Disney Princess ang tema ng play nina Heidi and she will play as Elsa— iyong reyna sa palabas na Frozen. Bagay na bagay sa kanya ang role n'ya dahil maputi talaga si Heidi. Pang-reyna rin ang features ng kanyang mukha— soft yet strong— katulad na katulad ng character na pino-portray n'ya. Mula rito sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang pag-e-enjoy ng nakababatang kapatid. She's having fun with her friends. Bakas na bakas sa kanya ang kasiyahan habang nagpa-practice. Sa auditorium ng eskwelahan ginaganap ang huling practice. Sa lugar na ito rin idaraos ang play sa darating na Lunes. Maayos na ang stage at mukhang halos patapos nang lagyan iyon ng dekorasyon. Ngayon din yata ang fitting ng mga costume dahil lahat ng mga batang nakikita ko sa stage ay nakasuot na ng kanilang dapat na suo

