Note: Sorry super duper late upload!
Tanghali na nang magising ako. Gumawa pa kasi ako ng isang video kagabi kung saan pinapatakam ko lang ang mga viewers gamit ang bumabakat kong talong. Nag-live din ako kagabi at binigyan ko ng shout-out ang ibang mga fans. Sa paraang ito, makaka-ani ako ng maraming followers at views.
Syempre, iniba ko ang boses ko doon sa effects para hindi ako makilala. Nilagyan ko rin ng filter ang mukha ko. Tanging boxer lang ang suot-suot ko habang malayang nasisipat ng mga taga-subaybay ko ang aking maskuladong katawan pati na rin ang nakatayo kong alaga.
Hi, Juds. Si Alfred 'to. Kumusta, boi?
Nabasa ko ang isang mensahe mula sa nakilala ko kagabi. Mabait siyang tao at mukhang siya ang mapagkakatiwalaan ko. Nawala man si kuya Raph, may panibagong kakampi naman ako ngayon.
Ayos lang ako, boi. Busy ka ba ngayon? Gusto mo magkita sa mall?
Tugon ko sa kanya. Bumaba muna ako sa kusina habang hinihintay ang kanyang tugon sa cellphone kong iniwan ko sa kuwarto. As usual, wala na naman si Tita. Puro mga house boy niya ang natira dito sa mansyon. Nakapagtataka talaga kung bakit biglang yumaman ng ganito si tita. Masuwerte talaga ako at nandyan si tita kung hindi wala na akong matatakbuhan ngayon.
"Hoy boss Brat este Bret bakit tanghali ka na nagising?" Sigaw ni Epoy nang makita niya ako sa bakuran.
"Ikaw, bakit ka nagtatanong? Maglinis ka diyan wala kang karapatang kausapin ako." Masungit kong tugon at bumalik ako sa kusina.
"Suplado naman nito." Mahina niyang sabi pero nadinig ko pa rin.
Sumilip ako sa ref kung anong makakain. Nag-prito ako ng manok at iyon ang ginawa kong tanghalian kasama ang kaning lamig kagabi. Wala nang arte-arte, gutom na gutom na talaga ako.
"Anak ng burat naman oh. Bakit hindi ka nagsabi? Kami dapat ang nagluluto niyan." Pag-epal ni Epoy habang kumakain ako ng tanghalian. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain. "Salamat pala sa shout-out mo kagabi. Bakit doon mabait ka tapos sa personal hindi. Plastik ka boi?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit alam niya ang tungkol sa shout-out? Isa kaya siya sa mga viewers ko kagabi?
"You know my fcking account?" Pasigaw kong tanong.
"Oo. Bantay sarado ka namin. Hehehe." sabay kindat pa niya. Ibig sabihin nakikita niya rin 'yung mga kalat ko doon.
"You saw my d.....ck there?"
"Aba syempre." Tugon niya habang nagtitimpla siya ng juice. "Oh, boss. Kalma lang po tayo ha, h'wag masyadong masungit. Ah, sige ka baka lumiit 'yan."
"Ang sabihin mo maliit iyo." Tumayo ako pagtapos ko maubos ang nasa pinggan. Pagkatapos ay ininom ko ang baso ng juice na inalok niya sa akin. "Ang pangit ng pagkakatimpla mo. H'wag ka na magtimpla next time. Maghugas ka na lang. Hugasan mo 'yan." Inis kong sabi at saka ako umalis pabalik sa itaas.
Sa totoo lang hindi naman talaga masama ang lasa ng tinimpla niyang juice. It's just lagi lang talaga akong nababadtrip kapag lumalapit siya sa'kin. Ayaw na ayaw kong may lumalapit sa akin at pagkatapos ay iiwan din ako pagkalipas ng panahon. Sweet sa una pero sa huli ay iiwan ka at kakalimutan ka na lang. Nagtiwala ka sa kanya pero wala ring silbi, wala ring saysay.
Sure. Nasa tapat lang ako ng World Balance.
Around 3pm ako nakapunta sa mall at pansin ko ngayon na parang mas dumami ang mga tao. May event din na ginaganap sa gitna at marami ang manonood. Naalala ko na linggo pala ngayon at marami talaga ang namamasyal kapag ganito ang araw.
"Ang aga mo, ha." Ginulat ko siya mula sa likuran niya.
"Akala ko kung sino, si shades boy na naman pala." Natatawa niyang sabi. "Saan tayo?"
Nagpasya akong sa seaside kami tumuloy. Pero syempre bumili muna kami ng pagkain sa mall bago kami magtambay sa seaside. Sinabi ko sa kanya na paborito kong makita ang sunset.
"Naalala ko noong bata ako pre, lagi kaming nag ba-bike ni Dad tapos aabangan namin 'yung sunset dito tuwing linggo." Masaya kong pagsasalaysay habang nakatingin sa napakagandang tanawin. Mahangin dito at masarap ang simoy. Kitang-kita sa dagat na ito ang bundok sa kabilang dako.
"Baliktad tayo, noong bata ako sunrise lagi ang paborito kong tinitignan. Madalas kami sa cultural center nag jo-jogging noon ni Daddy." Bigla siyang napatingin sa shades ko. "Tanggalin mo kaya 'yan boi? Paano mo masisilayan ang ganda ng sunset kung naka suot ka ng ganyan? Para kang timang." Asar pa niya.
Napilitan ako at dahan-dahan kong tinanggal ang shades habang nakatingin sa kanya. "Sorry."
Ilang segundo niya akong tinitigan bago muli nakapagsalita. "Sabi na may hitsura ka eh." Nakangiti niyang sabi. "Pero namumukhaan kita eh. Diba ikaw 'yung sa-"
"Kelangan ko nang umalis." Agad kong sabi at sinuot ang shades.
"Huh? Teka sandali wala pa 'yung sunset ah?"
"Ah hindi na siguro-" aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong pinapabalik. Nakakahiya naman sa mga tao dahil baka kung ano ang isipin nila samin kaya naman bumalik nalang ako.
"Ano bang problema, kriminal ka ba? Bakit ka ba nagtatago? Dati kabang adik o kakalaya mo lang sa preso kaya ka nagtatago." Sunod-sunod niyang pagtatanong. Hindi ko siya sinagot at binaling ko ang tingin ko sa kabilang dulo. Bigla niyang hinablot ang shades ko at itinapon sa dagat.
"Bakit mo ginawa 'yun?" Inis kong sabi.
"Para malaman ko ang totoo." Ngumisi siya. Nakakainis pero ngumiti na lang din ako. Kinakabahan ako dahil baka may makakilala sa akin. Delikado ako ngayon.
"S-San mo ba ako nakilala?" Nauutal kong tanong.
"Sa reunion." Mabilis niyang tugon.
"Sa reunion?" Napakunot ang noo ko.
"Oo. I guess bata pa tayo noon. Sigurado akong ikaw ang nakita ko. Nanahimik ka lang noon sa isang sulok habang nagsasaya ang mga kamag-anak natin na nagtitipon-tipon." Pagsasalaysay niya habang nakatingin sa kung saan.
"M-Magkamag-anak tayo?" Mas lalo pa akong nautal at napalunok na din ako.
"Siguro." Lumingon siya sa'kin. "Pero hindi ko na maalala ang pangalan mo. Or I guess never ko talaga narinig. Ang suplado mo kasi noong bata. Niyaya ka namin maglaro tapos natulog ka lang." Sinuntok niya ako sa braso.
Naalala ko nga ang lahat. Naiinis ako noong panahon na 'yon. Napunta ako sa lugar na maingay tapos hindi ko pa kilala ang mga tao kaya naman itinulog ko na lang ang maghapon. Natatae pa ako pagkauwi dahil sa sobrang dami kong nakain.
"Sorry, ang sama ko. Pero ang alam ko mag pinsan tayo. 'Yun kasi palagi ang sinasabi nila Daddy, makipaglaro daw ako sa mga pinsan ko na kaedad ko."
Natawa siya. "Ang laki mo na" tinapik niya ako.
"Ikaw din." sabay akbay sa kanya at nagtawanan pa kami.
Pauwi na kami ngayon at sobrang nakontento na ako ngayong araw. Nakita ko ang sunset plus nakapag-bonding kami ng pinsan ko. Nakakatuwa nga dahil namiss ko ang ganito. Sobra ksi kaming naadik sa sugal noon. Kaya eto sobra na akong nagsisisi.
"Talaga? Bakit kayo nakakapasok doon? Diba pag 21 lang 'yun?" Tanong niya.
"May kaibigan ako, anak siya nung may ari ng casino kaya nakakapasok kami kahit mga bata pa kami at saka isa pa mukha kaming mayaman." Tugon ko at napahinto kami sa paglalakad dahil may kung ano siyang nakita sa phone niya at bigla siyang napatingin sa akin.
"Ikaw ba 'tong hinahanap?"
Pinatingin niya sa'kin ang isang post sa f*******:. Post ito ni Daddy, hinahanap na nila ako. Nabasa ko pa ang mga komento na baka nakidnap na ako ng van at binenta ang organs ko.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Bakit ka lumayas sa inyo, men? Hindi mo ba alam na nagtataka na ang Dad mo?"
"Oo alam ko pero sana mapagkatiwalaan kita. Nagawa ko lang naman 'yun dahil..... nabaon ako sa fcking utang na 'yan. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera kaya hindi na muna ako nagpakita sa kanila. Ayoko maging pabigat sa pamilya." Pagpapaliwanag ko.
"Sa ginagawa mo ba hindi ka nagiging pabigat? Tara, iuuwi kita sa inyo." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ayoko, bitiwan mo ako." Natulak ko siya nang malakas dahilan para matumba siya sa kalsada. "Hindi pa ako handa." Tinulungan ko siyang makatayo.
"Bakit? Utang lang 'yon puwede mo namang bayaran. Magkano ba 'yon, gusto mo si Dad muna ang magbayad? O gusto mo ako na lang?" sabay labas niya sa kanyang pitaka.
"Hindi maaari. Masyadong malaki. Basta hindi pa ako handa. Bukas, pag-iisipan ko nang mabuti. Magkita ulit tayo sa Roxas Boulevard okay?" Paalam ko sa kanya at nagmamadali akong suotin ang hood ng jacket ko para matakpan ang mukha ko. Hindi ko na nahintay ang sasabihin niya dahil agad akong sumakay ng jeep.
Wag mong sabihin sa kanila na nakita mo ako, please. Just give me time.
Sure. Nag-aalala lang ako sa'yo. Saan ka ba natuloy ngayon?
Sa tropa ko. Sige na. Bukas ulit.
"Mukhang may love life na itong alaga ko, busy sa katetext." Pag-epal muli ni Epoy habang inaayos ang kuwarto ko. Nag-mop siya kanina at ngayon naman ay inaayos ang kama ko.
"Bilisan mo nga diyan. Ang bagal mo kumilos. Mas mabilis pa si kuya Raph sayo." Inirapan ko siya.
"Ang sungit talaga hahaha. O ayan tapos na." Aniya habang nakangiti.
"Alis na. Labas na, shoo." Taboy ko sa kanya.
"May araw ka rin." Aniya bago lumabas ng pinto.
Anong akala niya natatakot ako sa kanya? Hell no pag-umpugin ko pa silang lahat ng mga house boy ni Tita Joy.
Gawa kapa ng vid idol.
Ang daks mo naman po!
Puwede ba akong pumatong?
Sarap mo naman, Hudas!
Iyan ang mga komentong nababasa ko sa latest kong video na ini-upload. Nandidiri man ako pero alam kong matatapos din ito. Makakabalik din ako sa bahay nang tahimik pero hindi muna siguro sa ngayon dahil sa kulang pa ang naiipon kong pera.
Sobra ko nang namimiss ang pamilya ko. Ilang gabi na akong nalulungkot dito sa mansyon ni Tita. Walang kabuhay-buhay dito simula noong umalis na si kuya Raph. Boring na boring na talaga ako dito. Puro nalang si jun ang kalaro ko.
"Anooo?" Gulat na tanong ni tita. "Agad-agad kang aalis? Nagsisimula palang itong business natin."
"Opo tita. Kakamustahin ko lang ang pamilya tapos babalik pa rin ako sa paggawa ng mga vids. Namimiss ko na kasi sila."
"Siguraduhin mo lang, Brethart. Dahil kapag hindi ka bumalik alam mo na kung anong mangyayari. Ipapadala ko sa pamilya mo ang mga kalat mo kapag hindi ka tumupad sa usapan." Mataray niyang sabi.
"Opo tita. Salamat po."
Natakot ako sa sinabi ni Tita, paano kung malaman ng pamilya ko itong mga kalat ko. Matatanggap pa kaya nila ako? Mukhang hindi dahil mas lalo pa nila akong kamumuhian. Mas lalo akong magiging kahiya-hiya dahil wala silang alam sa mga pinaggagawa ko. Malaking pagkakamali itong pinasok ko kaya kailangan ko lumabas ng mabuti para hindi ako mapahamak.
Nandito na ako sa mall.
Bumungad ang mensahe ni Alfred sa paggising ko. Agad akong nagmadali na tumakas sa mga house boy ni Tita. Napakahigpit kasi ng mga 'yun kahit na ultimo pagtambay ko sa garden ay pinupintirya. Ilang minuto lang akong nakarating ng mall, mabuti na lang at naisipan kong mga grab para mas mabilis at shortcut ang daraanan. Hinahanap ko siya pero wala siya sa tapat ng kitaan namin.
Bakit wala ka dito sa World Balance?
Nasa parking lot ako. Pumunta ka na ASAP.
Nagtanung-tanong ako kung saan nakapuwesto ang kanilang parking lot. Napalinga-linga ako sa paligid dahil wala naman akong Alfred na mahanap.
Nasaan ka ba?
Nasa itim na kotse. Honda Acord.
Buwisit! Talagang pinahirapan pa ako ng Alfred na 'yon. Ilang minuto rin akong parang tanga na naghahanap ng kotse. Para tuloy ako naging magnanakaw dito.
"Kuya Brethart?"
Isang pamilyar na boses ang nakapagpalingon sa akin mula sa likuran ko. Halos wala akong masabi para akong napipi nang makita ko ang isa sa mahalagang tao sa buhay ko.
"Chi-Chiro?" Utal kong pagbanggit sa kanyang pangalan. "A-Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?"
"Ako ang kasama niya." Lumabas sa kotse ang kanina ko pang hinahanap na si Alfred. Nasa likuran ko lang pala 'yung kotse. "Tara na umuwi na tayo."
"Hindi. Ayoko." Tinalikuran ko silang dalawa. Ayokong makita ang mukha ni Chiro. Naaalala ko lang ang kasalanan ko. Ayaw ko na silang makita. Wala akong kuwentang tao. Hindi ko sila deserve na maging kapamilya dahil isa ako sa mga sumisira. Ako ang nagiging kahihiyan ng pamilyang Roeland.
"Umuwi ka na kuya, na-mimiss ka na ng pamilya." Malungkot na sabi ng kapatid ko. "Ilang linggo ka naming hinanap. Nasaan ka ba talaga, kuya? Bakit ka lumayas?"
Dahan-dahan ko silang nilingon habang napapaluha. "Pasensya na. Ikamusta mo na lang ako sa kanila. Sabihin mo, okay ako at nakita mo akong kumpleto pa rin ang katawan. Pakisabi sa kanila, babalik din ako. Hindi ngayon pero susubukan ko. Sige, paalam."
Kahit nagmamakaawa na ang kapatid ko sa pagtawag sa'kin hindi ko siya nagawang lingunin. Kulang pa ang pera ko, naisip ko na hindi pa ako handang kamustahin sila. Hindi pa ako handang bumalik sa kanila. Aayusin ko muna ang lahat ng ito.
Nagpunta ako sa banyo para doon ilabas lahat ng hinaing ko. Umiyak ako sandali at saka natulala sa salamin. Nakikita ko ngayon ang sarili ko. Ang inosenteng Brethart noon ay nababahidan na ngayon ng masama. Unti-unti na akong nahuhulog sa utos ni Tita at wala na akong kawala pa. Hindi ko nasabi sakanya na pagkatapos kong makaipon ng pambayad sa utang ko ay titigilan ko na ang pagpapakita ng sarili sa harapan ng mga manonood ko. Sobrang maling-mali itong pinasok. Mukhang mahihirapan akong makalabas dito.
"Brethart." Boses ng pamilyar na tao sa akin. Lumabas siya sa banyo. Gulat na gulat kami sa isa't-isa.
"Howard?" Halos malaglag ang panga ko nang makita ko siya ngayon at kaharap ko pa talaga.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagpapakita? Ah.... alam ko na, may utang ka nga pala sa'kin 'di ba?" Natatawa niyang sabi. "Handa ka na bang bayaran 'yon?" Napataas ang kilay niya at seryosong tumingin sa akin.
"Eh... Howard, matagal akong nawala kasi... Nagtatrabaho na ako. Lumayo ako sa pamilya ko kasi gusto kong bayaran ang utang ko sa'yo nang mag-isa. Hayaan mo pag nakaipon ako babayaran kita, please. Just don't tell them na nakita mo ako." Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamakaawa.
"Ano namang trabaho mo, aber?"
Bigla akong napaisip. Hindi ko naman puwedeng sabihin ang kalat na ginagawa ko kaya kailangan kong mag-isip.
"Nagbebenta ka na ng katawan?" Bigla niyang sabi at napahalakhak pa siya.
"Hindi. Service crew ako sa isang fast food kaya please atin lang sana itong utang ko."
"Sige, para hindi ka na mahigpitan. Babawasan ko na ang utang mo ng kalahati... kung... papayag ka na sumama sa akin?"
"S-Saan ba?"
Napilitan akong sumama kaysa naman lalo akong malagot. Napakamalas ng araw ko ngayon, nakita ako ng kapatid ko na si Chiro tapos ngayon nakita ko ang taong pinagkakautangan ko sa casino. Napakatanga ko, kung hindi sana ako lumabas at nakinig ako sa mga house boy. Sobrang maling-mali talaga ako.
Sumakay kami ng taxi at bumaba kami sa gate ng isang village. Mukhang sila ang may-ari nitong village. Napakayaman talaga nila Howard, hindi ko lubos na maisip na mabait pa rin ang pakikitungo niya sa akin kahit na ang laki ng pagkakautang ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay, maglalaro tayo. Sasamahan mo naman ako 'di ba?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Napapalunok nalang ako nang wala sa oras.
Umakyat kami sa taas ng isa sa mga bahay na naroon. Ang ganda ng paligid, napakatahimik. Masimoy ang hangin dahil sa napakaraming puno ang nakapaligid. Ano naman kaya ang lalaruin namin?
"Ang laki naman ng bahay niyo." ngumisi ako na para bang wala akong problemang dinadala.
"Yeah. Pero mas malaki pa rin ang utang mo sa'kin. Gusto kong bumawi ka sa akin." At bigla siyang naghubad ng damit. Ako naman ay napa-atras. "Kapag hindi ka pa sumunod sa gusto kong gawin, tataasan ko ang utang mo o di kaya gusto mong patumbahin ko ang pamilya mo?" Kinabahan ako sa sinabi niya.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang mga utos niya. Para akong naging isang alila. Wala na akong magagawa dahil huli na ang lahat. Sumama ako at napakatanga ko talaga. Hawak niya ang buhay ng pamilya ko kaya heto ako ngayon dapat pagbayaran ang mga kasalanan. Isa akong malaking kahihiyan.
"Halikan mo ako, halikan mo ang katawan kong putangina ka." Napapamura pa niyang sabi.
Ang una kong halik, mapupunta lang pala sa isang lalaki. Nakakasuklam pero kailangan ko itong gawin.