Jarrah's Pov: Pagkaalis pa lang ng propesor para sa huli naming klase ay kaagad na akong kumilos. Nagmamadaling iniligpit ko ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag. Malapit nang mag-alas cuatro ng hapon, sampung minuto na lang yata at papatak na roon ang oras. "May problema ba? Bakit parang nagmamadali ka yata? May nangyari ba sa bahay n'yo?" Nilingon ko si Penelope na mabagal na naglalagay ng kanyang mga gamit sa bag. Umiling lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Kanina ko pa napapansin na distracted ka. Panay din ang tingin mo sa oras..." sabi pa n'ya. "Gusto ko lang makauwi kaagad. May ilan pa akong hindi nagagawa sa mga assignments natin..." wika ko na lang. Pupunta sa bahay namin si Ezekiel. Iyon ang sinabi n'ya sa akin kagabi at hindi ko talaga maintindihan kung baki

