NOTE: SEE YOU NEXT UPDATE!!! BAKA MAGING PDF NA ANG IBANG PARTS NA MAY SPG!
"T-Tita, tawag niyo raw po ako sabi nung Epoy?"
Nagpunta ako sa kuwarto ni tita Joy. Siya lang naman ang nandito sa loob. Napansin ko ang napakabangong kuwarto ni tita, parang babae na talaga ang may-ari nitong kuwarto. Ibang-iba na talaga si tita ngayon.
"O heto." inabot niya sa akin ang isang puting sobre. Kutob kong pera ang laman no'n.
"Ano po 'to?" pagtatanong ko kahit na alam kong pera ang laman nito.
"Napahanga mo ako, Bret, kaya naman heto ang reward ko para sa'yo." nakangiti si tita habang inaantay niyang kunin ko ang sobre.
Medyo makapal kaya sa pagtataka ko ay nagawa ko itong silipin at buksan.
"20k lang 'yan, pero kung gagalingan mo pa baka sobra-sobra pa sa 50k ang matanggap mo sakin, Bret." sabay kindat pa ni tita. Napamura ako sa isip ko. Sobrang malaking tulong na ito sa akin. Kung pagbubutihin ko pa ang ganto baka makabayad ako kay Howard kaagad.
"Salamat, tita!" masaya kong sabi at tumalikod na ako.
"Teka, sandali. Wala ka bang balak hanapin si Raph?" tanong niya bago pa man ako makalapit ng pinto.
Napalingon ako sa kanya. "Wala naman po akong contact sa kanya."
"Sayang naman. Pero maliit lang naman ang mundo, Bret. Alam kong magkikita pa kayo, non." ngumisi si tita at saka ko binalik ang tingin ko sa pintuan. Hays. Bahala na. Naiinis ako sa kanya dahil hindi niya sinabi ang totoo. Hindi niya sinabing aalis na pala siya dito sa mansyon. Wala na tuloy akong taga-hilot tuwing gabi.
Pinag-iisipan ko ngayon kung gagastusin ko na ba kaagan ang dalawampung-libo na ito o kaya'y iipunin ko hanggang sa maging isang-daang libo ito. Makakapag-ipon pa naman siguro ako ng malaking halaga kapag mas marami akong videong magagawa. Nagpasya akong lumabas ng mansyon na may suot-suot na cap ng World Balance at ng shades para hindi agad ako makilala. Iniba ko rin ang porma ng pananamit ko ngayon. Floral na polo at pants ang sinuot ko at nagpasya ako na sa ibang mall ako magpasyal ngayon. Mall na malayo sa lugar namin ang napili ko at tiyak kong doon ako makakapagpalamig ng maayos. Mababawasan na rin ang stress ko sa buhay.
Iniisip ko ngayon na kung sana hindi ko na lang nilustay ang pera ko sa pagka-casino at dito ko nilaan ang pera ko sa pagbili ng mga bagay na gusto kong bilhin. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit pa ako nagpalulong sa sugal na iyon. Masaya sana ako ngayon at walang inaalalang privacy. Pero ngayon kailangan kong harapin ang mundo na nagtatago. Kailangan kong magtago upang walang makakilala sa akin. Matagal na rin akong hinahanap nila Mom at Dad. At baka nga ngayon hinahanap na rin ako ng mga tropa ko.
"Ooops." wika ng lalaking nabunggo ko dahil sa kakalinga-linga ko sa paligid.
"S-Sorry, I didn't mean it. I didn't see you coming." ngumisi ako sa hiya at napakamot ng ulo.
"It's okay." tinanggal niya rin ang suot-suot niyang shades. Tinitigan ko siya nang mabuti. Tiyak kong mas bata siya ng kaonti sakin. "By the way, I'm Alfred." inabot niya ang kamay niya sakin. Nakipagkamay ako sa kanya. Alfred? Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Hindi ko lang matandaan kung kailan ko iyon narinig.
"I'm Judas." pagsisinungaling ko.
Natawa naman siya bigla. "Ano? Judas? Ba't ka naman papangalan ng magulang mo ng Judas? Nga pala, can you take off your shades, bro?"
Anong gagawin ko? Paano kung may makakilala sa akin dito?
"Why? What's the matter? Kriminal ka ba? Parang ka kasing may tinataguan sa kakalinga-linga mo kanina." wika pa niya.
"Gusto mong makita ang mukha ko?" tanong ko at mabilis naman siyang tumango. Mukhang mabait naman siyang tao at mapagkakatiwalaan. "Then follow me."
"Wait, what? Saan, bro?" hindi ko siya sinagot at patuloy lang ako sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa marating namin ang restroom para sa lalaki.
Sinarado ko ang pinto ng restroom at minabuti kong dalawa na lang kaming tao dito sa loob. Tinanggal ko ang shades ko sa harapan niya at ikinabigla naman niya ito pagkatapos.
"Pamilyar sa akin mukha mo, hindi ko maalala. By the way, hindi kasi ako sinamahan ng mga kaibigan ko papunta rito. Baka naman may time ka para samahan ako? Don't worry I'm a good person." aniya at saka ngumiti. Alam ko naman 'yun. Kahit na ngayon ko lang siya nakilala, napakagaan na ng loob ko sa kanya.
"Sure. Wala rin akong kasama, eh." tugon ko at sinuot ko na muli ang shades ko.
Pagkalabas namin ng restroom, may mga tao na palang nag-aantay. Siguro'y akala nila na naka-lock ang pinto at may ginawa kaming kababalaghan. Sumunod lang ako sa kanya. Pakiramdam ko nga'y ligtas ako kapag kasama ko siya. Mabait siyang tao, kuwento siya ng kuwento about sa kaibigan niyang mga nandiyan lang kapag may kailangan sa kanya. Ako naman etong oo ng oo at tawa na lang ng tawa sa mga bagay na kinukwento niya sa akin.
Namili siya ng damit at panregalo dahil naimbitahan daw siya ng kanyang kaklase na magpunta sa debut. Siya ang 18 treasures kaya naman kasiyahan niya ang dumalo sa debut na ito. Dahil sa dinami-dami pa raw ng kaibigan ng kaklase niya, naisama pa siya sa listahan ng mga dadalo kaya para sa kanya masuwerte siyang tao dahil mahalaga siya at hindi nakalimutan ng kanyang kaklase na pinangalanan pa niyang Vianne.
"Ang dami na nating napuntahan pero naka-shades ka pa rin. Sayang naman ang kagwapuhan mo kung itatago mo lang. Dami pa namang chikas dito, boi." wika niya.
"Ah, eh... May anxiety ako. Di ako sanay sa maraming tao kaya nagshi-shades ako." alibay ko.
"Hahaha. Gano'n ba? Sayang madami pa namang girls na napapatingin satin lalong-lalo na sa'yo, Juds."
"Juds?" kumunot ang noo ko.
"Juds para maganda pakinggan. Pangit naman kasi kung Judas." tumawa pa siya.
"Oh paano? Aalis na ako pero ikaw wala ka pa ring nabibili? Nagpapalamig ka lang siguro dito?" tanong pa niya.
"Ahh.... Siguro. Wala pa akong mapili, eh. Salamat pala sa treat mo."
Bago pa siya umalis ay binigay ko sa kanya ang numero ko. Umaasa kaming dalawa na hindi lang ito ang huling pagkikita namin. Magkikita't-magkikita rin ulit kami at sana dito pa rin sa mall na ito. Ang totoo'y wala naman talaga akong anxiety, kalokohan ko lang ang lahat ng iyon para maitago ang pagkatao ko. Wala na rin akong maisip na pangalan kanina kaya naman Judas na lang ang naitawag ko sa sarili ko. Mahirap pala ang ganito, parang niloloko ko na lang ang sarili ko. Pero wala akong magagawa, utos ito ni tita at para rin ito sa kapakanan ko. Darating din ang panahon na makakabalik na ako sa totoo kong pagkatao, ang lalaking si Brethart pero sa ngayon ako muna si Judas o Hudas. Pansamantala lang naman ito. Konting tiis na lang.
Habang nakaupo ako sa isang bench, napansin ko ang tatlong lalaking nasa likuran ko. Kilala ko silang tatlo kaya naman kumalma ako habang nakikinih sa kanilang usapan.
"Kilala niyo ba yung Hudas? Yung bagong trending ngayon sa app?" wika ni Troy.
"Ah, oo. Napanood ko na yung bago niya ngayon, eh." ani naman ni Zyril.
"Hot no'ng bagong vid niya ngayon, sana nga marami pa sila no'n." sabi rin ni Sean.
Sa pagkakatanda ko wala pa naman akong bagong vids ngayon. Chineck kong mabuti ang account ko, wala akong bagong vids pero merong isang vid doon na naka-tag sa akin. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang vid kung saan nagvi-video call kami ni Anghel kasama ang paglalaro sa aming mga alaga. Bumilis ang t***k ng puso ko at bigla akong nataranta.
"Bret?" boses ng isang lalaki.
Sa taranta ko ay bigla kong pinatay ang phone ko at saka nilapag sa tabi
"Bret asan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay dito." isang lalaki lang pala na may katawagan na phone ang bumabanggit din sa pangalan ko. Marahil kapareho ko lang ng pangalan ang katawagan niyang iyon.
"Bret, daw, oh." wika ni Zyril.
"Oo nga eh, si Bret na kaibigan kaya natin ang katawagan no'n?" pagtatanong ni Sean.
"Ano ka ba, pre? Maraming Bret sa mundo." tugon ni Troy kay Sean. "Pero nakakamiss talaga si Bret, san na kaya 'yung lokong 'yon?" dagdag pa ni Troy.
Tumayo na ako at lumayo sa kanila. Nagmamadali ako ngayon habang papunta sa banyo, naihi ako bigla dahil sa sobrang takot at kaba ko kanina. Habang umiihi ako sa open cubicle biglang may kumalabit sa akin at napatalon ako sa gulat.
"Sorry, tol kung nagulat kita pero naiwan mo ang phone mo kanina." si Zyril ang tumambad sa akin pagkatalikod ko. Napa-atras ako sa gulat. Inabot niya ang phone ko at kinuha ko ito.
"S-Salamat." iniba ko ang boses ko at nagmadali na ako papalabas ng banyo. Pagkalabas ko do'n ay nakasalubong ko pa sila Troy at Sean pero dumiretso na ako. Ayaw kong makilala nila ako. Malilintikan ako nito kapag nalaman nilang ako at si Hudas ay iisa lang.
"Aray, tangin-" mura ng isang lalaking nabangga ko na naman dahil sa pagmamadali.
"K-Kuya Raph?" pagtawag ko. Akalain mo nga naman, makikita ko siya rito sa mall.
"Anong ginagawa mo dito?" sabay pa naming tanong.
"Umuwi ka na sa inyo, umuwi kana sa tita mo." aniya.
"Bakit? Ba't ka ba umalis sa mansyon? Sinungaling ka, nandito ka lang pala sa mall!" sigaw ko.
"Please, umalis ka na. Ayaw ko na do'n. Mas gusto ko dito dahil dito ako nababagay."
"Anong ibig mong sabihin kuya Raph?" tanong ko.
"Hindi Raph ang totoong pangalan ko. Umalis ka na, ayaw na kitang makita. Kalimutan mo na ako!"
"A-Ano? Ba't mo ba sinasabi 'yan? Ano ba ang totoo mong pangalan?"
"Hindi mo ba nahahalata? Na callboy ako dati pa, noong nasa edad mo palang ako pero hindi ko sasabihin sa'yo ang tunay kong pangalan sige na, umalis ka na!" sigaw pa ni kuya Raph. Nagmatigas ako at hindi umalis. Sobrang sakit na pinapa-alis na lang ako ng una kong nakilala at naging kaibigan sa bago kong pagkatao. Ang dati kong kuya-kuyahan, gusto na akong kalimutan ngayon.
"Hinde ka aalis? Pwes ako ang aalis, Hart!" umalis na siya nang tuluyan habang naiwan ako ng mag-isa.
"Pstt... Hart pala ang pangalan mo?"
Napalingon ako sa likod at nakita ko na naman ang tatlong kaibigan ko na tinataguan ko ngayon.