Jarrah's Pov: Pagkalapit pa lang nina Theo sa lamesa namin ay nagkaroon na ulit ng mga bulungan. Iyong iba ay puno ng kuryusidad na tumingin pa sa lamesa namin. Lagi naman silang curious tuwing nakikitang kasama ako ng isa sa apat. Iba nga lang ngayon dahil involve ako at si Theo sa isang isyu. Iisa ang iniisip ng lahat— may scandal ako at si Theo. Pasimple akong bumuntong-hininga. Sa sobrang gusto ko ng payapa at tahimik na buhay-estudyante ay puno naman ng plot twist ang nararanasan ko. I should brace myself for more! Naupo si Ezekiel sa bakanteng upuang nasa tabi ko. Si Theo naman ay sa katapat kong upuan pumuwesto. He started eating like nothing happened. "Kumusta ang journey n'yo sa Guidance?" Lawrence asked Ezekiel. "Ito ang kauna-unahang beses na nakatuntong ka roon dahil s

