa kwarto namin. I can’t wait to

