SAIS

2870 Words
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko silang tatlo na ngayo’y nasa harapan ko na. Mabuti na lang at nakasuot ako ng shades dahil kung hindi makikita nila kung paano ako magulat at makikilala nila na ako at si Brethart ay iisa lang. Hindi kaagad ako nakapagsalita kaya sila na ang nagkusang makipagkilala sa akin. Pero bakit? Bakit pa sila makikipagkilala sa katulad kong estranghero? “Zyril ang pangalan ko.” inabutan niya ako ng kamay pero hindi ko ito pinansin. “Sige, salamat pala kanina.” iniba ko pa rin ang boses ko, malayong-malayo sa tunay kong boses. Pagkatapos ay hindi ko na sila pinansin pa at dire-diretso na akong naglakad papalayo sa kinatatayuan nila. Gusto kong hanapin at hagilapin si kuya Raph pero mukhang wala na siya dito ngayon. Nabigo akong hanapin si kuya Raph sa loob ng mall, kung saan-saan ko na siya hinanap, sinuyod ko na lahat ng sulok pati mga restroom pero wala pa rin talagang nagpakitang Raph sa akin. Halos abutan na ako ng dilim pero bigo pa rin talaga akong mahanap si kuya Raph. Nagpasya na lang akong umuwi, habang naglalakad ako sa daan kabi-kabilang bar ang nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero sinubukan kong pumasok sa isa sa mga bar na naroon, kakaiba kasi ang bar na ito at nakuha nito ang atensyon ko. Ikinagulat ko ang nakita ko sa loob, kadalasan kasi mga babae ang alam kong sumasayaw sa harapan ng entablado at ang iba pa ay bayaran pero dito sa napuntahan ko tila iba yata ang nakikita ng aking mga mata. Mga lalaki ang sumasayaw at walang suot na iba maliban sa kanilang itim na brief. Malalaki ang mga katawan nila at ito ang dahilan kung bakit panay ang hiyawan ng naririnig ko sa loob. Mas lalo ko pang ikinagulat nang malaman kong puro lalake rin ang manonood ng isang palabas sa entablado. Nataranta ako sa nakita ko, tumalikod ako at umalis ngunit bigla akong hinarang ng isa sa mga bouncer na naroon. “Saan ka pupunta, huh?” aniya habang nakatingin sa akin ng masama. “A-Aalis na po, nagkamali lang po ako ng pinasok.” “Teka sandali, ilang taon ka na? Alam mo bang bawal ang edad 17 pababa dito.” sabi pa niya habang mahigpit pa rin ang pagkakakapit sa akin. “E-Eighteen na po ako, boss. Bitiwan niyo na po ako.” pagmamakaawa ko. “Good, alam mo bang bawal ang nakasuot ng cap at shades dito sa Twilight Gay Bar? Isa ‘yan sa mga mahigpit naming rules dito sa loob at dahil nilabag mo ang isa sa mga ‘yon, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo.” “A-Ano?” kumunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwalang sobrang higpit pala ng bar na ito. Pero hindi lang siya basta bar, kundi gay bar. “Narinig mo ang sinabi ko ‘di ba? Kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo, magpunta ka do’n sa backstage at kailangan mong magpalit ng damit. Ikaw ang susunod na sasayaw do’n.” ngumuso siya at nalaman kong entablado pala ang tinutukoy niya. Nagpumilit akong tumakas ngunit dumating pa ang isa pang bouncer na katulad niya at hindi na ako nakapalag pa dahil sa sobrang laki ng kanilang mga katawan. Dinala nila ako sa isang backstage kung saan nagpapahinga ang iba pang mga dancer. Napansin agad ako ng dalawang bading doon at lumapit sila sa akin. Binati nila ako at dahan-dahang tinanggal ang suot-suot kong cap at salamin. Halos mapayuko na ako dahil sa hiya, natatakot din ako na baka may makakilala sa akin dito sa loob. “Eto, Ms. Fortune, pasaway ‘tong batang ito dahil sinaway niya ang mga pinagbabawal dito sa loob, hindi niya siguro nakita yung mga rules sa labas at dire-diretso lang siyang pumasok, ano’ng gagawin natin dito?” tanong ng bouncer sa bading na kaharap namin ngayon. Hindi pa rin niya ako binibitawan. Sobrang sakit na ng mga kamay ko, nangangalay na rin ako pero hindi niya pa rin ako kinakalagan. “Hmmm, infairness, mabango siya.” wika ng bading na nasa harapan ko matapos akong amoy-amoyin na parang isang ulam. “Ano ba ang kayang mong gawin, hijo?” tanong niya sakin. “Pakiusap, kailangan ko na pong umuwi, hinahanap na ako samin. Babayaran ko na lang po kayo basta pakawalan niyo lang po ako.” pagmamakaawa ko ngunit tinawanan lang nila ako. “Alam mo kasi…. Naniniwala kaming hindi aksidente ang pagpunta mo rito. Napunta ka rito dahil may talento ka na kayang-kaya mong ipakita sa entablado. Anong pangalan mo, hijo?” tanong pa niya pero umiling lang ako. “Ano po bang kailangan niyo sakin? Kung pera lang din kalagan niyo na ako at bibigyan ko kayo basta hayaan niyo na lang akong umalis.” pagmamakaawa ko ulit. “Sorry pero, hindi ka namin hahayaang makalabas dito hangga’t hindi mo pinagbabayaran ang kasalanan mo. Sige na B1 at B2, hubaran niyo na ‘yan!” pasigaw na utos ng bading na kaharap ko. Hindi sila nadala sa pakiusap ko at pilit nila akong hinubaran. Sinubukan kong lumaban pero mas lalo lang akong masasaktan kapag lumaban pa ako. Pinayagan nila akong magsuot ng boxer basta daw sumayaw ako, binigyan pa nila akong necktie na talagang na-weirdohan ako. Nagtagumpay sila sa plano pero sinisigurado kong makakatakas din ako dito sa loob. Inutusan nila akong magpunta sa Disk Jockey at sabihin ko raw kung anong kanta ang isasalang ko. Sinunod ko na lang sila at wala na akong nagawa. Pagbabayaran naman nila ‘to, ipakukulong ko sila lalong-lalo na yung mga bouncer. “Oh, boss, bakit nandito ka? Ang bata-bata mo pa, ah? Bago ka bang dancer?” wika nung DJ. “Tangina lang talaga nung bouncer niyo, magdo-doxology ako, meron ka ba diyan?” tanong ko. Umiling lang siya. “Naku, boss. Wala kami niyan dito.” “O sige, kahit ano na lang. Birthday s*x, Slow motion, Neighbors know my name, kahit ano diyan!” sigaw ko. “Galit naman agad, eto sir, neighbors know my name, ikaw na ang susunod. Galingan niyo boss!” pumalakpak pa siya habang naglalakad na ako sa gitna ng entablado. Maraming tao pero hindi ko sila pinansin. Ang mahalaga ngayon ay makapagsayaw ako at maipakita ko sa kanilang lahat na hindi ako nasa harapan para mag-sayaw nang nakahubad. Nandito ako dahil gusto kong ipakita sa lahat na may talento ako sa pagsasayaw at tiyak kong pagkatapos nito ay hahanga rin sila sakin. Maraming naghiyawan nang magsmimula akong mag-grind sa entablado. Kung anu-ano nang giling at slow dance ang ginagawa ko, naisipan ko ring mag-twerk sa harapan para mas lalo pa silang magsigawan. Maya-maya lang ay may nag-request na hubarin ko raw ang shirt ko pero hindi ko iyon ginawa. Hiyang-hiya na ako nung mga oras na ‘yun pero go with the flow pa rin, baka ipapatay nila ako kapag hindi ako sumayaw sa harapan. Mahirap na. “Hubarin mo na ‘yang damit mo, ipakita mo samin ang maganda mong katawan!” sabi nung isang lalaking tumayo sa mula sa kanyang table nang matapos ang kanta. “Huhubad na ‘yan!” “Huhubad na ‘yan!” “Huhubad na ‘yan!” Paulit-ulit na sambit ng mga manonood. Halatang nakainom na ang iba. Halos lahat sila ay pinipilt akong pahubarin. Sumenyas sa akin ang DJ na umalis na raw ako at magpunta na sa backstage. Doon ay nakita ko si Ms. Fortune na abot tenga ang ngiti ang sinalubong sa akin. Inabutan din niya ako ng puting sobre. “Ang galing-galing mo naman! Oh ‘yan ang talent fee mo pero kung gusto mo maging regular dito pwede rin para mas malaki ang kita.” kumindat pa siya pero nandiri lang ako. “Hindi na po, aalis na po ako.” kinuha ko na ang mga gamit ko. Mabuti naman at hindi nabawasan ng kahit isang libo ang pera ko, bilang na bilang ko ito. Habang palabas na ako ng bar, marami ang sumisitsit sa akin pero hindi ko sila pinagpapapansin bagkus ay diretso lang akong naglakad hanggang sa entrance. Kaasar, gusto ko nang umuwi. Agad akong napabalikwas nang makita ko si kuya Raph na kanina pa yata nag-aabang sakin sa labas ng bar. “Bakit ka nandito?” iba ang tono ng kanyang pagtanong. Mukhang galit na galit siya dahil sa ginawa kong pagsayaw sa maraming tao. “Pasensya na kuya, Raph. Napilitan akong sumayaw sa-” “Ang tanong ko bakit ka nandito? Bakit mo naisipang pumasok sa bar na ‘to? Alam mo bang delikado rito? Akala ko ba iniingatan mo ang privacy mo?” sunod-sunod na ani ni kuya Raph. “Na-curious lang ako kaya pumasok ako dito.” “H’wag mo na akong hanapin, Hart. Hinding-hindi na ako babalik do’n sa mansyon. Please, ingatan mo ang sarili mo. H’wag kang magpadalos-dalos at baka may makakilala sayo dito.” “Pero bakit ka naman kasi nagsinungaling sakin? Bakit mo sinabi na uuwi ka na sa probinsya pero ang totoo’y nandito ka lang. Anong ginagawa mo rito? Namamakla ka ba rito?” nasuntok ako ni kuya Raph sa nasabi ko. “Hindi ko gustong saktan ka pero napilitan na talaga ako. Oo, totoong nagsinungaling ako sa’yo, Hart. Oo, namamakla ako rito. Oo, hindi ako umuwi ng probinsya pero kasi gusto kong magtino ka, Hart. Umalis ako sa mansyon dahil ayokong matulad ka sa’kin, h’wag mo na akong tularan pa. Isa talaga akong callboy noon pero sinubukan kong magbago, nagtrabaho ako bilang house boy pero kapag nakikita kita hindi ko maiwasang matukso ulit at ngayon alam ko na kung saan talaga ako nababagay, dito….. Dito talaga ako nababagay, Hart. At please, mangako ka sakin na hinding-hindi mo ako gagayahin. ‘Yung pagsayaw mo kanina sa stage, gusto kitang pigilan pero ayaw kong umeksena kaya hinintay kita dito sa labas. Please mangako ka sa’kin na kakalimutan mo na ako at makakapagtapos ka sa pag-aaral at magkakaron ka ng magandang trabaho. Please, kalimutan mo na ako. Wala akong maidudulot na mabuti sayo kundi puro init lang ng katawan, kundi puro tawag ng laman. Kaya sige na, umalis ka na.” Sobra akong naluha nang pilit pa akong pinagtutulakan ni kuya Raph sa harap ng maraming tao. Hindi man nila naririnig ang pinag-uusapan namin pero halata namang pinapalayo na ako ni kuya Raph sa kanya. Oo, nakakadiri nga ang trabaho niya pero mabuti naman ang pagkatao niya, mabuti ang kalooban niya at iyon ang nagustuhan ko kay kuya Raph. Hindi ko lang talaga kaya na mawawalan ako ng kaibigan na tulad niya. Sobrang dami kong natutunan sa kanya tungkol sa pagkakaibigan kahit na sandali lang kami nagkakilala. Pero wala akong magagawa kung pinipilit niya talaga akong paalisin sa buhay niya. Mananatili pa rin siya sa puso ko kahit na matagal kaming hindi magkikita o di kaya’y hindi na talaga kami magkikita pa. Nagpapasalamat ako na nakilala ko si kuya Raph. Makakalimutan niya siguro ako pero ako, hinding-hindi ko siya kalilimutan. Minahal ko na siya bilang isang kapatid, bilang isang kaibigan at higit sa lahat bilang isang nakakatanda kong kuya. How I wish that we could see each other again in the future. “Baby boy ang lungkot mo naman.” pang-aasar nung guwardiya sa akin. Malungkot pa ako sa malungkot dahil para akong nawalan ng taong mahal sa buhay. Hindi naman talaga siya nawala literally, nag-e-exist pa naman siya sa mundo ayun nga lang nawala na siya sa piling ko dahil mas pinili niyang lumayo ako para sa ikabubuti ko. Naiintindihan ko naman si kuya Raph, pinalayo niya ako dahil ayaw niyang maimpluwensyahan niya ako sa pagko-callboy. Ayaw ko naman talagang gawin iyon dahil gusto ko pang makapag-aral. Kahihiyan na nga ang binigay ko sa mga magulang ko, papasukin ko pa ang pagiging callboy. Habang nasa kuwarto ako, hindi ko maiwasang mapaluha dahil naaalala ko sa kuwartong ito ang mga pinagsamahan namin ni kuya Raph. Ngayong gabi lang siguro ang pagdadrama kong ito at sana bukas makalimutan ko na siya. Sana sa mga susunod pang bukas ay makabalik na ako sa pamilya ko para magkaron na ng tahimik na buhay. “Baby Bret!!!” sigaw ni tita Joy. “Bakit hindi mo ako binalitaan? Bakit ka naglihim?” “Huh? Saan po?” clueless kong pagtatanong. “Ano ‘tong bagong video ni Anghel? Nakipag-collab ka sa kanya at umani na ito ng maraming views.” gulat na gulat si tita habang nakatingin sa phoen niya. “Pasensya na tita hindi ko naman akalain na I-uupload ‘yon nung Anghel na ‘yon.” “Ano ka ba, ayos lang. Dumami na ang taga-subaybay mo dahil sa inyong pag-collab at marami ang nagre-request na baka mag-meet kayo in person. Magkakatikiman kayong dalawa at I-uupload niyo ulit ang video, o ‘di ba pak! Gagamitin natin si Anghel para mapataob natin siya.” humalakhak naman si tita. Talagang competitive si tita Joy pagdating sa isang private platform kung saan kami ni Anghel ang isa sa mga sikat doon. “Tita naman, bakit ba gusto mong pataobin ‘yang taong ‘yan. Walang-wala ako kumpara sa kanya. Baguhan pa lang ako.” “Baguhan ka nga pero halos kalahati na ng followers niya ang followers mo, o ‘diba pak! Bongga! Kapag sumikat ka unti-unti nang malalaos ang pinagmamalaki ni Cherise na si Anghel.” kakaiba ang pagtawa ni tita Joy, parang tawa nang paghihiganti. “Sino po ba si Cherise?” pagtatanong ko. “Ah, basta. Matagal ko na siyang katunggali since childhood at hindi mo na dapat siya kilalanin. Wala siyang kuwenta! Char! O sige na, mag beauty rest na si tita, mwahhh!” hinalikan ako ni tita sa pisngi bago siya umalis. Nakakapagtaka naman, imbes na magalit siya sa akin dahil nakipag-collab ako sa kalaban namin pero mukhang masaya pa si tita. Parte kaya ito ng plano ni tita? Plano niya kayang taubin ko si Anghel? Mukhang imposible naman kasi ‘yun, at isa pa hindi ko ito plinano. Sumasabay lang ako sa gusto ni tita para kapag nakapag-ipon ako ng pera matitigil na rin ‘tong ginagawa ko. Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog dahil sa pagkawala ni kuya Raph. Dinadaan ko nalang sa pagsasariling sikap ang pagkasabik at pagkamiss ko kay kuya Raph ang lahat at pagkatapos makaraos ay inuupload ko na ito sa pribadong platform. Nakakapanibago na ngayon dahil kaka upload ko palang ay meron na agad nag-e-engage sa video ko. Nakakakuha na rin ako ng maraming votes araw-araw at mga taga-subaybay araw-araw. Malaking tulong talaga ang pag-collab namin ni Anghel pero wala sa plano ko ang makipagkita sa kanya. Mukhang hindi ko ‘yon masisikmura kapag may nangyari sa amin at naka-upload pa ito sa platform. Sasabog ang notifications ko kapag nangyari iyon pero hindi ko talaga kaya, hindi ko iyon naiisip at wala akong balak gawin ang bagay na ‘yon. Nandito ako para sa pera ni tita at hindi para magpagamit dahil ako mismo ang gumagamit sa kanya para makabalik na agad ako sa pamilya. Malamang hindi na makapaghintay ang tukmol sa perang inutang ko. Kaya dapat habang maaga pa ay maunahan ko na si tita bago pa niya ako maunahan at bago pa mahuli ang lahat. Bago pa ako tuluyang maging literal na hudas. “Good evening Mr. Suplado!” bati sa akin nung house boy ni tita na si Epoy. Nag-shift ‘yata siya sa panggabi dahil wala na nga si kuya Raph. “Suplado ka diyan? Gusto mo sungalngalin kita?” sabay irap ko sa kanya. “Taray mo naman, boss. Gabing-gabi kana kung umuwi, ha. Siguro dumaan ka pa sa bar at namakla.” natatawang sabi ni Epoy. “LABAS!” malakas kong sigaw. Pasok kasi ng pasok ng kuwarto ko hindi ko naman siya pinapapunta dito. Hindi ko siya kailangan. Ayoko nang makakilala pa ng mga tauhan dito at pagkatapos ay iiwan din ako at kakalimutan. “Hindi ako pwedeng lumabas hangga’t hindi ka kumakain ng hapunan, halika na at sasabayan kitang kumain. No malice, napag-utusan lang ako ng tita Joy mo dahil napapansin niyang malungkot ka dahil sa pag-alis ni Raph dito sa mansyon.” ani pa niya. “Iwan mo na ako, hindi kita kailangan. Hindi ako kakain. Nawalan ako ng gana.” sabay dapa ko sa kama. “Hindi kita iiwan kahit na hindi mo ako kailangan. Lagi akong nandito, at your service h’wag lang sa isa pang service na ayaw ko.” natawa pa siya sa sinabi niya. “Ayaw mo talagang umalis?” inis kong tanong. “Hindi nga ako aalis Burethart. Hindi ko puwedeng suwayin ang utos ni Madam.” “Anong buret? Ayusin mo ang pangalan ko. Bret hindi buret, bastos mo! Alis ka nga!” Binato ko siya ng unan pero binato rin niya sa akin pabalik. “Aray, boss, Buret. Headshot ako, ah. Kung ayaw mong babain ang pagkain, pwes iaakyat ko na lang dito ang pagkain sa kuwarto mo.” aniya at malakas na sinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD