Jarrah's Pov: Wala akong ginawang masama. Alam ko iyon. Ngunit hindi ko magawang tagalan ang mga mapanghusgang tingin ng mga estudyanteng nasa amin ang buong atensyon habang pumapasok sa cafeteria. Marami-rami silang narito at abala sila sa pagkain— kanina, bago pa man kami pumasok nina Jaztine. Hindi ko nga lang alam na mas pipiliin pa nilang pagtuunan ako ng atensyon kaysa ang ipagpatuloy ang kanilang pagkain. Halos lahat ay nag-angat ng mukha nang tuluyan na kaming makapasok sa cafeteria. Ang iba ay mukhang na-curious lang dahil kasama ko sina Lawrence at Jaztine, kaagad din silang bumalik sa pagkain. Ngunit iilan lang ang mga iyon. Ang karamihan ay tila walang pakialam na nakasunod sa amin ang mga mata— partikular na sa akin at hindi ko na kailangang ipagtanong ang dahilan. Alam k

