Jarrah's Pov: "Are you alright?" Iyon ang kaagad na itinanong sa akin ni Ezekiel nang matapos na ang sayaw. Tumango ako. Kinuha ko ang malamig na tubig na iniabot n'ya. "He's eyeing Theo since the class started," komento naman ni Jaztine na hindi ko namalayang nakalapit na rin sa amin. Maging si Lawrence ay nakasunod na kaagad kay Jaztine. Nilingon ni Ezekiel ang kanyang mga kaibigan bago muling tumingin sa akin. "Ano bang nangyari? Anong sinabi sa 'yo ni Yuwan?" Nagkibit na lang ako ng mga balikat at uminom. Katulad ng sinabi ni Theo, hindi ko na lang papansinin ang sinabi at sasabihin pa ng lalaking iyon. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano sasagutin ang tanong ni Ezekiel. "You seem annoyed," wika ni Lawrence. "Kaya siguradong may sinabi sa 'yo ang siraulong iyon." Umiling na

